"I LIKE Tanya, I find her a perfect match for you. Well, she told me you dated?" nang gabing iyon habang kumakain sila ng hapunan ay iyon ang sinabi ng kanyang ina. Mabilis na nakaramdam ng pagkainis si Vincent dahil sa kanyang narinig. Alam na kasi niya kung saan iyon papunta. “Really? Well, I hope sinabi rin niya sa inyo kung bakit kami nagkahiwalay?” ang sarkastiko niyang tanong. Noon siya pinakatitigan ng kanyang ina. Sa paraan ng pagtitig nito sa kanya ay halatang wala itong alam sa totoong nangyari kaya sinamantala ni Vincent ang pagkakataong iyon. “Niloko ako ni Tanya, Ma. Now tell me, do you still want that kind of woman for your son?" Nagkibit ng mga balikat niya si Ruby matapos ang kaniyang sinabi. “I’m sorry anak, pero hindi naman kasi sinabi sa akin ni Tanya ang tungkol d