Mabilis na lumipas ang araw, at ngayon ay pauwi na sila sa bahay. Habang nasa sasakyan ay hindi mapigilan ni Samantha na titigan ang asawa habang nagmamaneho. Pati na rin ang nararamdaman niyang kilig ay hindi na rin mapigilan ni Samantha dahil sa mga naganap sa kanilang dalawa ni Dark.
Kahit pa sabihing kasal na sila na Dark, hindi pa rin makapaniwala si Samantha na masaya na s'ya ngayon at hindi na nag-iisa. Kasama niya ang lalaking pinakamamahal, pati na rin ang mga magulang at mga taong nakapaligid dito ay tanggap siya ng buong buo.
Ipinagpapasalamat din ni Samantha na sa kabila ng magkalayo nilang estado sa buhay hindi iyon naging hadlang sa mga magulang ni Dark, para tanggapin siya. Oo hindi pa sila nagkikita ng personal pero sa paraan ng pakikipag usap ng mga ito sakanya, kahit sa telepono lang ay nararamdaman niya na welcome talaga siya sa mga ito.
"Mon amour, baka matunaw na ako dyan sa pagtitig mo?" Natatawang sambit ni Dark na kahit busy sa pagmamaneho ay napansin pala nito ang pagtitig n'ya.
"Mon amour? Narinig ko na yan sayo dati eh, hindi ko na lang ulit natanong kasi nakalimutan ko na. Ano bang ibig sabihin nun?" Nagtatakang tanong ni Samantha.
"It's, my love, baby." Nakangiting tugon ni Dark na ikinapula naman ng mukha ni Samantha.
"Bakit parang andami mo namang endearment sa akin?"
"Lahat ng magagandang salita na gusto kong sabihin sayo, gusto kong itawag sayo. Pero kahit ganun, isa lang ang nais kong iparating sayo, na mahal na mahal kita, at palagi kang nasa puso ko." Nakangiting sagot nito, na hindi naman nawawala ang focus sa pagmamaneho.
Pagkarating ng bahay, ay agad silang sinalubong ng kaibigan niyang si Leah at ni manang.
Hindi pa siya, nakakapagsalita ng bigla siyang hilahin ng kaibigan. Hindi na rin siya nakapagpaalam kay Dark at manang. Nakita na lang niya ang pagkamot ng ulo ni Dark dahil sa ginawang paghila sakanya ng kaibigan niya.
"Oi, Sam kumusta ang honeymoon?" Usisa ni Leah na ikinapula ng mukha niya.
"Ang green minded mo, syempre hindi ko naman itatanong na ginawa n'yo iyon dahil normal lang iyon sa mag-asawa. Syempre ang ibig kung sabihin kung masaya? Nag-enjoy ka ba? Ganyan." Pero kahit ganoon ang paliwanag ni Leah, hindi pa rin niya maiwasan ang mamula.
"Ok naman Leah, minsan hihilingin ko kay Dark na magbakasyon tayong lahat doon. Lalo na at sa pagkakaalam ko ay darating yong time na gusto nilang makilala ang resorts na iyon sa buong mundo."
"Bruha, ang bonggacious naman, magiging kilala sa buong mundo ang isa sa pinaka sikat na resorts dito sa Pilipinas. Pero seryoso, I'm happy for you Sam. Masaya akong nakita at nakilala mo na ang lalaking mamahalin mo at magmamahal sayo habang buhay." Naiiyak na saad ni Leah na hindi na rin ikinapigil ng pagtulo ng luha na rin ni Samantha, dahil sa nararamdamang kasiyahan.
"Hindi ko rin akalain Leah, na mangyayari itong lahat sa akin, na may magmamahal sa akin ng ganito. Isa lang naman ang hiling ko noon, ang mahalin ni tatay, at dahil nawala si inay mahalin din ako ni tiya Mirasol bilang anak. Pero ngayon ibinigay ng Diyos sa akin si Dark. Alam kung darating din ang pagkakataon na pag nagkita kami nina itay at tiya Mirasol, sana mahalin na nila ako. Sila pa rin ang pamilya ko, bukod sa mga magulang ko na hindi ko kilala, at sa kwintas na sabi ni Mother Terresa na nakasuot sa akin noong sanggol pa lang ako."
Malungkot man, pero kahit papano masayang masaya si Samantha, dahil sa mga taong nakapaligid sa kanya ngayon, lalo na sa piling ng asawang si Dark.
Sabay-sabay silang kumain noong gabi na iyon, napuno ng asaran at kulitan ang buong durasyon ng kanilang pagkain. Habang si Tonny at si Leah ay binibiro nila sa isa't isa. Dahil napapansin nila ang palaging pagsulyap ni Tonny sa kaibigan.
Nagpaalam din si Dark, na magiging busy na s'ya sa trabaho, kaya naman una pa lang ay talagang pipilitin ni Samantha na intindihin ang pagiging busy nito. Dahil higit sa lahat ang maunawaing asawa ang kailangan ng asawa ng pagod sa maghapong trabaho.
☆☆☆☆
Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan. Masaya ang naging pagsasama ni Samantha at Dark. Palagi mang late umuwi si Dark, pero hindi naman si Samantha nagsasawa na hintayin tuwing gabi ang asawa.
Madalas umuuwi ito ng madaling araw, lalo na at naghahanda sila para sa lalong pagpapalawak at pagpapakilala ng DWM Resorts sa buong mundo.
Pumayag na rin ang modelong, nililigawan ng kanilang kompanya para makilala pa sila sa buong mundo..
Kahit pagod mula sa resorts ay, nagpilit umuwi si Dark sa bahay, dahil alam niyang naghihintay si Samantha.
Hindi naman siya binigo ng kanyang mahal, dahil pagkapasok palang niya sa loob ng bahay ay, nakita agad niya ang pupungas pungas na asawa, na bagong tayu sa mahabang couch. Sa tingin niya ay nakatulog ito at nagising lang dahil sa pagbukas niya ng pintuan.
"Baby, bakit dyan ka natutulog, pwede mo naman akong hintayin sa kwarto natin." Tanong ni Dark sabay halik sa noo n'ya.
"Parang hindi kasi ako makatulog sa kwarto ng hindi kita katabi, pero pag dito sa couch nakakatulog naman ako habang hinihintay kita." Paliwanag ni Samantha na ikinatawa naman ni Dark.
"Ikaw talaga mahal, namimiss mo na ba ako? Kahit pagod ako sa trabaho, full energy naman ako ngayon. So tara na? Tayo na kwarto. It's our sexy time baby." Sabay hila kay Samantha, papuntang kwarto.
"Sexy time ka dyan babe? Bumalik ka dito. Kumain ka na ba at ipaghahayin kita?"
"Hindi pa baby, pero mas gusto kung kainin ka, kaysa sa ihahayin mo sa kusina sa akin." Malokong sagot ni Dark na ikinatanggap nito ng hampas galing kay Samantha.
"Bibig mo. Wag ka ngang maingay, baka magising sila. Ang harot mo." Nakangusong sabi niya dito.
"Maharot man ako sa iyong paningin, promise ko naman sayo, sayo lang ako titingin."
"Bolero.!" Sabay irap dito.
"Ito naman, baby sige na, tara na sa kusina kaysa ikaw ang kainin ko. Pero mamaya ka, humada ka sa ganti ko." Sabay kindat sakanya.
"Aba't!" Hindi na natapos ni Samantha ang sasabihin, ng mauna ng nagtungo si Dark sa kusina. Ito na rin ang kumuha ng pagkain sa ref, at ito na rin ang nag init sa microwave. Hindi na siya pinakilos nito, dahil kaya naman daw niya ang mga iyon.
Sapat na rin daw na hinintay niya ito sa pag-uwi at mamaya sabay silang matutulog. Habang nakatingin sa kumakaing asawa, ay hindi maiwasang, tumulo ng luha ni Samantha sa sayang kanyang nararamdaman. Napakaswerte niya na mahal na mahal siya ni Dark at ganoon din naman siya dito.
"I love you babe."
"I love you too baby, sana dumating na yong panahon na magkaroon na tayo ng baby para dalawa na kayong baby ko." Sambit pa ni Dark, na ikinapula n'ya.
"Ibibigay iyon sa atin babe pag nasa tamang oras na. Gusto ko ring magkaroon tayo ng masayang pamilya."
"It came baby, mangyayari yan. At pag dumating yon, ako na ang pinaka masayang lalaki sa buong mundo."
Matapos kumain ay si Samantha na ang naglinis ng ginamit ni Dark, habang si Dark ay nauna na sa kwarto para maligo at makapagpalit ng damit.
Pero bago pa siya makapasok ng kwarto, tumawag si Hazel para sabihing three days from now, magsisimula na ang photoshoot para sa endorsement, ng resorts para makilala sa buong mundo. Sinabi din ni Hazel na nasa bansa na si Jeana, at tutuloy muna sa resorts para, doon magpahinga bago ang gagawing photo shot.
Hindi malaman ni Dark kung ano ang mararamdaman niya. Naputol lang ang kanyang pag-iisip ng magsalita sa tabi niya si Samantha.
"Ok ka lang babe?" Tanong ni Samantha na ikinagulat ni Dark.
"Yes, baby. Tumawag lang si Hazel, ready na daw ang photoshoot within three days, kaya baka maging busy ako, at baka hindi ako makauwi ng malimit dito. Pero after nun, maluwag na ulit ang schedule ko."
"Walang problema babe, basta ingatan mo ang sarili mo."
Hinalikan muna ni Dark si Samantha, bago tuluyang pumasok sa banyo. Habang iniisip kung ano ang magiging reaction niya, pag nakita niya si Jeana. Alam niyang mahal niya si Samantha, pero hindi niya maipaliwanag sa sarili, ang nararamdamang kaba, na makakaharap niya ulit si Jeana makalipas ang maraming taon.