Chapter 18

1261 Words
Mabilis na lumipas ang araw, at naging busy si Dark sa kompanya. Dahil inaayos nila ang mga dapat ayusin para wala ng problema pag punta nila ng resorts. Nagpaalam na rin siya kay Samantha, na baka hindi muna siya makauwi madalas, ayaw naman niyang iasa lahat ng gagawin kay Hazel dahil naging busy ito sa pagtulong sakanya sa company. Sabay, na silang pumunta ni Hazel sa Resorts, pinaiwanan na lang ni Dark sa bahay nila ang kotse nito. Naging pabor naman kay Samantha na may kasabay si Dark papuntang resorts alam niyang napapagod din ito, mas ok na may kapalitan ito sa pagmamaneho. Alas singko pa lang ng umaga, tamang-tama ang mumunting pagsikat ng araw, ay naghahanda na ang mga staff para sa gagawing photoshoot. Naghahanda na sila para iba't ibang parte sa resorts, kung saan gaganapin ang photoshoot. Merong sa mismong hotel, sa garden ng hotel, sa mga swimming pools at sa mismong beach ng resorts. Habang kinakausap ni Dark ang manager ni Jeana na si Alexis Dimagiba ay simula na rin ng pag-aayos kay Jeana. Sa Hotel ang una, kaya naka semi-formal, formal, casual dress, and nighties ang mag dapat isuot ni Jeana. Dahil ang photoshoot ay gagawin sa lobby, corridor, at iba't ibang parte ng hotel kasama ang isang presidential suite. Nang ok na ang lahat ay, sa tagal ng panahon, ngayon lang ulit nakita ni Dark si Jeana. Mahal niya si Samantha, pero hindi niya maipagkakaila na maganda ang dalaga, ang gandang nakaagaw sa atensyon niya noon. Paglabas ng kwarto ni Jeana ay hindi niya inaakala an makikita niya si Dark, puro mga tauhan ng resorts at company ang nakakausap niya kaya hindi niya inaasahan na makikita niya si Dark dito. Napasinghap pa siya ng makita niyang nakatitig ito sakanya, pero pinilit niyang hindi mahalata kaya nginitian na lang niya ito. "Oi Dark, kurap. Nakalampas na, nginitian ka lang, natulala ka na, sumbong kita kay Samantha." Pang-aasar pa ni Hazel kay Dark. "Tigilan mo akong babae ka, sa tagal ng panahon ngayon ko lang ulit s'ya nakita anong tingin mo sa akin bato? Para hindi maka appreciate ng natural na ganda." Singhal niya dito na ikinatawa lang ni Hazel. Sumunod na rin sila kung saan ang unang gaganapin ang photoshoot. Magtatanghali na rin ng makatapos sila, kaya nagpahanda na muna si Dark sa restaurant ng hotel para sa lahat ng staff. Nagpahanda din siya ng ratatouille na pinoy version dahil alam niyang paborito ito ng dalaga, dahil mahilig talaga ito sa gulay. Kahit naman matagal na silang hiwalay hindi naman niya nakakalimutan ang mga paborito nito at mga hilig nito. Habang masayang kumakain ang mga staff nila sa ibang mesa. Ay magkakasama naman sa isang mesa si Hazel at Dark, pati na rin si Jeana at Alexis. Tahimik lang silang kumakain, kaya si Hazel na ang bumasag sa nakakabinging katahimikan sa kanilang apat. "Kumusta ka naman Ms. Jeana? And congrats isa ka sa pinakasikat na modelo ngayon sa buong mundo and thank you kasi pinaunlakan mo ang invitation namin para ikaw ang maging modelo ng Resorts." Nakangiting sambit ni Hazel. "Masaya akong maging parte ng resorts na ito, thank you din Ms. Hazel. And thank you din Dark, I mean Mr. Moreal, na ako ang kinuha n'yong modelo ng resorts na ito." Nalaman din kasi ni Jeana kay Alexis na si Dark pala mismo ang may-ari ng resorts. Hindi din niya akalain na ganoon na itong ka successful ngayon. "Hmmm.. thank you din pala sa dito sa ratatouille, namiss ko kasing kumain nito, lalo na at puro French food lang ang nakakain kong ganito sa ibang bansa." Nakangiti pang sabi ni Jeana, na ikinangiti din ni Dark. "Don't worry we're happy to serve the best to our guests. Thank you sa pagpayag maging part ng DWM Resorts. Malaking karangalan Ms. Jeana." Pormal na sagot ni Dark, na ikinalungkot naman ng expression ng mukha ni Jeana. Natahimik lang muli sila, at nagtuloy na sa pagkain. Dahil masakit na ang init ng araw sa hapon, hindi na muna nila itutuloy ang photoshoot ngayon araw. Kaya pwede nilang gamitin ang oras sa pamamasyal sa buong resorts. Pwede din silang mag swimming. Habang nakaupo si Dark, at namamahinga sa isang bench na nalililuman ng puno ng niyog, at nakangiti itong nakatanaw sa dagat, habang masaya ang iba na naglalangoy. Kausap niya si Samantha sa phone. "I miss you too baby, kaso pag umuwi ako ngayon, need kong bumalik dito bukas ng maagap. May meeting din ako mamayang gabi, dito ko na nga sila pinapunta." Sambit ni Dark kay Samantha. (Don't stress yourself babe, kahit miss na miss din kita, ayaw kong makadagdag sa isipin mo. Kaya relax ka lang dyan. Ok lang ako dito hindi naman ako pinapabayaan nina manang, kasama ko pa ang lukaret kong kaibigan.) Natatawa na lang si Dark sa kakulitan ng magkaibigan. Mababaliw na siya sa kalokohan ni Leah, kaya naman minsan pati asawa n'ya napupuno na rin ng pang-aasar sa katawan. (Hmmm. Babe may sasabihin ako.) Malambing na sabi ni Samantha. "What is it baby? Spill it." Sagot niya dito. (Ayaw kung sabihin sa phone, pero it's a surprise babe. So ayan na yon, pag-uwi mo na lang.) Pambibitin pa niya dito. "Madaya ka sa part na iyan baby. Pero sige parang excited ako dyan sa kung ano man yang surprise mo. Yaan mo uuwi na lang ako basta para magulat ka na lang na katabi mo na ako habang natutulog ka." (Ikaw talaga, magsabi ka pag-uuwi ka at ng maipaglu..) Hindi natapos ni Samantha ang sasabihin niya ng marinig niya ang isang boses ng babae, na sa palagay niya ay malapit lang kay Dark. Narinig pa niya ang sinabi nito sa asawa. "Dark pwede ba tayong mag-usap?" Rinig niyang sambit ng babae pero hindi naman sumasagot ang asawa n'ya. (Babe? Ok ka lang? Nandyan ka pa ba? Sino yang nagsasalita sa tabi mo?) Tanong pa niya kay Dark. Ayaw man niyang magselos, pero sa lambing ng boses ng babaeng nagsalita ay nilulukuban siya ng selos. "Sige, wait lang. I had to finish this call." Rinig na sagot Samantha sa kausap ni Dark. "I'll call you later baby, bye.. I love you." Hindi na siya hinayaan pang sumagot ni Dark, dahil pinagbabaan na siya nito ng tawag. Isipin man niyang huwag magselos, pero nilulukuban pa rin siya ng selos. Dahil sa hindi siya mapakali, tinawagan niya si Hazel. Doon niya nalaman na ang modelo na nakuha sa resorts ay ex-girlfriend ni Dark, ang babaeng narinig niya over the phone na kausap ni Dark ay si Jeana na isa sa pinakasikat na modelo sa buong mundo. Dahil sa nalaman, nakaramdam si Samantha ng panliliit sa kanyang sarili, isa lamang siyang walang pinag-aralan na lumaki sa bahay ampunan, tapos ngayon ay ikinasal sa isang gwapo, at business man, mayaman at hindi lang basta mayaman kundi bilyonaryo. Doon pa lang naramdaman ni Samantha ang layo ng kanilang katayuan sa buhay. Kaya lalo siyang nakaramdam ng panliliit sa sarili ngayong kausap ni Dark ang dati nitong kasintahan, na nalaman din niya kay Hazel na si Jeana lamang ang nag-iisang babae na minahal nito, bago pa siya dumating at inayang magpakasal. Kahit, nilolokuban siya ng selos, pinigil ni Samantha ang sarili. Kaya nga siya ang pinakasalan, dahil siya na ang mahal. Alam niya iyon at ramdam niya iyon. Medyo nagkaroon laman siya ng tampo, noong biglang pagbabaan siya ng tawag. Pero dahil mahal niya si Dark, mas uunawain pa niya ito ngayong mabuti. Lalo na ngayong, mas kailangan niyang ingatang mabuti ang sarili, at hindi dapat makaramdam ng sakit at lungkot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD