Chapter 14

1234 Words
Mabilis na lumipas ang isang linggo, araw na ng kasal ni Samantha at Dark. Habang inaayusan ni Hazel si Samantha ay hindi niya mapigilang kabahan. "Hazel kinakabahan ako." Si Samantha. "Normal lang daw yan sa babaeng ikakasal ang kabahan, kaya wag kang mag-isip ng kung anu-ano. Basta girl, I'm happy for you and Dark. Sinasabi ko na nga ba na unang kita ko pa pang sayo, malakas na ang kutob ko na mapapalitan mo s'ya sa puso ni Dark." "Sinong s'ya?" Nagtatakang tanong ko kay Hazel. "Wag mo akong pansinin, syempre nagkaroon din naman ng past relationship si Dark, kaya normal naman iyon. Basta masaya akong ikaw ang magiging asawa ni Dark. Ang ganda ganda mo. Di ba, Leah." Sabay baling kay Leah na ngayon ay katatapos lang ding mag-ayos ng sarili. Kaya hindi na rin binigyang pansin ni Samantha ang 's'ya' na tinutukoy ni Hazel. "Oo nga Sam, ang ganda-ganda mo, baka pag nakita ka ni Sir Dark, mauna pa honeymoon n'yo kaysa sa kasal. Kaya tara na, baka mamaya sa halip na sa harap ka ng jugde iharap, eh sa........." Sambit ni Leah, na ikinapula ng mukha ni Samantha na hindi na natuloy ng kaibigan ang sasabihin ng samaan niya ito ng tingin at nagmamadaling lumabas ng kwartong kinalalagyan nila. Habang si Hazel naman ay hindi mapigilan ang pagtawa sa sinabi ni Leah, habang kitang kita ang pagkukulay kamatis ng mukha ni Samantha. ☆☆☆ Sa opisina na kilalang attorney ni Dark na si Atty. Martinez na kaibigan ng kanyang mga magulang ay tahimik lang silang nakikinig, si Samantha at Dark sa sinasabi nito. Kasama nila si Leah, Hazel, Lance at Lander bilang witness. Masaya din si Samantha na makilala pa ang dalawang kaibigan ni Dark. Wala ding pagkailang si Samantha sa mga ito. Tulad ni Hazel, hindi siya hinusgahan ng mga lalaking kaibigan ni Dark. Ang mahalaga lang sa mga ito ay masaya ang kaibigan nila sa babaeng mahal nito. Natapos ang kasal, at pinirmahan na nila ang kanilang marriage contract. Sinabihan na lang sila ni Atty. Martinez, na ipapadala na lang nito ang copy ng kanilang marriage contract na nakarehistro na sa PSA. Masaya namang umuwi sa bahay ang bagong kasal kasama ng mga kaibigan nito. Doon naghanda si manang Belen, na tinulungan ng asawa at ni Tonny. Matapos ang masayang kainan, ay nagkwentuhan muna sila, need din nila ng pahinga ngayon gabi, dahil bukas ng umaga ay aalis sila ni Samantha papuntang DWM Resorts para sa kanilang honeymoon. Gustuhin mang dalhin ni Dark si Samantha sa ibang bansa, ay ayaw din naman ni Samantha, lalo na at wala naman siyang passport. Gusto na lang niya na makita ay ang sikat na sikat na resorts ni Dark. Kaya doon na lang pinili ng dalaga ang kanilang honeymoon. ☆☆☆ Ala una palang ng madaling araw ay sinimulan na nila ang magbyahe, dahil medyo malayo ang resorts, at nasa probinsya pa ito. Masarap magbyahe sa madaling araw, dahil natural ang lamig na iyong madarama kahit wag ka ng magbukas ng air condition ng sasakyan. Hayaan mo lang bukas ang bintana at malalanghap mo ang masarap at malamig na hangin. Halos apat na oras ang itinagal ng kanilang byahe. Alas singko ng madaling araw ng makarating sila ng resorts. Pagbaba pa lang ng sasakyan kahit medyo malayo sa dagat ang parking lot, at hotel ay maaaninag mo ang maganda at malinaw na tubig ng dagat at ang maputing buhangin nito. Makikita mo ang pagkislap ng tubig gawa ng mga poste ng may mga ilaw, malapit sa dagat. Ipinalagay talaga iyon ni Dark para sa mga mag na night swimming at para sa mga lifeguard na nagroronda sa gabi para sa kaligtasan ng lahat. Pagpasok palang nila sa lobby ng hotel ay mapapansin mo ang nagsusumigaw na karangyaan ng may-ari nito. Limang palapag ang hotel. Pero sa pinaka gitna ng hotel makikita mo ang napakalaking chandelier na nagsusumigaw kung gaano siya kahalaga. Tumuloy sila sa presidential suite ng hotel, matapos makuha sa staff ni Dark ang susi ng kwarto. Kung sa lobby ay makikita mo na ang sobrang karangyaan, sa loob ng suite naman nila ay para ka na ring nasa isang malaking bahay. May sarili itong chandelier, meron din itong tatlong kwarto, at ang isa ay pinakamalaki, na pinaka masters bedroom ng suite. Meron din itong kanya-kanyang bathroom at kanya-kanyang balcony. Meron ding living room at kusina, at isa pang comfort room sa may kusina. Kung iisipin mo nasa loob ka lang ng isang hotel room. Pero pagpasok mo para ka na ring nasa isang malaking bahay, bukod pa sa kompleto ang mga gamit dito. Nakangiting ibinagsak ni Samantha ang kanyang katawan sa malambot na kama. Hindi niya maipagkakaila na talagang sobrang naginhawaan siya ng mailatag ang katawan dito. Lalo na at medyo puyat siya at napagod sa byahe kahit wala naman siyang ginawa kundi ang maupo at umidlip sa sasakyan. Papasikat pa lang ang araw, kaya napabangon si Samantha. Kitang-kita niya sa may balcony ng hotel ang unti-unting pagsilay nito. Nakikita niya ang sumisilip na liwanag ng araw na nagbibigay ng magandang kulay sa dagat. Medyo malayo ang hotel sa dagat pero dahil medyo mataas ang kinatatayuan nito tanaw na tanaw mula doon ang ang kalawakan ng dagat at ang sinag ng araw na tumatama dito. Ang pagod na nararamdaman ni Samantha ay biglang nawala sa tanawing kanyang nakikita. Lumapit siya sa pinaka balkonahe para mas lalong makita ang kagandahan ng paligid. Hindi niya akalaing, makakarating siya sa lugar na iyon, parang isang paraiso sa sobrang ganda at linis ng lugar na kanyang natatanaw. Nang mapansin naman ni Dark, ang pagkamangha ni Samanthasa paligid ay nilapitan naman niya ito. "Baby? Hinga." Si Dark. "Ha?" Maang na tanong ni Samantha dito. "Sabi ko hinga. Halos hindi ka na humihinga kasi. Maganda ba?" Tiningnan naman ni Samantha ng masama si Dark at nag peace sign ito ng makita ang seryosong tingin ng kabiyak. "Grabe ka sa akin, hmmmp! Pero seryoso, sobrang ganda babe. Thank you kasi dinala mo ako dito. Sobrang saya ko Dark, na nakakasama kita sa napakagandang lugar na ito. Mahal na mahal kita." Hindi mapigilan ni Samantha na maluha sa sobrang saya na nararamdaman niya. Lalo na ng makalapit na si Dark sakanya at yumakap mula sa likudan niya, at naka patong ang baba sa kaliwang balikat niya, habang ang mga braso nito ay nayakap sa maliit n'yang baywang. Ramdam na ramdam ni Samantha ang mumunting paghinga ni Dark. "I love you more baby, I love you Sam. Kahit anong mangyari, palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Walang makakapagpabago nun, pangako. Sayong-sayo lang ang puso ko." Sambit ni Dark. "I love you too babe. Hindi ko alam na magiging masaya ako ng ganito. Simple lang naman ang hiling ko, ang magkaroon ng mga taong magmamahal sa akin, at ituring akong pamilya. Pero ibinigay ka sa akin. Hindi lang pagmamahal ng isang pamilya ang binigay NIYA." Sabay tingin ni Samantha sa maaliwalas at magandang kalangitan. "Ibinigay ka n'ya para magkaroon tayo ng isang pamilya, na ang bubuo ay tayong dalawa." Masayang turan ni Samantha. "Basta wag ka ng malungkot baby, bubuo tayo ng masayang pamilya, at mula ngayon, hindi ka na mag-iisa. Kasama mo na ako, at ang magiging future, little Samantha natin at little Dark." Nakangiting sambit ni Dark habang mahigpit paring nakayakap kay Samantha at nakatingin sa malawak na dagat na nasisinagan na ng liwanag ng papasikat na araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD