"Nay, Tay, paalam na." Hagulgol ko ng iyak habang yakap ko silang dalawa.
"Rain, para naman kaming mamatay sa ginagawa mo na 'yan," sagot ni nanay.
Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanila at pinunasan ko ang luha ko gamit ang laylayan ng suot kong damit. "Basta mag-iingat kayo rito."
"Mag-ingat ka sa Manila, 'wag ka ng gagawa ng kalokohan doon."
Tumango ako. "Buwan-buwan akong magpapadala ng pera sa inyo."
Hindi alam ng magulang ko na dinala ko pa rin ang mga gamit ko sa panghuhula sa Manila. Gagawin kong raket ang panghuhula ko sa Manila para mabilis akong yumaman.
"Sige na baka nandiyan na ang maghahatid sa iyo sa Manila," wika ni nanay.
Ang sabi ng kaibigan niya ay susunduin ako ng driver ng magiging amo ko kaya hindi ako mahihirapan sa biyahe.
"Sige, Nay, Tay." Binitbit ko ang dalawang bag ko at sako bag kung saan nakalagay ang mga gamit ko sa panghuhula. Paglabas ko nakita ko ang kaibigan kong si Belat.
"Oh, bakit nandito ka?" tanong ko.
Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. "Bakit ganyan ang suot mo para kang binalot na lechon baboy sa suot mo."
Nameywang ako. "Wow! Aalis na nga lang ako nilait mo pa ako."
"Huwag kang magsusuot ng fitted na damit mas malaki pa ang bilbil mo kaysa sa dede mo."
"Palibhasa ikaw puro buto kaya inggit ka sa akin. Aalis na ako wala ka ng kaaway sa simbahan."
"Seryoso ma-miss kita," wika ni Belat.
"Huwag kang mag-alala kapag na miss kita ipagtitirik kita ng itim na kandila."
"Hayop ka!" sagot ni Belat.
"Sig na, aalis na ako kapag may maganda na akong cellphone tatawagan kita para makuha ko ang social media account mo."
"Bruha, ingat ka do'n." Sabay yakap sa akin ni Belat.
Alam kong malungkot siya dahil umalis ako. Ayaw niya lang ipahalata sa akin. Pareho kaming dalawa na iniiwasan na maging malungkot dahil ayaw namin magmukhang kawawa.
"Ingat ka rin dito 'wag makipaglandian sa may asawa," sabi ko.
Binatukan niya ako. "Gaga, hindi pa 'to butas."
"Aray!" sagot ko.
Hinatid nila ako hanggang sa dumating ang driver na susundo sa akin. Nang nasa loob na ako ng kotse ay nakaramdam ako ng lungkot. Ngayon lang ako napalayo sa pamilya ko.
Kapag nakaipon ako hindi na ako babalik sa Manila. Mag-iipon lang ako ng pera pampaayos ng bahay namin at panimula ng maliit na negosyo.
"Manong, anong pangalan n'yo?" tanong ko sa driver.
Masyado kasing tahimik kaya mas lalo akong nalulungkot.
"Garry ang pangalan ko."
"Mang Garry, ako naman si Rain."
"May anak ka na ba, Rain?"
Abah! Bastos 'tong matanda na 'to. Mukha ba akong nagluwal ng bata?
Pilit akong ngumiti. "Wala pa akong anak pero siguro kapag nagka-anak ako baka anim o siyam ang lumabas."
Tumawa ang matanda. "Komedyante ka pala."
"Ay, hindi po ako komedyante manghuhula ako."
"Manghuhula ka? Hulaan mo nga ako."
"One hundred pesos ang hula sa akin tapos ang mga pampaswerte limandaang piso."
"Ang mahal naman."
"Gano'n po talaga mahirap kasing maglakbay sa future kaya mahal," pagsisinungaling.
"Nakikita mo ang hinaharap?"
Tumango ako. "Harap at likod puwede rin."
"Sige, magpapahula ako sa iyo."
Ayun! May isang uto-uto.
"Ano ba gusto n'yong gamit ko baraha o bolang kristal?"
"Bolan kristal pero kapag nakarating na tayo sa bahay ng amo natin."
"Sige po, Manong Garry."
"Nagbigay ng pambili ng pagkain ang amo natin may gusto ka bang kainin?"
Lumapad ang ngiti ko. "Wow! Ang bait naman ng amo natin may libreng pagkain."
"Swerte mo at sa kanya ka napunta. Sisiguraduhin mong hindi mo na iisipin umalis."
"Ganyan din ang sinabi ng kaibigan ng nanay ko."
"Mamaya kapag nasa Bulacan na tayo ay bibili na tayo ng pagkain."
Tumango ako. "Kayo po ang bahala."
Wala naman akong alam sa lugar kaya hindi ko rin alam kung malapit na kami sa Manila o hindi.
Kahit inaantok ako ay hindi ko ako natulog sa biyahe. Nakatingin ako sa labas at tinitingnan ang mga malalaking building na nadadaanan ko. Nakikita ko lang ito sa telebisyon ngayon mismong nakikita ko ng personal. Pagkalipas ng dalawang oras ay nasa Bulacan na kami. Bumili na kasi si Mang Garry ng pagkain kaya alam kong nasa Bulacan na kami. Kinain ko ang mga binili namin habang nasa biyahe kami.
"Manong Garry, bakit masarap ang lasa ng fried chicken, burger at spaghetti sa Manila?"
Tumawa siya. "Ngayon ka lang ba nakakain ng ganyan pagkain?"
Tumango ako. "Laking noodles at sardinas ako."
"Siguradong makakalimutan mo na ang lasa ng mga iyon kapag nasa mansyon ka dahil walang gano'n sa mansyon."
"Yung mansyon ba kasing laki ng tinitirahan ng mga prinsipe ay reyna?"
"Palasyon naman 'yon."
"Ay, oo nga pala." Ipinagpatuloy ko ang pagkain. Ang daming binili ni Mang Garry na pagkain sa akin, pero syempre inubos ko lahat 'yon. Minsan lang ako makatikim ng masarap na pagkain kaya sulutin ko na.
Muli kaming nag-kwentuhan ni Mang Garry sa biyahe hanggang sa huminto kami sa harap ng malaking bahay.
"Nandito na ba tayo?"
"Oo, nandito na tayo," sabi ni Mang Garry.
Ang bilis ng kabog ng dibdib ko nang pumasok kami sa loob ng malawak na bakuran. Parang yung bakuran na dinaanan namin ay kasing lawak ng simbahan namin sa probinsya.
May nakaabang na babae nang huminto kami. Binuksan ko ang pinto ng kotse at binitbit ko ang mga gamit ko.
"Josie, siya si Rain ang bagong kasambahay ni Sir Joseph."
"Wala si Sir Joseph ngayon baka bukas pa siya uuwi," sabi ng matanda.
"Gano'n ba," sagot ni Mang Garry.
Pinagmasdan ako ng matandang babae at ngumiti. "Ikaw ba si Rain?"
Tumango ako. "Opo, manghuhula po ako."
"Magaling daw siyang manghula magpapahula nga ako baka sakaling matagpuan ko na ang magpapatibok ng puso ko," wika ni Mang Garry.
Napangiwi ako sa sinabi niya. Wala naman sa itsura niya na single siya, halos mapanot na nga siya.
"Talaga, hulaan mo kami."
"Sige po," sagot ko.
"Halika na at dadalhin headquarters."
Binitbit ko ang mga gamit ko habang nakasunod kay Manang Josie. Ang sabi ni Mang Garry, hindi raw palasyo ang bahay ng amo ko pero mukhang palasyo na dahil sa laki at ganda. Kahit saan ako tumingin ay puro makakapal na salamin ang nakikita ko, ang mga ilaw nila ay puro chandelier.
"Dito ang kuwarto mo," wika ni Aling Josie.
"Totoo, kuwarto ko 'to?"
Tumango siya. "Yes, magkakatabi lang ang mga kuwarto natin."
Pumasok ako sa loob at umupo sa gilid ng kama. Mas maganda pa ang kuwarto na ito sa kuwarto namin sa probinsya. May aircon ang kuwarto ko at kutson rin ang higaan."
"Ang ganda po ng kuwarto ko."
"Ganito talaga dito kaya siguradong magtatagal ka rito."
"Ako lang ba mag-isa rito sa kuwarto?"
Tumango si Aling Josie. "Lahat ng mga katulong dito ay may sariling kuwarto. Pinasadya ito ng magulang ni Sir Joseph para magkaroon ng privacy ang mga katulong kapag natapos na ang trabaho."
Tumango ako. "Ang ganda po."
"Magpahinga ka muna mamaya ay ituturo ko sa iyo ang mga dapat mong gawin." Tumalikod siya at umalis.
Nang makaalis na siya ay humiga ako sa kama. "Ang sarap matulog hindi na ako magkakasebo kapag natutulog." Nagpaikot-ikot ako sa kama. Pagkatapos isa-isa kong inayos ang mga gamit ko.
Suot ang bandana ko ay lumabas ako ng kuwarto.
"Oh, nakapagpahinga ka na ba?" tanong ni Aling Josie.
"Inayos ko lang po ang mga gamit ko."
"Kumain ka muna bago ko sabihin sa iyo ang mga dapat mong gawin." Tinuro niya sa akin kung nasaan ang kusina.
Habang kumakain ako ay sinasabi sa akin ni Aling Josie ang mga dapat kong gawin. Ako pala ang nakatoka sa mga utos ng amo kong lalaki. Bago ako gumawa ng ibang gawin dapat nagawa ko na lahat ang pinag-uutos ng amo kong lalaki.
"Wala pa rito si Sir Joseph, kaya wala kang utos na susundin."
"Ano po ang gagawin ko ngayon?"
"Ituturo ko sa 'yo ang kabuan ng bahay at ang madalas na iutos sa amin ni Sir Joseph, pagkatapos ay hulaan mo kami."
"Two hundred mo kada hula sa akin."
Kumunot ang noo ni Aling Josie. "Ang sabi ni Garry, one hundred lang?"
"Oo nga pala sinabi ko 'yon."
Tumango ako. "Opo, sinabi ko sa kanya na one hundred kasi siya ang nagsundo sa akin pero ang singil ko talaga ay two hundred."
"One hundred na lang sa amin."
"Sige po."
"Ang bait mo naman."
Ang hindi nila alam tumubo pa ako sa kanila. Bentes pesos lang naman kasi ang singil ko sa hula ko sa simbahan. Lumalaki lang kapag binibentahan ko sila ng pampaswerte.
Ngumiti ako. "Wala po 'yon."
Inikot niya ako sa buong bahay at sinabi rin niya ang mga dapat kong gawin kapag nandito ang amo namin.
Pagkatapos naming mag-ikot ay pumunta kami sa kuwarto ko. Lima sila ang gustong magpahula sa akin.
One thousand seven hundred fifty.
Syempre bentahan ko sila ng bracelet na Two hundred fifty pesos ang isa pero baka gawin konv five hundred depende sa kapal ng bulsa nila.
Sinuot ko ang bandana ko at nilabas ko ang bolang kristal ko.
"Sino ang unang magpapahula?" tanong ko.
"Si Garry muna kinabahan ako," wika ni Aling Josie.
Lumapit naman si Mang Garry.
"Anong gusto n'yong pahula sa akin?"
"Gusto kong malaman kung magkakaroon ako ng forever."
Napangiwi ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata.
"Hawakan n'yo po ang bolang kristal."
Nang hawakan ni Mang Garry ang bolang kristal ay bigla itong umilaw. Gulat na gulat sila sa nakita nila. Ang hindi nila alam na may sensor iyon. Kapag dumikit ang palad ay iilaw talaga bolang kristal.
"Hala! Umilaw," sabi ng isang katulong na si Myra.
"Tumatayo ang balahibo ko," wika ni Aling Josie.
Nagsimula na akong um-acting. Pumikit ako at bumulong-bulong na kunwari ay nagdadasal. Ang hindi nila alam kanta ng cocomelon ang binubulong ko. Bigla akong nangisay at pinatirik ko ang mga mata ko. Habang todo acting ako sila parang hihimatayin sa takot.
Ang bilis naman nilang maniwala.
"May nakikita ako."
"Anong nakikita mo?" tanong ni Mang Garry.
"Babae.. nasa edad kuwarenta mataas."
"Baka si Carmela ang nakikita mo," sagot ni Mang Garry.
Bingo! Nabigyan ako ng clue.
Hinawakan ko ang bolang kristal at muli akong nangisay. "Isang babae na nagsisimula sa letrang C ang simula ng pangalan niya. Maganda ang babae at kulot ang buhok niya."
"Si Carmela nga," wika ni Mang Garry.
"Nakikita kong hinihintay ka niya."
"Saan niya ako hinihintay?"
"Sa kabilang buhay."
Ay, mali ang nasabi ko.
"Patay na si Camela?" malungkot na sabi ni Mang Garry.
"Kabilang buhay. Ang ibig sabihin bagong panimula, bagong pag-asa at bagong buhay para sa inyong dalawa."
Syempre kailangan ko ilusot ang sinabi ko kanina, baka maniwala si Mang Garry at bigla na lang magpakamatay. Konsensya ko pa kung nagkataon.
Tumulo ang luha ni Mang Garry. "Masaya ako at hinihintay niya ako."
Bigla akong huminto at tumingin ako kay Mang Garry. Kahit hindi ako totoong manghuhula nakita kong may matinding pinagdaanan siya.
"Salamat, Rain," wika ni Mang Garry.
"Huwag kayong magkulong sa nakaraan n'yo. Kung anuman ang pinaghuhugutan ng kalungkutan n'yo kailangan n'yo ng pakawalan."
Tumango siya. "Salamat, Rain."
"Bumili kayo ng bracelet ko bibigay ko na sa inyo ng five hundred pesos. Lagi n'yo lang ito pabasbasan sa pari para hindi mawala ang swerte nito." Nilabas ko ang kuwintas.
"Bibili na lang kami ng pampaswerte parang nakakatakot magpahula," wika ni Aling Josie.
Okay lang, ang laki na rin ng tubo ko sa inyo.
Ngumiti ako. "Okay lang."
Bumili sila ng kuwintas kaya imbes na one thousand seven hundred fifty dapat na pero ko. Naging two thousand five hundred. Balak ko sana two hundred fifty lang ang bracelet pero nagbago ang isip ko ginawa kong five hundred.
Nakahiga ako sa kama habang hawak ko ang pera na binayad nila. "Ang bilis ng pera rito. Nagkapera ako ng walang kahirap-hirap. Ang sarap pa ng pagkain dito at ang lamig ng kuwarto ko."
Pinikit ko ang mga mata ko at natulog hanggang sa tuluyan akong nakatulog.
NAGISING ako ng alas-dos ng madaling araw dahil nakaramdam ako ng gutom. Lumabas ako ng kuwarto ko. Hindi na ako nagbukas ng ilaw. Hindi naman ako naniniwala sa mga multo kaya hindi ako natatakot kahit madilim. Mas nakakatakot ang buhay dahil puwede ka nilang patayin.
Pumunta ako sa kusina at nagbungkal ng pagkain. Binuksan ko ang refrigerator para kumuha ng ice cream.
"Who are you?"
Natigilan ako sa pagkain at slow motion akong lumingon. Paglingon ko ay para akong nasinagaw ng sikat ng araw.
OMG! Siya 'yung lalaki na nakita ko sa simbahan.
Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.
"Who are you?"
Nang nasa harapan ko na siya ay para akong nagdedeliryo sa nakita ko. Feling ko nga ay lumuwag ang garter ng panty ko.
My virgin eyes..
Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin ako sa malapad niyang dibdib. Nakasuot lang kasi siya ng boxer at tila kinakawayan ako ng ilong ng elepante na nasa pagitan ng kanyang mga hita.
"Hey, are you okay?"
Nang dumikit ang kamay niya sa balat ko ay bigla akong nagkunwaring walang malay para kunwari saluhin niya ako. Gano'n kasi ang nakikita ko sa mga palabas sa telebisyon.
Aray! Animal, bakit hindi niya ako sinalo?
Sa lakas ng untog ko sa sahig ay tuluyan na nga akong nawalan ng malay.