Alas syete pa lang ng umaga, pero halos lahat ng gawaing bahay ay nagawa na ni Samantha. Nagawa na rin niyang magwalis sa garden, maglinis ng bahay. Mag alis ng alikabok, kahit wala naman siyang makitang alikabok, mga dapat na punasan kahit walang dumi pinunasan niya.
Hindi maipaliwanag ni Samantha ang lungkot na nararamdaman dahil hindi man lang niya nakita si Dark ng umagang iyon.
Naisipan na lang ni Samantha na labahan ang mga cover ng kama, at punda ng unan. Kahit kapapalit pa lang, para lang may magawa.
Nine pa lang ng umaga, tapos na rin siyang maglaba. Pati mga kurtina ang dinamay na niya. Nagsasampay na siya ng marinig ang pagdating ng sasakyan ni Dark. Nagmamadali siyang tapusin ang pagsasampay dahil umaasa siyang makikita niya si Dark.
Pagdating pa lang ni Mang Lucio, ay sinalubong na siya ni Manang Belen. Natutuwa din naman si Manang Belen, ng makita ang kaibigan ni Samantha. Naikwento kasi ni Dark sa matanda ang plano niya na puntahan ang kaibigan ni Samantha, at isama sa bahay niya.
"Kumusta ka hija? Ako nga pala si Belen, tawagin mo nalang akong manang Belen, masaya akong sumama ka kay Dark, sure akong matutuwa si Samantha pag nakita ka." Masayang bati ni manang Belen kay Leah.
"Salamat po manang Belen, natutuwa po akong welcome po ako dito. Salamat din po kay Sir Dark, dahil sinadya pa niya ako kahit napakalayo ko dito." Sagot niya dito na til nahihiya, pero nangingibabaw pa rin qng saya na makasama si Samantha.
"Walang problema hija, basta para kay Samantha,..." Sabay kindat ni Manang Belen kay Leah, na ikinasinghap ng dalaga, na hindi makapaniwala.
"Gagawin ng alaga ko ang lahat. Nararamdaman kong wala pang aminan na nangyayari, pero nararamdaman kong malapit na."
Natuwa naman si Leah sa sinabi ni manang Belen, dahil parang dito na magsisimula na magkaroon naman ng magandang pangyayari sa buhay ng kaibigan. Alam niya ang hirap at lungkot na pinagdaan nito, kaya nais din niya na maging masaya ito.
"Manang Belen, kung ganoon naman pala, ay masaya ako para sa kaibigan ko. Ang pakiramdam nito na wala daw nagmamahal sakanya, mula ng mawala ang kanyang inay, ay mawawala na. Dahil ngayon hindi na lang ako ang kilala niyang nagmamahal sakanya. Madami na tayo, nandyan pa si Sir Dark.. Pwede bang kiligin manang? Kinikilig ako para sa kaibigan ko." Nakangiting sabi ni Leah.
"Ay s'ya tama na ang kilig, pumasok na tayo, at malungkot ang kaibigan mo dahil maagang umalis si Dark, hindi nasilayan. Hindi man sabihin ay halata naman na malungkot aba'y wala ng tinirang gawain para sa akin, nilahat na." Natatawang sambit pa ni Manang Belen.
"Lucio ikaw na magpasok ng mga gamit ni Leah, isasama ko na muna ito kay Samantha, ng ngumiti naman ang batang iyon. Kanina pang malungkot."
Sumunod si Leah kay manang Belen, pag pasok pa lang ng bahay ay sobrang namangha na ang dalaga sa laki ng bahay ni Dark.
Agad din naman niyang hinanap ang dalaga. Dinaanan nila ang papunta sa kusina, makarating sa likod ng bahay, nakita niya ang kaibigan na nagsasampay. Hindi na muna niya inabala ito at hinintay na matapos.
Pagharap pa lang ni Samantha ay halos manlaki ang mata nito, ng makita ang kaibigan. Halos takbuhin na rin ng dalaga ang kaibigan. Hindi na rin napigilan ni Samantha ang mapaiyak ganun din si Leah ng mayakap ang isa't isa.
"Kumusta ka na Samantha? Sobra mo akong pinag-alala, na halos araw-araw buhat ng mawala ka, ipinapanalangin kong sana ay nasa mabuti kang kalagayan. Anong nangyari sayo? May kinalaman ba yong may-ari ng club sa pagkawala mo?" Sunod-sunod na tanong ni Leah na hindi pa rin mapigilan ang pagluha, dahil sa sobrang galak dahil ligtas ang kaibigan.
"Ok lang ako. Oo nakuha na nila ako, dahil binenta ako ni Mr. Chua doon sa may-ari ng club, pero nung tumigil sila saglit. Gumawa talaga ako ng paraan para talaga makatakas. Kahit anong trabaho basta marangal makakaya ko, wag lang ilegal, masama at labag sa kalooban ko. Sa pagtakas ko, doon ako nakita ni Dark "
Kahit may idea na si Leah ay pinaningkitan pa rin niya ng mata si Samantha sa pagbanggit ng pangalan ni Dark.
"What?" Takang tanong ni Samantha.
"Ummm, first name basis na kayo ni Sir Dark?" Sabay ngisi.
"Ang malisyosa mo. Ok, nung pagtakas ko noon ako nakita ni Sir Dark. Hanggang sa hindi na niya ako pinaalis, kaya andito ako. Tapos masaya akong sumama ka pagpunta dito. Masaya akong makasama ka Leah. Miss na miss na kasi talaga kita. Alam mo naman na ikaw lang ang pamilya ko sa nakaraang limang taon." Sagot pa ni Samantha, na ikinayakap nilang muli sa isa't isa.
Masayang nagkwentuhan ang magkaibigan habang inaayos ni Leah ang mga gamit niya. Hindi na rin nila namalayan ang oras kung hindi pa sila tinawag ni manang Belen para sa tanghalian.
Matapos ang tanghalian ay hinayaan na lang muna nila na magkwentuhan ang magkaibigan para makapamahinga na rin si Leah, habang nag eenjoy na makausap si Samantha.
☆☆☆
Seryoso lang si Dark sa meeting, habang nakikinig sa mga suggestions ng mga board member. Nais na rin nila na kumuha ng international model, lalo na at habang tumatagal lalong nagiging sikat ang DWM Resorts and Hotel sa buong Pilipinas.
Nais pa nilang palawakin ang kasikatan ng resorts sa pagkuha ng international model. Nag suggests din ang iba, ng iba-ibang modelo. Pero bandang sa huli ang nais nila ay ang pinaka sikat ngayong modelo sa buong mundo, si Jeana.
Si Jeana ang isa sa nililigawan nila na maging modelo. Meron pa rin namang iba, pero isa si Jeana, na mas gusto nilang tumanggap sa alok nila. Hindi naman nila ito minamadali, lalo na at alam nila na meron pa itong kontrata.
Alam nila din nila na six months pa ang kontrana nito sa New York, kaya umaasa sila sa pagpayag nito, lalo na at nakausap na daw ng team nila na gagawa ng commercial ang manager ng dalaga.
Hindi naman makapagbigay ng komento si Dark, dahil hindi naman sa ayaw niya, pero hindi niya alam kung ano ang magiging reaction niya pag nakita ito. Alam niya sa sarili niya na nakaraan na lang ang dalaga, dahil nararamdaman niya na iba na ang tinitibok ng puso niya, kahit hindi pa sila ganoong katagal nagkakasama at si Samantha yon.
Pero sa isang banda, masaya si Dark, na natupad na ng dalaga ang pangarap nitong maging isang modelo. Noon pa man ay pinangarap na nitong makilala sa international.
Masakit man ang nangyari sa nakaraan dahil, mas pinili ni Jeana ang career nito kaysa sa relasyon nila. Masaya na rin si Dark dahil sa kabila ng lahat ay isang sikat na modelo na ito tulad ng matagal na nitong pangarap.
Masasabi din nga sigurong blessings in disguise ang nangyari sa nakaraan, dahil habang naririnig niya ang pangalan ni Jeana, nakikita naman niya ang masaya at nakangiting mukha ni Samantha. Wala na nag sakit at pait ng nakaraan. Tanggap na niyang wala na sila ni Jeana. Sabi nga 'time heals the wound of a broken heart', tulad ng nangyari sa kanya ngayon. Wala na siyang makapang sakit. Kundi masaya na lang siya at natupad ng dating kasintahan, ang matagal na nitong pangarap. Ang maging isa sa pinaka sikat na modelo sa buong mundo.
Dahil sa ngayon, ay nasisigurado niya, sakanyang sarili na, nakamove on na siya kay Jeana, at mahal na niya si Samantha. Sisimulan na niyang ligawan ang dalaga, dahil ngayon nararamdaman na niyang ang puso niya ay nakalaan lamang para lamang dito.