“ULAN, wake up!”
Naririnig kong nagpapanic na si Sir Joseph pero syempre hindi tayo gigising kahit anong gawin niya. Hindi ko alam kung paano pa haharap sa kanya.
Buhatin mo ako at dalhin sa iyong kuwatro.
Hindi nangyari ang nasa isip ko dahil pinaupo niya ako sa upuan na nasa kusina. Pinagdikit niya ang upuan at tumakbo sa labas.
Dinilat ko ang mga mata ko nang makasigurado akong wala na siya. Pagkatapos ay tumakbo ako sa loob ng kuwarto ko.
“Hinalikan niya ako!” Nagtatalon ako sa kama at kulang na lang mangisay ako sa sobrang tuwa. Kinapa ko ang labi ko, feeling ko magkadikit pa rin ang labi naming dalawa.
“Oh my gosh! Gano’n pala ang pakiramdam na hinahalikan?” Nagtitili ako na parang baboy na kakatayin.
Huminto ako nang marinig kong may kumatok sa pinto ng kuwarto ko.
“Si Sir Joseph!”
Nagdalawang isip ako kung bubuksan ko ang pinto ng kuwarto.”
“Anong gagawin ko?”
“Ulan! Ulan!”
“Si Sir Joseph nga!”
Babangon sana ako para buksan ngunit biglang tumunog ang seradura ng pinto. Tumalon ako sa kama at nagtakip ng kumot. Bahala na kung maging lechon baboy ako sa itsura ko. Hindi ko pala nabuksan ang aircon kaya mainit.
“Bakit walang aircon dito?” saad niya.
Pasalamat na lang ako at binuksan niya ang aircon dahil baka lahat sa akin mabasa.
“Ulan, are you okay?”
Humarap ako sa kanya. “Opo, bakit?”
“Bigla kang hinimatay kanina.”
“Wala akong maalala. Nagising na lang ako na nakahiga sa upuan kaya bumangon ako para bumalik sa kuwarto.”
“Wala kang maalala kanina?” Hinila niya ang kumot ko para makita niya ako.
Bigla naman akong nahiya sa kanya pero sinikap kong makipagtitigan sa kanya.
“Bakit, Sir Joseph?”
Kumunot ang noo niya. “Hindi mo alam na ang nangyari kanina.”
Kumunot ang noo ko. “Ang alam ko kinagat ako ng butiki sa labi kanina kaya hinimatay ako.”
Halos patayin niya ako ng tingin. “Butiki ang kumagat sa iyo?”
Tumango ako. “Bakit?”
“Bumangon ka diyan dahil may bisita akong darating. Tulungan mong magluto si Manang Tinay.” Sabay talikod niya sa akin.
Nakahinga ako nang maluwag nang umalis si Sir Joseph. “Hays! Mabuti na lang at naniniwala siya sa sinabi ko.”
Pagpunta ko sa kusina nandoon si Manang Tinay at ang asawa niya na abala sa paghihiwa ng mga sangkap sa lulutuin niya.
“Oh, Rain, akala ko may sakit ka?”
“Wala po.” Lumapit ako sa kanila at nagsimula akong magbalat ng patatas.
“Sinabi ni Sir Joseph na hinimatay ka raw dahil sa dami ng kinain mo kanina.”
Napangiwi ako. Bwiset! Gumawa talaga siya ng kuwento.
Ngumiti ako. “Nagkataon lang po ‘yon. May buwanang dalaw kasi ako kaya hinimatay ako.”
“Ah, bakit kasi hindi ka pa magpabuntis kay sir Joseph?”
“Ha?”
“Baka naman kaya hindi ka mabuntis dahil nabalutan ng taba ang matres mo.”
Sumimangot ako. “Grabe! Ang sakit n’yo naman magsalita. Ang totoo hindi naman kami magkasintahan ni Sir Joseph. Nagbibiro lang ako sa inyo.”
“Akala namin ay totoong magkasintahan kayong dalawa.”
“Naku, hindi po personal maid niya ako. Wala akong gusto sa amo kong may topak.” Sabay irap ko.
Tumawa silang mag-asawa. “Puro ka kalokohan. Tapusin na nga natin itong lulutuin natin baka dumating ang bisita niya.”
“Mabuti pa nga.”
Habang nasa kusina kaming tatlo ay nagkwentuhan kami ng tungkol sa buhay namin. Nalaman tuloy nila ang kwento ng buhay ko.
“Ang bait mong kapatid at anak,” wika ni Manang Tinay.
“Kailangan kong maging mabait dahil walang ibang matatakbuhan ang pamilya ko kung hindi ako.”
“Huwag kang sumuko darating ang panahon matutupad ang pangarap mo.”
Tumango ako saka tumingin sa mga pagkain na niluto nila. Hindi namin namalayan ang oras. Nakapagluto na sila ng dalawang putahe na ulam at pansit bihon. “Tayo muna ang unang kumain.”
“Baka magalit si Sir Joseph na mauna tayo,” wika ni Manang Tinay.
Kumuha ako ng plano at binigay ko sa kanilang dalawa. Ako na ang naglagay ng pagkain sa kanila. “Hindi naman niya malalaman na mauuna tayong kumain.”
“Ikaw ang bahala.”
Naglagay ako ng maraming pancit bihon sa plato ko at sunod-sunod ko itong kinain. Kumuha ako ng fried chicken at kinain ko ito. Ang sarap talagang kumain lalo na’t bagong luto. Napadami rin ang kain ng mag-asawa kaya busog na busog kami pagkatapos.
“Tapos na tayong kumain pero hindi pa rin bumaba si Sir Joseph.”
“Mabuti na lang at hindi tayo nahuli.”
“Hindi tayo mahuhuli dahil nanonood siya ng porn.”
Tumawa silang dalawa. Sinabi ko lang naman ‘yon pero hindi ako sigurado kung totoo.
“Ikaw talaga puro ka kalokohan,” wika ni Manang Tinay.
“Manang Tinay!”
Sabay kaming lumingon nang marinig namin ang boses ni Sir Joseph.
“Bakit, Sir Joseph?” sagot ni Manang Tinay.
“Nakapagluto na ba kayo ng pagkain?”
“Opo, tapos na kaming magluto ng pagkain.”
“Salamat. Rain, linisin mo ang visitor’s room.”
“Yes, Sir Joseph.” Tumalikod ako at umalis.
Pagdating ko sa visitor’s room ay malinis naman ang paligid kaya kumuha na lang ako ng basahan para magpunas ng mga alikabok. “Ano bang linis ang gusto niya?” bulong ko.
“Anong binubulong mo diyan?”
“Ay, butiki!” sigaw ko.
Nakasimangot siya habang nakatingin sa akin.
“Bakit bigla-bigla naman kayong sumusulpot.”
“Nagrereklamo ka ba?”
Ilang-beses akong umiling. “Hindi po! Tuwang-tuwa nga ako may gusto pa ba kayong iutos sa akin?”
“Pagkatapos mong maglinis diyan, magtanggal ka ng damo sa bakuran.”
Ngumiti ako. “Yes, Darling.”
“Tsk! Baliw!” Sabay talikod niya.
Kung alam lang niya kanina ko pa siya pinahirapan sa isip ko. Parang may topak talaga ang amo ko. Bigla na lang nagagalit at nagiging mabait.
Ipinagpatuloy ko ang pagpupunas pagkatapos ay lumabas naman ako para magtanggal ng damo sa paligid.
Habang nagtatanggal ako ng damo ay narinig kong may bumisina sa harap ng bakuran ng bahay. Tumayo ako para silipin kung sino ang nasa labas.
“Dumating na siguro ang bisita ni Sir Joseph.” Imbes na lumapit ako para buksan ang gate hindi ko ito pinansin. Hinayaan kong bumusina siya ng paulit-ulit.
“Ulan!” boses ni Sir Joseph.
Kulang na lang bumulagta ako sa talim ng mga tingin niya sa akin. “Yes, Darling!”
“Hindi mo ba naririnig ang busina ng sasakyan?”
“Naririnig ko po, bakit?”
“Bakit hindi mo binubuksan?”
“Eh, akala ko sa kabilang resort ang iyon,” alibi ko.
Alam ko namang hindi makakalusot ang sinabi ko dahil malalayo ang pagitan ng mga bahay at resort dito.
“Inuubos mo talaga ang pasensiya ko!”
“Sorry, Sir.” Nagmamadali kong binuksan ang gate para makapasok ang sasakyan ng bisita ni Sir Joseph.
Matamis na ngumiti si Sir Joseph nang salubungin niya ang magandang babae. “Hi, Marga!”
Ngumiti ang babae at nakipagbeso-beso kay Sir Joseph.
“Luh, maputi ka lang at makinis,” bulong ko.
“I've been honking for a while, but no one's opening the gate," sabi ni Marga.
"I'm sorry, my maid is busy."
Tumingin sa akin ang bisita ni Sir Joseph.
"Are you Joseph's mom?"
Abah! Bastos ‘tong babae na ‘to.
"Hindi po ako ang mommy niya."
"Oh, I see. His aunt?"
"Marga, she's my maid."
She gave me a condescending look and smirked. "No wonder I wasn't let in right away; your maid is quite heavy. She can't walk quickly. It's okay; I understand, Joseph.”
Kung puwede lang daganan at ipitin siya ng bilbil ko ginawa ko na. Nakakainis! Hindi man lang ako pinagtanggol ni Sir Joseph.
“Rain, ihanda mo na ang mga pagkain. Let’s go, Marga.”
Nakatanaw ako sa kanila habang papasok sa loob.
“Madapa sana kayong dalawa,” bulong ko.
Hindi ko na tinapos ang pagtatangal ng damo dahil dumiretso ako sa kusina para ihanda ko ang mga pagkain nila. Nasa kusina sila at nag-uusap.
“Sir Joseph, nakahanda na po ang pagkain,” sigaw ko.
Kitang-kita ko ang ngiti ni Sir Joseph habang magkausap sila ni Marga sa sala.
“Ikaw ba ang nagluto nito?” tanong sa akin.
“Hindi po ako ang nagluto.”
Ngumisi siya. “Mabuti naman at hindi ikaw ang nagluto baka kasi magkasakit ako kung ikaw ang nagluto. Pang-asar pa siyang ngumiti sa akin.
Tsk! Akala mo super ganda. Makinis at maputi ka lang.
Nakatayo ako sa likuran nila habang naghihintay ako ng utos nila.
“Can I have some juice?”
“Rain, bigyan mo siya ng juice.”
Tumango ako at nilagyan ko ang baso niya ng juice.”
“Oh, water na lang pala.”
“Binigyan ko ulit siya ng water.”
Ngumisi siya na parang nang-iinis. “Thank you.”.
Malunod ka sana.
Nang iinumin niya ang tubig ay bigla naman itong natapon sa lamesa.
“Oh, I’m sorry!”
“Rain, punasan mo ang basang lamesa.”
Halos puwede ng pagsabitan ng kaldero ang mukha ko sa inis ko. Gusto kong sabihin na sinasadya ni Marga para mahirapan ako.
“Thank you, Rain,” wika ni Marga.
“Did your clothes get wet?” tanong ni Sir Joseph.
Kung makapag-react naman siya akala mo nasaktan si Marga.
Tinalo ko yata ang security guard sa pagbabantay sa dalawang bakulaw habang kumakain. Gusto kong sabihan na ituloy na lang nila ang kuwentuhan sa sala o kaya sa ibang silid dito, para naman makapagpahinga ako at makakain ulit.
“Let's continue our conversation in the visitor's room,” wika ni Sir Joseph.
“Yown!”
Sabay silang tumingin ng matalim sa akin.
Yumuko ako. “May bigla akong naalala.”
Naunang tumayo si Sir Joseph at sumunod naman si Marga. Ngunit bago pa siya tuluyang umalis ay tinapon niya ang juice na nasa baso. “Oh, sorry!” pang-asar siyang tumawa.
Hindi nakita ni Sir Joseph ang ginawa ni Marga, dahil nauna siyang naglakad palabas ng kusina.
“Hays! Maganda lang siya pero masama ang ugali.”
Isa-isa kong niligpit ang pinagkainan nila, pagkatapos ay hinugasan ko na rin ito. Nang matapos ako sa gawain ko ay kumain ulit ako.
“Puwede na kaya akong pumasok sa kuwarto ko?”
Dumiretso ako sa kuwarto para matulog, ngunit hindi pa ako nakakahiga ay biglang tumunog ang telepono ko.
“Sir Darling.”
Nagdalawang isip ako kung sasagutin ko ang tawag niya. Pagkalipas ng tatlong missed calls ay sinagot ko na rin ang tawag niya.
“Bakit ang tagal mong sagutin?”
“Pasensiya na tumatae ako,” sagot ko.
Iyon lang ang magandang dahilan para maniwala siya.
“Gusto ni Marga na kumain ng ice cream.”
“Oh, bakit hindi siya kumain? Hindi ko naman dala ng refrigerator.”
“Ikaw ang katulong kaya magdala ka ng ice cream dito sa visitor’s room.”
“Yes, Sir—”
Pinutol niya ang tawag kaya hindi ko natapos ang sasabihin ko. Bumalik ako sa kusina para kunin ang ice cream at ibigay sa kanila.
Kumatok ako sa pinto ng tatlong beses bago ko buksan ang pinto.
“Sir Joseph, nandito na po ang ice cream.” Lumapit ako sa kanila at nilagay ko sa harap ng table. “Cheese flavor ang ice cream.”
“Wala ba kayong ibang flavor? Gusto ko sana ube flavor,” wika ni Marga.
“Eh, ‘di bumili ka,” bulong ko.
“May sinasabi ka?” tanong ni Sir Joseph.
Napakamot ako sa batok ko. “Wala ng ibang flavor sa refrigerator. Kung ayaw n’yo ng flavor puwede naman kayong bumili.”
“Good Idea, puwede mo ba akong ibili ng ube flavor?” tanong ni Marga.
Tumikwas ang kanang kilay ko. “No way! Over my sexy body."
“I’m sorry, Marga, wala kasing malapit na grocery dito,” sagot ni Joseph.
“It’s okay, siguro pagtitiyagaan ko na lang itong Ice cream na ‘to.” maarteng saad niya.
Kung alam ko lang na hindi kakain si Sir Joseph. Nilagyan ko sana ng kulangot o kaya dinuraan ko ito para makaganti sa kaartehan niya.
“Joseph, are you sure about your maid? She doesn't look trustworthy.”
"My maid is kind so you don't have to worry."
Tumalikod ako para umalis. Nakaramdam ako ng pagwewelga sa loob ng tiyan ko.
“Rain, saan ka pupunta?”
“Punta lang ako sa banyo.”
“Joseph, maybe he's just running away from work, so he pretends to go to the bathroom," Marga suggested.”
Bigla akong umutot na sunod-sunod na parang armalite. Sobrang lakas nito narinig nilang dalawa. Ang masama dito may amoy na sobrang baho.
“Yuck! Ang baho!” sigaw ni Marga.
“Ang kulit n’yo eh. Sinabi ko ng pupunta ako ng banyo ayaw n’yo akong paalisin. Magdusa kayo sa amoy.”
“Get out!” sigaw ni Sir Joseph.
Tumakbo ako palabas at dumiresto ako sa banyo na nasa loob ng kuwarto ko.
“Nakaganti rin.” Sabay tawa ko ng malakas.