bc

SERIES 2: YES, DARLING

book_age18+
1.3K
FOLLOW
10.9K
READ
billionaire
HE
dominant
heir/heiress
sweet
bxg
scary
poor to rich
addiction
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa kahirapan ay napilitan si Rain na nagpanggap na manghuhula para may maipakain sa kanyang pamilya. Nagkaroon siya ng puwesto sa Simbahan kaya dinarayo siya ng mga taong gustong malaman ang kapalaran. Sa hindi inaasahang pangyayari, binalikan siya ng dati niyang kliyente at gusto siyang saktan. Napilitan tuloy siyang huminto sa panghuhula at tanggapin ang inalok sa kanya na maging kasambahay sa Manila. Ang buong akala ni Rain ay isang matanda ang kanyang magiging amo.

Her panties almost fell off when she saw the handsome, arrogant Joseph Joaquin. Joseph was too serious and angry with Rain, but when Rain found out the reason for Joseph's anger, she drew closer even though she felt like a fool. Rain did everything to win Joseph's heart, but what she didn't know was that she was already falling in love with her boss. Magtatapat na sana siya sa kanyang amo, ngunit pinahiya naman siya ng girlfriend nito sa maraming tao. Ito ang naging dahilan para lumayo siya kay Joseph.

Is there still hope for their paths to cross again?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
"ULAN, I want you to come to my birthday tomorrow night," saad Sir Joseph. Ang lapad ng ngiti ko sa kanya. "Sir Darling, bakit ngayon mo lang sinabi dapat last month mo sinabi para nakapag-diet ako. Ngumiti siya. "Hindi mo kailangan mag-diet dahil sexy ka naman sa paningin ko." Bumilis ang t***k ng puso ko sa sinabi niya. Feeling ko talaga may gusto sa akin ang boss ko. Sinuklay ko ang strand ng buhok ko sa gilid ng tainga. "Enebe! Kenekeleg eke!" Pabebe kong sagot. Hinawakan niya ang balikat ko. "See you tomorrow night." Sabay kindat niya sa akin pagkatapos ay umalis siya. Kinapa ko ang puso ko habang nakatanaw sa kanya. Kung alam lang ni Sir Joseph na mahal ko siya. Hindi ko lang puwedeng sabihin sa kanya dahil baka pagtawanan niya ako, at baka palayasin ako sa mansyon niya. Alam ko naman na hindi niya ako magugustuhan dahil mataba ako at mahirap ikumpara sa girlfriend niyang sexy at mayaman. "Uy! Anong tinitingnan mo diyan?" tanong ng katulong din sa mansyon. Tumingin ako sa kanya. "Wala." Bumalik ako sa paglilinis ng kuwarto ni Sir Joseph. Tanging ako lang ang puwedeng pumasok sa kuwarto dahil sa akin lang siya may tiwala. Habang naglilinis ako ay napansin ko ang picture frame ni Sir Joseph. Kinuha ko iyon at pinagmasdan. "Bakit ang guwapo mo?" Hinalikan ko ang picture frame niya. "Anong ginagawa mo sa picture ng boyfriend ko!" Mabilis kong inilayo ang picture frame at nilagay ko sa table. "Kayo po pala Ma'am Marga." Nakapameywang na lumapit sa akin si Marga at nakataas ang kilay. "May gusto ka ba sa boyfriend ko?" Umiling ako. "Wala po, Ma'am Marga, naglilinis lang ako ng kuwarto niya. Napansin ko kasing hindi ko masyadong napunasan kaya damit ko ang ginamit kong panglinis. "Siguraduhin mo lang!" Tumango ako. "Yes, Ma'am." "You know, Rain, don't dream that a prince charming will ever be interested in you because prince charmings don't like fat people, and they especially don't like ugly ones, so don't dream because you have no chance." Sabay talikod niya. Sumimangot ako. "Tse! Grabe! Akala mo naman ang ganda niya." Ipinagpatuloy ko ang paglilinis ng kuwarto ni Sir