Chapter 10

1365 Words
Maagang nagising si Samantha, para magsimula ng magluto ng agahan. Naabutan din niya si Manang Belen sa kusina. "Good morning manang, ang aga mo ngayon, akala ko, maaga na akong gumising eh." tanong ni Samantha dito. "Nauhaw kasi ako kanina, kaya kukuha lang sana ako ng tubig, pero naabutan ko si Dark, na nagtitimpla ng kape, kaya sa halip na bumalik sa pagtulog, ipinagluto ko na lang ng breakfast n'ya." Nakangiting sabi ni manang. "Nasaan na po si Dark, ang aga naman niyang magising.?" Nagtatakang tanong ni Samantha, dahil sobrang aga naman sa normal na gising ni Dark. "Naku Samantha, nakaalis na. May importante daw siyang gagawin. Nagmamadali ngang umalis, aayaw pa nga sanang kumain pinilit ko lang, ang batang iyon talaga." Nalungkot naman si Samantha, ito ang unang beses buhat ng dumating siya sa bahay ni Dark na hindi niya ito nakita ng umaga. Tahimik namang naghayain si Samantha, dahil ayaw niyang ipahalata kay manang Belen na nalulungkot siya. Sila lang si Manang Belen ang sabay kumain, dahil tapos na daw si Tonny at ngayon ay nagdidilig ng mga halaman sa garden. Si mang Lucio naman ay isinama daw ni Dark sa pupuntahan nito. ☆☆☆ Samantala, kahit mag-aalas sais palang ng umaga, ay tinawagan ni Dark si Hazel, tinanong niya, kung meron siyang mga naka schedule na mga meeting dahil malalate siya sa pagpasok. Sinabi din ni Dark dito na, pupuntahan niya ang Chinese Store, kung saan nagtrabaho si Samantha para makausap ang kaibigan nito na si Leah. Natatawa naman si Dark dahil tinutukso siya ng kaibigan. "Dark, andito na tayo." Putol ni mang Lucio sa pag- uusap ng dalawa, na siyang nagmamaneho nga sasakyan. Nagpaalam na rin siya kay Hazel, at sinabing andoon na sila sa lugar na pakay niya. "Pakihintay na lang ako dito mang Lucio, sana mapapayag kong mag resign ang kaibigan ni Sam at sumama sa akin, para naman matuwa si Sam." Nakangiting sabi ni Dark na ikinatango lang ng matanda. Unang pinuntahan ni Dark ang apartment ni Leah, alam niyang nandoon pa ito dahil maaga pa. Alam na rin naman ni Dark kung saan ito nakatira at pang ilang apartment dahil nakwento na sakanya ni Samantha. Tatlong katok naman ang nagpagising kay Leah. Ang aga-aga pero ito at may nanggigising na kaagad sakanya. Naiinis siyang bumangon wala ng suklay-suklay, hinayaan lang niya ang suot niyang manipis na damit at cotton short. Padabog niyang binuksan ang pintuan, habang naghihikab pa. "Ang aga mo namang mambulahaw tanda, sabi ng wala dito ang kai......" Hindi natuloy ni Leah ang sasabihin, ng hindi ang among Intsik ang nasilayan, kundi isang gwapo at mabangong nilalang. Napatulala pa siya habang nakatingin dito. Nakailang kurap pa siya, na wari mo ay namamalikmata lamang, at maaaring mawala ang nakikitang gwapong nilalang. Natauhan lang si Leah ng magsalita ito. "Ok ka lang?" Tanong ng lalaking kaharap niya. ""Totoong tao ka ba? O isa sa mga anak ni Zues, na isang Greek God?" Wala sa sariling tanong ni Leah dito, na ikinakunot ng noo ni Dark. "Ha?!" Naguguluhang sagot ni Dark dito. Nang hawakan bigla ni Leah, ang mukha ni Dark at mapagtantong totoo ang lalaking kaharap niya. Napakurap ulit siya, ng maalala ang kanyang suot. At dahil sa hiya hindi na niya, hinayaang magsalita ulit pa ito at dali daling isinara ang pinto ng apartment niya. Nagmamadaling nagpalit ng damit si Leah, at nagsuklay ng buhok. Nagtoothbrush na rin siya at naghilamos. Bago nagmamadaling binuksan muli ang pinto. Nang makitang andoon pa rin si Dark saka lang talaga nag sink in sa utak n'ya na hindi ito isang imahinasyon. "Good morning. Leah right?" Si Dark. "Hehe, good morning din. Paano mo ako nakilala?" Takang tanong ni Leah. "Nakwento ka ng kaibigan mo, sa akin kaya andito ako para kausapin ka." Sagot naman nito sakanya. "Sinong kaibigan? Nga pala pasensya ka na kanina, nagulat lang ako sayo, paano ba naman sinong mag-aakala na may kakatok sa pintuan ko na kasing gwapo mo. Ang malimit lang kasing mambwisit sa akin eh yong amo naming Intsik na palaging hinahanap ang kaibigan ko." Halos pabulong na sabi ni Leah ang pahuli, dahil nag-aalala talaga siya sa kaibigan na nawawala. "Pwede ba akong pumasok? Gusto sana kitang makausap." Tiningnan muna ni Leah si Dark mula ulo hanggang paa, oo gwapo ito, pero mahirap agad magtiwala. Minsan kung sino pa ang gwapo sila pa itong may masamang balak sayo. "Hindi ako masamang tao, kung iyan ang iniisip mo. Nandito ako dahil talaga sa kaibigan mo." Natatawang turan pa ni Dark dito. "Nakalimutan ko pa lang magpakilala, I'm Dark Wyatt Monreal." Pakilala ni Dark sa dalaga. "Pwede na ba akong pumasok?" Tumango na lang si Leah, pagkapasok ay diretsong naupo si Dark sa pang isahang sofa. Naupo din naman si Leah sa katapat na upuan nito. "Ah... eh... ano bang pakay mo sa akin, nakikita ko naman na hindi ka basta-basta, at wala naman akong alam na atraso sayo, kasi hindi naman kita kilala. At sino bang kaibigan ko ang sinasabi mo?" Pangungulit pa ni Leah, dahil hindi naman nito sabihin kung sinong kaibigan niya ang tinutukoy nito. "Wala ka naman talagang atraso sa akin, pero nais ko sanang alukin ka, kung gusto mong magtrabaho sa akin, sa bahay lang." "Inaalok mo akong katulong sa bahay mo? Bakit? Hindi naman tayo magkakilala.? At sino ba talagang kaibigan ko ang sinasabi mo?" Tanong pa ni Leah dito. "You know Samantha Montenegro right? She's with me." Mahinahong sambit ni Dark. "Anong nangyari kay Sam? Paano s'ya napunta sayo? Matagal na s'yang nawawala buhat nung makita s'ya nong Hapon na may-ari ng club, hindi naman ako makapagsumbong sa mga pulis, dahil alam kung wala din naman akong magagawa. Tapos palagi pang hinahanap sa akin ni tanda." Paliwang pa ni Leah. "Si Samantha na lang ang tanungin mo sa bagay na iyan, ano papayag ka na bang sumama sa akin, hinihintay ka na ng kaibigan mo sa bahay." "Sige pero aayusin ko na lang muna ang mga gamit ko, kunti lang din naman ito, dadalhin ko na rin ang ilang damit ni Samantha. Pwede bang magpasa na muna ako ng resignation, baka magkarecord pa ako ng hindi maganda, alam mo na." Tumango lang si Dark at tumayo na rin. "Hihintayin na lang kita sa labas, take your time wag kang gaanong magmadali, pagkatapos, mong mag-ayos ng gamit, tawagan mo lang ako sa baba, ng matulungan kita. Tapos pumunta ka na rin kay Mr. Chua, para maipasa mo ang resignation letter mo, effective today." Isang tango lang ang ginawa ni Leah, at tuluyan na ring lumabas ng apartment si Dark. Nagmamadali namang mag-ayos ng gamit si Leah, at mga importante lang niyang mga gamit ang dinala niya. Tiningnan na rin niya ang mga gamit ni Samantha. Dinala lang din niya ang mahahalagang gamit nito, kasama ang kahon na iniingatan ng kaibigan, na nandoon ang larawan ng inang kumupkop dito. Natutuwa talaga si Leah na malaman na ang kaibigan ay nasa mabuting kalagayan, lalo na at sobrang siyang nag-aalala dito sa mga panahon na nawawala ito at hindi talaga niya alam kung saan ito napunta, dahil hindi naman ito umaalis ng hindi nagpapaalam. Mahaba ang byahe, dahil sa wala namang nagsasalita sa kanila ay nakatulog si Leah, siya ang nasa back sit habang si Dark ang nasa passenger sit katabi ni mang Lucio. Naramdaman na lang ni Leah ang pahinto ng sasakyan, kaya napamulat siya, nakita niya na nasa harap siya ng napakalaking kompanya. Namamangha din siya sa ganda nito. "Salamat mang Lucio, ihatid n'yo na ang kaibigan ni Sam sa bahay, tatawag na lang po ako pag-uuwi na ako." Nakangiting sambit ni Dark sa matanda, ng tingnan siya nito. "Si mang Lucio na ang bahala sayo, siya ang maghahatid sayo sa bahay." Saad pa ni Dark, na ikina okey sign pa ni mang Lucio. "Salamat." Sambit ni Leah na ikinatango naman ni Dark. "Ingat po mang Lucio sa pagmamaneho." Sabi pa ni Dark, bago tuluyang pumasok ng kompanya nito. Patuloy namang nagmaneho si mang Lucio pauwi ng bahay. Samantalang si Leah naman ay sobrang excited na makita ang kaibigan. Miss na miss na rin niya ito, dahil matagal-tagal din silang hindi nagkita ng nawala na lang ito ng walang paalam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD