Hanggang sa pagtulog ay napanaginipan ko ang nangyaring kahihiyan na ginawa ko kagabi sa harap ng mga kaibigan ng amo kong masungit. Imbes tuloy may maganda akong panaginip ngayon ay wala. Nagising tuloy ako na puro stress sa katawan.
“Hays! Grabe, hindi ako nakatulog ng maayos. Bwiset kasi ang amo ko na ‘yun. Bakit ako ang ginawang tagabantay habang umiinom sila!” Bumangon ako para maligo dahil aalis kami ngayong umaga. Hindi ko alam kung saan pa siya nakakakuha ng enerhiya para magawa pang umalis ngayon samantalang lasing siya kagabi.
Nang matapos akong maligo ay lumabas na ako. Nakita ko si Aling Josie na maagang nagising para magluto ng almusal.”
“Rain, mabuti naman at gising ka na, kanina ka pa hinihintay ni Sir Joseph.”
“Alam n’yo Aling Josie, feeling ko talaga may gusto sa akin ang amo natin.”
Hindi kumibo si Aling Josie sa halip ay ipinagpatuloy ang pagluluto. Nagtimpla naman ako ng kape.
“Aling Josie, bakla ba si Sir Joseph?”
Huminto sa pagluluto si Aling Josie at pinanlakihan ako ng mata. Hindi naman ako nagpaawat hindi naman niya maririnig ang sasabihin ko.
“Ang daldal niya kagabi nang malasing tapos sayaw nang sayaw. Nakakadiri kung sumayaw parang bulate na nilagyan ng asin.”
“Rain..” pabulong ni Aling Josie.
Napansin kong nakatingin si Aling Josie sa likuran ko kaya humigop muna ako ng kape tapos tumingin ako sa likuran ko. Nakita ko si Sir Joseph na matalim ang tingin sa akin. Sa gulat ko at nabuga ko ang kape sa mukha niya.
“f**k!” sigaw niya.
“S-Sir Joseph!” nataranta ako.
Sa sobrang gulat ko, hindi ko alam kung paano pakakalmahin si Sir Joseph.
“S-Sorry po.” Kinuha ko ang basahan para ipunas sa mukha niya. “Damn it!”
Tumalikod siya at nagmadaling pumunta sa kuwarto niya.
“Lagot ka, Rain.”
Napakamot ako sa ulo. “Bakit naman kasi nanggugulat siya? Nabuga ko tuloy sa kanya ang kape.”
“Bakit kasi ang daldal mo? Alam mo bang kanina pa siya nasa likuran mo at nakikinig sa sinasabi mo.”
“Narinig niya ang sinabi ko?”
Tumango si Aling Josie. “Baka tanggalin ka.”
“Hays! Goodbye, Manila na yata ako.”
“Naku, baka palayasin ka na talaga niya.”
“Huwag naman plano kong ipagawa ang bahay namin. ‘Yung banyo namin kailangan ko ng ipa-ayos dahil puno na raw ang puso-negro.”
“Baka hindi mo na magagawa ‘yon dahil ginalit mo si Sir Joseph.”
“Anong gagawin ko?”
“Gamitin mo ang anting-anting mo ‘di ba meron ka naman?”
Napakamot ako sa ulo. “Kung puwede nga lang ginawa ko na. Hindi naman tumatalab sa akin, sa ibang tao lang nakalaan ang mga anting ko,” alibi ko.
Ang totoo kabado na talaga ako dahil wala akong good witch na magbibigay ng powers sa akin o kaya Fairy Godmother na tutulong.”
Sana bigyan pa niya ako ng second chance.
Pagkalipas ng isang oras ay lumabas si Sir Joseph ng kuwarto. Nakaabang ako habang naglalakad siya sa hagdan pababa. Nang nasa baba na siya ay dumiretso siya sa labas.
Hindi niya ako pinansin. Hindi na yata ako isasama sa gala niya.
Tumalikod ako para bumalik sa kuwarto. Nakakapitong hakbang pa lang ako ay narinig kong tinawag ang pangalan ko.
“Rain!”
Kinabahan ako dahil boses ‘yon ni Sir Joseph. Palalayasin na ba niya ako?
Lumapit ako sa kanya. “S-Sir.. patawarin n’yo ako, hindi ko naman sinasadya ang ginawa ko. Bigla n’yo kasi akong ginulat kaya nabuga ko sa inyo ‘yung kape na iniinom ko. Mabuti nga at hindi na siya mainit. Hindi ko talaga alam na nasa likuran ko kayo, patawarin n’yo na ako!” Umiyak-iyak ako pero wala talagang luhang lumalabas.
“Bitawan mo ako! Kunin mo ang mga gamit ko at aalis na tayo!”
“Hindi mo ako papalayasin?”
Ang talim ng tingin niya sa akin. “Paano kita palalayasin may utang ka pa sa akin.”
“Salamat, Sir Joseph.”
Tumalikod siya. “Kunin mo ang gamit mo bilisan mo!” Humakbang siya palayo sa akin.
Halos takbuhin ko naman papunta sa kuwarto. Kailangan kong maging mabait sa kanya dahil baka magbago ang isip niya. Hingal na hingal ako nang sumakay ako sa kotse niya.
“Hingal na hingal ka dahil sa katabaan mo ‘yan,” wika ni Sir Joseph.
“Nanahimik ang taba ko pinakialaman,” bulong ko.
“May sinasabi ka?”
Umiling ako. “Wala po, Sir.”
“Hindi ako bakla kaya ‘wag mong ipagkakalat na bakla ako.”
“Weh, ‘di nga?”
Kumunot ang noo niya. “Bakit ayaw mong maniwala?”
“Kung hindi ka bakla halikan mo nga ako.”
“Anong sinabi mo?”
“Halikan mo ako kung hindi ka bakla.” Pinahaba ko pa ang nguso ko.
Napangiwi siya. “Kadiri ka! Hindi ako nakikipaghalikan sa baboy.”
Sumimangot ako. Alam kong mataba ako pero bakit kailangan ulit-ulitin.
“Dala mo ba ang deodorant mo?”
“Sa dami ng sasabihin mo deodorant talaga ang naalala mo. Nag-aalala ka ba sa kilikili ko?”
“Hindi. Nag-iingat lang ako dahil ayokong maamoy ang mabahong amoy na kilikili mo.”
“Oo, dala ko!” Sabay irap ko sa kanya.
“Good.”
“Tse! Kapag nawala ang amoy nito, who you ka!” bulong ko.
Nagpatugtog ng musika si Sir Joseph habang nasa biyahe kami. Pakanta-kanta pa siya para tuloy akong pinaghehele sa boses niya. Ang lamig ng boses niya kaya hinihila ako ng antok. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na ako.
“Ulan, wake up!”
Narinig ko ang boses ni Sir Joseph ngunit hindi ako nagsasalita. Nagpanggap akong tulog dahil inaantok pa ako.
“We are here, wake up!”
Bahala ka inaantok pa ako.
“Kung ayaw mong magising iiwan kita dito sa kotse. May pagala-gala pa naman ditong baboy ramo.”
Baboy ramo?
Mabilis pa sa alas-kwatro akong dumilat. “Bakit, Sir Joseph?”
“Nandito na tayo kaya bumangon ka na.”
Tumango ako at sumunod sa kanya sa paglabas ng kotse ko.
“Wow!” Napahanga ako sa ganda ng paligid. Ang tataas ng mga puno ng niyog, pantay-pantay ang carabao grass at maraming mga bulaklak sa paligid.
“Sir Joseph, nasa paraiso na ba tayo?”
“Nandito tayo sa resort na bagong bili ko.”
“Sa inyo ang resort”
Tumango siya tapos kinuha ang mga gamit niya sa likod ng kotse kaya sumunod na ako sa kanya para kunin ko rin ang sa akin.
“Rain!”
Lumingon ako. “Bakit?”
“Anong bakit? Bitbitin mo itong mga gamit ko.”
“Hindi n’yo kayang bitbitin?”
“Ikaw ang katulong kaya ikaw ang magdala ng mga ito. Kaya nga kita sinama para may katulong ako.”
Bwiset talaga, si Chikading!
“Okay, sir.”
Mabuti na lang at may gulong ang dalawang maleta niya. Hindi ako nahirapan sa paghila ng mga ito. Pagpasok namin sa loob ay umupo ako sa malambot ba sofa habang nakataas ang paa sa lamesa. Nakakapagod din ang mga dala naming gamit.
“Rain, dalhin na 'yan at sumunod ka sa kuwarto ko.”
Kinabahan ako sa sinabi niya. OMG! Baka may binabalak siyang masama sa akin.
“S-Sir Joseph?”
Tumayo siya “Sumunod ka sa akin at dalhin mo ang mga gamit ko.”
“Sir…”
“Ano?” irita niyang saad.
Umiling ako. “Wala po.”
Ang bilis ng kabog ng dibdib ko habang nakasunod kay Sir Joseph. Naging mas mabigat sa akin ang mga maleta niya ngayon. Samahan pa ang malakas na kabog ng dibdib ko. Ilang beses akong lumunok habang binubuksan ni Sir Joseph ang pinto ng kuwarto niya.
“Get inside,” wika niya.
Tumango ako at sumunod sa kanya. Pinagpawisan ako nang nasa loob na ako ng kuwarto niya. Mabilis kong ipinasok ang maleta niya.
“Sir Joseph, alis na po ako.”
“Ulan!”
Huminto ako at lumingon sa kanya. Nakita ko siyang tinatanggal ang botones ng suot ng polo niya.
Lumunok ako. “S-Sir.. virgin pa ako.”
Kumunot ang noo niya. “The hell I care?”
“S-Sir… masakit po ang first time sabi nila.”
"Baliw!"
Hindi na maipinta ang mukha ni Sir Joseph. Feeling ko hihimatayin na ako ng hubarin niya ang suot niya ng damit.
Oh my gosh! Katapusan ng pagiging, Maria Clara ko.
Lumunok ako nang maghubad nh damit si Sir Joseph. “Kailangan ko ba talagang gawin ito?” bulong ko.
“I need you, Ulan.”
Umakyat sa buong katawan ko ang sinabi niya. Okay, sige na nga! Guwapo naman ang kukuha ng virginity ko, kaysa naman sa lasingero na amoy imburnal ang bunganga.
Tumango ako. “Okay, pagbibigyan kita.” Hinawakan ko ang laylayan ng suot kong tshirt para hubarin. Wala naman akong magagawa kahit magpumiglas ako. Ibibigay ko na lang para hindi niya ako saktan.
“f**k! What are you doing?!”
“Naghuhubad po ako.” Tinanggal ko ang suot kong t-shirt.
Pulang-pula ang mukha niyang nakatingin sa akin.. “Bakit ka naghuhubad?”
“Sabi mo, you need me?”
Nilamukos niya ang mukha sa inis. “I need you to massage my body. Ang sakit ng katawan ko dahil sa pagod.”
“Ha?”
Feeling ko nabingi ako sa sinabi niya. Hindi niya kukunin ang pechay ko.
“G-Gusto n’yong magpahilot sa akin?” pag-uulit ko.
“Yes, masakit ang katawan ko para akong magkakasakit.”
Mabilis kong sinuot ang damit ko. Hays! Ready na ‘ko.
“O-Okay! A-Ang init kasi kaya hinubad ko ang damit ko,” alibi ko.
My gosh! Maniwala ka sana sa sinabi ko.
“Tsk! Wala akong balak na masama sa ‘yo kaya ‘wag kang mangarap.”
Bwiset! Anong akala niya, pangarap kong pagsamantalahan niya ako? Kapal ng mukha! Palibhasa guwapo.
“Nasaan ang langis n’yo?”
“lotion ang gamitin mo.” Binuksan niya ang maleta niya at may hinalungkat. “Nakalimutan ko ang lotion ko.”
Ngumisi ako. Mabuti na lang at advance ako mag-isip dinala ko ang mga gamit ko sa panghuhula at mga anik-anik ko.
“Sir Joseph, ako may dalang healing oil.”
“Good, hilutin mo na ako.”
“Sampung piso kada pahid nito.”
Kumunot ang noo niya. “Ang mahal ng langis mo sampung piso lang ‘yan sa simbahan.”
“Nagrereklamo ka pa kung ayaw mo ‘di ‘wag.”
“Okay, fine!”
Ngumiti ako. Okay lang kung napahiya ako kanina sa kanya. Ang mahalaga ay may magkakaroon ako ng raket.
“Sige, tumalikod na kayo.”
Dumapa si Sir Joseph ako naman ay umupo sa gilid niya. Habang hinihilot ko ang katawan niya ay bumibilis naman ang kabog ng dibdib ko. Ang kinis at maputi ang balat niya, walang-wala sa balat kong parang balat ng baboy.
“Sir Joseph, okay na ba?” tanong ko.
Halos kalahating oras na yata akong naghihilot sa kanya at pinagpapawisan na rin ako. Pinahina ko ang aircon kanina habang hinihilot ko siya.
Tumango siya. “Thank you.”
“Seven hundred pesos po lahat.”
Humarap siya sa akin. “Bakit ang mahal?”
“Two hundred sa langis five hundred sa hilot. Nakamura na nga kayo dahil kung magpa-service kayo baka magbayad kayo ng doble sa singil ko.”
“Lahat talaga sa iyo kailangan bayaran?” inis niyang sabi.
“Kapag po hindi angkop sa pagiging katulong ko syempre may bayad na.”
“Okay, ibabawas ko na lang sa utang mo. Umalis ka na at pumunta ka sa kuwarto mo.” Inabot niya sa akin ng susi sa kabilang kuwarto. "Magluto ka na rin dahil gusto kong kumain ng maaga.”
Tumango ako. “Sir Joseph, saan dito ang kusina?”
“Sa moon.”
“Ang layo naman kung sa moon pa ako magluluto.”
“Ulan!”
“Sabi ko nga lalabas na ako.” Nagmadali akong lumabas ng kuwarto at pumunta sa silid ko. Maganda ang kuwarto ko rito kumpara sa kuwarto ko sa mansyon. Mas malaki kasi ang silid ko rito. Nilagay ko sa gilid ang mga gamit ko at pagkatapos ay lumabas na ako para hanapin ang kusina. Sigurado ako nasa ground floor ang kusina. Gano’n naman madalas ang mga bahay sa Pilipinas.
“Sabi ko na nga ba nandito lang.”
Binuksan ko ang refrigerator. Punong-puno ang laman ang ref at ang pantry niya. Nag-isip na lang ako kung anong lulutiin ko.
Dahil tanghalian na kaya nagluto ako ng nilagang baka para masarap. Nagbalat ako ng hinog na mangga at nagtimpla ako ng juice. Mabuti na lang at tinuruan ako ni Aling Josie na gumamit ng pressure cooker. Mas mabilis kong napalambot ang karne ng baka.
“Ang sarap naman magluto dito puro bago ang mga gamit.”
Naligo ulit ako bago ko pinuntahan si Sir Joseph. Baka kasi magreklamo na naman siya kapag nakita niyang pawisan ako.
Dahan-dahan akong kumatok sa pinto ng kuwarto niya. “Sir Darling!” tawag ko.
Naalala kong puwede ko pala siyang tawagin Darling dahil kaming dalawa lang ang magkasama. “Sir Darling!” tawag ko.
Hindi pa rin niya ako sinasagot kaya naman sinubukan kong pihitin ang serdura ng pinto. “Bukas pala siya.”
Hindi ako gumawa ng ingay ng pumasok ako sa loob ng kuwarto niya. “Sir Darling!”
Nakita ko siyang balot na balot ng kumot. “Sir Darling, nakahanda na ang pagkain,” bulong ko.
Hindi pa rin siya nagsasalita kaya nilakasan ko ang loob ko. Inalis ko ang kumot sa katawan niya. Nakita ko siyang nakasuot ng jacket.
“Sir Darling, may sakit ka ba?” Hinipo ko ang noo niya. “May lagnat ka.” Tumayo ako para hanapin ang medicine kit sa bahay. Nakita ako ang pang-blood pressure at termometer. Nilagay ko sa kilikili niya at hinintay kong tumunog ito.
“Hala! 38.2°c ang temperature mo. Ang taas ng lagnat mo.” Naghanap ako ng gamot sa lagnat sa medicine. Natuwa naman ako dali may nakita akong gamot para sa lagnat.
“Sir Darling, kukuha lang ako ng pagkain.” Nagmamadali akong lumabas para dalhan siya ng pagkain.
“Pagpasok ko sa kuwarto niya ay nakaupo siya at nakasandal sa gilid ng kama habang nakapikit.
“Sir Darling, kumain na kayo.”
“Rain, do you have medicine that can easily cure my fever?”
“Pakitagalog po,”
“Gusto kong gumaling agad dahil may importante akong meeting bukas. May gamot ka ba para mabilis akong gumaling.”
“May gamot naman dito.”
“Mabilisan na gamot.”
Sandali akong nag-isip. Pagkakataon ko ng rumaket.
“Meron kaya lang mahal po siya baka hindi n’yo kayanin.”
“How much?”
“Five hundred ang isang piraso. Tatlong beses n’yong gagamitin.”
“Okay, I will buy it.”
Ngumiti ako. “Sure, pero kumain ka muna at uminom ng gamot.”
Tumango siya at kinuha sa akin ang pagkain na dala ko. Gusto ko sana siyang subuan kaya lang mukhang kaya naman niyang kumain mag-isa. Pinanood ko siya habang kumakain. Nang matapos siyang kumain ay pinainom ko siya ng gamot sa lagnat.
“Where is your medicine?”
“Sandali” Halos takbuhin ko ang papunta sa kuwarto ko.
“Ano kayang gamot na ibibigay ko sa kanya?” Naghalungkat ako sa bag ko. Hindi ko naman siya puwedeng bigyan ng mga kuwintas dahil alam niyang pampaswerte ‘yon.
“Hays! Mag-isip ka self.”
Biglang nahulog ang isang balot na panty liner ko. Ngumiti ako nang makaisip ako ng magandang ideya.
“Hindi naman niya malalaman.” Kumuha ako ng tatlong panty liner at sinulat-sulatan ko ito para kunwari dasal. Pinuno ko iyo tapos winisikan ko ng konting langis at pabango para hindi niya mahalata. Naglagay ako ng double side sa bawat dulo ng panty liner para hindi matanggal agad kapag ginamit niya.
“Okay na, may one thousand five hundred na ako plus seven hundred.” Nakangiti ako habang binibilang ako ang magiging pera ko.
“Sir Darling!” Sinikap kong hindi niya mahalata na masaya ako.
“Nakuha mo na?”
Tumango ako. “Medyo natagalan ako kasi dinasalan ko pa ito para mas effective.”
“Okay, where?”
“Dinidikit ito sa noo para mabilis kang gumaling.”
“Parang 'yung gamot na dinidikit sa akin ni mommy sa noo ko noong bata ako.”
“Mas effective pa ito sa gamot na binibili sa botika at sa nilalagay na bimbo.”
“Okay, akin na.”
“Ako na po ang maglalagay sa inyo.”
“Thank you.” Pinipigilan kung ‘wag tumawa ng malakas nang tanggalin ko ang panty liner sa balot. May dikit na ito sa gitna pero naglagay pa ako ng double sided para hindi matanggal sa noo niya. Dinikit ko sa noo niya ang panty liner.
“Okay na.” Mabilis akong tumalikod para tumawa.
“Effective po ‘yan gagaling ka agad.”
“Okay, thank you.”
Tumayo ako. “Aalis na po ako babalik na lang ako mamaya.” Hindi ko na hinintay na magsalita si Sir Joseph. Nagmadali na akong lumabas ng kuwarto niya at pumasok ako sa kuwarto. Humalakhak ako ng malakas sa loob ng kuwarto ko.
“Mabuti na lang at hindi niya napansin na nilalagay sa pechay ang nakadikit sa noo niya.” Bumunghalit ako ng tawa.
Kumain akong mag-isa at pagkatapos ay inikot ko ang buong paligid. Nalaman kong may care taker pala si Sir Joseph, at ang bahay nila ay nakatirik sa lupa ni Sir Joseph.
“Anong pangalan mo?” tanong ng matandang babae na nasa edad singkwenta.
“Ako po si Rain.”
“Ako naman si Tinay at ang asawa ko si Roman. Ikaw ba ang girlfriend ni Sir Joseph?”
Tumango ako. “Pasalamat nga siya at sinagot ko pa siya. Habol nang habol sa akin si Si— Darling sa akin. Nagmakaawa pa nga siya sa akin noon para sagutin ko siya. Alam n’yo kasi magpapakamatay daw siya kapag hindi ko siya sinagot.”
“Gano’n ba? Mahilig pala si Sir Joseph sa malulusog na babae.”
Hinawakan ko ang dede ko. “Malusog din naman itong dibdib ko. Maraming gatas ‘to kapag nagka-anak kami.”
Tumawa si Manang Tinay. “Palabiro ka pala.”
“Manang Tinay, alam n’yo ba na magaling akong manghula?”
“Talaga ba?”
Tumango ako. “Gusto n’yo hulaan ko kayo isang daan lang sa iyo.”
Umiling ako. “Natatakot akong magpahula baka isipin ko nang isipin ‘yan kapag nagkataon.”
“Okay, kapag may alam kayong gustong magpahula sabihan n’yo ako. Bibigyan ko kayo bente pesos kada isang tao. Isang linggo pa kami rito ni Darling kaya gusto kong tumulong.”
“Sige sasabihan kita.”
Biglang tumunog ang cellphone ko. “Sandali tumatawag si Darling.”
“Ulan, nasaan ka?”
“Nandito ako sa kusina kasama ko si Manang Tinay.”
“Okay.” Sabay putol niya ng tawag.
“Miss agad ako, akala niya umalis ako.” Sumubo ako ng ginataang munggo na niluto ni Manang Tinay.
“Ulan!”
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Sir Joseph.
Patay! Baka mabuking ako.
“Magandang gabi Sir.. Jo— hindi na natapos ni Manang Tinay ang sasabihin nang makita ang itsura ni Sir Joseph. Sinong hindi tatawa ng malakas kung may nakita kang panty liner sa noo. Natatawa na rin ako pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.
Kumunot ang noo ni Sir Joseph. “Anong nakakatawa, Manang Tinay?”
“Sir..” Humagalpak na naman siya ng tawa.
Hinila ko si Manang Tinay sa labas. “Hindi ba’t may niluluto kayo sa bahay n’yo.”
Mabuti na lang at umalis na si Manang Tinay, siguradong mabubuking ako ni Sir Joseph.
“Bakit ba siya tawa nang tawa?”
“Puro nakakatawa kasi ang kuwentuhan namin. Bakit ka lumabas, magaling ka na ba?”
Umiling siya. “Not really, but I feel better now. Effective ang gamot na binigay mo sa akin.”
Uto-uto talaga. Hindi niya alam na ‘yung gamot ang ininom niya ang nagpagaling sa kanya.
“Mabuti naman kung gano’n.”
“Lumabas ako dahil nauuhaw ako at nagugutom na.”
“Bumalik na po kayo sa kuwarto n’yo. Dadalhin na lang kita ng pagkain.”
Hindi ko siya kayang tingnan dahil baka pagtawanan ko ang itsura niya.
“Okay, thank you.” Uminom muna siya ng tubig tapos umalis na.
Nakatanaw ako sa kanya habang naglalakad papunta sa kuwarto niya.
“Mas madali pa lang kumita ng pera dito sa Manila.” Tumawa ako ng maalala ko ang itsura ni Sir Joseph.