Joseph. Pagkatapos ay bumalik ako sa kusina para ipagpatuloy ang paglilinis ng bahay. "Where's Rain?" naririnig ko ang boses ni Ma'am Rhi na matalik na kaibigan ni Sir Joseph. Siniko ako ng isang katulong. "Ikaw ang hinahanap." Pinunasan ko ang kamay ko at lumapit sa kanya. "Hello, Ma'am Rhi." Ngumiti sa akin si Ma'am Rhi. "Let's go!" Hinawakan niya ang kamay ko. "Saan tayo pupunta?" "Joseph called and asked me to accompany you in choosing the outfit you'll wear tomorrow for his birthday." "Ho? Seryoso ba si Darling este si Sir Joseph?" Tumango siya. "Yes, siya ang tumawag sa akin at gusto niyang kasama ka sa birthday party niya. Alam mo ba doon pumunta rin ako sa birthday party niya." "Akala ko nagbibiro lang siya na gusto niya akong isama sa birthday party niya." Ngumiti si Ma'am Rhi. "Let's, baka mainip ang asawa at anak ko sa sasakyan." "Ay! Sorry po!" Hinubad ko ang suot kong apron at sumunod sa kanya. Nagpunta kami sa isang bilihan ng gown na sobrang mamahal. Nakikita ko pa lang ang presyo ay parang gusto ko ng himatayin. 'yung presyo ng mga damit ay sahod ko na ng dalawang taon. "Huwag kang mag-alala si Joseph ang gagastos nito." "Ma'am Rhi, puwede ba itong isangla pagkatapos kong gamitin?" Tumawa si Rhi. "Puwede naman kung gusto mo." "Ay! 'wag na pala baka pabayarin sa akin ni Sir Joseph." Size 30 ang bewang ko kaya bakat talaga sa suot kong damit ang century fats ko. Mabuti na lang may 36-C ang dibdib ko. Ang puwit ko naman ay 38 ang size. May ilalaban naman ako sa palakihan ng dede at puwit. "Ang sexy mo diyan sa suot mo, Rain, " wika ni Ma'am Rhi. "Si Ma'am Rain, nambobola. Ilang beses na nga tayong naghanap ng damit na kasya sa akin." "Alam mo hindi ka naman mataba medyo chubby ka lang." "Bakit kapag ikaw ang nagsabi hindi masakit sa tenga." "Okay na ba sa 'yo ang damit na 'yan?" Tumango ako. "Okay na po, salamat." "Let's go! Kumain muna tayo bago umuwi." "Ma'am Rhi, diretso na lang po ako sa mansyon. Nakakahiya na sa mga kasamahan ko kung magsasayang ako ng oras hindi ko naman day off ngayon." "Okay, ikaw ang bahala." "Salamat po." Habang nasa biyahe kami ay pinagmamasdan ko si Ma'am Rhi at ang asawa niya. Guwapo ang asawa ni Ma'am Rhi at maganda siya. Talagang bagay silang dalawa. Kaya siguro hindi niya gusto ni Darling dahil kami ang nakalaan sa isa't isa. Kinikilig ako habang iniisip ko si Darling. Lagi na siyang kasama sa imahinasyon ko simula nang una kong siyang makita. SUMAPIT ang gabi na kaarawan ni Sir Joseph. Sinundo ako ni Ma'am Rhi sa mansyon at pinaranas sa akin ang makeover. Hindi ko na tuloy na kilala ang sarili ko pagkatapos akong ayusan. "Oh! Pak! Sino ka diyan!" Paikot-ikot ako sa salamin habang pinagmamasdan ko ang itsura ko. "Madam na madam ang aura ko ngayon." Kinuha ko ang phone ko at kinuhanan ang itsura ko. Salamat talaga kay si Joseph dahil niregaluhan niya ako ng cellphone noong kaarawan ko. Nagamit ko siya para makuha ang pang malakasan aurahan ko. "Rain, let's go!" "Ay! Sorry! Ma'am, Rhi." Nagmadali akong sumunod sa kanya. Hiyang-hiya ako dahil kasabay ko ang pamilya ni Ma'am Rain. Kahit na nga bongga ang output ko ay talagang lamang pa rin ang suot ni Ma'am Rhi. "Iba talaga kapag likas na maganda. Simple lang ang damit pero bongga." "Rain, anong masasabi mo kay Joseph?" tanong ni Ma'am Rain. "Ho?" "Mabait ba siyang amo?" Tumango ako. "Hindi ko alam kung bakit niya ako sinama sa birthday party niya." "Espesyal ka sa kanya." Umiwas ako ng tingin. Gusto kong maniwala na pareho kami ng nararamdaman sa isat'isa, pero kapag nakikita ko ang girlfriend niyang si Marga bumabalik ako sa realidad. Nakaramdam ako ng hiya nang makarating kami sa venue. Ako lang kasi ang naiiba sa kanilang lahat. Hinawakan ni Ma'am ang kamay ko. "Dadalhin na kita kay Joseph." Tumango ako at pilit na ngumiti. Pakiramdam ko ay nakalutang ako habang naglalakad papunta kay Sir Joseph. Hindi ko alam kung matutuwa ba siya sa itsura ko ngayon. Hays! Bahala na si Superman. "Joseph!" tawag ni Ma'am Rhi. Nakayuko ako kaya hindi ko alam kung anong itsura niya ngayon. "Rhi, Vlad, my inaanak Jacxel," narinig kong sabi niya. "Joseph, kasama ko na si Rain." Alam kong tumingin siya sa akin. "Ulan, bakit hindi ka makatingin sa akin? "Darling.." bulong ko. Kinilabutan ako nang hawakan niya ang palad ko at inangat niya ang baba ko. Nagkatitigan kaming dalawa. "You're beautiful." Emeged! Kenekeleg eke! Kung alam lang niya kung gaano ako kasaya ngayon. Kahit siguro pangit ako sa lahat ng tao rito basta ang mahalaga maganda ako sa paningin ni Sir Joseph. "Happy birthday, Darling." Inabot ko sa kanya ang regalo ko na matagal kong pinag-ipunan. "Thank you." Sabay yakap niya sa akin. Bumilis ang t***k ng puso ko sa ginawa niya. Ito na siguro ang oras para sabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko sa kanya. "Honey!" Napawi ang ngiti ko nang marinig ko ang boses ni Marga. Kumalas sa pagkakayakap sa akin si Sir Joseph at lumapit sa girlfriend niya. Ang talim naman ng tingin niya sa akin. Lumayo ako sa kanila at hinahanap ko na lang ang table ng mga pagkain. Tinatawag ako ni Ma'am Rhi, pero hindi ako lumapit. Nahihiya na ako sa kanilang mag-asawa. Mas gugustuhin kong mag-isa na lang sa table. "Pagkatapos kong kumain ay aalis na ako." Binilisan ko ang pagkain upang makaalis na agad ako. Bago ako umalis ay dumiretso ako sa banyo. "Hi! Rain." Pilit akong ngumiti nang makita ko si Marga. Lumapit siya sa akin. "Ang ganda mo sa suot mo ngayon." "Thank you, Ma'am Marga." "Alam mo may mas bagay diyan sa damit mo." Nilabas niya ang kuwintas. Sa itsura pa lang nito ay mukhang mamahalin. "Bagay ito sa 'yo." "Hindi bagay sa akin ang ganyan alahas." "Bagay ito sa 'yo. " Sapilitan niyang sinuot sa akin ang kuwintas. "Oh, 'di ba bagay sa iyo ang kuwintas." Tatanggalin ko na sana pero pinigilan niya ako. "Huwag mong tanggalin dahil binigay sa 'yo 'yan ni Joseph." "Talaga po?" Tumango siya. "Ang bait mo kasi sa kanya kaya binigyan ka niya ng kuwintas." "Ma'am Marga, hindi ba kayo nagagalit?" Umiling siya at ngumiti. "Bakit naman ako magagalit? Natutuwa nga ako dahil mapagbigay si Joseph. Huwag mong huhubarin dahil gusto niyang makita niyang suot mo 'yan." Tumalikod siya at lumabas ng banyo. Nakangiti ako habang pinagmamasdan ko ang binigay ni Sir Joseph. "Sasabihin ko na talaga sa kanya ang nararamdaman ko para sa kanya. Paglabas ko ng bathroom, napansin kong maraming security guard ang nasa loob. Lumapit ako kay Ma'am Rhi. "Ma'am Rhi, bakit ang daming tao?" "Nawawala ang kuwin— Hindi natuloy ni Ma'am ang sasabihin dahil biglang sumigaw si Marga. "Ayan!" sigaw ni Marga, habang nakaturo sa akin. May kasama siyang tatlong security guard. Lahat ng mga bisita ay nakatingin sa amin. Lumingon ako kay Ma'am Rhi. "Anong nangyayari?" Lumapit sa akin si Marga at tinuro ang kuwintas na binigay niya sa akin. "Ito ang nawawala kong kuwintas." Umiiyak niyang sabi. "Ha? Pero ikaw ang nagbigay nito sa akin." "Sinungaling ka! Magnanakaw! Kaya pala madalas akong mawalan ng gamit kapag pumunta ako sa bahay ni Joseph. Ikaw pala ang magnanakaw!" "Hindi ako magnanakaw. Ikaw ang nagbigay nito sa akin kanina." "Sinungaling ka!" Sabay sampal niya sa akin. Tumulo ang luha ko sa ginawa ni Marga Okay lang sampalin, pero ang pagbintangan ako na magnanakaw ay hindi ko matatanggap. "Huwag mong pagbintangan si Rain," saad ni Ma'am Rhi. "Rhi, 'wag mong ipagtanggol ang magnanakaw na 'yan!" Umiiyak na sabi ni Marga. "Anong nangyayari rito?" tanong ni Sir Joseph. Lumapit si Marga kay Sir Joseph. "Honey… ninakaw ni Rain ang kuwintas na binigay sa akin ni mommy. "Hagulgol niyang iyak. Nakayuko ako ng tumingin sa akin si Sir Joseph. "Joseph, pakinggan mo muna si Rain," saad ni Ma'am Rhi. Tumakbo ako palabas ng venue upang takasan ang kahihiyan na inabot ko. Sumakay ako ng taxi habang umiiyak. Hindi ko gustong sirain ang araw ng birthday ni Sir Joseph. "I'm sorry, Sir Joseph," bulong ko. "Ma'am Rain." Biglang bumalik ako sa realidad ng marinig ko ang sinabi sa akin ng Janitor. "Ay, sorry!" "Sorry po, maglilinis lang po sana ako ng opisina." Tumango ako at tumayo pagkatapos ay umupo sa sofa. Pinunasan ko ang luha ko sa aking mga mata. Limang taon na ang lumipas mula nang pagbintangan akong magnanakaw. Nang gabing umalis ako sa bahay ni Sir Joseph ay bumalik ako sa bahay namin. Pagkatapos ay bumalik ako sa pagiging pekeng manghuhula. Nagkaroon ng libreng scholar ang mayor namin kaya naisipan kong mag-aral sa kolehiyo. Hindi naging madali sa akin ang lahat dahil kailangan kong pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho para may pangtustus ako sa pag-aaral ko at matulungan ko pa rin ang pamilya ko. Tiniis ko ang puyat at pagod sa loob ng apat na taon hanggang sa maka-graduate ako sa kolehiyo. Kinuha akong sekretarya ng asawa ng mayor namin hanggang ipasok nila ako sa kanilang kumpanya. Ngayon, isa na akong general manager ng kumpanya ng dating mayor namin. Nagkaroon na rin ako ng maliit na negosyo na beauty soap at lotion. Sinisikap kong makilala ito sa market upang matupad ang pangarap kong magkaroon ng sariling kumpanya. "Tapos na po, Ma'am Rain," sabi ng Janitor. Bumalik ako sa table ko at ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Sampung minuto pa ang nakalipas ay bumukas ang pinto at pumasok ang boss ko. "Kumusta na Rain?" tanong ng asawa ng mayor namin na si Ma'am Jade. Ngumiti ako sa kanya. "Okay naman po, Ma'am." "Sinabi ko sa 'yo na 'wag mo na akong tawagin Ma'am. Hindi naman nalalayo ang edad nating dalawa." "Pasensya na, Jade." "Binisita pala kita ngayon para ipaalala sa iyo na 5'th birthday ng inaanak mo bukas." "Ang bilis ng panahon limang taon na agad siya. Parang kailan lang hinulaan lang kita kung anong gender ng anak mo." "Huwag kang mawawala sa birthday niya. Ang dami mo ng utang sa inaanak mo." Tumawa ako. "Ngayon lang pala ako makakapunta sa birthday ng inaanak ko. Ano bang gusto niyang regalo?" "Barbie doll ang gusto niya." "Okay, bibili ako bukas ng regalo sa kanya." "Good. Sumabay ka na sa akin kumain ng lunch." Umiling ako. "No thanks! Marami akong ginagawa." "Hindi talaga ako nagkamali sa pagpili sa 'yo bilang general manager ng kumpanya namin masyado kang masipag." "Baka lumaki ang ulo ko niyan dahil ako ang paborito mo." "Nagsasabi lang ako ng totoo." "Salamat." Tipid kong ngiti. Nang umalis si Jade ay ipinagpatuloy ko ang trabaho ko. Pagdating naman ng hapon ay bumili ako ng regalo sa inaanak ko. Pinakamahal na ang binili kong regalo para makabawi naman ako sa inaanak ko. Hindi ko siya mabigyan ng regalo noon dahil estudyante pa ako noon. KINABUKASAN ay nag-halfday lang ako sa trabaho dahil pupunta ako sa birthday ng inaanak kong si Cyril. Kahit bata ang may kaarawan. Gabi pa rin ito gaganapin dahil ang mga bisita ng inaanak ko ay manggagaling pa sa malayong lugar bukod do'n sa Tagaytay rin ang venue. Malayo sa kanilang bahay. Mabuti na lang talaga at may sasakyan ako kahit second hand. Hindi ako mahihirapan sa biyahe kahit malayo. "Rain!" Sinalubong ako ni Jade nang sabihin ko sa kanyang nandito na ako sa entrance ng venue. Nakipagbeso-beso ako sa kanya. "Mabuti na lang at hindi traffic mabilis akong nakarating dito sa Tagaytay." "Mabuti na lang at dumating ka na. Alam mo bang dalawa na lang kayong hinihintay?" "Oh my gosh! Ang akala ko ay maaga na ako." Tumingin si Jade sa orasan niya. "Alas-singko ng hapon. Kanina pa nagsimula ang party ng anak ko." "Nasaan si Cyril?" "Nasa loob puntahan mo." Tumango ako at pumasok sa loob. Ngunit pagpasok ko ay napawi ang ngiti ko nang makita ko si Ma'am Rhi at ang anak niya. "Rain, ikaw ba 'yan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Rhi. "Magkakilala kayo ni Rain?" tanong ni Jade. Tumango si Ma'am Rhi. "Siya ang dating kat— "Jade! Nahuli na ba ako?" Kinilabutan ako ng marinig ko ang boses na matagal ko ng gustong marinig ulit. Kung hindi ako nagkakamali si Sir Joseph iyon. Si Darling.. "Joseph, mabuti naman at nakarating ka sa birthday ng inaanak mo." Inaanak niya rin si Cyril. "Sorry, kung late akong dumating, hindi ko maiwan si Aviona, habang naglalabor. Parang binagbasakan ako ng langit at lupa sa narinig ko. Hindi sila nagkatuluyan ni Timea pero may asawa na siya ngayon. Ihahakbang ko sana ang paa ko papunta sa mga bisita ni Cyrill. Ngunit bigla akong tinawag ni Jade. "Rain! Halika rito ipapakilala kita sa ninong ni Cyrill." Mariin kong pinikit ang mga mata ko. " Kung minamalas ka nga naman. Sana hindi niya ako makilala. Slow motion ang naging paglingon ko. Nang magtama ang mga mata namin ay para akong matutunaw. Hindi ko alam kung paano kikilos ng normal sa harapan niya. Pilit akong ngumiti. "H-Hello!" Ngumiti siya sa akin at nilahad ang kamay. "Hi! Ulan!" Lumunok ako. Hindi pa rin nagbabago ang tawag niya sa akin. Nanginginig ang kamay kong inangat ang kamay ko para tanggapin ang kamay niya. "Hoy! Rain, bakit ganyan ang kamay mo para kang may epilepsy," saad ni Jade. Ang sarap manabunot ng boss. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ng maramdaman ko ang palad ni Joseph. Mas lalo akong kinabahan ng pisilin niya ang kamay ko. "I've finally found you, Ulan." Oh my gosh! Lupa lamunin mo ako ngayon na.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

AKO ANG NAUNA [SPG]

read
6.3K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
9.8K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
284.8K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
63.3K
bc

The Real About My Husband

read
24.6K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
88.4K
bc

DON'T FALL IT'S DANGEROUS

read
6.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook