bc

MAHAL PA RIN KITA

book_age18+
347
FOLLOW
2.0K
READ
billionaire
revenge
family
HE
neighbor
single mother
heir/heiress
blue collar
drama
bxg
mystery
loser
like
intro-logo
Blurb

WARNING: R[18]: STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT/MATURE CONTENT

Dahil bawal ang kanilang pagmamahalan naisipan nina Vincent at Isla na magpakasal ng lihim upang hindi na magkalayo kailanman. Pero sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay naganap ang isang insidente na kahit sa panaginip ay hindi nila inasahang pwede pa lang mangyari. Gamit ang pera nito ay binayaran ng ina ni Vincent ang ama ni Isla upang ilayo ang dalaga sa binata isang araw bago ang kanilang kasal.

Gumuho ang mundo ni Isla dahil sa nangyari. Pero muli silang nagkita ni Vincent, at kahit suklam ito sa kaniya sa hindi niya malaman na kadahilanan ay sinabi sa kaniya ng binata na sa ayaw at sa gusto niya ay kailangan niya itong pakasalan, kung hindi ay mawawala sa kaniya si Matthew, ang kanilang anak.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1 “CHEF VINCENT DEL CARMEN”
"How are you, Chef Vincent Del Carmen?" iyon ang masayang bati sa kaniya ni Randy. Iyon ang araw ng pagbisita ni Randy sa kaniyang condominium unit. Roommate niya si Randy noong nag-aaral pa silang pareho sa isang kilalang unibersidad sa America. Pero nagtagal lamang iyon ng anim na buwan. At dahil naging abala narin siya sa pag-aaral at sariling buhay ay naputol ang komunikasyon nila ng lalaki. Kamakailan lang nang muli silang magkita nito sa isang hindi inaasahang pagkakataon sa isang bar sa Makati. "I'm good actually, I heard you are getting married?" tukso pa ni Vincent sa kaibigan niya. Tinawanan lang siya ni Randy saka ito nagsalin ng wine sa dalawang baso. "Sa maniwala ka man o hindi Vincent, I think I found her," sa tono ng pananalita ni Randy ay halatang napakasaya nito. Pero sa kabilang banda ay tila ba gusto niyang bumunghalit ng isang malakas na tawa dahil sa sinabing iyon ng kaibigan niya. Dahil ang makarinig ng ganoong mga salita mula rito ay totoong nagbibigay sa kaniya ng hindi maipaliwanag at matinding amusement. Hindi kasi siya makapaniwala dahil ang totoo ay napaka-babaero ni Randy noong magkasama pa sila sa America. Madali itong magsawa kaya napakadali at madalas kung magpalit ito ng nobya. Aminado rin si Randy sa ugali nitong mapagmataas. Habang siya? Noon nagpakawala si Vincent ng isang malalim at mabigat na buntong hininga. Well, pagkatapos ng nangyari ay hindi na muli pang pumasok si Vincent sa isang seryosong relasyon. Maraming babae oo pero ang lahat ng iyon kung hindi niya naging bed-partner ay simpleng one-night stand lang. At iyon ay dahil sa katotohanang iniiwasan niya ang muling masaktan. Dahil ang totoo, hanggang ngayon ay dala-dala parin niya sa kanyang dibdib ang pait at sakit ng kaniyang nakaraan. Nakakatawa nga lang na isiping maging sa panaginip niya ay naroroon ito. Kasama ang pangakong hindi niya alam kung paniniwalaan pa ba niya o kailangan at pwede pa niyang panghawakan? Dahil katulad na nga ng sinasabi ng ibang tao at iyon narin ang naririnig niya, kailangan alam mo ang kaibahan ng paniginip sa reyalidad, gaano man ito kaganda.  "So it's true?" tanong niya bilang paniniyak. Nagkibit ng balikat nito si Randy saka sinimsim ang alak na laman ng baso nito. "Ang totoo ay hindi ko talaga alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko alam kung nagpapakipot ba siya o talagang galit sa mga lalaki?" Napasipol si Vincent sa sinabing iyon ng kaibigan niya. "Iyan ang tinatawag nilang karma," dagdag pa niya saka sinundan ang sinabi ng mahinang tawa. Tumango si Randy bilang pagsang-ayon sa sinabi niyang iyon. "Sa tingin ko nga, pero okay lang iyon, willing naman akong gawin ang lahat to gain her trust. Pero mayroon akong mas malaking problema kung tutuusin, my mother," pagkasabi noon ay nagbuntong hininga muli ang lalaki. "Bakit?" "May anak na siya, at sa tingin ko ay hindi iyon magugustuhan ng mother ko," nasa tono ng pananalita ni Randy ang pag-aalala. Natigilan si Vincent sa narinig niyang iyon at pagkatapos ay mapait na ngumiti nang may maalalang kung ano. "Ano ka ba naman, hindi ka na teenager. Tanggap mo ba ang anak niya?" hindi maintindihan ng binata kung bakit bigla siyang naging curious sa problema ng kaibigan niya. Tumango si Randy. "Mabait na bata si Matthew, sa katunayan kung sakali man na magkaroon ako ng pagkakataong makilala ang tatay niya ay baka pasalamatan ko pa ito dahil nagkaroon ako ng instant na anak na katulad ni Matt. Iyon ay dahil ganoon ang turing ko sa kanya. Nakakatuwa nga lang na magkapangalan kayo at pati narin apelyido," naramdaman niyang totoo sa loob ni Randy ang lahat ng sinabi nito dangan nga lamang at mas pinili niyang ignorahin ang huli nitong sinambit. Napakarami ng mga tao sa Pilipinas na Del Carmen rin ang apelyido. "By the way, pag-usapan na natin ang tunay na dahilan kung bakit ako nagpunta rito," ilang sandali pagkatapos ay minabuti ni Randy na baguhin na ang topic ng kanilang usapan. Tumango si Vincent, kinuha ang bote ng alak at nagsalin ng tamang dami sa kaniyang baso. "Bakit mo gustong ipagbili?" Ang totoo ay plano talaga niyang magtayo ng sarili niyang restaurant kaya siya bumalik ng Pilipinas matapos ang panantili niya sa America ng pitong taon. At dahil sinabi sa kaniya ni Randy ang tungkol sa plano nitong pagbebenta ng buffet restaurant na pag-aari nito ay nagkaroon siya ng interes na bilhin iyon.  Isang kilalang kainan ang Festive kaya naman kumpiyansa siya na mabilis niyang mababawi ang pera niya kapag ito ang kanyang binili. "Gusto ng mga magulang ko na mag-focus na ako sa family business namin. Hindi narin naman sila bumabata kaya kinailangan kong mag-decide at mamili sa dalawa. You know I manage two different businesses at the same time so I decided to sell Festive and continue the one which parents started." Ang tinutukoy ni Randy ay ang shoe factory na pag-aari at pinatatakbo ng mga magulang nito. Ang mga produktong napo-produce ng kanilang factory ay mga export quality at mabibili sa maraming mga bansa sa buong mundo. Tumango lang muli si Vincent. "Sige, kakausapin ko ang abogado ko tungkol diyan, then do the same. Sana matapos natin ang tungkol rito soon." Tumawa ng mahina doon si Randay saka muling nagsalin ng panibagong alak sa baso nito. "Para masimuilan ko narin ang panliligaw sa babaeng gusto kong pakasalan." At tuluyan na ngang natawa si Vincent sa sinabing iyon ng kaibigan niya. ***** ONE WEEK LATER  "Kumusta na ang gwapo kong inaanak?" Nginitian ni Isla ang bagong dating. Si Cherry iyon, ang best friend niya at anak ng may-ari ng apartment na kaniyang inuupahan. "Salamat naman sa Diyos at dumating ka na, kanina ka pa niya hinihintay. Ayaw niyang matulong kasi ipakikita pa raw niya sa iyon yung star na nakuha niya sa school kanina," aniya sa kaibigan niya saka niya sinimulang magtimpla ng kape para sa kanilang dalawa. Si Matthew ang tinutukoy niya, ang kaniyang anak. Anim na taong gulang na ito at kasalukuyang nasa kindegarten sa daycare center sa kanilang barangay. Ninang ni Matthew si Cherry. Si Mama Selya naman na kanilang landlady at ina ni Cherry ang naghahatid-sundo sa anak niya sa pagpasok at pag-uwi sa eskwelahan araw-araw. "Patingin nga?" ang narinig ni Isla na winika ni Cherry sa anak niya nang ilapag niya sa centertable ang dalawang tasa ng kape. "Wow ang galing, dahil diyan bukas kakain tayo sa labas lalo at day-off ko at ng Mama mo," anitong nilingon pa siya ng nakangiti. "Talaga po Mama Cherry?" ang kakaibang kislap sa mga mata ng anak ni Isla ay humipo ng husto sa kanyang puso.  Noon magkakasunod na tumango si Cherry. "Oo, kaya ang mabuti pa matulog ka na kasi bukas pagkatapos mo sa school ay kakain tayo sa paborito mong fast-food restaurant," anito. "Kayo po ba ang maghahatid sa akin sa school bukas?" nasa tono ng pananalita ni Matthew ang labis na pananahik. "Oo, maglalaba kasi bukas si Mama mo kaya ako nalang ang maghahatid sa iyo," paliwanag pa ni Cherry. Noon maligayang-maligaya na hinalikan sa pisngi ni Matthew ang ninang nito. Pagkatapos noon ay masaya nang nagtatakbo ang bata papasok sa kanilang silid para matulog. Nakasunod naman ang paningin ni Cherry sa anak niya. "Tingnan mo nga naman, ang bilis ng panahon, ni hindi ko napansin iyon. Ilang taon nalang ang bibilangin mo at may binata ka na." Tumawa ng mahina si Isla dahil doon. "Oo nga, for six years, sa awa ng Diyos nandito parin kami ng anak ko," may kahalong pait sa tono ng pananalita niyang naisagot. Noon nagbuntong hininga si Cherry saka humigop sa tasa ng kape nito. "Bakit hindi ka humingi ng suporta sa tatay niya? Mayaman ang lalaking iyon at obligasyon niyang bigyan ng magandang buhay ang anak niya," giit ng kaibigan niya. Ngumiti si isla. "Doon na naman ba ang punta natin? Kaya ko namang suportahan at itaguyod ng mag-isa ang anak ko, hindi ko kailangan ang pera niya," dahil sa pagkakaalala sa mapait niyang nakaraan ay nabahiran na naman ng galit ang tono ng pananalita niya. "Oo nga kaya mo, alam ko iyon. Pero Isla ipinagkait mo kay Matthew ang dapat sana ay magandang buhay na mayroon siya ngayon. Hindi porke ipakikilala mo siya sa tatay niya ay nangangahulugan na agad iyon na gusto mong dugtungan at ituloy ang nakaraan ninyo? You and Vincent have a different story. At may karapatan ang anak mo na makilala kung sino ang totoo niyang ama," hindi nakapagsalita si Isla sa sinabing iyon ni Cherry. Sa bus terminal sa Cavite niya nakilala si Cherry. Nang sabihin niya rito na wala siyang matutuluyan ay hindi ito nagdalawang isip na alukin siya ng tulong. Si Cherry din ang nagrekomenda sa kaniya bilang kahera sa mismong restaurant kung saan ito nagtatrabaho. Branch Manager si Cherry sa kaparehong branch ng Festive kung saan siya naka-assign. Ang Festive ay isang buffet restaurant na naghahain ng mga kilalang pagkaing Pilipino. Mayroon itong branches sa halos lahat ng kilala at malalaking malls sa bansa. Hindi niya alam kung kailan ang plano ni Cherry para mag-asawa pero may nobyo ito, si Norman, isang mayaman na Australian. "Teka, bago ko makalimutan kanina bago ang store closing may natanggap akong email galing sa Operations Manager natin," ani Cherry sa kanya. Noon nagsalubong ang mga kilay ni Isla. "Anong sabi ni Ma'am Rose?" "Magkakaroon tayo ng meeting sa Monday regarding sa kumakalat na balita tungkol sa pagpapalit ng management. Ibebenta na ni Sir Randy ang Festive at ipagdasal nalang natin na mabait ang buyer na magiging bago nating boss para hindi na tayo palitan," si Cherry na tuluyan inubos ang kape sa tasa nito. "May idea ka ba kung sino ang buyer?" curious niyang tanong. Magkakasunod na umiling si Cherry bago nagsalita. "Hindi eh, alam mo naman si Sir Randy masyadong private na tao," tukso pa nito sa kaniya saka sinundot ang kaniyang tagiliran. "Wala ka ba talagang nararamdaman para sa kanya? Imagine, five years na niyang sinusubukang kuhanin ang atensyon mo pero dedma ka parin sa pretty-boy image niya?" Umikot ang mga mata ni Isla dahil sa kaniyang narinig. "Inilalaan ko nalang ang buong buhay ko para sa anak ko," totoo iyon sa loob niya. "At tungkol naman doon sa sinasabi mong i-absorb tayo ng bagong may-ari, posible naman iyon sa inyo. Pero kung sa mga katulad ko na contractual employee, hindi ko lang sigurado," nabakas ni Isla ang pag-aalala sa sarili niyang boses dahil sa balita. Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ni Cherry dahil sa sinabi niyang iyon. "Naku hindi, naging magbuti kang empleyado kaya sigurado ako na mare-retain ka. At isa pa, nandito ako, tutulungan kita kung sakali," anito pa sa kanya bago ito tumayo. Napangiti si Isla sa kanyang narinig. "Thank you," pahabol pa niya bago niya isinara ng tuluyan ang pinto. Sa isip niya ay ang pag-aalala kung saan na naman kaya siya pwedeng mag-apply ng trabaho dahil sa pagpapalit ng management? "Matthew, baby, bakit ba hindi ko kayang ibigay sa iyo ang klase ng buhay na kaya ibigay ng ibang single mother sa mga anak nila?" ang malungkot niyang bulong saka hinaplos at maingat na hinalikan ang noo ng kaniyang anak. ***** “So, you're staying here for good? Why not start your own restaurant? Bakit kailangan o pang bilhin ang pag-aari ng iba? Is it bankrupt?" si Ruby iyon sa anak nitong si Vincent. Nagkibit ng balikat nito sa Vincent saka inilapit sa bibig niya ang baso ng alak. "Wala akong makitang mali doon, Mama, kilalang restaurant ang Festive. And no, hindi ito bankrupt, hindi nalang ito kayang i-manage ng owner kaya naisipang ipagbili," paliwanag niya. Tumawa doo si Ruby. "Isa kang kilalang chef sa America. Hindi ka mahihirapang gumawa ng sariling mong pangalan dito kung sakali," dagdag pa ng kaniyang ina. Noon tiningnan ni Vincent ang kaniyang ina bago siya nagsalita. "Nakapagdesisyon na ako, Ma. May meeting ako kasama ang CEO ng Festive in two day," aniyang mayroong pinalidad ang tono. "Matutulog na ako," aniyang niyuko si Ruby saka dinampian ng simpleng halik sa pisngi. "Goodnight," aniya pa. Mabilis na natigilan si Vincent nang madaanan ang isang pamilyar na silid. At kasabay ng pagdaloy muli ng mga alaala ay ang pagpunit ng isang mapait na ngiti sa kaniyang mga labi, kasama narin doon ang pagguhit ng isang pamilyar na sakit sa kaniyang dibdib. "Isla, Miss Beautiful, bakit ba ang hirap mong kalimutan? Bakit hindi kita makalimutan?" bulong niya saka nagbuntong hininga.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

UNCLE'S VIRGIN B*TCH (SPG)

read
217.6K
bc

The Two Gays Who Stabbed My Rose (S.I.O #2)

read
88.9K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
20.5K
bc

Wild Night Trilogy 1: CALIX DE VERA (One Hot Night With My Hot Neighbor)

read
26.4K
bc

HAYOK SA LAMAN - SPG

read
60.7K
bc

Until Our Lust Breathes (Seven Deadly Sins)

read
28.2K
bc

My Sweet, My Love Ninong(Spg)

read
102.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook