CHAPTER 4

2623 Words
NAGLALAKAD ako pababa ng hagdan habang inaamoy ko ang kilikili kong nangangamoy bulok na daga. “Grabe bakit ganito ang amoy ng kilikili ko? Dahil siguro sa klima dito sa Manila.” Bumalik ako sa kuwarto ako at naglagay ulit ako ng tawas para mawala ang amoy. Nagpalit din ako ng damit para hindi na ako mangamoy, pagkatapos ay bumalik ako sa kusina. “Anong sabi sa iyo ni Sir Joseph?” tanong ni Aling Josie. “Ang sabi niya ang ganda ko raw.” Huminto siya sa ginagawa niya at tumingin sa akin. “Sinabi niyang maganda ka?” “Opo, bakit hindi ba obvious?” “Baka mali pandinig mo baka ang sabi niya mataba ka.” Sumimangot ako. “Ang sakit n’yo naman magsalita. Hindi naman ako mataba double XL lang ako.” “Okay, kung ‘yan ang gusto mo.” Ipinagpatuloy ni Aling Josie ang pagbabalat ng gulay. “Aling Josie, may nililigawan na ba si Sir Joseph?” “Hindi ko alam. Hindi kami nakikialam ng buhay ng mga amo namin.” “Ah, okay.” “Tulungan mong maglinis ng swimming pool si Biray dahil maliligo si Sir Joseph mamayang gabi.” “Gabi siya naliligo?” Tumango siya. “Oo, madalas siyang maligo sa gabi bago matulog.” Panoorin ko nga siyang magligo mamaya. “Sige po, maglilinis na ako.” Tumalikod ako at lumabas ako ng bahay para tumulong sa paglilinis ng swimming pool. Kinuha ko ang pangsungkit sa mangga. Dito sa Manila ginagamit sa pagkuha ng mga dahon sa pool, pero sa amin pangsungit ng mangga para hindi ito mahulog sa lupa. “Biray, bakit hindi na lang ubusin ang tubig saka natin damputin ang mga dahon?” tanong ko. “Hindi puwede kasi bagong linis na ‘yan kanina at bagong palit ng tubig. Magtatanggal lang tayo ng mga nalaglag na dahon at magwawalis sa paligid. Gusto ni Sir Joseph, walang mga dahon kapag naliligo siya.” “Anong oras ba siya naliligo?” “Hindi ko alam.” Magsasalita pa sana ako ngunit nakarinig kami ng ingay sa labas. “Ano ‘yon?” “Nag-aaway na naman ‘yung biyenan at asawa ng lalaki diyan.” “Talaga?” Dahil tsismosa ako huminto ako sa ginawa ko at lumapit ako sa bakuran para marinig ko ang sinasabi nila. Nagkunwari akong nagdidilig ng halaman. “Hayop ka! Niloloko mo ang anak ko. May kabit ka pang hayop ka!” sigaw ng matandang babae.” “Wala akong lalaki!” “Sinungaling ka! niloloko mo ang anak ko, palamunin ka na nga malandi ka pa!" sigaw ng matanda. “Uso pala rito ang mga kabit. Akala ko sa probinsya lang.” “Rain!” tawag ni Biray at Aling Josie. Lumingon ako. “Nagdidilig po ako ng halaman,” sagot ko. “Bumalik ka rito!” sigaw ni Aling Josie. Hindi ako nakinig sa kanila. Kailangan kong makasagap ng tsismis para kapag nagpahula sila ay may idea na ako. May kumalabit sa balikat ko. “Ano ba! Nagdidilig ako,” sabi ko ng hindi ko naisip na lumingon dahil nakatingin ako sa kabilang bakuran. Muli akong kinalabit sa balikat. “Aling Jo— Da-Darling!” nauutal kong sabi. Sa laki ng katawan ko ay kayang-kaya akong lamunin ng matalim niyang tingin. “Huwag mo akong tatawagin darling.” Sabay lingon niya kila Aling Josie ay Biray. “Hi, Sir Joseph!” pabulong kong tanong Salubong ang kilay niya. “Anong ginagawa mo rito?” “Ah, Sir Joseph, nagdidilig ako ng halaman.” Binigay ko pa ang pinaka-cute kong ngiti sa kanya baka sakaling magkagusto siya sa akin. “Nagdidilig ng halaman o sumasagap ng tsismis.” “Luh, hindi ako mahilig makipag-tsismisan bawal sa relehiyon namin ‘yon,” pagsisinungaling ko. “So, nagdidilig ka ng halaman ng walang tubig.” Paglingon ko sa hawak kong hose walang tubig na lumalabas. Gaga ka talaga self. “Pinatay ko na ‘yung tubig para makatipid,” alibi ko. “Go inside!” “Saang side po, left or right side?” “What?” Napakamot ako sa ulo ko. “Ang labo mo naman, ang sabi mo, go inside.” Huminga siya ng malalim. “Pumasok ka sa loob bago pa maubos ang pasensya ko sa iyo!” sigaw niya. “Yes, Sir Joseph!” Tumakbo ako papasok sa loob ng mansyon. “Anong ginawa mo, Rain?” pabulong na sabi ni Aling Josie, nang makapasok ako sa loob. “Wala naman akong ginawang masama.” “Ayaw ni Sir Joseph na tsismosang katulong.” “Hindi naman ako tsismosa. Nagdidilig lang talaga ako ng halaman,” pagsisinungaling ko. Kahit anong mangyari hindi ko aamin sa ibang taon na tsismosa ako. Isa ‘yon sa mga rules ng tsismosa sa lugar namin. ‘wag aamin na tsismosa ka. “Basta ‘wag mo ng ulitin ang ginawa mo dahil baka palayasin ka ni Sir Joseph.” “Opo,” “Sige na puntahan mo na siya sa kuwarto niya.” “Bakit ko siya pupuntahan sa kuwarto niya?” Nagkibit-balikat si Aling Josie. “Hindi ko alam.” Hindi ko talaga gusto ang amo namin dahil sobrang sungit, pero wala naman akong magagawa kung hindi ang magtiis sa ugali niya. Huminga ako ng malalim nang nasa harap na ako ng pinto. “Ehem! Ehem! Ser Jeseph!” sabi ko sa pabebeng boses ko. Hindi ko siya narinig kaya kumatok ako sa pinto tapos pumasok ako sa loob. Nakita ko siyang nanonood sa malaking telebisyon na nakadikit sa dingding. Naglakad ako ng sobrang sexy habang papalapit sa kanya tapos sinuklay ko ang gilid ng buhok ko. “Ser Jeseph, henep n’ye rew eke? Ehe!” Kinurap-kurap ko ang mga mata ko. “Aray!” sigaw ko Bigla niya akong binato at hindi ko ‘yon nasalo kaya bumagsak sa sahig. “Get it.” Pinulot ko ang malaking lagayan ng lotion. “Eneng gegewen ke rete?” Matalim niya akong tinitigan. “Bakit ba ganyan ang boses mo? Parang sinumpang duwende. Ayusin mo ang boses mo hindi bagay sa katawan mo.” Sumimangot ako. “Grabe nagpapa-cute lang naman ako,” bulong ko. “Hindi ka cute.” Ay, narinig niya. “Gamitin mo ‘yan araw-araw.” Tumango ako. “Yes, Darling.” “Kailangan ba talaga lagi mo akong tinatawag na Darling?” Tumango ako. “Oo, para mawala ang sumpa mo sa pag-ibig,” alibi ko. “Ang sagwa pakinggan kapag ikaw ang nagsasalita.” “Gusto n’yo na si Aling Josie ang tumawag sa inyo ng Darling?” “Psh! Umalis ka na nga!” Tumango at mabilis na lumabas ng kuwarto. “Gusto siguro niya akong maging makinis at maputi kaya binigyan niya ako ng lotion.” Ngumiti ako dahil mabait siya sa akin. Bumalik ako sa kuwarto ko upang ilagay ang binigay niyang lotion. Gagamitin ko ‘yon bukas kapag naligo ako. Paglabas ko nakita ko si Biray na may kausap sa kanyang cellphone. Lumapit ako sa kanya. Nakita ko siyang may kausap. Hinintay kong matapos si Biray, bago ko siya kinausap. “Biray, sinong kausap mo?” “Nanay ko, araw-araw ko silang tinatawagan para hindi ako malungkot.” “Mahal ba ang ganyang cellphone? Gusto ko rin bumili para lagi kong nakakausap ang pamilya ko. May cellphone kami pero keypad pa siya at malapit ng sumuko.” “Makakabili ka ng cellphone sa halagang five thousand pesos. Hindi nga lang maganda ang camera pero makakatawag ka na sa magulang mo. Pero kung bibili ka dapat sila rin bilhan mo.” “So kailangan ko ng ten thousand pesos para makabili ng cellphone.” Tumango siya. “Yes, kailangan.” Kailangan ko pa lang rumaket para makabili ako ng cellphone. Hindi ko na maasahan ang sahod ko dahil nakuha ko na ang kalahati. “Biray, kailan ba ang day off natin?” “Day off, tanong mo kay Aling Josie. Hindi pare-pareho ang day off natin dito.” “Sige, tatanungin ko na lang salamat.” Pinuntahan ko si Aling Josie sa kusina. “Hindi ko alam kung bakit laging busy siya sa kusina. Si Sir Joseph lang naman ang nakikita kong amo namin. “Aling Josie, kailan ang day off ko?” “Itanong mo kay Sir Joseph.” “Sige, tatanungin ko na ngayon.” “Bukas mo na tanungin wala siya ngayon umalis siya.” “Sige po, bukas na lang.” “Bukas ng umaga mo dadasalan ang mansyon ‘di ba?” Tumango ako. “Opo.” “Sige, magluluto kami ng alay.” “Para sa akin?” Kumunot ang noo niya. “Bakit sa iyo?” takang tanong niya. “Ay, mali. Akala ko meryenda alay pala,” alibi ko. “Hindi naman mawawala ang meryenda rito, kaya kung hindi ka nag-diet lalo kang tataba rito.” “Okay na ako sa katawan ko.” “Ikaw ang bahala kung ayaw mong mag-diet.” “Kapag naging payat ako baka pati multo magkagusto sa akin.” “Huwag na natin pag-usapan ang multo matatakutin pa naman ako.” Tumango ako saka hinintay kong maluto ang pagkain. Dahil wala ang amo namin kaya nauna kaming kumain. Ang sabi ni Aling Josie, madalas hindi kumakain ng dinner si Sir Joseph kaya nauuna na silang kumain. Humiga ako sa kama ko at sinimulan kong matulog. Malaki ang bahay ng mga amo ko at talagang maraming nililisan tuwing umaga, pero kapag tapos na ang trabaho. Puwede ka ng magpahinga habang naghihintay ng utos ni Sir Joseph. “Inaantok na ako kaya lang gusto kong panoorin si Sir Joseph na maligo sa swimming pool.” Sinikap kong manood ng telebisyon sa labas, pero talagang hinihila na ako ng antok kaya naman natulog na ako. Nagising ako ng nakaramdam ako ng sobrang lamig. Bumangon ako at nakita kong nasa sala ako at bukas pa ang telebisyon. Nakita kong alas-onse na ng gabi. Nasa mga kuwarto na sila Aling Josie at marahil ay tulog na. Pinatay ko ang telebisyon para bumalik sa kuwarto. Ngunit naalala ko si Sir Joseph. “Baka naliligo sa swimming pool si Sir Joseph.” Kinilig ako sa naiisip ko. Lumabas ako at umupo sa gilid kung saan tanaw ko ang swimming pool. “Nasaan kaya si Sir Joseph?” May ilaw naman ang swimming pool pero hindi ko siya nakita. “Biglang may umahon sa tubig. “Ay, Elepante!” Bigla kong tinakpan ang bibig ko. Nakita kong umahon si Sir Joseph sa pool. Wala siyang suot na damit na pang itaas at nakasuot lang siya ng boxer shorts. Dahil nabasa ito ng tubig kaya mas lalong bumakat ang ilong ng elepante. Kinapa ko ang dibdib ko. “Hindi ako makahinga. Bakit naman pinagpala siya sa lahat.” Biglang akong yumuko nang lumingon si Sir Joseph sa kinaroroonan ko. My gosh, baka pumunta siya rito.” Dahan-dahan ko siyang sinilip ulit pero hindi ko siya nakita sa pool. “Nasaan na siya?” “Ako ba ang hinahanap mo?” Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sa harapan ko si Sir Joseph. Tumutulo pa ang tubig sa buo niyang katawan. “S-Sir Joseph.” Nakatutok ang mga mata ko sa ilong ng elepante na nakabakat sa boxer shorts niya. Kumuno ang noo niya. “Bakit dumudugo ang ilong mo?” “Ha?” Kinapa ko ang ilong ko. Dumudugo nga siya. Hindi yata niya kinaya ang nakikita ng mga mata ko. “W-Wala ‘to, kinagat ako ng lamok.” Tumalikod ako sa kanya at pinunasan ko ang ilong ko. “Are you okay?” Oh, my gosh! Nag-I love you siya sa akin. Talagang totoo ang napapanood ko sa telebisyon. Nagkakagusto ang amo sa katulong. Hindi na ako magtataka kung ilang araw pa lang ay mahal na ako ni Sir Joseph. Ang cute ko kaya, sabi nila para daw akong teddy bear. Nagpa-cute ako sa kanya kahit tumutulo ng dugo sa ilong ko. “Sinasabi ko na nga ba may gusto kayo sa akin.” Kumunot ang noo niya. “Ang pinagsasabi mo? Matino pa ba ang isip mo?” “Huwag na kayong magkunwari. Ang sabi n’yo sa akin Are you okay? Ibig sabihin mahal n’yo ako.” “Tsk! Baliw!” “Aminin n’yo na gusto n’yo ako. Pero tatapatin ko kayo hindi ako easy to get.” “Tinanong lang kita kung okay ka lang dahil dumugo ang ilong mo. Baka kung anong mangyari sa ‘yo konsensya ko pa.” “Hindi mo ako gusto?” “Huwag kang feeling na gusto kita.” Napakamot ako sa ulo ko. “Gano’n kasi ang napanood ko. Nagtanong ng Are you okay, tapos sinabi niyang I love you,” bulong ko. Tumalikod siya. “Matulog ka na at huwag mo akong bosohan.” Humakbang siya pabalik sa swimming pool. Sinundan ko siya ng tingin. “Luh, Feeling niya binobosohan ko siya. Gusto ko lang naman makakita ng lalaking naliligo sa swimming pool,” bulong ko. Papasok na ako sa loob nang bigla akong tawagin ni Sir Joseph. “Rain!” Lumingon ako. “Yes, Darling!” “Halika sabayan mo akong maligo.” Feeling ko lumundag ang puso ko sa sinabi niya. Nakaisip na ako ng magandang plano para ma-fall sa akin ang amo ko. “Yes, Sir!” Nagpakendeng-kendeng akong naglakad palapit sa kanya. “Rain, hindi ka ba amoy putok?” Inamoy ko ang kilikili ko. “Hindi po.” “Sige, sabayan mo akong maligo.” Ngumiti ako. “Thank you, Sir.” Hinubad ko ang suot kong damit. “Huwag ka ng maghubad ayokong bangungutin mamaya.” Sumimangot ako. “Kainis! Sexy naman ako.” Nang tumalon ako sa swimming pool pakiramdam ko ay kalahati ng tubig ang nawala dahil tumalsik palabas. “Kaya pala gustong maligo ni Sir Joseph ang init ng tubig.” Tumingin ako kay Sir Joseph na abala sa cellphone niya. “Darling, maligo tayo!” sigaw ko. Hindi niya ako pinansin. “Suplado talaga.” Nag-floating ako at in-enjoy ko ang tubig. Napansin kong hindi na naligo si Sir Joseph nang nasa pool na ako. “Ayaw mong tumalon sa tubig. Tingnan natin kung hindi ka tatalon ngayon.” Lumapit ako sa tubig na hanggang leeg ko. Hindi ako marunong lumangoy pero abot ko naman ang tubig. Nagpanggap akong nalulunod para tumalon si Sir Joseph at i-CPR ako. Iniisip ko pa lang kinikilig na ako. “Saklolo! Saklolo! Nalulunod ako!” Sinadya kong ilubog ang ulo ko sa ilalim. Ang tagal bago ako napansin ni Sir Joseph. Kung totoong nalulunod ako baka patay na ako. OMG! Tumalon siya sa tubig sasagipin niya ako. Pinigilan kong ‘wag kaligin sa halip nagkunwari akong nawalan ng malay. Naririnig ko ang tunog ng langoy niya. “Rain! Rain!” boses ni Sir Joseph. Hinila niya ako. Habang hinihila niya ako ay nararamdaman ko ang ilong ng elepante na dumidikit sa hita ko. “Rain, wake up!” Hiniga niya ako sa semento. Aray! Bakit niya ako sinasampal? “Rain, Wake up!” CPR mo na kasi ako para magising ako. Narinig kong tumakbo si Sir Joseph. “Anong nangyari, Sir Joseph?” boses ‘yon ni Manong Garry. “Nalunod siya Mang Garry, dalhin natin siya sa ospital,” wika ni sir Joseph. “Sandali lang, Sir Joseph ay CPR ko siya baka sakaling magising,” wika ni Mang Garry. Animal, bakit si Mang Garry, puwede naman ikaw?” “Sa sobrang taranta ko nakalimutan kong I-cpr siya. Sige, kayo na po ang gumawa bago siya dalhin sa ospital,” wika ni Sir Joseph. Oh, no! Ayoko! Gising ka na Self, Si Mang Garry pa ang makaka-first kiss sa iyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD