CASSY
“Ok ka na ba ate?” nag-aalalang tanong ni Pam.
Tumango naman ako dito.
“Kanina pa tumatawag si Kuya Gerald, gusto ka daw makausap”
“Wala ng dapat pag-usapan Pam. Tapos na samin lahat”
“Pero ate”
“Pam, ok na ko, wala akong magagawa dahil mas importante talaga sa kanya yung nnay nya.”
“Pero ate mahal ka nya”
“Sinabi nya sayo?”
Umiling naman ito.
“Wala kang alam Pam kaya please lang, wag mo ng ipilit sakin na ayusin namin to ni Gerald.” Malamig na sabi ko dito.
Tumango lang ito.
“Sino nga palang susunod na kliyente? Nasabi na ba sayo nung kaibigan mong bading?”
“Ate may pangalan yung kaibigan ko na yon, Gabby ate, Gabby”
“Whatever. So sino na nga yung kliyente”
Inirapan nya lang ako.
“Pamela isa!”
“Oo na!”galit na sabi nito. “Eto Mr And Mrs Padilla. Yung anak daw nilang si Michelle Padilla, kailangan mong i-set up dun sa anak ng partner nila sa company.”
“So fixed marriage na naman?”
“Malamang ate. So kelan natin to sisimulan?”
“Akin na yang folder”
Kinuha ko na yung folder kay Pam at pinag-aralang mabuti yung profile ng susunod kong imamatch.
MICHELLE
“Pwede ba Ma! Wag nyo kong baguhin! Eto na ko, at kahit kelan hinding-hindi ko mamahalin yang si Joel!” Naiinis na ko! Pinipilit na naman nila sakin si Joel, alam naman nila kung ano talaga yung preference ko.
“Hija, naisip lang kasi namin baka confused ka lang kase puro babae yung lagi mong kasama”
“Ma, confused? Matagal ko ng sinabi sa inyo, hindi ako interesado sa lalaki! Babae ang gusto ko Ma, babae!”
“Anak naman, kahit eto lang please. Pagbigyan mo na kami, gusto lang naman namin ng daddy mo na maging maayos ang buhay mo”
“Ma, hindi magulo yung buhay ko.”
“Anak, bigyan mo lang ng pagkakataon si Joel. Kung wala talagang mangyayari dito, sige susuko na kami ng daddy mo. Hahayaan ka na namin kung san ka masaya”
Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.
“Fine Ma. Pero last na to ha.”
Yun lang at umakyat na ko sa kwarto ko.
Hindi ko lang talaga sila maintindihan. Sabi nila tanggap nila kung ano talaga ko, pero pilit pa rin sila ng pilit na mapalapit ako kay Joel. Gwapo naman si Joel eh, mabait, magalang, sweet, at responsableng lalaki. Siguro halos lahat ng babae, sya yung papangarapin na mapangasawa. Maliban sakin.
Ako nga pala si Michelle Padilla, anak nung babaeng kausap ko kanina. Well, tulad ng sinabi ko kanina kay Mama, babae yung gusto. BI ako, nagkaron din naman kasi ako ng boyfriends dati eh, di lang talaga nagclick kasi nga mas naattract ako sa mga babae.
Matutulog na sana ako ng biglang magring yung phone ko.
“Hello Michelle” narinig kong sabi ng nasa kabilang linya. Ano na naman bang gusto nitong lalaking to? talagang panira ng araw eh!
“O ano yon?” walang ganang sagot ko dito.
“Nasabi na ba sayo ng Mama mo?”
“Oo Joel! Yun lang ba itatanong mo?”
“Ok lang ba sayo?”
“Gusto mong sagutin ko yan?“
“Oo”
“Fine! Hindi ok sakin Joel dahil kahit kelan hindi kita magugustuhan! Alam mo kung anong gusto ko Joel pero hindi ko alam kung bakit pinipilit nyo kong magustuhan ka.” Mataray na sabi ko dito.
“I’m sorry Mich. Sumusunod lang ako sa utos”
“Oh c’mon Joel, ako pa ba lolokohin mo? Hindi mo naman gagawin yan kung hindi mo gusto diba? Alam ko kung ano yung nararamdaman mo para sakin, pero sorry, hinding-hindi ko masusuklian yon. Dahil babae ang gusto ko Joel, babae!”
Biglang tumahimik sa kabilang linya.
“Ibababa ko na to ha!” inis na sabi ko.
“Mich wait! Bukas nga pala, magkita tayo sa restaurant nila Cassandra, itetext ko na lang sayo yung address” tumaas ang kilay ko sa sinabi nito.
“So hindi mo ko susunduin dito? At sino ba yang Cassandra na yan?”
“Sabi ng mama mo, wag na daw kitang hintayin eh. Basta text ko na lang sayo kung san yung resto”
“Fine” yun lang at pinutol ko na yung usapan. Nakakainis lang talaga!
Kalma lang Michelle, pagkatapos nito, titigilan ka din nila.