Chapter 3

1251 Words
MICHELLE Ring ring ring Psh! Ang aga-aga namang istorbo ng teleponong to. Inis na sinagot ko yung tawag. “Ano?”sigaw ko. “Wow, wala man lang hello?” natatawang sabi ng nasa kabilang linya. “Ang aga-aga Sam! Ano na naman bang kailangan mo?!” inis na sabi ko dito. “Sis, magpapasama sana ko sa mall.” “Sam naman! Alas-otso pa lang o, wala pang bukas na mall ngayon!” “Alam ko kasi kung gaano ka kabagal kumilos kaya ginising na kita” “Tss! O sige na! Magkita na lang tayo sa mall” Yun lang at pinatay ko na yung phone. Ibang klase talaga yung babaeng yon! Ang aga-agang mambulabog. Padabog akong bumaba ng hagdan. Ang pinakaayoko kasi yung binubulabog yung pagtulog ko! “Baby girl bat nakasimangot ka dyan?” nakangiting tanong sakin ng kuya ko. Sinamaan ko naman agad sya ng tingin. “Tingin mo bakit kuya? Bat hindi mo itanong sa gf mo?!” inis na sabi ko dito. Lalo naman itong natawa. “O ano na namang ginawa sayo ng bestfriend mo?” “Ang aga-aga kuya, tinawagan ako para ano? Para magpasama lang! bakit ba hindi ikaw yung tinawagan nya?!” “Baby girl ha, nagseselos na ko, mukhang mas mahal ka ni Sam kesa sakin ha” biro nito. Tinaasan ko sya ng kilay. Nagparaya na nga ako para sa kanilang dalawa diba? Ano pa bang inaarte nitong lalaking to? “Really kuya? Hanggang ngayon nagseselos ka pa rin sakin?” “Ikaw naman baby girl di ka na mabiro.” Sabay gulo ng buhok ko. “Kung gusto mo kuya ikaw na lang sumama sa kanya. Para matulog na lang ako ulit” Ngumiti naman ito sakin. “No baby girl, ikaw na yung sumama, ikaw yung tinawagan diba?” “Sige na sige na! Mag-aayos na ko at baka magtaray na naman yung babaeng yon pag na-late ako!” Halos 30 minutes na kong naghihintay dito sa loob ng mall pero wala pa din si Sam. Nakakainis lang talaga yung babaeng yon! Matapos akong gisingin ng maaga para hindi ma-late, sya naman yung wala pa hanggang ngayon! Inis na inis akong lumakad palabas ng mall. Hindi ko tuloy napansin na may makakasalubong pala ako kaya bigla kaming nagkabungguan. Aish! Malas talaga! “Leche naman o!” inis na sabi ko. “Excuse me?” mataray na tanong ng nakabangga ko. Noon ko lang sya tiningnan. HOLY COW! Nanlaki yung mata ko. Ang ganda. Ang ganda-ganda ng babaeng nakabunggo ko. Kahit nakasimangot , sya na yata yung pinamagandang babaeng nakita ko. Nakatitig lang ako sa kanya habang nagsasalita. “Hoy Miss!” taray nya sakin. Ngumiti naman ako agad. “Miss sorry ha, hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko eh, nasaktan ka pa tuloy” nakangiting sabi ko dito. Bigla nya kong tinaasan ng kilay. “So kanina, nile-leche leche mo ko tapos bigla kang magsosorry dyan?” mataray pa ring sabi nito. Shoot bakit ba hindi ko maialis yung tingin sa kanya? Magsalita ka Michelle, magsalita ka! “Ahm” sasagot pa sana ako ng biglang may humila sakin. “Andito ka lang pala Mich, kanina pa kita hinahanap!” nakasimangot na sabi ni Sam. “Hoy babae ka! Halos 30 minutes na kong naghihintay sayo dito ngayon ka lang dumating!” “Diba sabi ko dun mo ko sa kabilang entrance hintayin!” mataray pang sabi nito. “Wait lang Sam ha.” Paglingon ko, wala na yung babaeng nakabunggo ko. Malas talaga! Etong babaeng to kase epal! Pano kung hindi ko na sya makita? Kailangan ko syang mahanap. Hay, tinamaan ako ng pana ni kupido. CASSY’S POV: Pag minamalas ka nga naman! Ang aga-aga akong pinapunta nung Joel dito sa mall tapos may makakabangga pa ko. Sabihan ba naman ako ng leche. Impaktang babae yon ha! Wag na wag ko lang syang makikita ulit. Ang ganda-ganda pa mandin nya tapos ganun sya magsalita! Ugh! Nakakabwisit sya!! “Oy ate! Ang aga-aga nakasimangot ka dyan!” natatawang sabi sakin ni Pam. “Alam mo naman kung bakit diba?” masungit na sabi ko dito. “Nagsorry naman sya sayo diba? Nagsmile pa nga eh.” “Pero sinabihan nya ko ng leche!” “Ang oa mo ate! Hindi naman nya sinasadya ah!” “Kahit na! nasaktan pa rin ako” “Ay sus ate! Pero infairness ha, ang ganda nya ate, mas maganda sayo” sabi pa nito “So? Dahil maganda sya, hindi ko na dapat sya sungitan? Ganun ba yon ha Pamela?” “Bahala ka na nga ate, ang hirap mong kausap” Inirapan ko lang sya. Noon may lumapit sa aming lalaki. “Ms Cassandra Reyes?” tanong nito sakin. Agad ko naman itong tiningnan. “Ako nga, bakit?” mataray na sabi ko. “Whoa, totoo pala yung sabi nila” nakangiting sabi nito. “Na?” nakataas pa rin ang kilay ko. Ang FC naman nitong lalaking to ha! “Maganda ka nga, pero mataray” sabi pa nito. “Hoy mister! Wala akong panahong makipag-usap sayo dahil may hinihintay akong kliyente! Tsupi!” pagtataray ko dito. Lalo naman itong natawa. “Joel Marquez” pakilala nito. “Oh! Hi Mr Marquez, I’m Pamela Reyes, kapatid nitong babaeng mataray na to. pasensya ka na ha, ganyan lang kasi talaga si ate” Ngumiti naman si Joel. “It’s ok Pamela. Sanay na ko sa matataray na babae.” “Is it Michelle?” nakangiting sabi pa ni Pam. “Yeah, pag nakilala nyo sya, susuko kayo sa katarayan nya” natatawang sabi pa nito. “Mr Marquez, never akong sumuko sa kliyente” malumanay na sabi ko. “I know Ms Reyes, kaya nga kayo yung nirecommend ko sa parents ni Michelle eh” “So, anong dahilan kung bakit hindi ka nya magustuhan? Gwapo ka naman, mukha namang mabait, at mayaman” derechong tanong ko dito. “Oo nga naman Joel, nasayo na lahat ng pwedeng gustuhin ng isang babae sa lalaki o” komento naman ni Pam. Mapait itong ngumiti. “Pero hindi si Michelle. Kase babae din yung gusto nya” malungkot na sabi nito. Nanlaki naman yung mata ko. “WHAT??!!” sigaw ko dito. Nagulat naman ito. Napatingin din samin halos lahat ng tao sa coffee shop. Napatungo naman ako sa kahihiyan. “Sorry Joel ha, may pagka-homophobic kasi yang si ate eh” hinging paumanhin ni Pam. “Oh, so that explains the reaction” natatawang sabi nito. “Mr. Marquez, bakit hindi nyo nilagay sa files na binigay nyo sakin na lesbian pala yung Michelle na yon? Kung nalaman ko agad yon, hindi ko na dapat tinanggap tong trabahong to” mataray na sabi ko dito. Gahd! Makikipagtrabaho ako sa lesbian? NO!!! “Hindi sya lesbian Cassandra, bisexual sya.” “Pareho lang yon! So anong gusto mong gawin ko para mainlove sya sayo?” “Well, trabaho mo yan Cassandra, babayaran ka namin kahit magkano” “No! sorry pero hindi ko matatanggap tong trabahong to” sabay tayo ko sa upuan. “So may sinusukuan din naman pala si Ms Cassandra Reyes?” narinig kong sabi nito. Oh now he’s challenging me. Fine! I’ll do everything para mainlove yung Michelle na yon sa lalaking to. “Fine Mr Marquez. I’ll see you tonight” nakita kong napangiti naman ito. Dere-derecho akong lumabas ng coffee shop.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD