Chapter 13

1515 Words
Samantha is walking slowly near to Dark, while Dark is starting to strumming the guitar and serenading her. The song is not familiar to Samantha, but Samantha loves the lyrics of the song, how Dark sing it, and how the song gives so much love to her heart. Strange foreign beauty I'll never come what's in your heart Hindi mapigilan ni Samantha ang maluha sa sobrang saya, hindi din niya maipaliwanag ang saya sa puso niya. Ang nararamdaman lang niya ay mahal niya ang lalaking nasa kanyang harapan. Strange foreign beauty I'll never come to share your world Habang nakatitig sa babaeng papalapit sakanya ay hindi rin maipaliwanag ni Dark ang saya na kanyang nararamdaman. Alam niyang wala ng ibang makakapagpasaya sakanya kundi si Samantha lamang, kaya bakit kailangan pa niyang patagalin ang lahat. Kung pwede namang gawin niya ngayon, bakit pa ipagpapabukas? Kaya hindi na niya palalampasin ang pagkakataong ito. Para makasama si Samantha, habang buhay. Strange foreign beauty You'll never know what felt for you Nangungusap ang kanilang mga mata, alam nila sa kanilang sarili na tunay at wagas ang pagmamahal na kanilang nararamdaman, kung ano man ang plano ng langit ngayon sa nararamdaman nila alam nilang hindi nila iyon parehong pagsisisihan. Never know what I felt for you You were always on my mind (I'll) never know how it feels to hold you How it feels to be with you Matapos kumata ni Dark, ay mabilis siyang tumayo at ibinaba ang gitara. Mabilis na lakad ang kanyang ginawa para makalapit sa babaeng minamahal. Nang makalapit si Dark ay siya na ang nagpunas sa mga luha ng dalaga. Ayaw man niyang nakikita itong nakikita umiiyak, pero sa nakikita niya ay luha iyon ng kaligahan. Kaya kahit papaano ay magaan ang kanyang kalooban kahit nkikita niya ang mga luha sa mata ni Samantha. Masaya si Dark dahil nararamdaman niya ang saya at nababasa niya iyon sa mga mata ni Samantha. "Sam, baby nabibilisan ka ba? Pero para sa akin sobrang tagal kung hindi pa kita makakasama. Sam, kaya kong manghintay kahit habang buhay, pero hahayaan mo bang maghintayan na lang tayo habang buhay. Alam ko sa sarili kong ikaw lang ang babaeng mamahalin ko. Payag ka ba na maging girlfriend ko? Mahal kita Samantha, mahal na mahal." Malambing na sambit ni Dark, Bago hinalikan si Samantha sa noo. Kaya naman, hindi na pinatagal ni Samantha at sunod-sunod ang kanyang pagtango, at sinabi na rin niya kay Dark kung gaano niya ito kamahal. "Oo Dark pumapayag na akong maging girlfriend mo. Kung mabilis man, pero nararamdaman ko din na hindi lang pagkagusto itong nararamdaman ko para sayo. Mahal din kita Dark. Ito ang sinasabi ng puso ko." Nakangiting sagot ni Samantha, na ikinalayo ni Dark ng kaunti dito, at napasuntok pa sa hangin sa sobrang tuwa. Napakasaya ng kanyang nararamdaman. Bago muli lumapit kay Samantha at niyakap ito at binigyan ng halik sa labi na punong-puno ng pagmamahal. Akala ni Samantha ay doon na matatapos ang surpresa ni Dark dahil medyo nagugutom na rin siya. Kaya sinabi na rin niya dito. "Dark nagugutom na ako." Nahihiyang sabi ni Samantha, na ikinatawa ni Dark dito. "Wait baby, kakain na rin tayo. Ah.. Sam, baby kung nasa sitwasyon tayo na aayain kitang magpakasal, hahayaan mo ba ang puso mo na tanggapin ako ng walang pag-aalinlangan at magpapakasal sa akin ng taos puso?" Seryosong tanong ni Dark, na ikinagaan ng kanyang loob ng makita ang mga ngiti ni Samantha. "Oo naman, kung darating tayo sa puntong iyon, hindi ako magdadalawang isip na pumayag. Tinanggap mo nga ako kahit hindi naman ako bagay sayo. Mabait ka, gwapo, mayaman. Samantalang ako katulong mo lang, walang maiipagmalaki, pero minahal mo ako. Kaya salamat Dark, thank you babe sa lahat-lahat. Kaya wag kang mag-alala mag-yes talaga ako sayo, promies" Naiiyak na sagot ni Samantha, na naka taas pa ang kanang kamay, na parang nangangako. Nang bigla naman ikinasinghap ni Samantha ng dahan-dahang lumuhod si Dark, sa harapan niya. Kinuha ni Dark sakanyang bulsa ang isang pulang kaheta, na naglalaman ng isang simple ang design na diamond ring na napapaligiran pa ng maliliit na diamond ang pinakagitnang diamond. Hindi malaman ni Samantha kung paano niya ma eexpress ang saya na nararamdaman niya. Hindi alam ni Samantha kung anong kabutihang nagawa niya, para ibigay sakanya ng Diyos ang lalaking katulad ni Dark, hindi dahil sa mayaman ito, kundi nararamdaman niya kung gaano siya kamahal nito. "Sam, baby will you marry me? Di ba sabi mo, pag-inalok kita ng kasal mag-yes ka kaagad. So what's your answer baby? Will you be my wife? Baby?" Mabining tanong bi Dark na nakangit kay Samantha. "Hindi ko alam ang sasabihin Dark, parang kani-kanina lang, tinanong mo ako kung pwede mo akong maging girlfriend mo. Tapos ngayon.." hindi napigilan ni Samantha ang maluha sa sobrang saya. Unti-unti niyang inilapit kay Dark ang kanyang kanang kamay na nakangiti, na ikinaliwanag ng mukha ni Dark. "Yes! Yes! Babe lets get married.!! I want to be your wife!!" Tili ni Samantha habang isinusuot ni Dark ang sing-sing sa daliri niya. Sa sobrang saya ay hindi mapigilan ni Dark na buhatin ang dalaga. Isa isang naglabasan ang mga kasama nila sa bahay. Si Manang Belen na hindi din maipaliwanag ang sayang nararamdaman, ganun din sina Mang Lucio, Tonny at ang kaibigan niyang si Leah. Matapos ang proposal ni Dark kay Samantha, ay nagsimula na silang kumain. Tumawag din ang mga magulang ni Dark tru videocall. Malayo man ang mga magulang pero naging saksi sila kung gaano kasaya ang kanilang unico hijo habang nagtatapat ng pagmamahal sa babaeng nais nitong makasama habang buhay. Masayang nagkukwentuhan at nagkukulitan sila, nang maalala ni Samantha ang pagbili niya ng peanut butter. "Nga pala, alam n'yo bang halos malibot ko na ang buong palengke para lang makahanap ng peanut butter, pero wala man lang akong mabili." Nakangusong sumbong ni Samantha, habang ang lahat ay nakatitig sakanya at nakangiti. "Hala kayo? Pagod na pagod kaya ako sa kauuli tapos kung hindi pa nagpunta ako sinundan ni Tonny at bumili sa pinakadulo ng palengke wala walang peanut butter itong kare-kare." Dagdag pa niya. "Oo alam nila, ako kaya ang nagsuhol sa lahat ng tindahan dyan sa labas ng subdivision at sa palengke para lang wala kang mabili." Sabat ni Hazel na bagong dating, at lumalakad na akala mo ay nasa isang fashion show. "Ehhh? Bakit naman? Pinahirapan n'yo ako.?" Inis na sabi ni Samantha na ikinatawa ng lahat. "Baby, paano ko magagawa ang surprise ko sayo kung andito ka lang, salamat na lang sa super model kong bestfriend, sa galing kumausap sa may-ari ng tindahan para hindi ka mapagbilhan." Nakangising sambit ni Dark na lalong ikinanguso ni Samantha. "Tss... ako pa! Two thousand kapalit ng wag ka lang pagbilhan ng peanut butter. Tapos ganito pa kaganda ang makikiusap sa kanila. Pak na pak na pagbibigyan nila ako. Hmmm. " Pagmamayabang pa ni Hazel, na ikinatawa ng mga kasama nila sa table. "Naku Ms. Hazel gutom lang yan. Kain ka na." Sabi naman ni Leah. "Naku itong babae na ito kung maka Miss. Hala s'ya. Hazel na lang Leah. Hindi naman tayo iba dito. We're family right? Maliban na lang sa dalawa dito na bubuo na ng sariling family." Sagot ni Hazel na ikinapula ng mukha ni Samantha na ikinatawa naman ni Dark. Napag-usapan na rin nila na after one week na ang kasal nila, hindi naman sa nagmamadali, pero gusto na talagang mapalitan ni Dark ang apelyedo ni Samantha. Samantha Montenegro to Samantha Montenegro Monreal. Dahil hindi makakadalo ang mga magulang ni Dark, hiniling ng mga ito kay Samantha kung maaaring sa judge na lang muna sila magpakasal. Gusto kasi ng mga ito na makadalo. Dangan nga lamang na natapat sa nagkaproblema ang company nila sa ibang bansa kaya hindi makakauwi ang mga ito. Wala naman kay Samantha kung saan sila ikasal ni Dark. Ang mahalaga ay ang lalaking mahal na mahal niya ay makakasama na niya habang buhay. Nangako pa ang mga ito na pagnagkaroon ng pagkakataon ay mga magulang pa ni Dark ng mahaba habang bakasyon, ay sila na ang mag-aayos para magkaroon sila ng maganda at engrandeng kasal. Dahil likas na mababait ang magulang ng minamahal, ay hindi lang si Dark ang minahal niya, kundi pati ang mga magulang nito. Lalo na ng kahit sa video call lang iyon ng ikwento niya ang kanyang pinagdaan ay hindi nagdalawang isip ang mga ito, sa kanya para kay Dark. Mas lalong ipinaramdam ng mag-asawa kung gaano siya ka welcome sa pamilya Monreal. Sinabi pa ng mga ito na mommy at daddy na ang itawag niya dahil kung hindi magtatapo sila. Wala ng nagawa si Samantha ng tawagin niyang mommy at daddy ang mga ito ay hindi maipaliwanag ang tuwa sa mga ito. Hindi maipaliwanag ni Samantha ang saya na kanyang nararamdaman sa ngayon. Hinihiling din niya na sana wala ng katapusan ang kasiyahan kanyang nararamdaman sa piling ng bagong pamilyang kanyang natagpuan, lalong lalo na ngayon sa piling ni Dark na sa darating na isang linggo ay magiging kabiyak na ng kanyang puso, ito at makakasama na, habang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD