CHAPTER 9

2621 Words
JOSEPH’S POV NAGISING ako nang nakaramdam ako ng mabigat sa binti ko. Nang lingunin ko kung ano ‘yon ay bumangon ako. “Si Rain, nakatulog siya dahil sa pagbabantay sa akin.” Dahan-dahan kong inalis ang paa niyang nakasanday sa paa ko, tapos ay bumangon ako. Agad akong dumiretso sa banyo para maligo. Pagharap ko sa salamin ay napansin kong may nakadikit sa noo ko. “Parang nakita ko na ito noon?” Ang nilalagay sa noo ko kapag nagkakasakit ako noon ay malamig, pero itong nilagay ni Rain ay hindi malamig. “Magaling talaga siyang manggamot.” Inalis ko sa noo ko ang nilagay ni Rain tapos naligo ng maligamgam na tubig. Mabuti na lang at gumaling ako ngayon. Hindi ‘ko puwedeng ipagpaliban ang meeting ngayon dahil importante ito at ngayon lang puwede ang Filipino-American na ka-business meeting ko. Pagkalipas ng kalahating oras ko sa banyo ay lumabas na ako. Napansin kong tulog pa rin si Rain. Napangiwi ako nang makita ko siyang nakabuka ang bibig habang humihilik. “Grabe talaga ang babae na ‘to.” Kumuha ako ng damit sa maleta at sa loob ako ng banyo nagbihis. Hindi ko ginising si Rain dahil baka napuyat siya sa pagbabantay sa akin. Lumabas ako ng kuwarto at uminom ng kape. Hindi na ako nagluto dahil wala na akong oras. “Nandiyan naman si Rain para magluto ng pagkain.” Sumakay ako sa kotse at pumunta sa kumpanya ng Morales Food Manufacturing Industry. Plano kong pasukin ang negosyo na may kinalaman sa pagkain kaya naghanap ako ng kumpanya na puwedeng tumulong sa akin. At isa ang Morales Food Manufacturing Industry ang willing na tumulong sa akin. Halos isang oras ang biyahe ko mula sa rest house ko kaya inagahan ko para hindi ako abutan ng traffic. Tumunog ang phone ko habang nasa biyahe ako. “Hello,” sabi ko. “Hi, Joseph! Where are you now?” “On the way to your company." "Okay, I'll wait for you. I'll prepare some food. If you have any requests for what to eat, just let me know." "Bread is enough for me. Thank you." "Okay, see you later." After talking to her, I focused on the road. A few minutes later, I arrived at the company. When I got out of the car, I was greeted by Marga, the owner of the company. She had two men with her, probably part of her company. "You look even more handsome in person, Mr. Joaquin," Marga said. "Thank you, just call me by my first name," I replied. "Okay, Joseph. Just call me Marga.” I shook hands with her. "Nice meeting you, Marga." "Nice meeting you too. Come inside and see what's happening there." I nodded and followed them. We embarked on an impromptu tour within the company. Marga showed me how the products were made, and I inspected everything, including the product quality and the cleanliness of the employees who were involved in the process. After our tour, we sat down in the meeting room to discuss my plan for opening a company. "Joseph, if you have any questions, feel free to ask me anytime. I'm ready to answer all your questions," Marga assured me. I nodded. "Thank you." I sipped my coffee and took a bite of a sandwich. Natapos na ang meeting namin at nasa loob na ako ng opisina ni Marga. She looked at me. "I... I want to ask you something." I frowned. "What do you want to ask me?" "Do you have a girlfriend?" "Girlfriend? I haven't really thought about having one yet because I'm busy with business." Marga smiled sweetly. "Well, you might be about to change that." Bigla kong naalala si Rain. Inaalis pala niya ang malas ko sa pag-ibig sa tuwing binabanggit niya ang salitang, “Darling.” "You suddenly got quiet." Tumingin ako sa kanya. "Are you busy today?" "Why?" "Can we go out for lunch?" Ngumiti siya. "Hindi ko ‘yan tatanggihan." I stood up. "Let's go!" “Let’s go!” Nauna akong naglakad palabas at sumunod naman sa akin si Marga. "I don't know which restaurant in this area has good food. Do you have any suggestions for me?" She nodded. "Yes, at Dampaan Restaurant, the food there is delicious." "Hmm, I'll check on Google Maps to see where it is.” “You don't need Google Maps. I'll drive so you don't have to struggle to find the place. Don't worry, I won't crash your car." I laughed. "That's exactly what I was thinking.” Inirapan niya ako. “You’re so mean to me.” “Just kidding.” Naging magaan ang loob ko kay Marga habang nasa biyahe kami mapunta sa restaurant. Hindi siya nawawalan ng kuwento kaya hindi kami naubusan ng pag-uusapan. “Nandito na tayo,” wika ni Marga. “Hindi ko namalayan na nakarating na tayo.” “Masyado ba akong madaldal?” “Hmm.. medyo,” Tumawa si Marga. “Ngayon lang ako naging madaldal sa isang tao.” “Hindi halata sa iyo.” Huminto kami sa pag-uusap ng makahanap kami ng table. Napansin kong maraming tao ang nasa restaurant sa ganitong oras. “I told you the food here is delicious even though the food is pricey.” “It’s okay, basta masarap.” Nang dumating ang pagkain namin ay nagsimula na kaming kumain. Pasimple kong pinagmasdan si Marga. Maganda si Marga, mistisa, sexy at may makinis na balat. Halata rin sa mga kilos niya na may pinag-aralan. Napansin ko rin na mabait siya sa mga tauhan niya at handa siyang makinig sa iba. “Marga, do you have a boyfriend?” Namula ng mukha niya. “Wala, bakit?” “Baka may magalit sa akin.” Tumawa siya. “Don’t worry, walang magagalit.” Magsasalita pa sana ako nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa loob ng bulsa ng pantalon para malaman kung sino. Si Rain. Isang text ang natanggap ko mula sa kanya. “Sir Jusip, mageleng ka na ba? Pasalubong ko pag-uwe mo,” “Hanggang sa text nakakainis si Rain.” “Something wrong?” Umiling ako. “Nothing.” “Are you sure? Bigla kang sumimangot.” “I’m okay.” Ipinagpatuloy ko ang pagkain. Isang oras pa kaming nag-usap ni Marga bago namin naisipan umalis sa restaurant. Hinatid ko siya sa kumpanya. Habang pauwi ako naalala ko si Rain. “Bili ko na nga ng pasalubong si Rain.” Habang nagda-drive ako ay tumitingin ako sa mga gilid ng daan na puwedeng bilhin. Nakita ko ang nagtitinda ng mansanas. Huminto ako at bumili ng anim na mansanas. “Bagay naman sa kanya ang mansanas.” Hindi ko napigilan ngumiti habang iniisip ko ang magiging reaksyon ni Rain. “Good afternoon, Sir Darling!” matamis na ngiti ni Rain nang salubungin niya ako. Hindi ako tumugon sa sinabi niya sa halip ay inabot ko ang plastik na may laman mansanas. “Oh, pasalubong ko sa iyo.” Napawi ang ngiti niya. “Wow! Salamat at nag-abala ka pa. Sa dami ng ibibigay mo sa akin na prutas mansanas pa talaga.” Sumimangot ako. “Nagrereklamo ka?” “Ay, hindi tuwang-tuwa nga ako. Salamat sa mansanas.” Sabay irap niya sa akin. “Magluto ka ng hapunan natin.” “Sir Darling, yung one thousand five hundred ko puwede ko bang kunin sa iyo.” “Ibabawas ko sa utang mo.” “Sir Darling, puwede bang ‘wag mo ng ibawas sa utang ko? Kailangan ko kasing mag-ipon kasi papaayos ko ang kubeta namin.” Kumunot ang noo ko. “Anong kubeta?” “Ay, bobo naman! Bakit hindi mo alam ang kubeta?” Nanggigil akong tumingin sa kanya. “Anong sinabi mo?!” “Wala po akong sinabi may narinig ba kayo?” “Rain!” sigaw ko. Ang ganda ng buong maghapon ko sisirain lang niya. “Yes, Darling!” Nagpa-cute pa siya ng mga mata. “Ulitin mo ang sinabi mo kung ayaw mong palayasin kita ngayon.” “Ang sabi ko bakit hindi mo alam ang salitang kubeta?” “Hindi ko alam kaya nga nagtatanong. Ikaw alam mo ba sa english ang kubeta?" “Syempre naman alam ko.” “Eh, ano?” “CR.” Ngayon, naintindihan ko na ang ibig sabihin ng salitang 'yon. “Anong ibig sabihin ng Cr?” “Kubeta nga! Paulit-ulit ka lang eh. Ibigay mo na sa akin ang bayad mo.” Inis na inis akong dumukot ng pera sa wallet at naglabas ako ng dalawang libo. “Suklian mo ako.” “Wala akong panukli sa pera mo. Bumili ka nan lang ulit ng isa para kapag nagkasakit ka may magagamit ka.” “Okay, dalhin mo sa kuwarto ko.” Naglakad ako papasok sa loob ng kuwarto ko. Hays! Kung hindi ko lang nakikita si Rhi sa katulong ko palalayasin ko na siya. Masakit sa ulo ang babae na ‘yon, at parang binubudol kami. Nakahiga ako sa kama nang mapansin ko ang text ni Marga. Napangiti na lang ako habang nagre-reply sa mga text niya. Hindi ko namalayan na halos dalawang oras na pala kaming magka-text.” “Uy, Si Darling bilog na ang utot.” Pagtingala ko, nakita ko Rain sa tabi ko at nakikibasa ng text ko. Mabilis kong tinago ang cellphone ko. “Binabasa mo ang text?” “Nabasa ko pero hindi ko maintindihan kasi english.” “Tsismosa ka talaga! Bakit ka nandito?” “Ang sabi mo dalhil ko ang gamot mo sa lagnat.” Inabot niya sa akin ang dinikit sa noo ko. “Umalis ka na.” Tumango siya. “Sir Darling, sabi ko sa iyo effective ang mga orasyon ko sa ‘yo. Tingnan mo nawawala na ang sumpa sa 'yo.” “Get out!” Sumimangot siya. “Ang sungit mo naman.” Nakatanaw ako kay Rain habang palabas ng silid ko. Maganda sana si Rain kahit mataba kaya lang mahirap hulaan kung anong tumatakbo sa isip niya. Kinuha ko ang gamot na dinikit sa noo ko. “Ano kaya ‘to? Parang nakita ko na ito dati hindi ko lang maalala kung saan.” Tinawagan ko si Mommy para tanungin kung alam niya kung anong tawag sa gamot na binigay sa akin. “Bakit ka napatawag?” tanong ni Mommy. Nagising ko yata siya nang tumawag ako. Alas-sais pa lang ng umaga sa Amerika. “Mom, how are you?” “I’m okay, ikaw kumusta ka na?” “I’m good. May gusto lang akong itanong sa iyo?” “Ano ‘yon?” Pinakita ko sa kanya ang binigay ni Rain. “Oh, bakit may hawak ka niya? May bago ka na bang girlfriend?” “Nothing, alam mo ba ang tawag sa gamot na ito?” Kumunot ang noo ni mommy tapos tinitigan ang hawak ko. “Ilapit mo pa nga.” Nilapit ko naman ang hawak ko sa camera para mas lalo niyang makita. “Hindi naman ‘yan gamot.” Kumunot ang noo ko. “Nilalagay ito sa noo kapag may sakit.” “Sino nagsabi sa iyo? Nilalagay ng mga babae sa private part nila kapag simula at patapos ng buwanang dalaw. Panty liner ang tawag diyan.” Parang lahat ng dugo ko ay umakyat sa ulo ko. Naisahan ako ni Rain! “Sigurado ba kayo?” Tumango si Mommy. “Kung ayaw mong maniwala, bakit hindi mo ‘yan i-search sa internet para malaman mo.” “Okay, Mom.” “Yan lang ba ang dahilan kaya mo ako tinawagan?” Umiling ako. “Gusto ko sanang sabihin sa iyo na balak kong magtayo ng kumpanya.” “Oh, hindi mo na itutuloy na magpatayo ng hospital?” “Hindi na naki-share na lang ako sa ospital ni Vladimir.” Ngumiti si Mommy. "You will also find a woman who will love you as much as you love." “Thanks, mom.” Wala naman akong balak sabihin ang tungkol sa negosyo ko, kaya lang nakakahiya kung ‘yon lang ang tinanong ko sa kanya. “Welcome, see you soon!” pinutol niya ang video call ko. Nanggigigil ako habang tinitingnan ko sa internet ang panty liner. Ang daming lumabas at iba-ibang brand. “Rain!” Lumabas ako ng kuwarto para puntahan si Rain. “Ulan! Ulan!” Ang lakas ng katok ko sa pinto ng kuwarto niya pero hindi niya binuksan ang pinto. “Bwiset talagang babae na ‘to!” Kinuha ko ang duplicate na susi ng kuwarto niya at binuksan ko ito. Pagbukas ko ay halos masuka ako sa amoy ng kuwarto niya. Amoy langis ang kuwarto niya. “Ulan!” Nakita kong nakahiga siya sa kama kaya nilapitan ko siya. “Ulan! Bumangon ka! Ibalik mo ang pera ko!” sigaw ko. Magkatabi kami pero sumisigaw ako dahil sa galit sa kanya. “Ulan!” Hinila ko ang kumot niya. Nakita ko siyang nakabaluktot na nakahiga. “Ulan, bumangon ka diyan!” Nang hawakan ko ang kamay niya napansin kong mainit siya. Gayunpaman, hindi ako naniniwala sa kanya. Budol si Ulan kaya siguradong drama lang niya ito. Kinalabit ko siya. “Ulan, ano ba!” Nagising naman siya at tumingin sa akin. “Ikaw pala… Darling.” Sabay ubo niya. “May sakit ka?” Bumangon siya. “Wala akong sakit.” Sabay sunod-sunod niyang ubo. Yung ubo niya parang gusto ng ilabas pati ang baga niya. “Bakit ka nagkasakit?” “Kinuha ko ang sakit mo.” “Hindi ako naniniwala sa iyo. Hindi naman gamot ang binigay mo sa akin panty liner.” Nagsimula na namang mag-init ang ulo ko. “Hindi 'yon panty liner, gamot talaga ‘yon. Palibhasa kayong mayayaman wala kayong ibang alam kung hindi ang doktok.” “Sinabi ng mommy ko na panty liner ang binigay mo sa akin.” Bumuntong-hininga siya. “Okay, kung ‘yan ang gusto n’yong paniwalaan.” Sabay ubo niya. Kinapa ko ang noo niya at nakita kong hindi siya nagsisinungaling damil may lagnat talaga siya. “Magdadala ako ng gamot mo.” Umiling siya. “Gagaling din ako.” Bumuntong-hininga ako. “Anong gusto mong kainin?” “Gusto ko ng fried chicken, burger, pineapple juice, pizza at eggpie.” Muli na naman siyang umubo ng sunod-sunod. Tinitigan ko siya. Ikaw lang ang may sakit na sobrang takaw. Dapat wala kang ganang kumain.” “Pasensya na, baka ito na kasi ang huling hapunan ko kaya lubusin ko na.” “Tsk! Ang drama mo. Hindi ka mamatay dahil masamang damo ka." "Ay, grabe! Ang sakit mo magsalita. “Hintayin mo ako at mag-order ako ng pagkain.” Humakbang ako palabas. Pagkasara ko ng pinto ay narinig ko siyang sumigaw kaya bumalik ako sa kuwarto niya para malaman kung siya talaga ang sumigaw “Tulog naman siya.” Nakita kong mahimbing naman ang tulog niya. Tuluyan akong lumabas para mag-order ng pagkain. Habang hinihintay ko ang order namin ay lumabas ako ng kuwarto para silipin kung nagluto si Rain kanina. “Nagluto pala siya ng pagkain kahit alam niyang hindi naman ako uuwi.” Napansin kong malinis ang buong bahay at bakuran. “Manang Tinay, ikaw ba ang nagwalis ng bakuran kanina?” tanong ko sa caretaker ko nang puntahan ko siya sa bahay nila. Umiling siya. “Yung girlfriend n’yo po ang naglinis ng buong paligid. Ang sipag niya wala siyang ginawa kung hindi ang maglinis. “Girlfriend?” “Opo, yung girlfriend n’yo na mataba.” Tumalikod ako at hindi ko na kinausap si Manang Tisay. Gigil na gigil ako sa nalaman ko. Pinagkakalat pala ni Rain na girlfriend ko siya. Humanda ka talaga sa akin kapag magaling ka na, Rain!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD