Habang lumilipas ang mga araw, lalo na lang napapatunayan ng mga puso nina Samantha at Dark na mas lumalalim ang pagmamahal nila sa isa't-isa.
Araw-araw ipinaparamdam ni Dark kung gaano niya kamahal si Samantha. Habang pinipigilan naman ni Samantha ang nararamdaman niya, ay iba naman ang sinasabi ng puso niya. Na lalo lamang tumitibay ang pagmamahal na nararamdaman niya para dito.
Tulad na lang ngayon, habang masayang naluluto si Samantha at Leah para sa pang-umagahan, ay siya namang pasok ni Dark.
"Good morning ladies." Masayang bati ni Dark, na kahit mapapansin mong kagagaling lang sa labas dahil galing ito sa pagga jogging, ay ang sarap at ang hot pa rin nitong tingnan. Nakangiti naman itong binalingan ng dalawang dalaga at bumati din. Kitang-kita ang pagpatak ng pawis na galing sa noo nito, habang bawat paghagod ng kamay na may hawak ng towel habang pinupunasan ang mukha ay nakakaakit tingnan.
"Good morning Sir Dark, gusto mong kape? Ipagtitimpla ka ng iyong the one and on..." hindi natuloy ni Leah ang sasabihin niya ng sikuhin siya ni Samantha.
"Good morning. Wag mong pansinin si Leah, kulang lang yan sa tulog." Sabi pa ni Samantha na, pinaningkitan ng mata ng kaibigan.
"Sir ang mahal mo oh, inaaw..." hindi na naman natuloy ni Leah ang sasabihin ng unahan siya ni Dark.
"Flowers for you Leah." Malambing na sambit ni Dark, sabay abot sa isang tangkay ng red rose na ikinapula ng pisngi nito.
Mabilis namang tinanggap ni Leah ang bulaklak, na halatang nahihiya kay Dark.
"Thank you Sir sa pa flowers, oi Sam sagutin mo na si Sir, este, ipagtimpla mo na ng kape bagay naman kayo. Ay sorry nagkakamali lang. Hehe. Pupunta po muna ako sa garden, mahal po kayo ni Sam wag kang mag-alala Sir, este magdidilig po pala ako sa garden. Bye na po."
Mahabang sinasabi ni Leah, habang dahan dahang lumalabas ng kusina, at biglang tumakbo ng mabilis ng makita ang sandok na hawak ni Sam ay ibabato na sakanya.
Natatawa naman si Dark sa mga pinagsasasabi ni Leah, lalo lang siyang nabuhayan ng loob ng sabihin nitong mahal siya ni Samantha. Nararamdaman naman niya iyon, lalo na at napakaalaga nito sakanya. Pero mas gusto pa rin ni Dark na sabihin mismo ng dalaga na mahal siya nito.
"Flowers." Sabay abot kay Samantha ng isang bouquet ng white rose na may tatlong red rose sa gitna. Hindi man maipagkakaila sa mukha ng dalaga ang kilig, kaya kahit si Dark at hindi maiwasan ang pagngiti.
"Thank you." Ang nasabi na lang ni Samantha habang si Dark ay naupo sa isang high chair.
"I love you too." Nakangiting sambit ni Dark pero sa mahinang boses lang.
"Anong sabi mo?" Nakamaang na tanong ni Samantha, dahil hindi niya naintindihan ang sinabi ni Dark.
"Sabi ko, asan na ang kape ko."
"Ah, ok wait lang titimplahin ko lang. Ano bang gusto mong kainin, ng maluto ko?" Tanong pa ni Samantha habang busy sa pagtitimpla ng kape ni Dark.
"Ikaw!" Malakas na sagot ni Dark, na kahit si Dark ay nagulat sa sinabi niya. Dahil nasa isip lang naman niya iyon, pero hindi niya akalaing masasabi niya kay Samantha ang laman ng isipan niya.
"Anong sabi mo?" Na halos paningkitan ni Samantha ng mata si Dark.
"I m-mean, ikaw. Ikaw kung ano ang gusto mong lutuin, wala namang problema. Kaya kung ano man ang niluluto mo kakain ako, kung ano na ang naluto mo na, hindi naman ako pihikan." Paliwanag ni Dark na, halos mamuno ang mga pawis sakanyang noo.
Hindi na naman muling sumagot si Samantha. Matapos ibigay ang tinimplang kape para kay Dark ay nagpatuloy na rin siya sa pagluluto. Hindi na talaga siya binalikan ng baliw na kaibigan.
Hinayaan na rin niyang panoodin siya ni Dark, habang nagluluto. Napansin niyang papasok na sa kusina si Manang Belen, pero ng makita ito ng baliw na kaibigan at itinuro sila ni Dark ay hinila na nito si manang kung saan.
Wala na rin naman siyang nagawa, at hinayaan na lang ang kalokohan ng kaibigan. Kaya naman niyang mag-isang magluto ng pagkain nila. Pero alam niyang sinadya iyon ni Leah para makapagsolo sila ni Dark sa kusina.
Nag-usap na lang sila ni Dark, hanggang sa nakatapos na siyang magluto. Si Dark na ang tumawag kina manang Belen noong kakain na habang si Samantha ang naghahayin ng pagkain sa dinning.
Masaya at maingay ang pagkain nila, lalo na at walang tigil si Leah sa pang-aasar sa kaibigan. Pero natahimik ito ng ito naman ang balikan ng pang-aasar ni Leah, tungkol kay Tonny. Napapansin kasi nila na may panaka-nakang nakaw tinggin si Tonny kay Leah, ganun din ang kaibigan n'ya.
Ilang buwan din ang mabilis na lumipas. Halos sa araw-araw na panliligaw ni Dark kay Samantha, na mas lalo nilang naramdaman na mahal na nila talaga ang isa't isa.
☆☆☆
Hapon na noon ng mapansin ni manang na wala daw palang peanut butter para sa lulutuin niyang kare-kare, kaya inutusan niya si Samantha na siya na lamang ang bumili.
Masaya namang sumunod si Samantha. Hindi na siya nagpasama kay Leah, dahil madali lang naman daw bumili ng peanut butter at meron doon sa convenience store sa labas ng subdivision.
Pero ilang tindahan na ang kanyang napagtanungan wala pa rin siyang mabili.
"Ganoon ba kabili ngayon ang peanut butter at lahat ng tindahan dito, walang tinda?" Naitanong na lang ni Samantha sa sarili.
Pero hindi pa rin sumuko si Samantha, pumunta na siya sa bayan, para sa palengke na siya maghanap ng nagtitinda ng peanut butter. Pero ni isa wala pa rin.
Magdidilim na pero wala pa rin siyang nabibili. Nalulungkot man, pero uuwi yata siyang wala ang pinabibili ni Manang.
Sasakay na sana ng tricycle si Samantha ng mapansin niya si Tonny na palapit sakanya.
"Anong ginagawa mo dito?" Si Samantha.
"Pinasundan ka na ni Inay kasi ang tagal mo, sabi doon sa sakayan ng tricycle, nagpahatid ka daw dito sa bayan kaya sinundan kita. Nakabili ka ba ng peanut butter?" Tanong nito kay Samantha, na malungkot na ikinailing ng dalaga. Pero nagulat siya at napalitan ng ngiti ng ilapit ni Tonny ang dala nitong peanut butter.
"Saan ka nakabili? Halos nauli ko na ang buong palengke, pero wala naman akong nabili.?" Nagtatakang tanong ni Samantha.
"Ah.. ehh.... doon sa may dulong tindahan? Tama.. doon sa dulong tindahan. Nakarating ka ba doon? Sa pinakadulo ng palengke, doon ako nakabili."
"Oo pero wala daw silang tinda kaya pauwi na sana ako ngayon, kaso nakakahiya kay manang nagtagal na ako, pero wala naman akong nabili. Mabuti na lang nakabili ka. Pero paano ka nakabili kong wala naman silang tinda noong nagtanong ako?" Pag-uusisa pa niya kay Tonny.
"Ah... yong anak... tama yong anak nung may tindahan, bagong luto lang daw kaya noong nagtanong ako meron na."
"Ah, ok. Tara na para maluto na ni manang ang pang ang kare-kare."
Isang tricycle na lang ang sinakyan nila ni Tonny, habang nasa loob si Samantha ng sidecar, nasa may likudan naman ng driver si Tonny.
Matapos makapagbayad ay nauna ng pumasok si Samantha, ng bigla siyang harangin ng kaibigan, at nagmamadaling hinila sa kwarto nito.
Nagtataka lang si Samantha, ay nagpatianod na lang siya sa kaibigan. Habang abala ito sa pag-aalis ng isang simpleng white dress sa kahon, at isang white sandals. Matapos ilatag sa kama, ay naka ngisi itong nakatingin sakanya.
"Hey baby Samantha, maligo ka na po at isuot mo ito.pagkatapos mong magbihin pakitawagan lang ako. Andito lang ako sa labas ng pinto hindi aalis promise." Nakangiting sambit ng kaibigan.
"Ano bang meron, at bigla mo na lang akong hinila dito sa kwarto ko, mabuti na lang at si Tonny na ang may dala ng peanut butter, di sana ay bitbit ko pa iyon dito sa kwarto need pa naman yon ni manang. Wala nga akong mabili, si Tonny pa nakahanap noon." Paliwanag niya na ikinahagikhik ng kaibigan. Na ikinasama niya ng tingin dito.
"Nakakatampo ka, tinatawanan mo ako, pagod na pagod kaya ako sa pagbili ko. Mabuti may nabili, kahit wala akong nahanap."
"Hindi naman, masaya akong may nabiling peanut butter, hindi masarap ang kare-kare na walang peanut butter. Pero wag ka ng madami pang sinasabi, basta magbihis ka na. Ok."
"Ano ngang me..." hindi na natapos pa ni Samantha ang sasabihin ng tuluyan siyang itinulak ni Leah papasok sa loob ng banyo.
Matapos maligo at magbihis, tinawagan na ulit niya si Leah, na hindi man lang nga umalis sa labas ng kanyang kwarto.
Inayos nito ang kanyang buhok at nilagyan ng koronang bulaklak. Puro white roses iyon na nakapaikot. Para tuloy siyang diwata, dumagdag pa ng lagyan siya ni Leah ng make up. Maganda na talaga si Samantha, pero mas lalong umangat ang kanyang ganda.
Matapos ayusan, gusto mang magtanong ni Samantha kung anong nangyayari or kung anong meron, pero laging lang siyang sinasagot ng kaibigan na malalaman mo rin.
Nilagyan siya nito ng blindfold, at dahan-dahan siya nitong inakay papunta kung saan. Alam niyang hindi naman sila umalis sa bahay ni Dark, dahil pagbaba nila ng hagdanan ay, lumiko lang sila sa dulo ng living room, na sa tingin niya ay nasa may garden lamang sila.
Unti-unti namang kinalas ni Leah ang kanyang piring. Napasinghap siya sa nakitang ganda ng ayos ng garden. Halos mapuno ang paligid ng nagkalat na petals ng white and red roses. Pati ang buong paligid ay punong-puno ng iba't ibang uri ng bulaklak. Samahan pa ng maliliit na puting ilaw.
Sa sobrang ganda ng ayos ng garden, aakalain mong nasa isa kang sikat na pasyalan sa Pilipinas. Habang nililibot niya ng tanaw ang buong garden, napatigil ang paningin niya sa lalaking nakatayo sa gitna ng garden, nakasuot ng black three piece suit at may isang white rose sa bulsa habang nakaupo at may hawak hawak na gitara.
"Dark," bulong niya.