“TAPUSIN mo na iyan ng mabilis anak, para makapagpahinga ka na,” iyon ang naging tagubilin sa kanya ni Artemio baka siya nito tinalikuran. Lumabas ito ng mansion saka na natuloy sa maid’s quarter. “Sige po, Papa,” sagot naman ni Isla sa kanyang ama. “Psst!” Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ni Isla saka hinanap kung saan nanggaling ang sitsit na iyon. Natawa nalang siya ng mahina nang makitang nakatayo sa kanyang likuran si Vincent. Nakasandal ito sa hamba ng pinto habang pinanonood siya. “B-Bakit gising ka pa?” tanong niya habang pinagsisikapang itago ang kaba na nabubuhay ng unti-unti ngayon sa kanyang dibdib. Noon kumilis si Vincent saka siya niyakap mula sa kanyang likuran at pagkatapos ay dinampian rin ng isang simpleng halik ang ibabaw ng kanyang ulo. “Hindi kasi ako maka