Chapter 1

1448 Words
CASSY “Pam! Bilisan mo naman dyan! Dadating na si Carla!” naghahanda kami ngayon para sa dinner nila Carla at Luis. Parents nila yung bago kong kliyente ngayon. Kailangan daw kasing mainlove si Carla kay Luis para pumayag ito sa fixed marriage para sa pagmemerge ng companies nila. Uso pa pala ngayon yung mga fixed marriage na yan. Kahit kelan, never akong naniwala sa ganon. Ang sakin kase, kung magpapakasal ka, dapat dun sa taong mahal mo. Hindi dun sa taong gusto ng magulang mo para sayo. Oh well, kaya nga ako nandito diba? Para mainlove sila sa isa’t-isa. Ako nga pala si Cassandra Reyes, Cassy for short. Isa kong matchmaker. Masaya naman ako sa ginagawa ko. At least, natutulungan ko yung iba na mahanap yung tamang tao para sa kanila. At isa pa, bayad ako dito. Mahirap na masarap tong trabaho ko. Mahirap, kase kailangan mo talagang gumawa ng paraan para mainlove sa isa’t-isa yung mga kliyente mo. Minsan nga meron akong naging kliyente na bata pa lang magkaaway na. Grabe lang, nahirapan talaga kong imatch yung dalawang yon. Tapos meron namang mas matanda ng 15 years yung lalaki kesa dun sa babae. Andami kong ginawang paraan don para sagutin lang nung babae si tatang! Pero masarap naman yung feeling kapag nakita mo na masaya sila sa isa’t-isa. Masaya sila kase nahanap na nila yung taong magmamahal sa kanila ng totoo. “Ate Cassy!” kulbit sakin ni Pam. “Ok na ba yung pinapagawa ko sayo?” tanong ko sa kanya. Tumango naman ito. “Ay nga pala ate, si Gabby---“ Hindi ko na sya pinatapos. “Sabihin mo sa baklang yon, wala akong pakialam sa kanya! Gawin nya kung anong pinapagawa ko sa kanya pero wag na wag nya kong kakausapin” galit na sabi ko. “Eto na naman po sya. Lumabas na naman yang pagiging homophobic mo ate” reklamo sakin ni Pam. Sa totoo lang, hindi naman talaga ko homophobic. Galit lang ako sa mga bading kasi nga yung first boyfriend ko, pinagpalit ako sa mga matandang bading. Hello?! Tong ganda kong to, mas pinili nya sakin yon? At saka naniniwala kasi ako na ang babae para lang sa lalaki, hindi pwedeng babae sa babae tapos lalaki sa lalaki. Hindi ba sila nandidiri don? Pag nakakita kasi ako ng same s*x na naglilingkisan, kinikilabutan ako. Tumatayo lahat ng balahibo ko. “Basta, sabihin mo ayoko syang kausapin tapos!” sabi ko dito sabay lapit kay Luis. “Hello lover boy” nakangiting bati ko dito. “Ms Reyes” sabi naman nito. “Cassy na lang, masyado ka namang pormal” “Kinakabahan kasi ako eh. Papano kung hindi pa rin nya ko magustuhan?” “Wala ka bang tiwala sakin?” sabay kindat ko sa kanya. Napangiti naman agad ito. “Bakit nga ba ako kakabahan eh si Cassandra Reyes yung kasama ko ngayon at tutulong sakin para mahalin ako ni Carla” nakangiting sabi nya. “O sige check natin kung ok na ha! Favorite flower? Check! Favorite food? Check! Red carpet? Check? Favorite song? Check! Drums? Check!” sabi ko dito. “Ahm Cassy, para san yung drums?” takang tanong nito. “Para yan sa tunog ng t***k ng puso nya. Para akalain nya, malakas talaga yung kabog ng dibdib nya” paliwanag ko dito. “Hindi ba nya mahahalata yon?” “Trust me lover boy. Akong bahala dyan.” “Ate nandyan na daw sa labas si Carla” sigaw ni Pam. Agad naman akong umakyat sa stage. Ako kasi yung kakanta ng favorite song ni Carla. Ni-research ko pa yun ng bongga ha. O diba? Hindi na ko umarkila ng ibang singer, sayang lang yung bayad sa kanila, mapapagtyagaan naman yung boses ko. Habang papalapit si Carla, nakatitig lang sa kanya si Luis. Sinimulan ko na din kantahin yung kanta nila. Lying here with you Listening to the rain Smiling just to see the smile upon your face These are the moments I thank God that I'm alive These are the moments I'll remember all my life I found all I've waited for And I could not ask for more Looking in your eyes Seeing all I need Everything you are is everything to me These are the moments I know heaven must exist These are the moments I know all I need is this I have all I've waited for And I could not ask for more Habang naglalakad si Carla, nakatingin lang din sya kay Luis. Yung para bang silang dalawa yung nasa loob ng restaurant ngayon. Habang nakatingin sa kanilang dalawa, hindi ko rin mapigilan na ngumiti dahil alam kong successful na naman ang plano ko. At gaya ng sinabi ko kay Luis kanina, isinayaw nya si Carla. Nakangiti pa rin sila habang nakatitig sa isa’t-isa. I could not ask for more than this time together I could not ask for more than this time with you Every prayer has been answered Every dream I have's come true And right here in this moment is right where I'm meant to be Here with you here with me These are the moments I thank God that I'm alive These are the moments I'll remember all my life I've got all I've waited for And I could not ask for more I could not ask for more than the love you give me 'Coz it's all I've waited for And I could not ask for more I could not ask for more Pagkatapos ng kanta ay nakita kong nagthumbs up sakin si Luis. Agad akong bumaba sa stage at iniwan sila sa loob. Sumunod naman agad sakin si Pam. “Ate, ang galing mo talaga! Success na naman ah!” nakangiting sabi nito. Ngumiti naman ako dito. Hindi ko alam pero habang pinapanood ko silang sumasayaw kanina, hindi ko mapigilang maisip na ako kaya, kelan ko mahahanap yung ka-match ko? Yung taong para sakin talaga. Yung taong mamahalin ako kung ano talaga ako. Bakit yung iba tao natutulungan kong mahanap yung right person para sa kanila, pero ako eto, naghahanap pa rin. “Hi babe” nagulat ako ng biglang may humalik sa pisngi. Napatingin naman ako dito. Ay oo nga pala, may boyfriend nga pala ko ngayon. Ang tagal kasing hindi nagpakita, akala ko bumalik na sa sinapupunan ng nanay nya. “O Gerald, naligaw ka ata” sarcastic na sabi ko dito. “Babe naman, wag ka ng magtampo, si mama kasi eh, kailangan lang nya ko ngayon” “Ok” matabang na sabi ko dito. “Gusto mo dinner tayo ngayon?” nakangiting tanong nito. “Kasama ko yung kapatid ko eh Ge, saka na lang siguro” “Ate ok lang ako, una na lang ako. Ako na lang magddrive. Enjoy na lang kayo ni Kuya Gerald” “Thanks Pam” sabi ni Gerald. Pagkaalis ni Pam ay agad akong inakay ni Gerald papunta sa kotse nya. Paalis n asana kami ng biglang magring yung phone nya. Alam ko na agad kung sino yung tumatawag, parang alam ko na yung susunod na mangyayari. Lumapit agad sya sakin pagkatapos nyang kausapin yung tumawag sa kanya. “Babe, ano kase” “Hindi tayo tuloy?” matabang na sabi ko. Ilang beses na ba nya ginawa sakin to? sanay na sanay na ko at sawang-sawa na ko. Wala namang problema sakin kung sasamahan nya yung mama nya eh, ang sa akin lang naman, isipin naman nya na may girlfriend sya. “Kailangan daw kasi ako ngayon ni Mama” sabi nito. “Ok lang naintindihan ko. Uuwi na ko. Papabalikin ko na lang si Pam.” “Sorry babe” “No, ok lang Gerald, sanay na ko. At pagod na rin ako. Tigilan na lang natin to” Natigilan sya sa sinabi ko. “Babe?” “Hindi ko na kaya Gerald. Pagod na pagod na kong intindihin ka. Wala namang problema sakin kung iprioritize mo yung mama mo kesa sakin eh. Pero sana lang, naiisip mo na kailangan din kita, na kailangan ko ring maramdaman yung pagmamahal mo.” “Babe I’m sorry. Pwede naman nating ayusin—“ “No! Tapos na tayo. Ayoko na. Dun ka na lang sa nanay mo.” “Babe” Lalapit sana sya sakin pero tiningnan ko sya ng masama. Tinawagan ko si Pam. “Hello Pam, balikan mo ko dito. Ngayon na” “Umalis ka na Gerald, hinihintay ka na ng mama mo” malungkot na sabi ko dito. Malungkot na sumakay ito sa kotse. Pag-alis na pag-alis nya, saka bumuhos yung mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD