MICHELLE
“San ka pupunta?” tanong sakin ni Sam. Nagreready na kasi ako para sa walang kakwenta-kwentang dinner namin ni Joel.
“Dinner” walang ganang sagot ko.
“At sino na namang babae yan?” nakataas ang kilay na sabi nito.
“It’s none of your business Sam” mataray na sabi ko dito.
“Bestfriend mo ko diba?”
“Yun na nga eh, bestfriend lang kita. So hindi mo kailangang malaman lahat-lahat!”
“Bat galit ka agad? Ano bang problema mo?”
“Ikaw ang may problema Sam. OA ka kase!”
“Nagtatanong lang ako” malumanay na sabi nito.
“Fine! Hindi babae yung ka-dinner ko, si Joel” sagot ko dito.
Lalo namang tumaas ang kilay nito.
“So nagbago na naman preference mo?”
“Pinagbibigyan ko lang sila mama.”
Tumango-tango naman ito.
“Pwedeng sumama?”
“What? Pwede ba Sam, tantananan mo ko ng ka-OA-yan mo ha! Hintayin mo na lang dyan si kuya tapos sa kanya ka makipagdate.”
Yun lang at tinalikuran ko na sya. Sumosobra na kasi yung babaeng yon. Minsan tuloy naisip ko na ako talaga mahal nya at hindi si kuya eh. Mas protective at mas selosa sya pagdating sakin. Naiiling na lang akong sumakay sa kotse ko.
CASSY
“Ready ka na Joel?” tanong ko sa lalaking kaharap ko.
Kinakabahang tumingin naman sya sakin.
“Pwede ba Joel wag kang kabahan! Akong bahala sayo. Trust me ok? Hindi matatapos tong gabing to, maiinlove yan si Michelle” sabay kindat ko sa kanya.
“Sana nga Cassandra, sana nga. Mahal na mahal ko kasi talaga sya eh” malungkot na sabi nito.
Tinapik-tapik ko naman sya sa balikat.
“Anong favorite song nya? Wala dun sa files eh ” tanong ko dito.
“At the beginning” sagot naman nito.
Tumaas naman ang kilay ko.
“Sa isang lesbian ha, medyo hindi ata kapani-paniwalang yun yung paboritong kanta nya”
“Yun talaga! Bata pa lang kami gusto na nya yun. At hindi sya lesbian, bisexual sya.
I can’t believe this! Pareho talaga kami ng paboritong kanta.
“May pagkakaiba ba yon?” medyo inis na tanong ko. Pag talaga usapang homo-homo nawawala ako sa mood.
“Wala ka talagang alam tungkol sa mga tulad nila no?”
“At wala akong planong alamin ang kahit anong tungkol sa kanila. Kadiri kasi sila” mataray na sabi ko.
Iiling-iling lang ito habang nakangiti.
“Alam mo dapat medyo buksan mo yung isip mo sa mga katulad nila. Tao din naman sila, nasasaktan din lalo na pag pinandidirihan.”
“Pwede bang wag na lang nating pag-usapan yan? Nakakawalang gana lang Joel."
“Ikaw bahala. Sana lang, bigyan mo ng pagkakataon yang sarili mo na baguhin yung tingin sa mga katulad nila.”
Narinig kong sabi nito bago ko sya talikuran.
“Whatever!” sigaw ko naman sa kanya.
Takang tiningnan naman ako ni Pam.
“O ate, problema mo?”
“At the beginning daw” naiinis na sabi ko.
“Ha?”
“At the beginning daw paborito nyang kanta”
Napangiti naman si Pam.
“Oh! Eh di hindi ka na mahihirapan. Tingnan mo nga naman, pareho kayo ng paboritong kanta. Ang cute” komento nito.
“Really Pam? Sa isang tomboy?” inis na sabi ko dito.
“Ate pwede ba irespeto mo naman yung mga tulad nila! Wala silang ginagawang masama sayo”
“Pero mali yung ginagawa nila!”
“Ewan ko sayo ate! Ang kitid ng utak mo! Dun ka na nga sa stage, padating na daw si Michelle”
Nagkibit balikat lang ako bago umakyat sa stage.
MICHELLE’S POV:
Pagpasok ko pa lang sa restaurant, narinig ko na agad yung kanta. Hmm, in fairness maganda yung boses nung kumakanta. Naeexcite tuloy akong makita kung anong itsura nya.
We were strangers, starting out on a journey
Never dreaming, what we'd have to go through
Now here we are, I'm suddenly standing
At the beginning with you
Habang papalapit ako, napansin kong nakangiti si Joel sa may harap ko. Napangiti naman ako sa kanya dahil nadala na rin ako ng kanta at ng boses ng babaeng kumakanta.
No one told me I was going to find you
Unexpected, what you did to my heart
When I lost hope, you were there to remind me
This is the start
Whoa! In fairness kay Ate ha, kahit pangduet yung kanta, nakakaya nya kahit mag-isa lang sya. Nagulat na lang ako ng bigla akong makarinig ng malakas na tunog na parang t***k ng puso. Kinapa ko agad yung dibdib ko, hmmm, wala naman. Kay Joel kakabog yung dibdib ko? Imposible.
And life is a road that I wanna keep going
Love is a river, I wanna keep flowing
Life is a road, now and forever, wonderful journey
I'll be there when the world stops turning
I'll be there when the storm is through
In the end I wanna be standing
At the beginning with you
Lumapit na din si Joel sakin at niyaya ako sa gitna.
“May I have this dance?” nakangiting tanong nito.
Napatango na lang ako. hinihintay ko kasing lumingon yung babaeng kumakanta pero nakatagilid lang sya samin.
We were strangers, on a crazy adventure
Never dreaming, how our dreams would come true
Now here we stand, unafraid of the future
At the beginning with you
And life is a road that I wanna keep going
Love is a river, I wanna keep flowing
Life is a road, now and forever, wonderful journey
I'll be there when the world stops turning
I'll be there when the storm is through
In the end I wanna be standing
At the beginning with you
Knew there was somebody, somewhere
A new love in the dark
Now I know my dream will live on
I've been waiting so long
Nothing's gonna tear us apart
And life is a road that I wanna keep going
Love is a river, I wanna keep flowing
Life is a road, now and forever, wonderful journey
I'll be there when the world stops turning
I'll be there when the storm is through
In the end I wanna be standing
At the beginning with you
In the end I want to be standing
At the beginning with you...
Pagkatapos ng kanta, niyaya ako ni Joel papunta sa babaeng kumakanta. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Eto, totoong kabog na ng dibdib ko yung naririnig ko.
“Michelle, I want you to meet the famous matchmaker, Cassandra Reyes” pakilala ni Joel. "Ms Cassandra, meet my friend, Michelle Padilla"
Noon lang humarap samin yung babae. Biglang nanlaki yung mata ko. Yung babaeng kanina pa gumugulo sa isip ko, nandito ngayon sa harap ko. Nakita kong nanlaki din ang mata nya ng makilala ako.
“IKAW?!” sabay na sabi naming dalawa.