CHAPTER 6 “HER HEART'S DESIRE"

1266 Words
“W-WHAT---,” Noon siya nilingon ni Vincent, seryoso ang aura na nakita niya sa mukha nito. "Nakikita ko kung paano ka niya tratuhin simula nang magsama sila ng tatay mo. Ganoon na ba kahirao ang magluto para hayaan ka niyang magbaon ng itlog na maalat at sardinas sa eskwelahan? Look, palaging puno ng pagkain ang ref, at para sa lahat ang lahat ng iyon. I’m sorry but it is not fair to treat you like that when your father has been very kind to her.” Naramdaman ni Isla ang pagpipigl ng galit na nasa tono ng pananalita ni Vincent, at nalungkot siya roon. Pero sa kabilang banda ay lihim parin niyang ipinagpapasalamat ang malasakit ng binata para sa kanya. Hindi nagtagal at minabuti ni Isla ang tumikhim. Pagkatapos ay pinuno niya ng hangin ang kanyang dibdib dahil sa mahaba at prangkang statement na iyon na nagmula kay Vincent na nang mga sandaling iyon ay ini-start na ang car engine. "Hayaan mo na iyon, ang totoo hindi ko naman na iniintindi ang tungkol doon kasi okay lang sa akin," sagot niya sa kagustuhang putulin na ang pag-uusap tungkol sa topic na iyon. Narinig niyang nangalatak si Vincent. “It matters to me because I care so much about you. So please answer my question, tell me the truth," ang awtorisadong utos ng binata sa kanya. Sa puntong iyon ay hindi na nagawang kontrolin pa ni Isla ang kanyang emosyon. At nang mapuna ni Vincent ang tahimik niyang pag-iyak ay mabilis nitong itinigil ang kotse sa gilid ng kalsada. “Hey, sweetheart, did I scare you?” tanong nito sa kanya sa isang mababas at malamyos na tono ng boses. Maingat nitong hinawakan ang kanyang magkabilang balikat sa siya marahang ipinihit paharap rito.“I’m sorry, gusto ko lang malaman mo na hindi ako galit, okay?” pagpapatuloy ng binata na hinawakan ang babae niya para itaas ang kanyang mukha. Noon umiling si Isla saka pinilit na ngumiti nang simulan ni Vincent na tuyuin ang luhain niyang mukha. "Alam kong hindi ka galit. Hindi lang ako makapaniwala sa nakikita kong malasakit mo para sa akin, ngayon," pag-amin niya. Hindi mo alam kung gaano katagal na panahon ang hinintay ko para makuha ko ang atensyon mo. At ganito pala ang pakiramdam kapag nagkatotoo ang matagal nang hinahangad ng puso. Pakiramdam ko nananaginip lang ako, isang napakagandang panaginip. Ang gusto pa sanang sabihin ni Isla pero minabuti niyang sarilinin na lamang ang mga salitang iyon. “I don’t think it’s hopeless already. As a matter of fact, I believe this is the right time, for us,” ani Vincent. Kung ibabase niya sa paraan ng naging pagtitig sa kanya ni Vincent, may palagay siyang gusto ng binata nang mas higit pa sa pagkakaibigan na siyang mayroon sila ngayon. Pero palagi na ay takot na takot siyang masaktan kaya sa huli ay pinili narin niya ang mas tama, ang huwag umasa at bigyan ng kahulugan ang sinabi ng lalaki at pati narin ang kanyang nakita. Noon suminghot at saka tumango si Isla. "At tungkol doon sa tanong mo, hindi ko rin alam kung bakit ganoon si Tita Aida sa akin. Kung bakit parang nahihirapan siya na tanggapin ako," sinabi niya iyon dahil narin sa kagustuhan niya iliko ang topic patungo sa nauna nang sinimulan ng binata. Nakita niya ang affection sa mga mata ni Vincent nang haplusin nito ang mukha niya sa pinaka-banayad na paraan na kanyang naranasan at alam niyang pwede niyang maalala sa buong buhay niya. “Would you believe me if I tell you it is not difficult to like or even love you?” walang kahit katiting na hesitasyon siyang nabakas sa sinabing iyon sa kanya ni Vincent at nagulat doon si Isla. Matagal na tumitig si Isla sa mga mata ni Vincent. Nagtatanong ang kanyang mga mata. "A-Anong sinabi mo?" matapos ang ilang sandali ng katahimikan ay tila ba nakabalik ang dalaga sa kasalukuyan. Pero kahit sabihin na ganoon ang nangyari ay nanatili parin siyang hindi makapaniwala sa bawat salitang nanulas at narinig niyang namutawi mula sa bibig ng binata. Noon tumango si Vincent. “Hey, seriously? I know you heard me right? I just told you the truth. So if for example, they find it difficult to like or love you that is not your problem anymore. The best thing to do is smile. Because the truth is, you can make me really happy every time you do that,” anito. Naramdaman ni Isla ang katapatan sa sinabing iyon ng binata sa kanya, so eventually, natagpuan na lamang niya ang kanyang sariling nakangiti rito dahil nga sa sinabing nitong iyon sa kanya. “There, and one more thing, we grew up together. It’s like we are siblings because we grow old inside the same house and played together in one yard, so I want you to feel comfortable when you are with me. If you need anything just tell me and I will find a way to help you,” dagdag pa ng binata. Mabilis na pinawi ng salitang sibling na sinabi ni Vincent ang magandang ngiti sa kanyang mga labi. "Oo naman, thank you, anyway," sagot ni Isla saka pinilit na ngumiti sa dakong huling. “That’s my girl!” ang masiglang sambit ng binata. Pagkatapos ay kinuha nito ang isang kamay niya saka iyon banayad na pinisil. Ang masarap na sensasyon na naramdaman niya dahil sa ikinilos na iyon ni Vincent ay sapat na upang matalo ang lungkot na lumukob sa kanyang puso kanina lang. Siguro nga mas makabubuti kung magiging kontento nalang siya sa pagkakaibigan na mayroon sila. At sa "siblings" relationship na mayroon sila ngayon. Well, at least masasabi niya na ngayon ay mas malapit na sa kanya si Vincent, at masaya na siya roon. ***** “ISLA?” Nasa labahan siya noon at sinusubukan niyang ayusin ang sira niyang school shoes nang marinig niya ang papalapit at pamilya na tinig ni Vincent. "Hello, may kailangan ka ba?" sandali lang niyang nilingon si Vincent at pagkatapos ay muling ibinalik ang atensyon sa kanyang ginagawa. “No, I don’t need anything actually,” sagot nito saka humakbang palapit sa kanya.. “What are you doing, by the way?” Noon siya nahihiyang ngumiti. “Sinusubukan kong idikit itong sapatos ko. Ang totoo nawawalan na nga ako ng pag-asa. Pero dahil nga Monday na bukas, sinusubukan ko parin talaga," hindi napigilan ni Isla ang pag-aalala na humalo sa tono ng kanyang pananalita. Noon tumango si Vincent saka nito kinuha mula sa kanya ang sirang sapatos. “Let me see?” anito pa. “Oh no, please don’t! Ibalik mo sa akin iyon,” protesta niya habang sinusubukang pigilan ang binata subalit nabigo siyang gawin iyon. “I don’t think you can still fix this. It needs replacement. Look at the sole, it is grinning already, see?” ani Vincent na tumawa pa ng mahina. Sa puntong iyon ay hindi na napigilan ni Isla ang matawa ng malakas dahil sa sinabing iyon ni Vincent. "Grabe Vince, may pagkabaliw ka rin pala!" aniyang pinilit na huminto na sa pagtawa lalo at naluluha na siya. Noon niya nakita ang amusement sa mga mata ni Vincent nang titigan siya nito. “Yeah right, it’s so good to hear and see you laughing. But hey, do you think you can come with me? I will be attending a mass,” tanong nito sa kanya pagkatapos. "Oo naman! Teka sandali at magbibihis lang ako. Tapos magpapaalam narin ako kay tatay," sagot niya. “Okay, I’ll meet you at the garage,” si Vincent sa masigla nitong tinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD