CHAPTER 10

2735 Words
NAKANGITI ako nang lumabas ako ng kuwarto ni Sir Joseph. Kahit hindi ko naintindihan ang pinag-uusapan nila ay alam ko naman na may love life na siya. “Siguro may powers na talaga ako?” bulong ko. Nang nasa may pintuan na ako ay hindi ko sinara ang pinto niya. Narinig ko kasing may kausap siya sa telepono. Dahil umaandar ang pagiging tsismosa ko kaya nakinig ako sa usapan nila. “Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Ang hina naman nila magsalita.” Nakita kong pinakita niya ang panty liner na binigay ko. Patay! Pinagtanong niya siguro. “Sigurado ba kayo?” narinig kong sabi ni Sir Joseph. Mas lalo akong kinabahan nang makita kong sumimangot siya. Balak ko lang naman makasagap ng tsismis sa bago niyang love life pero ngayon, mukhang ako ang magiging laman ng tsismis ng mga kapitbahay namin kapag bigla akong pinalayas ni Sir Joseph. Dahan-dahan kong sinarado ang pinto at tumakbo ako sa kusina. “Bawang!” natataranta kong sabi. Nang makuha ko ang bawang ay binalatan ko ito tapos tumakbo ako sa kuwarto ko. Magpapanggap akong may sakit para hindi niya ako pagalitan. Binalot ko ang buong katawan ng kumot. Malakas naman ang aircon sa kuwarto kaya hindi ako nakakaramdam ng pawis. Ilang sandali pa ay narinig kong kumakatok si Sir Joseph sa pinto ng kuwarto ko. Patay! Alam na niya! Hindi ko binuksan ang pinto ng kuwarto pero gumamit siya ng duplicate na susi para makapasok. “Ulan, bumangon ka diyan!” Mahirap gisingin ang gising. Kahit anong kalabit at paghila ng kumot niya ay hindi ako bumangon. “May sakit ka?” Ginalingan ko ang pagiging artista ko. Habang kausap ko siya ay nagmukha akong may sakit. Umubo ako ng sunod-sunod na parang maisusuka ko lahat ng laman loob ko. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. “Bakit ka nagkasakit?” “Kinuha ko ang sakit mo.” “Hindi ako naniniwala sa iyo. Hindi naman gamot ang binigay mo sa akin panty liner.” Tama nga ang hinala ko. Alam na niyang peke ang gamot ko. Huhu! Kailangan ko siyang mapaniwala. “Hindi ‘yon panty liner, gamot talaga ‘yon. Palibhasa kayong mayayaman wala kayong ibang alam kung hindi ang doktor.” “Sinabi ng mommy ko na panty liner ang binigay mo sa akin.” “Okay, kung ‘yan ang gusto n’yong paniwalaan.” Umubo ulit ako ng sunod-sunod. Narinig ko ang buntong-hininga niya. “Anong gusto mong kainin?” Ang galing ko talagang artista. Napaniwala ko si Sir Joseph na may sakit ako. “Gusto ko ng fried chicken, burger, pineapple juice, pizza at eggpie.” Muli akong umubo. Sayang naman kung hindi ko sasamantalahin ang kabaitan ni Sir Joseph. Noon, kung hindi pa ako magkakasakit hindi pa ako makakain ng biscuit at soda. Hindi ko matitikman ang lugaw na may buong itlog. Kaya lahat ng gusto ko kainin sinabi ko kay Sir Joseph. “Ikaw lang ang may sakit na sobrang takaw. Dapat wala kang ganang kumain.” “Pasensya na, baka ito na kasi ang huling hapunan ko kaya lubusin ko na.” Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya sa akin kanina. Ayokong makipagtalo sa kanya dahil baka isipin niya wala talaga akong sakit. Nang umalis si Sir Joseph ay inalis ko ang makapal na kumot sa katawan ko. “Grabe! Mabuti na lang at napaniwala ko siya.” Humiga ako sa kama at tinawagan ko ang magulang ko. Hindi ako puwedeng umalis ng kuwarto dahil mahahalata niya. Maganda rin pala ang magpanggap na may sakit walang gagawin. “Rain, bakit ka napatawag?” tanong ni Nanay sa akin. “Nangangamusta lang po ako.” “Okay naman kami rito. Nasimulan ko na pa lang ipahukay ang gagawing posonegro.” “Magpapadala ako ng dalawang libo para pandagdag.” “Sige, mabuti na nga lang at marunong tatay mong mag-construction nakakatipid tayo. Ang sabi niya kapag natapos ng hukayin ang gagawing posonegro, kahit isang tao na lang ang kunin na gagawa kasi tutulong siya.” “Mabuti naman po kung gano’n.” “Rhi, mag-iingat ka diyan.” “Kayo rin po.” “Sige na, may gagawin pa ako.” Pagkatapos namin mag-video call ay bumalik ako sa kama para matulog. “Hays! Ang tagal naman ng pagkain.” Halos isang oras ang lumipas nang marinig ko ang katok sa pintuan. Nagbalot na ulit ako ng kumot at nagsimula akong magdrama. Ang bango, ang sarap amoy ng pagkain. Nilagay ni Sir Joseph ang pagkain sa gilid ng kama. “Kumain ka at uminom ng gamot.” Halata sa boses niya ang pagkainis. Kung wala siguro akong sakit baka sinipa niya ako palabas ng rest house. Dahan-dahan akong bumangon at tumayo. Ubo ako nang ubo habang inaabot ko ang mga pagkain. “Salamat po.” Kinuha ko ang mga pagkain na pinabili ko sa kanya. Nang buksan ko ang mga laman. Nakita kong puro tig-isang piraso ang natira. Bwiset! Ayaw talaga akong pakainin ng marami. “Mabuti naman at naka-order kayo ng tig-isang piraso?” “Marami ‘yan kinain namin ang iba. Nagtira lang kami ng tig-isa sa 'yo tutal may sakit ka naman.” Bwiset! Talaga! “Salamat.” Hindi niya lang alam na inis na inis ako sa kanya. Ang buong akala ko ay makapag-food trip na ako, pero pinigilan ako ng amo kong abnormal. “Oh!” sabay hagis niya ng gamot sa akin. Muntik ng tumama sa mata ko ang gamot na binigay niya sa akin. “Salamat.” “Magpagaling ka at marami kang dapat ipaliwanag sa akin.” Dahil sa sinabi niya parang gusto ko na talagang magkatrangkaso. “Anong ipapaliwanag ko sa iyo?” Seryoso siyang tumingin sa akin. “Sasabihin ko sa iyo kapag magaling ka na.” Tumalikod siya at lumabas ng kuwarto. Nang umalis na siya ay mabilis kong kinain ang mga pagkain na dala niya. “Ang konti naman ng mga ito. Kainis! Ako ang nagpabili sila ang kumain. Pagkatapos kong kumain ay nagbukas ako ng telebisyon para libangin ang sarili. Ang hirap kapag nagpapanggap ka lang na may sakit hindi ka makalabas ng kuwarto. Tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko ang tawag ni Sir Joseph. “Bakit?” “Dito ka sa kuwarto ko matulog.” Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. OMG! May gusto siya sa akin. Umubo muna ako bago nagsalita. “Sir Joseph, baka mahawa kayo ng sakit ko kapag diyan ako natulog sa kuwarto mo.” Kunwari lang ako pero kinikilig na pati ang bilbil ko. “Hindi ako magkakasakit dahil sa aking galing ang sakit mo. Dito ka na sa kuwarto ko matulog para mabantayan kita.” “Okay, Darling.” Hindi ko narinig ang sagot niya dahil pinutol niya ang tawag. Nagtitili ako pagkatapos naming mag-usap. Kinuha ko ang jacket at lumabas ako ng kuwarto. Ngayon ko lang mararanasan matulog na may katabing guwapong lalaki. “Baka mabuntis na ako.” Kilig na kilig ako habang iniisip ko kung paano ang gagawin ko kapag magkatabi kaming matulog. Dahan-dahan akong kumatok sa pinto ng kuwarto niya. “Sir Joseph!” “Pumasok ka sa loob.” Binuksan niya ang pinto. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang naglalakad ako papasok ng kuwarto niya. “Mataas pa rin ang lagnat mo?” Tumango ako at umarteng parang nanghihina. “Maligo ka muna at maglagay ng deodorant.” Natigilan ako. “Anong sinabi n’yo?” “Narinig mo naman ang sinabi ko kailangan ko bang ulitin?” Umiling ako. “Baka lalo akong magkasakit kung maliligo ako.” Nagsalubong ang kilay niya. “Sinong nagsabi sa ‘yo?” “Kasabihan sa amin na kapag may sakit bawal maligo.” “Alam mo ba, ang mga bata sa ospital kapag mataas ang lagnat ay pinapaliguan ng mabilis para bumaba ang lagnat?” “Hindi ko alam.” “Ngayon alam mo kaya maligo ka na.” Napakamot ako sa ulo ko. “Hindi naman ako sanggol.” “Hindi ka ba makikinig sa akin” Yumuko ako. “Maliligo na po ako.” Kung totoo may sakit ako hindi ako papayag sa gusto niya kahit sabihin niyang puwede ang maligo. Hindi sanay ang katawan kong maligo kapag may sakit. Binilisan ko ang paliligo ko dahil naligo naman ako kaninang umaga. Paglabas ko ay nakita ko si Sir Joseph na abala sa laptop niya. Sinilip ko ang ginagawa niya at nakita kong may ka-chat siya. “Uy, In love na siya,” biro ko. Tinitigan niya ako ng masama. “Tsismosa ka talaga!” inis niyang sabi. “Sir, ilalagay ko lang ang damit kong madumi sa kuwarto ko. Maglalagay na rin ako ng gamot sa kilikili.” “Huwag mong kalimutan mag-toothbrush at mouthwash.” Hindi man lang niya ako nilingon. Sumimangot ako. “Nandidiri sa akin. Akala naman niya may sakit akong nakakahawa.” “May sinasabi ka ba?” “May narinig ka ba?” “Oo, narinig ko.” “Oh, narinig mo na pala bakit tinatanong mo pa sa akin?” lumabas ako para pumunta sa kuwarto ko. Naglagay ako ng gamot sa kilikili at nag-toothbrush at mouthwash ako. Hindi ko rin kinalimutan dahil ang mga ito sa kuwarto ni Sir Joseph. “Ano pa kaya ang nakalimutan ko?” Sandali kong pinagmasdan ang bag ko. “Ayun!” Kinuha ko ang kulambo ko na sira-sira. Ginamitin ko ito para mabilis akong makatulog. Hindi ko rin kinalimutan ang arinola. “Anong dala-dala mo?” Hindi na maipinta ang mukha niya. “Arinola at pampatulog ko.” “Bakit may dala ka ng arinola?” “Tinatamad na kasi akong bumangon sa madaling araw. Kaya kailangan ko ng arinola. “Tanggalin mo ‘yan!’ sigaw niya. “Luh. Inaano ka ba ng arinola ko?” “Bakit kailangan mong gumamit ng ganyan ang lapit ng banyo!” sigaw niya. “Hays! Ang hirap bang intindihin na tinatamad akong pumuntà sa banyo.” “Rain!” sigaw niya. “Oo, na!” padabog akong lumabas ng kuwarto para ibalik ang arinola ko sa kuwarto ko. “Kaasar! Kapag siya ang bantay ko kapag totoong may sakit, baka hindi na ako gumaling. Umupo ako sa gilid ng kama at dahan-dahan humiga. “Hmm.. ang bango.” “Ulan, bakit diyan ka natutulog?” “Ang sabi mo dito ako matutulog sa kuwarto mo?” “Oo, pero doon ka sa sofa.” Tinuro niya ang sofa. “Hindi ba tayo magkatabing matulog?” “Bakit tayo magtatabi na matulog?” “Akala ko tabi tayong matulog?” “Doon ka sa sofa matulog para mabantayan kita. Ayokong may katabing matulog sa kuwarto ko. “Okay.” Nilagay ko sa sofa ang unan ko at himiga ako. Mukhang wala siyang balak na makipag-usap sa akin kaya idadaan ko na lang sa pagtulog ng maaga. Naalimpungatan ako dahil sa lakas ng aircon. Bumangon ako para pahinaan ang lakad nito. “Nakatulog na si Sir Joseph.,” bulong ko. Lumapit ako sa kanya at pinagmasdan ko siya habang natutulog. “Hmm.. ang guwapo mo kapag tulog,” bulong ko. Lumunok ako nang huminto ang mga mata ko sa kanyang mapulang labi. Idagdag pa ang kanyang malapad na dibdib. “Kiss lang naman at hindi mo malalaman,” bulong ko. Huminga muna ako ng tatlong beses para magpakawala ng kaba. Pagkatapos ay dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko habang ginagawa ko ‘yon. Nang malapit ng dumikit ang labi ko ay bigla akong napautot ng malakas. Natakot ako na baka magising si Sir Joseph, kaya tumakbo ako papunta sa banyo. “Kainis! Bakit ayaw makisama?” sabi ko habang naglalabas ako ng sama ng loob sa inidoro. Mabuti na lang at tulog pa rin si Sir Joseph nang lumabas ako ng banyo. “Isang kiss lang naman.” Muli akong lumapit sa kanya pagkatapos ay mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi. Parang kamatis ang mukha ko pagkatapos kong halikan si Sir Joseph. Hindi rin mawala ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kinapa ko ang puso ko. “Mamatay na yata ako.” Bumalik ako sa sofa para humiga ngunit hindi agad ako nakatulog dahil sa pagnanakaw ko ng halik ko kay Sir Joseph. “Nahalikan ko si Darling..” Bago ako hilahin ng antok ay naramdaman kong may naglagay ng kumot sa akin. Inisip kong hindi panaginip ang nangyari. “Ulan, gising ka na!” Dahan-dahan akong kinalabit ni Sir Joseph upang gisingin. Naririnig ko siya pero ayokong idilat ang mga mata ko. Hindi ako agad nakatulog nang nakawan ko siya ng halik kagabi. “Ulan, gumising ka na at kumain tayo ng almusal?” Tama ba ang narinig ko? sabay kaming kakain ng almusal? “Ulan, gumising ka na.” Napilitan akong bumangon. “Bakit, Sir Darling?” “Sabayan mo akong kumain, nagpaluto ako ng almusal sa caretaker ko.” Tumango ako. “Maligo lang po ako.” Tumayo ako at naglakad palabas ng kuwarto niya. “Saan ka pupunta?” “Babalik na ako sa kuwarto ko.” “Nandito ka na sa kuwarto mo.” Parang nawala ang antok ko sa sinabi niya. Inikot ko ang paningin ko at nakita kong nasa loob nga ako ng kuwarto ko. “Paano ako nakarating dito?” Umiwas ng tingin sa akin si Sir Joseph. “Nagpatulong ako sa tatlong kalalakihan kanina para buhatin ka pabalik ng kuwarto mo.” Pilya akong ngumiti. “Bakit? Natatakot ka na baka matukso ka sa akin?” “Natatakot ako baka bumaha ng laway ang kuwarto ko. Naglalaway ka habang natutulog.” Sabay simangot niya. Napahiya naman ako sa sinabi niya kaya tumalikod ako at pasimple kong kinaba ang labi ko. “Wala naman akong tuyong laway sa bibig.” “Bilisan mong kumilos, hihintayin kita sa labas.” Tumalikod siya at tuluyang umalis. “Grabe! Ang sungit pa rin niya.” Feeling ko kapag lagi kong kasama si Sir Joseph ay lagi akong maraming labahan. Kailangan ay dalawang beses ako maliligo bago lumapit sa kanya. Nakakainis! Sa probinsya, okay ng maligo ng isang beses sa isang araw pero dito sa Manila dalawang beses. Kung hindi automatic ang washing machine ay baka wala na akong maisuot. “Ulan, magaling ka na?” tanong niya habang nasa harap kami ng hapagkainan. Tumango ako. “Salamat sa tulong mo.” Kinabahan ako nang huminton siya sa pagsubo ng pagkain at seryoso siyang tumingin sa akin. “Bakit mo sinabi kay Manang Tinay na ikaw ang girlfriend ko?” “Ha?” choppy!” “Ulan!” “Choppy talaga.” “Sasagot ka ng maayos ko palalayasin kita.” “Joke lang naman kasi ‘yon masyado ka naman galit na galit.” Ayoko naman tanggalin niya sa trabaho kaya lusutan ko na lang ang sinabi ko. “Huwag mong ipagkakalat na ikaw ang girlfriend ko dahil hindi kita gusto.” Savage! “Huwag kayong mag-alala hindi rin kita gusto. Hindi gusto ang ilong ng elepante baka tumagos sa lalamunan ko.” Kumunot ang noo niya. “What did you say?” “I’m fine, thank you,” sagot ko. “Tsk! Baliw!” “Hanggang kailan ba tayo rito?” “Isang linggo pa tayo dito dahil may inaasikaso ako. May bisita akong darating kaya pagkatapos mong maglinis ay tulungan mo si Manang Tinay magluto.” “Yes, Sir Darling.” “Huwag mo akong tatawagin na Darling sa harap ng ibang tao lalo na sa bisita ko.” Tumango ako. “Manliligaw mo ba ang bibisita rito?” Kulang na lang ay lunukin ako ng tingin niya. “Anong manliligaw?” “Ay, akala ko ikaw ang nililigaw mukha ikaw ang babae?” Nagulat ako ng hampasin niya ang lamesa. “Galit na galit gustong manakit?” “Ulitin mo ang sinabi mo!” gigil niyang sabi. “Ang sabi ko baka ikaw ang babae sa inyong dal— Nanlaki ang mga mata ko nang lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa labi. Umakyat ang kuryente sa katawan ko pagkatapos bumilis ang t***k ng puso ko. Oh my gosh! Hinalikan niya ako sa labi. Sa sobrang kaba ko, nagpanggap akong hinimatay para matakasan ang kahihiyan na ito. “Ulan! Wake up!” Kahit anong gawin niya, mahirap gisingin ang tao na gising. Bakit niya ako hinalikan? Baka mabuntis ako nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD