CHAPTER 3

2200 Words
NASA loob na akong kuwarto nang magising ako. Bumangon ako at inikot ang paningin sa paligid. "Panaginip ba ang nangyari kagabi?" bigla tuloy akong naguluhan kung totoo ang nangyari kagabi. Lumabas ako ng kuwarto at dumiretso sa kusina. Nakita ko si Aling Josie na naghuhugas ng plato. "Aling Josie, ako na ang maghuhugas." "Rain, mabuti at gising ka na." Kinuha ko ang sponge at sinimulan na ang paghuhugas ng plato. "Pasensya na kung tinanghali ako ng gising ang ganda kasi ng panaginip ko." "Mabuti naman at okay ka na pero kailangan mo pa rin pumunta ng ospital." "Bakit kailangan kong pumunta sa ospital?" Seryoso siyang tumingin sa akin. "Hindi mo ba alam na bigla kang hinimatay kagabi?" Hindi talaga panaginip ang nangyari kagabi. Nakita ko ang guwapong lalaki. Umiling ako. "Hindi ko matandaan ang nangyari," pagsisinungaling ko. Gusto ko lang malaman ang ginawa sa akin ng lalaki habang tulog ako. Baka hinalikan niya ako. "Bigla ka raw hinimatay sabi ni Sir Joseph. Tinawag niya kami para buhatin ka." Ano ba 'yan hindi man lang ako binuhat. One hundred kilos lang naman ako. "Siya ba ang amo natin?" Tumango siya. "Oo, siya ang magiging amo mo? Bakit ka biglang hinimatay?" "Nakita kasi ako ng ilong ng elepante kumakaway sa akin kaya hinimatay ako." Nag-sign of the cross si Aling Josie. "Nakakatakot naman ang nakita mo. Bakit ilong lang nakita mo hindi kasama ang katawan." Nakakatakot talaga lalo na kapag pumasok sa akin baka warak pati ang bahay bata ko. "Baka may multo dito sa bahay kailangan sigurong dasalan para mawala ang mga ligaw na t**i," bulong ko. "Anong sabi mo, Rain?" "Sabi ko baka sa susunod hindi na ilong ng elepante ang magpakita baka pati itlog ng Ostriches at kagubatan makita ko na." "Sasabihin ko kay Sir Joseph na magpa-misa para mawala ang masamang espiritu." "Huwag na kayong magtawag ng pari kayang-kaya ko 'yan." "Siguro ka ba?" Tumango ako. "Kahit sumpa ng kalandian kaya kong alisin." "Sasabihin ko kay Sir Joseph." Ngumiti ako. "Mura lang singil ko huwag kayong mag-alala presyong pampamilya at pang sports pa," biro ko. "Sige, tapusin mo na 'yan paghuhugas mo ng plato at kumain ka na. Ihahatid ka ni Garry sa ospital para magpa-CT scan." "Hindi na kailangan ng gano'n wala naman akong nararamdaman masakit sa ulo ko. Ayoko rin gumastos dahil wala akong pambayad." "Wala ka naman gagastusin dahil sagot ng amo natin ang gagastusin mo sa ospital. Huwag kang mag-alala dahil kilala si Sir Joseph sa pupuntahan mo." Tumango ako. "Sige po." Gusto ko sanang tanungin kung nandito si Sir Joseph, kaya lang baka magtaka sa akin si Aling Josie. "Rain, nakita mo na ba si Sir Joseph?" tanong ni Mang Garry. Nasa biyahe kami papunta sa ospital na sinasabi ni Aling Josie. Hindi ko alam kung saan 'yon dahil hindi ko alam ang mga lugar dito sa Manila. Kaya kapag iniwan ako ni Mang Garry baka hindi na ako makabalik sa bahay ng amo ko. "Nakita ko siya na parang hindi." "Ay, bigla ka pa lang hinimatay." Tumahimik ako. Kung alam lang nila na sinadya kong himatayin para saluhin ako ng amo ko. "Mabait ang amo natin kaya wala kang magiging problema." "Sana nga po, hindi pa kami naghaharap ni Sir Joseph kaya hindi ko pa alam kung anong ugali niya." "Basta maging mabait ka lang sa kanya para hindi ka palayasin." Tumango ako, tapos pinagmasdan ko ang mga dinadaanan namin. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa ospital. Si Mang Garry ang kumausap sa loob, tapos may nurse na lumapit sa akin saka tinanong ang impormasyon ko. Kinuha niyang blood pressure ko, heartbeats, timbang, weight at body temperature ko. "Halika, sumunod ka sa akin," wika ng nurse. Hindi na ako pumila katulad ng ibang tao. Nang nasa tapat na kami ng pinto ay huminto ang babae at may kinausap siyang magandang babae na buntis. "Ingat ka, Jade," wika ng nurse. "Thanks," sagot ng buntis. Tumingin ako sa babae at ngumiti. "Babae po ang magiging anak n'yo," "Talaga." Tumango ako. "Opo, babae." "Anong pangalan mo?" "Ako po si Rain, manghuhula po ako." "Kapag babae ang anak ko babalikan kita at gagawin kitang ninang." "Salamat, bente pesos na lang po." Kumunot ang noo ng buntis. "Ha? Anong bente pesos?" "Kailangan n'yo akong bayaran dahil hinulaan ko kayo. Magkakasakit kasi ako kung hindi kayo magbibigay. One hundred pesos ang singil ko pero dahil ako naman ang ninang kaya bente na lang." "Okay." Naglabas ang buntis ng barya at binigay sa akin. "Sampung piso na lang ang barya ko." Kuripot naman ng buntis na 'to. "Okay lang." Tinanggap ko na rin ang sampung piso niyang binayad. Bukod tanging siya lang nagbayad ang sampung piso sa panghuhula ko. Hayaan mo nga ninang naman ako. KASING lamig ng aircon sa mansyon ang silid. Bago I-Ct scan at tiningnan muna ako ng neurologist. Hinayaan ko na lang kung anong ipagawa nila sa akin wala naman akong babayaran sa ospital. Sa probinsya kapag nauntog ako, imbes na ipagamot ako sesermunan pa ng nanay ko. Habang naglalakad ako palabas ay may babae na lumapit sa akin. "Bakit ang baboy ng beshy ko?" Sabay tawa niya. Huminto ako. "Ako ba ang sinasabihan mong mataba?" tanong ko. Pang-asar siyang ngumiti. "Ikaw lang naman ang mataba dito?" "Luh, Bakit mo ba pinakikialaman ang pagiging mataba ko? Pinakialaman ko ba ang pagiging pangit mo?" Napawi ang ngiti niya at napalitan ng galit. "Bakit galit ang beshy ko?" Ginaya ko ang sinabi niya kanina, tapos at nagpatuloy na ako sa paglalakad palabas. "Rain, tapos na ba?" tanong Mang Garry. Tumango ako. "Akala ko iniwan mo na ako." "Bakit naman kita iiwan? Baka magalit sa akin si Sir Joseph. Halika ka umuwi na tayo magbendisyon ka raw sa bahay." "Ngayon na ba 'yon?" "Hindi ko alam kay Josie. Sinabi niya lang sa akin nang tumawag siya kanina." "Okay po." Sumakay ako sa kotse at umalis na kami. Gusto ko talagang makita ang amo namin ng hindi madilim baka nagkamali lang ako ng nakita kagabi. "Rain, pumayag na si Sir Joseph, magkano ba ang ibabayad sa iyo?" Sandali akong nag-isip kung magkano ang sisingil ko sa kanila. "One thousand na lang." Tumango siya. "Sige, kailan mo gagawin?" "Sa biyernes ng hapon kailangan ko pala ng incenso kamangyan para gagamitin pantaboy." Tumango si Aling Josie. "Magpapabili ako bukas." "Sabi ng doktor kay Sir Joseph na lang daw ibibigay ang resulta ng ct scan ko." "Sige, puntahan mo si Sir Joseph ngayon. Gusto ka niyang makita para sabihin ang mga dapat mong gawin." "Ang ilong ng elepante." "Anong ilong ng elepante? Nakita mo na naman ba?" Umiling ako. "'Wag kayong matakot mabait naman 'yon." Naglakad na ako papasok sa kuwarto ko. Masyado naman silang matatakutin. Bago ako dumiretso kay Sir Joseph ay naligo at nag-toothbrush. Naglagay rin ako ng tawas sa kilikili at cologne bago lumabas ng kuwarto. "Ready na ako." Pinuntahan ko si Aling Josie para itanong kung saan ko pupuntahan si Sir Joseph. "Dalhin mo na rin itong meryenda niya." Binigay sa akin ang isang tray na may lamang pagkain. "Sige po." Ang lakas ng loob ko na pinuntahan ang amo ko. Nang nasa harap na ako ng pinto ay dahan-dahan akong kumatok. "Ser, yeng meryende nye, ehe!" Sinadya kong magpa-cute ng boses baka sakaling sa boses pa lang magkagusto na siya sa akin. Ang dami kong napanood na k-drama na nagkagusto ang amo sa katulong baka magyari sa akin ang gano'n. "Come in." "Sir, Rain mo ang pangalan ko hindi Camille." Hindi nagsalita ang amo ko kaya binuksan ko ang pinto at pumasok ako sa kuwarto niya. Pagpasok ko sa loob ng kuwarto parang gusto ko ng lumabas ulit. "Ay, ilong ng elepante!" sigaw ko. Paanong hindi ako magugulat. Nakita ko si Sir Joseph na nag-push up habang walang suot na pang-itaas. Tapos yung ilong ng elepante este 'yung alaga niya ay felix bakat. Tumalikod ako sa kanya at nag-sign of the cross. Magiging relihiyoso ako nito kapag ganito lagi ang itsura niya. "Lumapit ka sa akin." Lumunok ako at slow motion na humarap. Ewan ko ba, bakit baba talaga una kong napapansin. "S-Ser, eke pe se Rain, begeng keteleng." Kumunot ang noo niya. "Are you okay?" Tumango ako. "Yes, Ser." "Para kang nasapian ng sinumpang duwende." Ano? Todo pabebe na ko boses duwende lang ang sasabihin niya. Napawi ang kilig na nararamdaman ko sa kanya. "Nagbibiro lang naman ako." "I'm not in the mood to make fun of you. Place my food on the table, then leave." Nilagay ko sa lamesa ang pagkain niya. "Wala na ba kayong ipag-uutos?" "What part of what I said don't you understand?" "Pardon, Sir." Ganito ba talaga ang mga amo kailangan mag-english. Hindi ako ready, wala akong baon na english. "I said leave." Napakamot ako sa ulo at nakipagtitigan ako sa kanya. "Pong chuwala." Nagsalubong ang kilay niya. "What?" "Chi chi ri kong koila, Butsekik ek-ek-ek." "What the hell are you talking about?" "Bo bochichang, Chi chiri kong tong nang Butse kik ek-ek-ek." "I don't understand what you are saying." "Chidi wong wong choy, chodo kongkong loy—" "Umalis ka sa kuwarto ko!" Tinuro niya ang pinto. Yumuko ako. "Yes, Sir." Pumihit ako patalikod at naglakad palabas. "Kumakanta lang naman ako. Pangit ka-bonding," bulong ko. "Rain, binigay mo na ba ang pagkain?" tanong ni Aling Josie. Tumango ako. "Opo, ano ba ang gagawin ko?" Tulungan mo na lang si Ana na magpunas ng mga salamin." "Sige po." Kumuha ako ng gamit na panlinis ng mga salamin. "Aling Josie!" tawag ni Sir Joseph. Lumingon ako at tumingin sa kanya. "Bakit, Sir Joseph?" tanong ni Aling Josie. "Puntahan mo ako sa kuwarto ko may itatanong ako sa iyo." Sabay talikod niya at muli siyang bumalik sa kuwarto niya. Ano kayang sasabihin niya kay Aling Josie? Dahil tsismosa ako. Sumunod ako nang pumasok si Aling Josie sa kuwarto ni Sir Joseph. Hindi naman nakasarado ang pinto kaya pumasok ako at nagtago ako sa gilid ng dingding. "Bakit n'yo po ako pinatawag?" "Saan n'yo ba nahanap ang bago natin katulong?" tanong ni Sir Joseph. Ako ang pinag-uusapan nila. "Si Liticia ang kumuha sa kanya sa probinsya. Mabait daw po siya at maasahan." "Kakaiba siya parang may saltik." Abah! Ako pa talaga ang may saltik? "Naninibago lang po siguro dito sa Manila. Ngayon lang siya lumuwas dito sa siyudad." "Siguro nga. Sige na, bumalik ka sa trabaho mo." Nagmadali akong lumabas ng silid nang makita kong palabas na si Aling Josie. "Grabe naman si Sir Joseph, wala naman akong saltik," bulong ko. Ipinagpatuloy ko ang paglilinis ng mga salamin sa dingding. Pagkalipas ng kalahating oras ay lumapit sa akin si Aling Josie. "Bakit po?" "Pinatatawag ka ni Sir Joseph." Tumango ako. "Pupuntahan ko na po siya." Pawis na pawis ako nang pumunta sa kuwarto ni Sir Joseph. Nagpunas lang ako ng mukha gamit ang laylayan ng suot kong t-shirt. Kumatok ako sa pinto bago pumasok sa loob. "Sir Joseph, pinapatawag n'yo raw po ako?" Sinisikap kong 'wag kiligin kapag kaharap ko siya para hindi niya mahalata na type ko ang katawan niya. Seryoso siyang tumingin sa akin. "Manghuhula ka raw?" Hindi niya siguro ako naalala . Tumango ako. "Opo." Gusto ko sanang ipaalala sa kanya na nagkita kami sa simbahan noon. "Hulaan mo nga ako." "Ha?" Parang bigla akong kinabahan sa sinabi niya. "Hulaan mo ako kung sino ang babae na makakatuluyan ko." "Sir, wala po ang bolang kristal ko nasa kuwarto ko." "Tsk! Pekeng manghuhula ka siguro." "Alam n'yo, Sir Joseph, hindi ibig sabihin na nasaktan kayo dahil nagmahal kayo ng kaibigan. Hindi ka na makakahanap ng babae na magmamahal sa iyo." "How did you know about that?" Ano ba 'yan nag-english na naman siya. "Manghuhula po ako kaya alam ko." Ang totoo, narinig ko lang na pinag-uusapan siya kanina ng dalawang katulong. Gano'n talaga kapag tsismosa maraming balita na nasasagap. "Okay, anong dapat kong gawin?" "Dapat maalis ang sumpa ng kamalasan n'yo sa pag-ibig." "Paano?" "Kailangan may tumawag sa inyong Darling." Parang papatayin naman niya ako sa mga tingin niya. "Are you serious?" Tumango ako. "Sa tuwing tinatawag kayong Darling mawawala ang malas." "Sino ang tatawag sa akin na Darling?" "Ehem! Ehem! Puwede naman ako para mas powerful. Huwag kayong mag-alala walang malisya." Hindi siya nagsalita siguro ay nag-iisip siya kung papayag siya. Huminga siya ng malalim. "Okay, pero kapag tayong dalawa lang." Ngumiti ako. "Yes, Darling!" "Umpisa na ba?" Tumango ako. "Gusto mo ba next year na?" "Sige, ngayon na." May isa naman po akong na uto. "One hundred pesos ang bayad sa hula ko." Halos hindi maipinta ang mukha niya. "Pinagbabayad mo ako sa panghuhula mo sa akin?" "Opo, sana.." "Sige, tapos lumayas ka na." "Joke lang! Libre na kayo." Budol talaga si Sir Joseph. Kung hindi lang ilong ng elepante ang sa kanya. "Rain, puwede ba bago ka pumunta sa kuwarto ko maglagay ka ng deodorant. Ang sakit sa ilong ng amoy mo. Naka-aircon pa naman ako." Tinakpan niya ang ilong niya. Hinawakan ko ang kilikili ko at talagang sobrang amoy putok na nga ako. Wala na ang epekto ng tawas na nilagay ko. "Sorry, Darling." "Kadiri kang babae ka! Lumabas ka nga ng kuwarto, nakakahilo ang amoy mo!" sigaw niya. Sumimangot ako. "Suplado mo naman," bulong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD