“NAY, TAY, kumusta na kayo diyan?” tanong ko sa kanila habang kausap ko sa video call. Natutuwa ako sa bago kong cellphone dahil kahit malayo ako sa kanila ay parang nando'n lang din ako.
Araw-araw akong nakikipag-video call sa kanila kaya nalalaman ko ang ginagawa nila. Swerte pa ako dahil hindi ko kailangan bumili ng load dahil libre wifi sa amo ko. Sila Nanay lang ang bumibili ng load. Mabuti na lang talaga ay tinuruan ako ng mga kapwa ko kasambahay na gumawa ng social media account. Ginawan ko rin sina Nanay kaya ngayon lagi kaming nag-uusapan. Hindi na rin namin kailangan pumunta sa post office para lang magpadala ng mga larawan dahil kahit anong oras pwedeng magpadala ng picture.
“Okay naman kami rito. Bumili kami ng bagong banig sa pinadala mong pera kasi bulok na ang banig natin,” wika ni Nanay.
“Mabuti naman. Ikaw, Tay, kumusta ka na?”
“Okay na ako, Rain, magaling na ako.”
“Huwag ka na muna mangalakal may trabaho naman ako.”
“Bumili nga kami ng isang sakong bigas sa pinadala mong pera, para kahit maubos may kakainin kami.”
“Tama ‘yan! Sa day off ko raraket ako rito para maipaayos natin ang banyo natin na sira-sira na.”
“Anak, salamat sa tulong mo.”
“Huwag kayong magpasalamat sa akin. Umpisa pa lang ‘yan kapag nakapag-aral ako magkakaroon ako ng magandang trabaho. Pangako, iaahon ko kayo sa hirap.”
Naluluha naman sina Nanay sa sinabi ko. “Oh, iiyak na naman kayo. Alam n’yo ba, hindi na mabaho ang kilikili ko.” Tinaas ko ang kamay ko para makita nila ang kilikili ko.
“Mabuti naman at marunong ka ng magtanggal ng buhok sa kilikili,” wika ni Nanay.
“Dito sa Manila may pantanggal ng buhok hindi masyadong masakit.”
“Iyong pinadala mo sa amin na lotion sa kilikili ba ‘yon?”
Tumango ako. “Oo, gamitin n’yo para mabango kayo.”
“Sige, anak.”
“Si Reasse, nasaan?”
“Nasa school siya ngayon.”
“May baon na ba lagi si Reasse?”
Ngumiti si Nanay. “Tuwang-tuwa siya dahil binili ko siya ng dalawang pack n biscuit at dalawang box na juice. Hindi na raw siya maiingit sa mga kaklase niya kapag recess kasi may pagkain na raw siyang masarap.”
Pinigilan ko ang sarili kong 'wag maluha. Mas nakita ko ngayon ang hirap ng buhay ng umalis ako. Nagpapasalamat talaga ako at napunta ako sa amo ko na kahit sobrang suplado mabait naman sa mga katulong.
“Sige, Nay, may gagawin na ako ingat kayo palagi.”
“Sige, Rain. Ikaw rin.”
Pagkatapos naming mag-usap ay lumabas na ako ng kuwarto. “Wala na akong hawak na pera ngayon kailangan kong rumaket para magkapera at may ipadala ko sa magulang ko sa susunod na linggo.”
Lumabas ako ng banyo at pumunta sa labas para magwalis ng bakuran. Nakita ko si Sir Joseph na naliligo sa pool. Hindi ko napigilan ang hindi siya tingnan. Ang ganda naman kasi talaga ang katawan niya.
“Rain!”
“Ha? Bakit, Ikay?”
“Tinatawag ka ni Sir Joseph.”
“Okay, sandali lang!” Tumakbo ako sa pabalik sa loob.
“Saan ka pupunta?”
“Tatae ako!”
Pumunta ako sa kuwarto at nag-toothbrush at naglagay sa kilikili ng gamot, baka magalit na naman siya kapag may naamoy siyang mabaho. Nag-spray ako ng pabango at pinahiran ko konting lipstick ang labi ko.
“Yes, Darling!” Kinurap-kurap ko ang mga mata para mapansin naman niya kung gaano kaganda ang mata ko.
“Anong nangyari sa mata mo?”
“Maganda ba?”
“Tsk! Para kang napasukan ng uod sa mata.”
Napawi ang ngiti ko. Bwiset talaga! Bakit walang epekto sa kanya ang pagpapa-cute ko.
“Sir Joseph, sabihin mo nga sa akin ang totoo.”
Kumunot ang noon niya. “What?”
“Pamintang durog ka ba?”
“Huh?”
“Sabihin mo bakit?”
Bahagyang umangat ang kilay niya. “Bakit?”
“Kasi ayaw mo sa maganda.”
“I didn’t get it.”
Napakamot ako sa batok. “Ang slow naman nito,” bulong ko.
“Ulan, mag-impake ka ng mga damit mo dahil aalis tayo bukas.”
“Saan tayo pupunta?”
“Isasama kita sa resort ko sa Quezon province.”
“Bakit kailangan mo akong isama?”
“Sino ba ang boss?”
“Ikaw.”
“Ako dapat ang masusunod sa ating dalawa.”
“Ilang araw po tayo sa probinsya?”
“One week tayo sa probinsya kaya magdala ka ng damit mo ng pang-isang linggo.”
Tumango ako. “Sige po.”
“Ayusin mo na ngayon.”
“Wala na ba kayong ipag-uutos?”
“Tulungan mo sina Aling Josie sa pagluluto dahil may bisita akong mamaya.”
“Sige, Sir Joseph.”
Ihahakbang ko pa lang ang mga paa ko ngunit bigla siyang nagsalita.
“Ulan!”
Humarap ako sa kanya. “Bakit?”
“Huwag mong kalimutan dalhin ang deodorant mo.”
Sumimangot ako. “Grabe! Takot na takot sa amoy ng kilikili ko.” Inis kong saad.
Nakakaasar! Akala mo kung sinong guwapo.
'Ikaw lang kasi ang kilala kong burara na babae."
“Aray! Ang sakit mo naman magsalita. Akala mo hindi umuutot ng mabaho.”
Halos lamunin ako ng matalim niyang tingin, kaya bago pa mangyari ‘yun ay tumalikod na ako at nagmadali akong umalis.
“Bwiset! Bakit kailangan niya akong isama?” bulong ko, habang pumipili ako ng mga damit na dadalhin ko. Wala akong maayos na damit lahat puro luma. Karamihan sa panty ko ay dumaan sa world war II. Kailangan kong ingatan dahil konting hila na lang ay tuluyan na silang mawawasak.
“Dadalhin ko kaya ang bolang kristal ko at mga gamit sa panghuhula? Baka magkaroon ako ng raket.” Nilagay ko na rin sa huli ang gamit ko sa panghuhula bago pagkatapos ay nilagay ko sa sako bag. Hindi kasya sa bag kong maliit.
“Ready na ako!”
Pagpunta ko sa kusina nakita kong abala sila sa paghihiwa ng mga lulutuin. Lumapit ako sa kanila at tumulong sa paghihiwa ng mga gulay.
“Aling Josie, bakit kailangan natin magluto ng pagkain ng mga bisita ni Sir Joseph, puwede naman silang um-order sa labas?”
“Request ng mga bisita ni Sir Joseph na lutong bahay. Siguro sawa na sila sa mga pagkain sa labas kaya sila nagluto. Mamaya nga hapon ay tulungan mo si Ikay na mag-ihaw ng liempo, bangus at tilapia. Binabad ko muna para malasa kapag inihaw ko.”
“Para silang may swimming.”
“Night swimming nga sila. Sa laki ng swimming pool ni Sir Joseph para na talaga silang may outing,” wika ni Ikay.
“Okay, marami ba sila?”
“Madalas lima sila kasama kasama ang tatlong babae.”
Lumapit ako kay Ikay. “Mga guwapo at maganda ba sila?”
Tumango si Ikay. “Oo, ang babait pa nila,” kilig na kilig na sabi ni Ikay.
“Sigurado ako, si Sir Joseph lang ang mukhang Alien. Naku, hindi na ako magtataka kung siya lang ang naiiba. Pinaglihi ‘yon sa suka. Ang asim lagi ng mukha.”
“Ah… Rain,” mahinang wika ni Ikay.
“Siguro si Sir Joseph paminta.”
Yumuko si Ikay na parang ayaw niya akong tingnan.
“Hoy, bakit bigla kang tumahimik?”
Sinipa niya ang paa ko sa ilalim ng lamesa kaya bigla akong lumingon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Sir Joseph.
Patay! Ang daldal mo kasi.
“S-Sir Joseph! K-kanina pa kayo.”
Hindi siya nagsalita sa halip ay tinitigan niya ako ng masama.
“May kailangan kayo?”
Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko. Sa tingin niya sa akin ay siguradong narinig niya ang sinabi ko kanina.
“Sinong Alien?”
“Anong Alien?”
“Sinabihan mo akong Alien.”
Umiling ako. “Wala akong sinabi baka mali po kayo ng pandinig.”
Lumapit si Sir Joseph sa akin na halos tatlong pulgada na lang ang layo ng mukha namin. Konti na lang talaga ay magdidikit na mukha namin.
Ano ang gagawin ko?
Umatras ako. “Ikay, call a friend.”
Parang walang nakarinig sa sinabi ko. Kinabahan ako sa takot na palayasin niya ako.
Self, mag-isip ka para umalis si Sir Joseph.
Nang hinawakan ni Sir Joseph ang kuwelyo ng damit ko ay bigla akong napautot pero feeling ko may kasamang konting lamang loob.
“S-Sir, may go out.”
“Hindi ka puwedeng uma— ang baho!”
Napatayo sina Aling Josie sa upuan at umakbo palayo. Binitawan ako ni Sir Joseph at lumayo sa akin.
“Ikaw ba ang umutot?”
Umiling ako. “Hindi ako!”
Syempre hindi ako aamin ang dami namin dito.
“Hindi rin ako ang umutot,” wika ni Aling Josie.
“Mas lalo na ako,” wika ni Ikay.
Gayon din ang sinabi ng dalawang katulong.
“Ikaw ang umutot, Ulan!”
“Alam kong mataba ako pero hindi ako umutot baka si Blacky ang umutot.” Nakita ko ang husky na aso ni Sir Joseph na nakahiga sa sahig.
Buti pa si Blacky tanggap ang amoy ng utot ko.
“Blacky, ikaw ba ang umutot?” tanong ni Sir Joseph sa aso.
Para naman naiintindihan ni Blacky ang sinabi niya dahil tumahol ito tapos umalis.
Abah! Manang-mana sa amo may attitude.
Ako ang naiwan sa kusina dahil umalis silang lahat. Dumiretso naman ako sa banyo para ilabas ang sama ng loob ko.
“Ang sakit ng tiyan ko! Ayaw pa kasi akong paalisin.”
Halos kalahating oras akong nasa banyo, paglabas ko ay mabango na ang kusina.
“Rain, ikaw talaga ang umutot kanina pinagbintangan mo pa si Blacky,” wika ni Ikay.
“Promise, hindi talaga ako umutot.”
“Sige, hindi ka na umutot pero ang galing mo dahil biglang umalis si Sir Joseph,” wika ni Ikay.
“Bilisan n’yo na ang paghihiwa ng mga gulay para maaga tayong matapos,” wika ni Aling Josie.
“Opo,” sabay namin sabi.
Pinagpatuloy namin ang paghihiwa at nag-ihaw kami sa liempo, bangus at tilapia.
“Kapag ganito ang handaan sa amin parang fiesta na sa lugar namin,” sabi ko.
“Masanay ka na rito sa Manila. Ganitong handaan party lang ng magkakaibigan.”
“Balang araw ipaparanas ko rin sa pamilya ko ang kumain ng ganito karaming pagkain kahit hindi fiesta o kahit walang party.”
“Bakit hindi mo kaya hulaan ang sarili mo?”
“Walang manghuhula na kayang hulaan ang sarili. Si Jesus Christ pa rin ang nakakaalam ng lahat at syempre siya ang pinakamakapangyarihan sa lahat.”
“Pumasok na tayo sa loob at ihahanda pa namin ang mga pagkain nila.”
Tumango at binitbit namin ang mga inihaw namin. Nang sumapit ang alas-sais ng hapon ay hinanda na namin ang mga pagkain na niluto namin. Nakakapagod ang buong maghapon namin. Mabuti na lang at umalis si Sir Joseph. Nakalimutan niya ang narinig niya kanina.
“Rain, labas ka muna diyan,” wika ni Ikay.
Nakahiga ako sa kama at nagpapahinga. Ang sarap mahiga pagkatapos ng mga ginawa namin kanina.
“Bakit?”
“Dumating na ang mga bisita ni Sir Joseph.”
“Sige, anong gagawin natin? Nakahanda naman na lahat ng mga pagkain at kailangan nila.”
“Oo, pero kailangan pa rin natin silang bantayan dahil baka may iutos.”
Napakamot ako sa ulo. “Hindi pala tapos ang trabaho natin inaantok pa naman ako.
“Paanong hindi ka aantukin? Nauna ka pang kumain sa mga bisita. Ang takaw mo ngang kumain ng barbeque.”
“Ang sarap magtimpla ni Aling Josie kaya napadami ang kain ko.”
“Sus, nanisi ka pa nga. Tara na!”
Sumunod ako kay Ikay hanggang sa kusina. Nang makita ko si Sir Joseph sa kusina ay umiwas ako ng tingin sa kanya.
“Ulan, ikaw ang maiwan na katulong.”
“Ha? Bakit saan pupunta sina Aling Josie?”
“Magpapahinga na sila dahil napagod sila sa pagluluto.”
“Napagod din naman ako.”
“Napagod sa kakain.”
“Luh, judgemental ka naman.” Sabay simangot ko.
Lumapit sa akin si Ikay at bumulong, “Nakita ka siguro sa cctv camera.”
Hindi na ako nagsalita nang maalala kong tadtad kami ng cctv camera sa loob ng bahay.
“Aling Josie, magpahinga na kayo.”
“Yes, Sir!”
“Bye, Rain!” wika ni Ikay.
Nakasimangot ako ng ako na lang ang naiwan sa kusina.
Tumayo sa harapan ko si Sir Joseph. “Doon ka magbantay sa labas para kapag may kailangan kami madali kang matawagan.”
“Hindi ba pwedeng tawagan n’yo na lang ako sa cellphone?”
“Bakit ba lagi mo akong kinokotra?”
“Joke lang!”
“Sumunod ka sa akin.”
Inambahan ko siya ng suntok. Bwiset! Alien! Paminta!
Nakasimangot ako habang nakasunod sa kanya. Mainit talaga ang dugo sa akin ni Sir Joseph dahil lagi niya akong pinapagalitan.
Rain, tiis lang may utang ka pa sa kanya.
“Joseph!” sigaw ng isang lalaki.
OMG! Ang guwapo!
Hinila ko ang short ko para bumakat si nene pero dahil mas malaki ang bilbil ko hindi nakita si nene. Imbes na hita ng sexy ang makita sa akin. Mukhang hita ng dinosaur ang makita sa binti ko.
“Yes, Vladimir?”
Wow! Parang bampira ang pangalan niya. Kung maging bampira siya kahit buong angkan niya puwedeng kumuha ng dugo ko. Ang dami ko kayang dugo sa katawan.
“Si Rhi, gusto ng matulog.”
Rhi?
May lumapit na magandang babae sa kanilang dalawa.
Siya ang bestfriend ni Sir Joseph?
Nakaramdam ako ng inggit sa katawan ni Rhi. Ang sexy niya at makinis ang balat, samantalang sa akin balat kalabaw.
May may dalawang na bisita ni Sir Joseph. Mukha siya lang ang single sa mga kaibigan niya.
Kaya siguro ako ang pinaiwan niya para may partner siya.
Ang lapad ng ngiti ko habang iniisip ko ‘yon. Napansin ko sa mga kaibigan ni Sir Joseph ay hindi naman pala-utos. Tanging siya ang nag-uutos sa akin kahit kaya naman niyang abutin.
“Joseph, bakit hindi ka maghanap ng girlfriend para may partner ka na rin,” wika ni Rhi.
Nagpa-cute ako tapos sinuklay ko gamit ang daliri ng strand ng buhok ko. “Ehe! Sebe ke nge se kenye, mem,” pabebe kong sabad sa usapan nila.
Lahat sila tumingin sa akin. Feeling ko tuloy ngayon lang nila ako nakita. Samantalang kanina pa ako palakad-lakad sa harapan nila.
“Bago kang katulong ni Joseph?” wika ni Rhi.
Tumango ako. “Yes, Ma’am.”
“Joseph, baka sa kakahanap mo sa babae gusto mong makasama habang buhay, hindi mo alam nasa tabi mo lang,” wika ni Rhi.
Nag-puppy eye ako. Ako ang tinutukoy ni Ma’am Rhi. Gosh! Napansin nila ako.
“Ayokong magsalita ng tapos,” sagot ni Sir Joseph.
Lumundag ng puso ko sa narinig ko.
“Sir Joseph,” bulong ko.
“Maputi naman at nakaabot ako,” boses ng babae.
Napawi ang ngiti ko nang malaman kong hindi pala ako ang tinutukoy niya.
“Naku, naawa kami kay Joseph walang partner, kaka-out mo lang sa duty mo?” tanong ni Rhi.
Ngumiti siya. “Oo, ako muna ang partner mo ngayon habang walang duty.
Uminom ng alak si Sir Joseph. “Ginulo n’yo pa si Bella.”
Umatras ako at umupo sa gilid habang nakatingin sa kanila. Akala ko talaga ako ang tinutukoy nila.
“Ulan!”
Tumayo ako at lumapit sa kanya. “Bakit, Sir Joseph?”
“Magpahinga ka kami na ang bahala rito.”
“Sigurado ka?”
Tumango siya. “Oo, matulog ka na.”
“Joseph, isama mo ang katulong mo sa atin!” wika ng isang lalaki.
“Pero kailangan na niyang magpahinga,” sagot ni Sir Joseph.
Walang nagawa si Sir Joseph nang hilahin nila ako at paupuin sa table. Noong una nahihiya ako sa kanila. Pero para sa masarap na pagkain ay deadma ako. Naglagay ako ng earpods sa tainga para hindi ko marinig ang pinag-uusapan. Habang nag-uusap sila, ako naman ay may sariling mundo.
Nakaramdam ako ng pananakit ng tiyan. Dahil sa dami ng nakain ko. Bigla akong umutot ng malakas pero dahil malakas ang music ko kaya hinayaan kong umutot nang umutot.
“Bakit kayo nakatingin sa akin?”
“Umutot ka na naman?” inis na saas ni Sir Joseph. Nakatakip ba siya ng ilong.
Umutot ako pero hindi nila maririnig kasi malakas ang musika.
“Hindi po ako ang pumatay kay Magellan!” biro ko.
“Ulan!” sigaw niya.
Tinanggal ko ang earpods ko. “s**t! Ako lang pala ang nakakarinig ng musika. Lagot na naman ako.”