HALOS maubos na ang kinakain kong buto ng pakwan sa kahihintay ng customer na magpapahula sa akin. Medyo masakit na rin ang puwit ko sa kauupo sa gilid ng simbahan.
"Hays! Ang tumal naman."
Lumapit sa akin ang kaibigan kong tindera na si Belat. "Rain, may customer ka na ba?"
Sumimangot ako. "Wala pa nga akong customer hanggang ngayon."
Tumingin si Belat sa paligid. "Konti lang kasi ang nagsimba ngayon linggo."
"Mukhang wala akong kikitain ngayon."
"Bakit kasi hindi ka na lang maghanap ng ibang trabaho tutal nakatapos ka naman ng high school."
"Anong trabaho ang makukuha ko? Tindera sa grocery dito sa atin four thousand monthly, kung susubok naman akong magtrabaho sa Manila kailangan kong kumuha ng requirements, bahay pa na titirahan ko sa Manila at pagkain ko. Mabuti sana kung makakahanap agad ako ng trabaho doon."
"Kaysa naman nagtitiyaga ka sa pagiging pekeng manghuhula."
Pinanlakihan ko ng mga mata si Belat. "Sshh! Huwag kang maingay baka may makarinig sa 'yo lalo akong mawawalan ng customer. Hindi rin mabebenta ang mga kuwintas at bracelet ko."
Totoo ang sinabi ni Belat. Wala naman talaga akong alam sa panghuhula. Ginaya ko lang ang ibang manghuhula rito sa simbahan. Dahil bente pesos lang ang bayad sa hula ko kaya nagkakaroon ako ng customer. Lumalaki lang ang kita ko kapag bumibili sila ng kuwintas o bracelet na sinasabi kong pampaswerte. Two hundred fifty pesos kasi ang isa ng mga iyon. Sobrang laki ng tubo ko dahil ako lang naman ang gumagawa ng mag iyon. Sinasabi ko lang na may dasal ang mga iyon kaya mahal.
"Sorry!"
May lumapit na dalawang babae sa akin kaya huminto sa pagsasalita si Belat.
"Hello, magpapaghula po ako," sabi ng isang babae.
Jackpot! Mukhang rich kid.
"Anong gusto mong hula? Baraha o bolang kristal?"
"Sa bolang kristal na lang."
"Bente lang ang isang hula pero kailangan n'yong bumili ng pampaswerte o kaya agimat ko."
Tumango ang babae. "Basta kailangan kong malaman ang totoo tungkol sa asawa ko."
Tumango ako. Kinuha ko ang bolang kristal ko na umiilaw kapag hinahawakan ko. Nabili ko lang iyon sa divisoria noon. Binalutan ko lang ng pulang kumot para hindi mahalata.
"Anong pangalan ng asawa mo?"
"Roderick Paulito."
Pumikit ako at bumulong-bumulong saka nangisay sa harap ng customer ko. Sinadya kong gawin 'yon para mapaniwala ko silang totoo ang panghuhula ko.
"Anong nakikita n'yo sa bolang kristal?"
Huminto ako sa pangingisay at tumingin sa babae.
"May nakikita akong babae."
Nagkatinginan ang dalawa. "Sinasabi ko na nga ba may babae ang asawa ako."
Hinimas ko ang bolang kristal at muli akong nangisay."
"May babae ang asawa mo."
"Alam mo ba kung anong itsura?"
"Maganda at sexy."
"Baka si Teressa ang nakita sa bolang kristal. May nakakita sa kanilang dalawa ni Roderick," nangingiyak na sabi ng nagpapahula sa akin.
Ang totoo kumukuha lang naman ako ng idea ayon sa sinabi niya. Yung sinabi kong sexy at maganda tingnan ko lang sa itsura ng babae na nagpapahula sa akin. Syempre 'yung asawa niya maghahanap ng kabaliktarang ng asawa niya.
"Nagsisimula sa consonant ang pangalan ng babae ng asawa mo."
"Ano pa ang nakikita n'yo?"
"Nagtatapos sa vowels ang huling letra ang kabit ng asawa mo."
"Sinasabi ko na nga ba si Teressa 'yon."
Lihim akong nagbunyi dahil napaniwala ko naman ang babae sa panghuhula ko. Sa labis na galit niya sa asawa niya. Hindi niya napapansin na sinasabi niya na sa akin ang dapat kong malaman.
"Madam, kailangan n'yong bumili ng agimat ko para bumalik sa 'yo ang asawa mo."
Tumango siya. "Magkano ang agimat na 'yan?"
Kinuha ko ang bracelet. "Sobrang mahal nito dahil hindi ka makakahanap ng ganitong agimat sa paligid ng simbahan. Isang libo ito pero dahil naawa ako sa 'yo ibibigay ko sa 'yo ng two hundred fifty. Tulong ko na lang sa 'yo para magkaayos na kayo ng asawa mo."
"May pag-asa ba kaming magkabalikan ng asawa ko?"
Tumango ako. "Ibulong mo sa puong may kapal at mamanata ka ng siyam na biyernes. Itong agimat na ibibigay ko sa 'yo lagi mong ipapabendisyon para hindi mawala ang dasal."
"Iyon lang ba ang gagawin ko?"
"Kausapin mo rin ng maayos ang asawa mo 'wag init ng ulo ang unahin para magkaroon kayo ng maayos na pag-uusap."
"Salamat." Binigyan ako ng limang daan ng customer ko. "Huwag mo na akong suklian."
"Salamat."
Nang umalis sila ay hinalikan ko ang limang daan piso at pinaypay ko sa mga bracelet. "Dumami pa sana kayong magpapauto sa akin."
"May nauto ka na naman," wika ni Belat.
"Ang galante ng matanda na iyon binigyan ako ng five hundred."
"Talagang ayaw mong manloko ng ibang tao," sarkastikong saad niya.
"Uy! Grabe siya! Nagbibigay naman ako ng magandang advice sa kanila."
"Hays! Huwag sanang mangyari na may biglang may sumugod sa 'yo na customer mo at ipabaranggay ka."
"Abah! Hindi ko na kasalanan 'yo kaya nga hula eh, puwedeng totoo at puwede rin hindi."
Nilamukos ni Belat ang mukha sa inis. "Bahala ka nga!"
Pinagpatuloy ko naman ang pagkain ng butong pakwan habang naghihintay ng customer.
"Excuse me!"
"Yes, S-Sir.."
Para akong masisilaw sa liwanag nang makita ko ang lalaking kaharap ko. Hindi ko mawari kung artista ba siya o anghel.
"Can I ask you?"
"Ask me? Y-Yes, Sir!" Nabubulol kong tanong.
Sino ba naman ang hindi mabubulol sa lalaking sobrang guwapo. Pasimple kong hinawakan ang garter ng panty ko feeling ko bigla na lang malalaglag. Ewan ko, pero gusto kong maging sexy sa harap niya kahit na nga double XL ang katawan ko.
OMG! Yung panty ko! Baka malaglag.
"Alam mo ba kung saan Baranggay San Roque?"
"Yes, Sir!"
Ngumiti siya sa akin. "Saan?"
Feeling ko hihimatayin ako sa ngiti niya.
Ito na siguro ang sign para magka-jowa ako.
"Nasa puso ko."
Kumunot ang noo niya. "What?"
"A-Ang ibig kong sabihin nasa kabilang kalsada lang."
"Okay, thanks!"
Tatalikod na sana ang lalaki ngunit pinigilan ko siya.
"Sandali lang!"
Huminto naman siya at para akong baboy na unti-unting inaalisan ng balat habang nakatingin siya sa akin. "Bakit?"
"Manghuhula ako, gusto mo bang magpahula libre lang."
Umiling siya. "Hindi ako naniniwala sa hula."
"Subukan n'yo lang. Kahit hindi kayo maniwala okay lang."
Nagkibit-balikat ang lalaki. "Okay."
"Sir, anong gusto mo bolang kristal o baraha?"
"Bolang kristal na lang."
"Okay, Ilagay mo sa bolang kristal ang dalawang kamay mo."
Sumunod naman ang lalaki pagkatapos ipinatong ko sa ibabaw ng kamay niya ang kamay ko.
OMG! Ang lambot ng kamay niya at mukhang mabango.
"Anong sunod na gagawin?"
"Sabihin n'yo ang pangalan n'yo kahit first name lang."
"Joseph."
"Ang sarap ng pangalan niya."
Sinikap kong 'wag magpahalata sa kanya. Nangisay ako sa habang hawak ang bolang kristal na parang nasasapian ako. Kahit ayoko sanang gawin 'yon sa harapan niya dahil magmumukha akong baboy na tinusok ng kawayan. Ngunit iyon lang ang tanging paraan para mapaniwala ko siya.
"May nakikita ako!"
"Anong nakikita mo?"
"Magmamahal ka sa tao na matabang babae."
Ang totoo 'yung sarili ko ang tinutukoy ko.
"Really? Gaano kataba?"
"Double size at nagsisimula sa consonant ang una at huling pangalan niya."
"Ano ba 'yan puzzle? Kailangan hulaan ang pangalan ng babae."
Panira naman ito ng imagination.
Muli akong nangisay. "Yung babae papayat at magiging magan—"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil inalis niya ang kamay niya.
"Miss, wala akong panahon makipaglokohan sa 'yo. Naglabas siya ng five hundred pesos. "Keep the change." Sabay talikod niya.
Sumimangot ako. "Grabe naman siya." Sinilid ko sa bulsa ko ang pera. Gusto ko pa naman makausap ang lalaki kaya lang biglang umalis.
BITBIT ko ang binili kong bigas at ulam nang umuwi ako ng bahay namin. Kasama ko ang pamilya ko na nakatira sa maliit na barong-barong. Ang tatay ko ay nangangalakal, at ang nanay ko ay labandera. May kapatid akong babae na nag-aral sa elementarya. Hindi na ako nag-aral sa kolehiyo dahil hindi na ako kayang pag-aralin ng magulang ko. Isa pa, gusto ko na rin silang tulungan dahil nakikita ko ang hirap nila araw-araw.
"Ate Rain!" tawag ng kapatid kong babae. Tumakbo siya para salubungin ako. "Ate Rain, anong dala mo?"
"Bumili ako ng bigas, ulam, tinapay at kape."
Lumapad ang ngiti ng kapatid ko ng makita niya ang isang buong hilaw na manok. "Wow! Mukhang masarap ang ulam at baon ko bukas. Ako ang magdadala nito."
"Oh, dahan-dahan Reasse, baka matapon." Natatawang sabi ko.
Kapag nakikita kong masaya sila ay nawawala ang pagod ko sa buong maghapon.
"Nay, Tay." Nagmano ako sa kanilang dalawa nang pumasok ako sa loob ng bahay. Napansin kong hawak ni Tatay ang dibdib niya.
"Anong nangyari kay Tatay?"
"Masakit ang dibdib niya sa kakaubo."
"Bakit hindi kayo nagpa-check up sa ospital?"
"Nagpa-check up kami kanina kaya lang kailangan ng Xray wala naman kaming pera kaya umuwi na lang kami."
Nilabas ko ang Isang libo na kinita ko sa panghuhula. "Gamitin n'yo ito sa pangpapagamot ni tatay ngayon."
"Salamat anak," mangiyak-ngiyak na sabi ni tatay.
"Gusto n'yo ba samahan ko kayo magpa-check up?" tanong ko.
Umiling si Tatay. "Ang nanay mo na lang ang sumama sa akin. Ikaw na lang ang magluto ng pagkain."
Tumango ako. "Ingat kayo."
Nang umalis sila ay nagsimula naman akong magluto ng hapunan namin. Kahit masama ang ginagawa kong panloloko sa ibang tao para sa pamilya ko gagawin ko kahit buhay ko ang kapalit. Namulat ako sa hirap ng buhay namin at gusto kong balang araw ay mabigyan ko ng magandang buhay ang pamilya ko. 'Yung hindi na kailangan maglaba ni nanay at mangalakad ni tatay. Gusto kong maranasan nila na sobra-sobra ang pagkain sa hapagkainan. Hindi lang halata sa katawan ko dahil mataba ako pero sobrang hirap ng buhay namin. Kung hindi ako tutulong baka kulang ang kinikita ng magulang ko, lalo na hindi naman laging may labada si nanay at hindi naman laging may kalakal si tatay.
BITBIT ko ang bag na may laman na baraha, bolang kristal, at mga kuwintas sa bracelet na binebenta ko sa mga customer kong nagpapahula sa akin. Papunta na ako sa simbahan para maghanap ng customer. Kailangan kong kumayod ngayon dahil hindi puwedeng mangalakal si tatay dahil may sakit siya.
"Rain!" tawag ni Belat.
Sinalubong niya ako at hinila palayo. "Huwag kang tumuloy!"
"Teka! Hindi ako puwedeng tutuloy?"
Nagtago kami sa isang eskinita. "May mga tao na naghahanap sa 'yo."
"Oh, maganda 'yo para may kikitain ako."
"Gaga! 'Yung babae na nagpahula sa 'yo noon bumalik. Galit na galit siya at may mga kasama siyang mga lalaki at nakita kong may mga baril."
Kinabahan ako. "Bakit anong kasalanan ko?"
"Peke ka raw na manghuhula. Hindi raw totoo ang mga hula mo sa kanya."
"Tanga pala siya kaya nga hula eh. Bakit siya dumepende sa hula. Kahit sinong magaling na manghuhula dapat hindi siya dumipende sa hula."
"Basta 'wag kang pumunta diyan baka makakita kami na kinatay na baboy sa harap ng simbahan."
"Grabe siya sa baboy, hindi naman ako masyadong mataba double XL lang ako."
"Mataba pa rin 'yon."
"Paano 'yan kailangan ko ng pera ngayon may sakit ang tatay ko."
Dumukot si Belat sa bulsa niya. "Oh, utangin mo muna 'yan."
"Salamat sa bente pesos."
"Wala akong pera dahil wala kaming benta."
"Sige, babalik na lang ako bukas sa ibang lugar muna ako manghuhula."
"Gaga! Akala mo naman puwede ka manghula sa ibang simbahan alam mo naman may bayad kapag pupuwesto ka doon."
"Susubukan ko pa rin kaysa walang makain ang pamilya ko."
"Sige, umalis ka na baka makita ka pa rito."
"Sige, salamat."
Hindi na ako tumuloy sa simbahan dahil wala akong dalang pera na pamasahe. Bumalik ako sa bahay namin para humingi ng pera kay nanay. Binigay ko na kasi lahat ng pera ko sa kanya kahapon kaya wala akong pera. Pag-uwi ko ay nakita ko si nanay na may kausap na matandang babae.
"Oh, Rain, bakit bumalik ka? May nakalimutan ka ba?"
Umiling ako. "Wala naman, manghihingi sana ako ng pamasahe sa iyo papunta sa Simbahan ng Sta Elena."
"Oh, bakit?"
"Eh, 'yung babae na hinulaan ko binalikan ako may kasamang mga lalaki at may baril daw sabi ni Belat. Hindi muna ako manghuhula doon ngayon."
"Kung ako sa 'yo Rina, si Rain na lang ang papasukin mo," saad ng matandang babae.
Tumingin ako sa matanda. "Nay, sino siya?"
"Siya ang nanay ng kaibigan ko, na nagtatrabaho siya sa Manila bilang kasambahay."
Ngumiti ako. "Hello! Mabuti naman at dinalaw n'yo si nanay."
"Pinuntahan ko si Rina dahil inaalok ko siya na magtrabaho sa Manila bilang kasambahay. Mababait ang mga amo ko lalo na ang anak niya."
"Gusto ko nga sana anak kaya lang hindi ko naman puwedeng iwanan ang tatay mo ngayon dahil may sakit."
"Bakit kaya hindi na lang ang anak mo ang papasukin mo?"
"Ako?" saad ko.
Tumango ang matanda. "Hindi ka naman mahihirapan dahil marami kayong katulong doon. Ayaw na kasi ako pagtrabahuhin ng mga anak ko dahil matanda na ako, pero kung ako ang pipiliin ay ayokong umalis."
Umiling ako. "Ayoko, mas mabilis ang pera sa panghuhula."
"Anak, itigil mo na 'yan panghuhula mo para mapanatag na rin ang loob ko. Ilang beses ng nalagay sa panganib ang buhay mo dahil sa panghuhula mo."
"Tama ang nanay mo."
"Maliit lang naman kasi ang sahod ng mga katulong ngayon kaya ayoko."
"Starting salary ng amo ko ay fifteen thousand. Babayaran pa nila ang sss, at philhealth mo. Libre na lahat pati ang hospital bill mo kapag nagkasakit ka."
"Weh? 'di nga?" Imposible naman magpasahod ng gano'n kalaki sa isang katulong.
"Gano'n talaga magpasahod ang mga amo ko. Hindi sila madamot sa mga katulong nila kaya nga walang umaalis na katulong sa kanila dahil mabait sila."
"Rain, tanggapin mo na, kung walang sakit ang tatay mo, ako ang papasok na katulong doon."
"Kailan ba ako mag-start ng trabaho?"
Ngumiti si nanay at ang matanda sa sinabi ko.
"Kahit ngayon puwede ka ng dalhin sa Manila para makapagsimula ka na."
"Pakisabi sa amo n'yo na ibigay nila ang kalahating buwan na sahod ko para may maiwan akong pera sa pamilya ko."
"Rain.." mangiyak-ngiyak na sabi ni Nanay.
Tumango ang matanda. "Sige, tatawagan ko ang amo ko sandali lang."
Habang kinakausap ng matanda ang amo niya ay pumasok naman ako sa kuwarto para ayusin ang mga gamit ko. Kung wala lang nagreklamo sa akin na customer ko hindi ako papayag na maging kasambahay. Ayokong mapalayo sa pamilya ko, pero dahil kailangan ko silang tulungan, gagawin ko ang lahat para sa kanila.
"Hays! 'di bale sa Manila ako manghuhula."