"OH nasaan na ang baon mo?" tanong sa kaniya ni Vincent.
Pareho silang nakaupo noon sa ilalim ng isang puno ng akasya na matatagpuan sa tagong bahagi ng unibersidad.
Iyon ang paboritong lugar ni Isla. Tahimik kasi doon at bibihira ang mga estudyanteng nagpupunta roon. Sa madaling salita, kung kailangan niya ng privacy, doon niya iyon nakukuha.
Ang isang pamilyar at mahiyaing ngiti ay pumunit sa mga labi ni Isla. "Nakakahiya kasi, hindi bagay ang baon ko dito sa mga pagkain na binili mo," sagot niya saka tipid na nginitian si Vincent.
Noon nagsalubong ang magagandang kilay ni Vincent. At iyon ay dahil sa kanyang isinatinig. "Nakakahiya? No, okay lang sa akin iyon. Akin na ibigay mo sa akin iyan," pagkasabi niyon ay mabilis na kinuha ng binata mula sa kanya ang maliit niyang lunch box. "Wow, itlog na maalat at kamatis pala ang baon mo. Alam mo bang paborito ko ito?" compliment pa ng binata matapos nitong alisin ang takip ng baunan.
Nakita ni Isla ang katapatan sa mga mata ng binata, at iyon ang dahilan kaya hindi niya napigilan ang mapangiti. Ang ginawing iyon at pati narin ang sinabi nito ay humaplos ng husto sa kanyang puso.
"Wala na kasi akong time para magluto kaya kung hindi itlog na maalat, minsan nagbabaon ako ng sardinas para sa lunch ko," paliwanag ni Isla.
Tinitigan siya ng husto ng binata dahil doon at iyon ang dahilan kaya bilgla siyang nakaramdam ng matinding discomfort. Iyon din ang dahilan kaya minabuti niyang magbawi ng tingin mula rito.
“You know what? I really admire you,” nasa tono ng pananalita ni Vincent ang sinabi nito kaya naman namula ng husto ang mukha ni Isla dahil roon.
Pagkatapos ay mabilis na kinabakasan ng kalituhan ang magandang mukha ng dalaga nang tanggapin niya ang pagkain na iniabot sa kanya ni Vincent na alam niyang binili ng binata sa canteen. Ibinibigay iyon sa kanya ng lalaki.
“Huh?” iyon lang tanging naisatinig niya.
Tumango si Vincent. “What if I tell you that I want to be a part of your life? Would you believe it? But before that, first I have to fix mine so I can fully give it to you," ang makahulugan nitong sabi.
Matagal na tumitig sa kanya ang lalaki. Gusto sana niya itong tanungin kung ano ang ibig nitong sabihin sa sinabi nito pero nawalan siya ng lakas ng loob na gawin iyon. Kaya naman nang hindi siya magsalita ay muling nagbuka ng bibig nito si Vincent para magsalita.
"Kumain ka na, palit muna tayo ngayon para maiba naman ang panlasa ko. And also, I love this place, kung okay lang sa iyo, pwede ba tayong dito kumain ng lunch everyday, as long as okay ang panahon?"
Malapad na napangiti si Isla saka sinimulang kainin ang pagkain na ibinigay sa kanya ni Vincent. "Of course! alam mo bang favorite spot ko ito? At willing akong i-share ito sa iyo," sang-ayon niya.
“Is that so? Well then starting today this is my favorite spot too! All the things that you love, I will love them as well. And anything or everything that will make you happy, I will do my best to give them to you,” ang madamdaming hayag sa kanya ng binata saka siya nito kinindatan.
Namula ng husto ang mukha ni Isla sa ginawang iyon ni Vincent. Kaya naman upang makaiwas sa mga titig nito ay minabuti niyang magyuko nalang ng ulo.
Magsisinungaling siya kung hindi niya aaminin na nagugustuhan niya ang lahat ng nangyayari sa kanya ngayon. Dahil ang totoo, napakasaya niya. Dahil sa wakas, pagkatapos ng napakahabang panahon at maraming taon, mukhang napansin narin siya ni Vincent. Ang kaniyang nag-iisang Pretty Boy.
*****
NASA tapat nang Quindlen University si Isla Biyernes ng hapon. Naghihintay siya ng traysikel na sasakyan niya pauwi nang isang pamilyar at mamahaling sasakyan ang huminto sa tapat niya.
Mabilis niyang naramdaman ang paghuhurumentado ng dibdib niya.
Parang pinasok iyon bigla ng maraming nagtatakbuhang daga, habang ang tiyan naman niya ay tila ba pinagpipiyestahan nang sandamukal na nagliliparang paru-paro.
Dahil doon ay parang wala sa sariling kusang napahigpit ang kapit niya sa kipkip niyang libro.
"Halika na?" tawag-tanong sa kanya ni Vincent matapos nitong ibaba ang bintana sa may gawi ng passenger's seat ng kotse nito.
Magkakasunod na umiling si Isla saka wala sa loob na napasulyap sa gawi ng gate ng university kung saan niya nasulyapang palabas roon si Tanya.
Nakita niyang sumulyap rin sa kanya ang dating nobya ni Vincent. At nang marahil mapuna nito ang pamilyar na kotse na nakahinto sa kanyang harapan ay matalas ang titig na ipinukol nito sa kanya.
“Isla, Miss Beautiful!” si Vincent iyon na kinuhang muli ang kanyang atensyon.
Noon siya nagpasyang kumilos na at sumakay sa loob ng sasakyan.
"Nakita ako ni Tanya, palagay ko galit siya sa akin kasi masama ang tingin niya sa akin, Vince," aniyang kinabakasan ng takot ang kanyang tono saka nanginginig ang mga kamay niya habang sinubukang ikabit ang seat belt.
“Hey, allow me,” ani Vincent na nakangiti kinuha sa kanya ang seat belt at ito na ang nagkabit. "Break na kami, hindi ba?" ang makahulugan pa nitong dagdag na nakuha naman ni Isla kung ano ang ibig sabihin.
"Ibig sabihin hindi mo na siya mahal?" ang hindi makapaniwalang tanong ng dalaga. Ilang sandali lang pagkatapos noon ay narinig na niya ang isang mahinang tawa na pinakawalan ni Vincent. "Oh, anong nakakatawa?" ang bahagyang nainis niyang tanong saka sa kalaunan ay minabuting ibaling nalang sa labas ng bintana ang kanyang paningin.
“Hey, don’t get me wrong Miss Beautiful. Na-aaliw lang ako sa mga mata mo. Napaka-inosente mo talaga, halatang wala ka pang kamuwang-muwang sa lahat ng nangyayari dito sa muna," sagot sa kanya ni Vincent na sandali siyang sinulyapan bago nito ibinalik sa daan ang paningin.
Lalong namula ang mukha ni Isla dahil sa sinabing iyon ni Vincent. "Tama ka naman talaga sa sinabi mong iyon," ang maikli niyang sagot.
Tumango si Vincent. "At sa tingin ko kailangan kong sabihin sa iyo ang totoo to make everything clear. Because the truth is, I have never been in love," sabi nito.
Noon nanlaki ang mga mata ni Isla dahil sa kaniyang narining. "Ang dami mo nang naging girlfriend pero kahit isa sa kanila wala kang minahal? As in wala? Kahit isa lang?"
Nangingislap ang mga matang parang walang anumang binasa ni Vincent ang mapupula nitong mga labi saka ito tumitig sa kanya. “More on attraction, physical attraction is the right term for it. To make it simple, it’s like not love,” paliwanag nito. “But just in case, maybe this time it will be something more serious,” dagdag pa nitong sabi.
Nagsimula muling kumabog ang dibdib ni Isla dahil sa huling sinabi ni Vincent. Habang ang maiitim at magagandang mga mata ng binata sa mabilis na paraan ay nagawa nitong hagurin ng tingin ang kanyang mukha.
Kakaibang klase ng discomfort ang mabilis na lumukob sa buong pagkatao ni Isla dahil doon, kaya mabilis siyang nagbawi ng tingin at ibinalik ang pansin sa labas ng bintana. Dahil sa ginawa niyang iyon ay hindi niya napansin ang sumunod na ginawa ni Vincent. Hinawakan nito ang kamay niya. Napahumindig siya nang maramdaman niya ang init ng palad ng binata at iyon rin ang dahilan kaya hindi siya nakapagsalita.
“Tell me, sweetheart, kumusta ang relationship mo with your stepmom?”
Hindi niya masabi kung anong klase ng emosyon ang kalakip ng sinabing iyon ni Vincent. Pero tunay nga namang humaplos iyon sa kanya puso. Hindi dahil sa katotohanang tagos hanggang sa DNA ang concern na kasama niyon. Kundi kasama narin ang ginamit nitong endearment sa kaniya ng lalaki. At iyon ang pumuno ng husto sa kanyang puso.