Prologue
CASSY
"Michelle tigilan mo na ko please!" inis na sabi ko dito.
"I like you Cassy. No, I love you" narinig kong sabi nito.
Kinilabutan naman ako sa sinabi nya.
"Pwede ba Michelle! Kahit kelan, hinding-hindi ako magkakagusto sa mga kagaya mo!" sigaw ko dito.
"Bakit?"
"Dahil ang babae, para sa lalaki lang Mich! Hindi tayo pwede dahil pareho tayong babae!"
"Pero mahal kita Cassy"
"Ayoko sayo!!"
"Gagawin ko lahat para mahalin mo din ako"
"Hinding-hindi mangyayari yon! Hinding hindi kita papatulan!" ang kulit!
"Isang chance lang please Cassy" pagmamakaawa nito.
Umiling lang ako. Kelan ba matatanggap ng babaeng to na kahit kailan, hinding-hindi ko sya magugustuhan dahil ayoko sa mga katulad nya. Hindi ba sya nandidiri na pareho kaming babae? Nakakakilabot sya ha! Kahit kelan, hindi ko pinangarap na magkaroon ng girlfriend! Yuck lang!
Nagulat ako ng makitang papalapit sya sa akin. Kinabahan ako nang makitang blangko ang ekspresyon ng mga mata nya. Umatras-atras ako habang papalapit sya sakin. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko ng mapansin na nakasandal na ako sa pader habang papalapit pa rin sya.
"A-anong gagawin-----"
Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil marahas nya kong hinalikan sa labi. Nanlaki ang mata ko sa ginawa nya. Nagpumiglas ako at pilit kumakawala sa pagkakahawak nya pero malakas talaga sya. Pilit ko syang itinutulak pero mas lalo nyang inilalapit ang katawan nya sa akin. Ang kaninang marahas ng halik ay biglang naging maalab, nagulat ako dahil nararamdaman ko na gumaganti na ako sa mga halik nya.
"Cassy" bulong nya sakin habang patuloy pa rin sa paghalik sa akin.
Noon ako biglang natauhan. Mali to! Sinampal ko sya at itinulak ng malakas.
"Umalis ka na Michelle, bago pa kita ipakaladkad sa gwardya!! " sigaw ko sa kanya.
Lalapit pa sana sya sakin pero pinigilan ko sya.
"Michelle please umalis ka na! Nagmamakaawa ako" naiiyak na sabi ko sa kanya.
"Cassy mahal kita"
"Hindi kita mahal! Kaya please lang iwan mo na ko. At ayoko ng makita yang pagmumukha mo!!" sigaw ko dito.
Natigilan sya sa sinabi ko at malungkot na tumango.
"I'm sorry. Mula ngayon, hindi na ko magpapakita sayo" mahinang sabi nya bago tuluyang lumabas ng pinto.
Nanghihinang napaupo na lang ako sa sahig. Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng kirot sa sinabi nya.
I can't believe this! Hinayaan kong halikan ako ni Michelle, and instead na pigilan ko sya, tumugon pa ko sa halik nya. At ngayon, nasasaktan ako dahil sinunod na nya yung gusto ko!
Wala sa sariling napahawak ako sa labi ko.
I hate her! I hate her so much!
But I hate myself dahil naapektuhan ako sa halik na yon.
At natatakot akong aminin sa sarili ko na nahuhulog na ako sa taong kahit kailan ay hindi ko pinangarap na mahalin.