CHAPTER 5

2782 Words
Kahit anong mangyari hindi puwedeng si Mang Garry ang first kiss ko. Nang maamoy ko ang mabangong hininga ni Mang Garry, bigla akong nangisay na parang uod, habang tumitirik ang mga mata. “Anong nangyayari kay Rain?” bakas sa boses ni Mang Garry ang takot. Bumangon ako habang nangingisay ako, pagkatapos lumapit ako kay Sir Joseph, para yakapin siya. “Hoy, Rain!” Sabay batok sa akin ni Sir Joseph. Aray! Napilitan akong idilat ang mga mata ko, baka bigla na lang akong suntukin ng amo kong manhid. “S-Sir Joseph?” kunwari ay wala akong alam sa nangyari. “Rain, buhay ka,” wika ni Mang Garry. Nakakunot naman ang noo ni Sir Joseph. “Bumalik ka sa kuwarto mo.” Sabay alis niya. “Anong nangyari?” “Nalunod ka. Ang akala namin hindi ka na magigising.” “Baka po ginising ako ng bantay ko.” Pagsisinungaling ko. Tumingin ako kay Sir Joseph na nagpupunas ng buhok. “Mabuti na lang at nagising ka,” wika ni Mang Garry. Ngumiti ako sa kanya. “Salamat po.” Tumalikod ako at pumasok sa loob. “Kainis! Epic fail.” Wala akong balak maligo ng gabi pero naligo ako dahil sa kanya. “Humanda siya sa akin bukas. Gaganti ako sa ginawa niya. Snob niya ang beauty ko.” Bulong ko habang nagbabanlaw ako. Blower ng kamay ang ginamit ko para matuyo ang buhok ko. Gusto ko na kasing matulog dahil inaantok na rin ako. KINABUKASAN ay maaga akong nagising para tumulong sa pagluluto ng almusal ni Sir Joseph. “Rain, anong oras ka mag-insenso sa loob ng mansyon?” tanong ni Aling Josie. “Anong oras ba aalis si Sir Joseph?” “Mamayang hapon siya aalis sabi niya.” “Ayos!” “May sinasabi ka?” “Ang sabi ko, mukhang ayos na ang niluto n’yo,” alibi ko. “Luto na ‘yan puwede mo ng tawagin si Sir Joseph.” “Gising na po ba siya?” “Oo, puntahan mo sa fourth floor nag-gym ‘yon ngayon.” “Sige po.” Bago ko puntahan si Sir Joseph ay pumunta muna ako sa kuwarto ko. Gagamitin ko ang lotion na binigay niya sa akin. Pinahid ko sa mukha, leeg at buong katawan ko ang lotion, pagkatapos ay pinuntahan ko na siya. Huminga ako ng malalim bago ako pumasok sa loob. Bukas ang pinto kaya hindi ko na kailangan kumatok. Para akong nasisilaw sa liwanag nang makita ko si Sir Joseph na walang suot na pang itaas. Nagbubuhat siya ng barbel habang tumutulo ang pawis niya. OMG! Ang sarap naman ng breakfast ko. Napansin ako ni Sir Joseph. Huminto siya at lumapit sa akin. “Why?” “Aw! Aw! Aw!” sabi ko. Kumunot ang noo niya. “Are you okay?” “S-Sir Joseph, kainin n’yo ako este kumain na kayo ng breakfast,” nabubulol kong sabi. Bigla akong nabulol dahil biglang natuon ang mga mata ko sa ilong ng elepante. “Mamaya na ako kakain.” “Aw! Aw! Aw!” Ano bang sinasabi ko. Yes, Darling dapat. “Bakit ka ba tumatahol?” “Dog style este dog po.. may nakita akong dog sa labas na iyak nang iyak.” “Tsk! Hindi bagay sa iyo maging aso, mas bagay sa iyo maging piglet.” Ouch! Savage! “Okay lang, piglet pa lang naman.” “Whatever!” Tinalikuran niya ako at muli siyang nagbuhat ng barbell. “Sir Joseph, puwede ba akong mag-exercise?” Mas lalong kumunot ang noo niya. “Sure ka?” Syempre hindi pero para sa anim na pandesal at ilong ng elepante, keri. “Feeling ko kasi mataba na ako.” “So, feeling mo payat ka?” “Hindi naman double XL lang.” “Sige, tumakbo ka diyan sa treadmill ng ten thousand step.” “Anong premyo?” “Premyo papayat ka.” Napakamot ako sa batok. “Ano ba ‘yan! Bakit kasi bida-bida ako.” Imbes wala akong sakit ng katawan ay magkakaroon na ako dahil sa kalandian ko. Sa umpisa naglalakad lang ako pero biglang pinabilis ni Sir Joseph kaya imbes na lakad ang ginagawa ko ay tumakbo ako. “Sir Joseph, ayoko na pagod na ako.” “Naka-set ‘yan sa ten thousand steps. Tutunog ‘yan kapag naka-ten thousand steps ka na.” Nagpatuloy siya sa pagbubuhat, samantalang ako ay takbong baboy ang ginagawa. Nang matapos ko ang ten thousand step. Pakiramdam ko, nabawasan ako ng tatlong kilo. Basang-basa ako pati panty ko nabasa sa ng pawis. “Sir Joseph, tapos na po,” hingal na hingal kong sabi. Nagtakip ng ilong si Sir Joseph. “Ang baho mo, amoy putok.” “Sorry, nawala na epekto ng tawas.” “Hindi mo ginamit ang binigay ko sa iyo?” “Ginamit ko kanina. Pinahid ko nga sa buo kong katawan at sa mukha ko.” Kulang na lang patayin ako ng tingin niya. “Tanga!” “Sino po ang tanga?” “Ikaw ang tanga! Hindi body lotion ang binigay ko sa iyo, deodorant ‘yon na lotion. Sa kilikili ‘yon nilalagay, hindi sa katawan.” “Hala? Hindi ko alam.” “Hindi ka ba marunong magbasa?” “Hindi ko binasa kasi akala ko body lotion. Sa amin kasi ang deodorant ‘yung may bolang maliit sa unahan.” “Lumabas ka. Nahihilo ako sa amoy mo!” “Yes, Darling!” Halos takbuhin ko palabas ng gym room. Natanaw ko sa baba ang mga kasamaan kong katulong pero nang malapit na ako sa baba ay nagtakbuhan sila palayo sa akin. “Luh, bakit ba sila natatakot sa amoy ng kilikili ko? Ayaw na lang amuyin para maubos.” Sa lugar namin mas malakas ang amoy ng putok ng kapitbahay namin pero wala naman nagrereklamo. Dito lang talaga sa Manila ang maarte. Napilitan akong maligo para mawala ang amoy ng kilikili ko. Naglagay na rin ako ng deodorant na lotion. “Forty eight hours daw ang epekto nito.” Dinamihan ko ang paglalagay para plus forty hours ang epekto. Nang lumabas ako ng kuwarto ay lumapit sa akin si Aling Josie. “Rain, nakahanda ang insenso.” “Sige, tawagin n’yo na si Sir Joseph.” “Bakit kailangan si Sir Joseph?” “Aling Josie, kailan natin siya dahil siya ang may ari ng bahay.” “Baka hindi siya pumayag.” “Huwag na natin gawin ang dasal.” Napakamot sa ulo si Aling Josie. “Sige, tatawagin ko.” “Sinindihan ko na ang insenso.” Bumalik ako sa kuwarto ko para kunin ang mga ginamit ko na agimat. Sinindihan ko na ang insenso at gumamit ako ng palaspas habang hinahampas ko sa hangin. Nakikita ko lang ito sa mga matandang manggagamot sa amin. Nakasimangot si Sir Joseph ng lumabas ng kuwarto. Makakaganti rin ako sa iyo. “Anong gagawin namin,” tanong niya. Tumingin ako sa kanila. “Magsindi kayo ng kandila at samahan n’yo ako sa pagdarasal. Sumunod naman sila sa akin. Gusto kong matawa pero pinipigilan ko ang sarili ko. Nagsimula na akong bumulong ng kanta ng cocomelon. Mahina lang para hindi nila marinig. Hayaan nilang isipin na nagdadasal ako. Nangisay ako at pinatirik ko ang mga mata ko na parang nasasapian ako. “Sumunod kayo sa akin,” inipit ko ang boses ko na parang bata para isipin nilang may sapi ako. Nakita ko si Aling Josie na takot na takot. “Sundan n’yo ako. Otu- Otu- eko.” Sabay-sabay nilang sinabi ang, “Otu-otu eko.” “Ngetpa eko,” “Ngetpa eko.” “Oynomed oynomed ke, sagot.” “Oynomed oynomed ke.” “Sir Joseph, sabihin mo, adnagam niar ng tatlong beses.” “Adnagam niar,” sagot ni Sir Joseph. Nakaganti rin ako sa iyo. Mabuti na lang at hindi nila iniisip na baliktarin ang sinabi ko. “Sabini n’yo, Sabal oyak agm lamina.” “Sabak oyak lamina!” sabay nilang sabi. “Chidi wong wong choy, chodo kongkong loy Chidang bobo chichang, chidi kong tong nang Chiding chon ya kang kong, woop Butsekik, ek-ek, e-ek, ulitin ng tatlong beses,” sabi ko. Pigil na pigil ang tawa ko sa kanila. “Rain bakit parang kanta ‘yung huli.” tanong ni Aling Josie. “Hindi n’yo kasi alam ang ibig sabihin kaya akala n’yo kanta.” Syempre hindi ako aamin na kanta ngayon. Umikot kami sa loob ng mansyon at pinausukan ng insenso. Nag-amoy insenso ang buong mansyon. “Sir Joseph, yung kuwarto n’yo naman ang pausukan ko.” “Huwag na, hindi ako takot sa multo.” “Hindi lang naman ‘to para sa multo. Pampaalis din ito ng malas. Malay n’yo makita n’yo ako este ‘yung babae na para sa inyo. Magkaroon na kayo ng love life.” “Okay.” Binuksan niya ang pinto. Pinausukan ko ang buong kuwarto ni Sir Joseph. May nakita akong picture na babae kasama si Sir Joseph, na nasa sa ibabaw ng lamesa niya. Katabi ng family picture nila. “Sir Joseph, siya ba ang bestfriend mo?” “Wala kang pakialam. Bilisan mo para makaalis ka na!” “Ang sungit mo naman.” Tinapos ko ang pagpapausok sa loob ng kuwarto niya, pagkatapos tinapat ko sa kanya ang usok. “Bakit mo sa akin tinapat ‘yan ang baho!” “Kailangan mo ‘to kasi hindi ka pa rin maka-move on.” “Rain!” sigaw niya. Pang-asar akong ngumiti. “Yes, Darling!” “Get out!” “Five thousand.” “What?” “Five thousand ang singil ko sa pagpapausok ng buong mansyon.” “Ang sabi ni Aling Josie, one thousand lang?” “Tama, sinabi ko ‘yon akala ko kasi konti lang pero ang laki pala. Kailangan ko ng proteksyon dahil baka sa akin sumanib ang mga espirito rito.” “Tsk! Mandurugas ka ba?” “Sir Joseph, isipin mo, isang katulong maglinis ng buong mansyon. Hindi ba’t nakakapagod ‘yon? Gano’n din ang ginawa ko. Nagwalis ako ng mga masamang espiritu.” Bumuntong-hininga siya. “Okay, fine!” “Magbibigay ka rin naman pala ang dami mo pang reklamo.” Dumukot si Sir Joseph sa drawer niya. May kung anong kinuha siya tapos inabot sa akin. “Wala akong cash kaya tseke na lang.” “Luh. Binigyan mo pa ako ng sakit ng ulo. Hindi ako marunong magpalit niyan.” “Kung ayaw mo ‘di ‘wag.” “Cash ibigay mo sa akin. Paano ko naman ‘yan mabibili ng android phone kung tseke ang pambayad ko.” “Bibili ka ng cellphone?” Tumango ako. “Oo, para kahit malayo ako makita ko ang pamilya ko sa probinsya.” Kinuha niya ang tseke. “Sasamahan kita bukas bumili ng cellphone.” Lumapad ang ngiti ko. “Talaga?” “Narinig mo naman ang sinabi ko.” “Thank you, Darling!” Yayakap sana ako sa kanya pero lumayo siya. “Lumabas ka na, ang baho ng kuwarto ko.” “Sorry!” Tumalikod ako at lumabas ako ng kuwarto niya. Hindi na tuloy ako makapaghintay na sumapit ang umaga. “Makakabili na ako ng cellphone.” Pumasok ako sa kuwarto para kunin ang pera ko. “Ay, kulang pala. Isa lang pala mabibili ko.” Napagdesisyonan kong pamilya ko muna ang ibibili ko ng cellphone. Bibili na lang ako kapag nakaraket ako sa panghuhula sa day off ko. KINABUKASAN maaga akong nagising dahil excited ako sa date namin si Sir Joseph.” “Aling Josie, nagluto na po ako ng almusal natin at nakapagwalis na rin ako sa bakuran.” “Masyado ka naman yatang maaga nagising.” Ngumiti ako. “May date po kami ni Sir Joseph.” “Date?” Tumango ako. “Sasamahan niya raw akong bumili ng cellphone para makatipid ako.” “Sasamahan ka lang bumibili pero hindi date ang tawag doon.” “Ay, akala ko kapag lumabas ang lalaki at babae date na.” “Mabuti at si Sir Joseph ang sumama sa iyo. Marami siyang kilalang may ari ng cellphone baka makatipid ka.” “Excited na ako.” “Kumain ka na tapos maligo ka kapag umalis kayo ni Sir Joseph.” Inamoy ko ang kilikili ko. “May amoy na ba?” “Wala pa naman pero kailangan mong maligo.” “Opo, naglalagay rin ako ng binigay sa akin na deodorant na binigay ni Sir Joseph.” Tumawa ng malakas si Aling Josie. “Hindi na nakatiis si Sir Joseph sa amoy mo kaya binigyan ka ng deodorant.” Sumimangot ako. “Bakit kasi ayaw n’yo na lang amuyin nang amuyin para maubos.” “Puro ka talaga kalokohan. Kumain ka na para makapag-asikaso ka na.” Tumango ako tapos kumain na ako. Ilang beses akong naghilod ng katawan at nagsabon bago ko naisipan tapusin ang paliligo. Dinamihan ko rin ang paglalagay ng gamot sa kilikili. Dinala ko rito para kung sakaling hindi na tumalab lalagyan ko ulit. “Ulan, bilisan mo!” sigaw ni Sir Joseph. “Rain po.” “Gusto ko ulan.” Sabay simangot niya. “Ang ganda ng binigay na pangalan sa akin ng magulang ko babastusin mo,” bulong ko. “May sinabi ka?” “Ang sabi ko, guwapo mo.” “Alam ko na ‘yon hindi mo na kailangan ulitin.” “Hambog amputa,” bulong ko. Wala akong imik nang sumakay ako sa kotse niya. Siya ang driver kaya hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. “Ang tahimik mo,” sabi niya. “Excited lang.” “Mamaya pa tayo bibili ng cellphone.” Tumingin ako sa kanya. “Saan tayo pupunta?” Tumawa siya. “Sikreto.” Nagsimula na akong kabahan. “Sir Joseph, hindi na po maganda ang laman loob ko. Yung kindey ko isa na lang, may tumubong pigsa, yung puso ko kambal siya, yung liver ko, maputla na, yung large at small intestine ko hindi nakabaluktot. Straight siya sila sa loob ng katawan ko. Hindi na rin magagamit ang mga mata ko kasi puro hubad nakikita nito. Wahh! Huwag n’yong pamigay ang organs ko. Yung taba ko na lang libre naman!” Hagulgol ko ng iyak. “Shut up!” “Maawa kayo sa akin! Huwag mo akong gahasain, virgin pa ako. Ayokong mabuntis na walang ama ang pinagbubuntis ko.” Kumunot ang noo niya. “What!” “Maawa kayo sa akin! Ayokong maging single Mom, kawawa naman ang anak ko kung walang baon sa school, tapos hindi siya makakapagtapos ng pag-aaral!” Hagulgol ko ng iyak. “Baliw! Dapat sa iyo dinadala sa mental hospital.” Pinunasan ko ang luha ko. “Hindi n’yo ibibente organs ko?” “Sa dami ng cholesterol mo baka walang bumili ng organs mo.” “Aray! Wala naman personalan.” “Hindi kita gagahasin ‘wag kang feeling.” “Hala, bakit hindi?” Matalim siyang tumingin. “Anong sinabi mo?” Umiwas ako ng tingin. “Mabuti naman at hindi.” Nakahinga ako ng maluwag, dahil hindi naman niya ako ibebenta. “Tsk! Sakit mo sa ulo.” Sumimangot ako. “Saan ba tayo pupunta?” Hindi na siya nagsalita. Hanggang sa makarating kami sa isang malaking building. “Anong gagawin natin dito sa derma?” “Joseph, bakit nandito ka?” “May dinala ako sa iyong kliyente, Dra. Krisha.” Tumingin sa akin ang magandang Doktora. “Anong gagawin sa kanya?” “Treatment for underarm.” “Okay, Let’s go!” Tumalikod si Dra. Krisha. “Let’s go, Rain.” Gulong-gulo ako sa nangyayari pero sumunod ako. Sigurado naman akong hindi nila ako kakatayin kaya kampante ako. Pinahiga nila ako sa malambot na kama na may mga ilaw sa harapan ko. Nagsuot na rin ng facemask si Doktora Krisha. Ako naman ay nagpalit ng damit ng pasyente. “Itaas mo ang braso mo.” “Po?” bigla akong nahiya lalo na’t nakatingin si Sir Joseph. “Itaas mo ang braso mo para gamutin natin ang problema mo.” Huminga ako ng malalim at pikit mata kong tinaas ang kilikili ko. “Oh my gosh, sigurado ka ba na babae ka? Bakit ang kapal ng buhok mo sa kilikili,” wika ni Dra. Krisha. Huhuhu! Ang sakit kasi kapag binubunot. Ang mahal ng blade kaya kumapal. Parang ayaw ko ng idilat ang mga mata ko sa sobrang kahihiyan. Kasing kapal na yata ng bulbul ko ang buhok ko sa kilikili ko. Wala namang tumawa sa kanila habang inaalis nila ang buhok ko sa kilikili pero hiyang-hiya ako. Lupa lamunin mo na ako, now na!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD