NIYAYA siyang kumain ng dinner ni Vincent sa isang grill house matapos nilang mag-shopping. Ibinili kasi siya nito ng sapatos pagkatapos nilang magsimba kaya ganoon. At dahil gabi narin naman ay naunawaan na niya kung bakit ito nagpilit na kumain sila. Baka nagugutom na ito.
Noon nakaramdam si Isla ng lihimna amusement para kay vincent. Katatapos lang nilang kumain noon nang bigla ay pumailanlang ang isang pamilyar na klasikong love song sa grill house na iyon.
“Beautiful song, what do you think?” ani Vincent.
Tumango si Isla bilang pagsang-ayon sa sinabing iyon ng binata. “Love Is All That Matters,” sagot niyang sinabi pa ang title ng kanta.
“Let’s dance?” ang binata na bigla ay nakangiting tumayo.
Matagal munang tinitigan ni Isla ang kasama nang may pagtataka bago siya nagbuka ng bibig para magsalita.
“W-What?” awkward yes, pero dahil marahil sa pinaghalong kaba at pagkagulat ay tanging iyon lamang ang nasambit niya.
Noon tumawa ng mahina ang binata."Let's break-in those shoes. Let’s see if I still need to get you a new pair just in case,” pagdadahilan pa nito.
Noon ikunurap-kurap ng dalawa ang kanyang mga mata matapos niyang marinig ang sinabing iyon ni Vincent. Pero sa kabila ng kaba sa dibdib niya ay nakangiti parin niyang tinanggap ang kamay nito na ngayon ay nakalahad sa harapan niya.
Nasa dance floor na sila nang maramdaman ni Isla ang tila ba mabilis na pagpapalit ng atmosphere sa paligid.
Hindi lang iyon dahil sa mabangong hininga ni Vincent na direktang tumatama sa mukha niya. O maging sa kamay nitong hawak ang baywang niya. Kundi mas higit sa paraan ng pagtitig nito sa kanya.
Kinakitaan niya ang matinding affection ang maiitim nitong mga mata na alam niya at nakatitiyak siyang may kapangyarihan upang tuluyang tunawin at sirain ang anumang pag-aalinlangan na mayroon siya. At iyon ang eksaktong dahilan kung bakit nawala sa kanya ang kakayahang pigilin ito nang yumuko ang binata at tila nagdadalawang isip nang dampian nito ng simpleng halik ang kanyang mga labi.
“You're very beautiful,” bulong ni Vincent at pagkatapos ay sinuyod ng humahangang tingin ang kanyang mukha.
Speechless na napalunok nalang si Isla dahil sa kanyang narinig habang nanatili siyang nakatingala sa napakagwapong mukha ng lalaking kasayaw. At pagkatapos niyon ay kusa niyang naipikit ang kanyang mga mata nang masuyong dinama ni Vincent ang mukha niya. Ang mainit nitong palad ay parang apoy na unti-unting tinutunaw ang lahat ng pag-aalinlangan sa kanyang puso. Making her realized how long she has been very much in love with the young man.
“K-Kiss me.”
Parang iyon lang ang hinihintay na cue ni Vincent mula sa kanya.
Dahil pagkatapos niyon, wala kahit anong salita, sa mabilis na paraan ay nagawa nitong angkinin ang kanyang mga labi. Habang siya, tinatanong niya ang kanyang sarili kung saan ba siya kumuha ng sapat na lakas ng loob upang hingin iyon kay Vincent. Pero sa kabila ng mga katanungan, alam niyang wala siyang pinagsisisihan.
Vincent’s experienced lips brought her to the world of fantasy that she used to visit before in her dreams with the young man.
Iyon ang kanyang unang halik, at alam niyang kung sakaling maibabalik ang panahon ay hindi siya magdadalawang isip na muling ibigay iyon sa binata. Dahil ang masarap na pakiramdam na ibinigay sa kanya ng mainit nitong labi ay alam niyang mananatili na sa kanyang puso, magpakailanman.
Noon, malaking katanungan para sa isang katulad niya kung ano ang pakiramdam nang mahalikan ng isang katulad ni Vincent. At ngayon nasagot na ang tanong na iyon, bakit parang ayaw na niyang tumigil? Bakit pakiramdam niya palagi niya itong hahanapin at kahit kailan ay hindi niya ito pagsasawaan?
*****
PRESENT DAY
“ARE you okay? Kumusta na ang pakiramdam mo?" iyon ang magkakasunod na tanong sa kanya ni Cherry nang magising siyang nasa loob ng isang magandang silid sa isang pribadong ospital.
Noon tinitigan ni Isla ang mukha ng kaibigan niya saka siya tumango. "Anong nangyari?"
Tinawana siya ni Cherry saka pagkatapos ay tinulungan siya nitong bumangon. "Syempre itinuloy ang meeting. Alam mo na, business as usual. Starting next week, si Vincent na ang magiging boss natin," paliwanag nito sa kanya.
Ang isipin lang na makakatrabaho niya si Vincent at magiging amo niya ito, pakiramdam ni Isla ay gusto na naman niyang mawalan ng malay.
"Sa tingin ko kailangan ko nang ayusin ang tungkol sa resignation letter ko. Para masimulan ko narin ang paghahanap ng trabaho," parang wala sa sarili niya ang dalaga habang sinasabi niya iyon.
"Ano? Hey, nababaliw ka na ba o apektado ka parin?"
Iyon ang naging tanong sa kanya ni Cherry habang bakas sa tono ng pananalita nito ang matinding disappointment. Alam naman niya niya kung bakit. Dahil hindi ito makapaniwala sa sinabi niyang iyon.
Ang totoo, tanging si Cherry at ang ina nitong si Selya ang nakakaalam kung sino ang tunay na ama ni Matthew.
Sa loob kasi ng mahabang panahon na nakasama niya ang mga ito ay hindi siya nagdalawang isip na sabihin at aminin sa mag-ina ang tungkol sa kanyang nakaraan.
Noon parang humihingi ng tulong siyang tumitig kay Cherry. "Alam mo naman kung ano ang totoo, hindi ba?"
“So which of the two? Is it because he is the father of your son or you are still in love with him?”
"Pag-iisipan ko. Nag-aalala lang kasi ako para sa anak ko. Paano kapag nalaman niya ang totoo? Paano kapag inilayo niya sa akin si Mattherw?" iyon ang totoong inaalala niya.
"Sa totoo lang, prangkahan nalang kasi best friend mo ako. Kung ako si Vincent talagang magagalit ako sa'yo. Look, hindi mo sinabi sa kanya ang tungkol sa sarili niyang anak. Itinago at inilayo mo sa kanya si Matthew," si Cherry na ipinilig pa ang ulo.
"Bakit hindi niya sisihin ang magaling niyang ina?" sagot niya.
Hindi na nakasagot pa si Cherry dahil doon.
Well, iyon naman talaga ang totoo. Wala talaga sa plano niya na itago ang lahat kay Vincent. Pero nasaktan siya nang husto lalo na nang hindi ito gumawa ng kahit anong paraan para hanapin siya pagkatapos ng nangyari. Kaya minabuti niyang gawin nalang ang sa tingin niya ay ang makabubuti para sa lahat. At hindi iyon naging madali para sa kanya.
*****
SIX YEARS AGO…
"ISLA, sabay ka namang mag-lunch sa amin mamaya? Matagal narin kasi mula nung huli ka naming makasama ni Renz," bago pa man nagsimula ang kanilang English class ay iyon na ang sinabi sa kanya ni April.
Noon niya narinig na nangalatak si Renz na nakaupo sa silya na nasa likuran niya. "Busy siya sa love life niya," tukso sa kanya ng binata saka pa nito sinundan ang sinabi ng isang mahinang tawa.
Noon binigyan ni Isla ng warning look si Renz saka pagkatapos ay nilingon si April. "Sa tingin ko okay lang this time. Nag-text kasi sa akin si Vince na magla-lunch daw siya kasama 'yung mga kaibigan niya. Meron daw kasing may birthday," paliwanag niya.
"At talagang ganoon kahaba ang explanation niya sa'yo? Tanong ko lang, kayo na ba ni Vincent?" ang makahulugang tanong ni Renz.
Noon bahagyang pinalo ni Isla ang braso ni Renz. "Hinaan mo nga ang boses mo. Baka mamaya may makarinig sa'yo. Ayokong magkaroon ng issue ang relasyon ng tatay ko sa mga magulang ni Vince," ang pabulong niyang sabi.
Noon nagpalitan ng makahulugang tingin sina Renz at April. “So you guys are officially dating?” ang magkapanabay pang tanong ng mga ito.