Chapter 16

1531 Words
Pagmulat palang ng mata ni Dark ang maamong mukha ng asawa kaagad ang kanyang nakita. Hindi pa rin niya akalain na ang babaeng muntikan na niyang masagasaan ay asawa na niya ngayon. Ang babaeng dahilan at naging daan para maging masaya siya at makalimot sa nakaraan. Ngayon magkita man sila ni Jeana, masisiguro niyang wala na siyang nararamdaman para dito. Dahan-dahang bumangon si Dark para hindi magising ang natutulog na asawa. Pagtabing ng kumot, nakita niya ang natuyong pulang marka ng dugo sa puting kobre kama. Lalo lang siyang napangiti at hindi niya akalaing ganoong kainosente ang kanyang asawa. Hindi man mahalaga kung hindi na ito puro mahalaga naman kay Dark ay mahal niya si Samantha. Pero dahil sa natuklasan niya, lalo lamang nadagdagan ang kanyang pagmamahal dito. Sabi nga higit pa iyon sa sobra. Nagtungo siya sa kusina para magluto. Simpleng bacon, itlog, hotdog, at fried rice lang ang niluto n'ya. Kumuha na rin siya ng sliced bread at peanut butter. Nagtimpla na rin siya ng orange juice at kape. Alam niyang napagod ang asawa sa nagdaang magdamag, kaya ngayon gusto naman niyang pagsilbihan ito. Pagpasok pa lang niya ng kwarto, napansin niya na bago pa lang itong gising. Nakaupo sa gilid ng kama, pikit pa habang magulo ang buhok. Napangit si Dark dahil kahit bagong gising ay hindi man lang nakabawas ng ganda ng asawa ang magulong buhok. "Good morning baby, breakfast in bed." Bati ni Dark, na biglang ikinagulat ni Samantha. Na akmang tatayo, ng maramdaman nito ang pagsakit ng kanyang katawan partikular ang nasa pagitan ng kanyang hita. Napansin naman ni Dark ang pagngiwi ng asawa kaya mabilis niyang pinatong ang tray ng pagkain sa side table sa kwarto at dinaluhan ang asawa. "Relax baby, wag mong biglain ang sarili mo. I know you're still sore, so relax, let me help you." Unti-unting iniupo ni Dark si Samantha sa gilid ng kama, sabay halik sa labi. Napatakip naman si Samantha sakanyang bibig. "Bakit mo ako hinalikan? Hindi pa ako nag to toothbrush. Baka mamaya bad breath pala ako. Tapos ma turn off ka na sa akin." Reklamo ni Samantha na pansin ni Dark ang pagpula ng pisngi nito. "Hindi ka bad breath ok, your lips is still smell like mint, ok don't be shy baby. I prepared breakfast for the two of us. Ipapasyal kita mamaya pag ok ka na. After nating kumain iready ko ang pampaligo mo. Para mabawasan ang pananakit ng katawan mo." Sambit ni Dark na lalong ikinapula ni Samantha. Hindi na lang biniro pa ni Dark ang asawa at baka mamaya lalo lang itong mahiya. Ramdam pa rin niya na nag-aadjust ito sa kanilang dalawa. Pero hanggat maaari, maiparamdam niya dito ang labis niyang pagmamahal, at mawala ang ilang nito, lalong lalo na sakanya. Pagkatapos nilang kumain at mag-ayos ng sarili, ay ipinasyal ni Dark si Samantha sa buong resorts. Ipinakilala din ni Dark si Samantha bilang kanyang asawa. Lahat ng empleyado ay natuwa sa nalaman. Kahit mga babaeng humahanga kay Dark, ay hindi mapigilan ang kilig sa kanilang dalawa. Wala namang maramdaman selos si Samantha sa mga babaeng empleyado ni Dark. Dahil ramdam niya ang kilig ng mga ito, pero halata mo ang pagiging propesyonal, dahil kilig lang walang pang-aakit. Kaya ipinaramdam din ni Samantha ang maayos niyang pakikitungo sa mga ito. Dahil nga sarado ang resorts na iyon ng isang linggo at ang mga empleyado naman ay hindi pinaalis ni Dark, nakaisip si Samantha na bakit hindi sila magpahanda ng maliit na salu-salo para sa mga empleyado, bilang pasasalamat na rin. Nagulat naman ang mga empleyado ng mag announced si Dark na ang isang linggo nilang pananatili sa resorts ay magiging parang bakasyon din ng mga empleyado. Pwede silang maglangoy walang pormal na trabaho pero one call away if need nilang mag asawa. Narinig nila ang hiyawan ng mga empleyado na ramdam nila ang saya. Sinabi din ni Dark na magpapahanda sila ng dinner party sa tabing dagat, para sa lahat, syempre kasam silang mag-asawa na lalong ikinatuwa ang lahat. Habang namamahinga sa may ng cottage si Samantha. Kitang kita niya ang pagiging abala ng mga empleyado nina Dark. Habang nagbubuhat ng mga kalalakihan ng mga table at mga upuan, busy naman ang mga babae sa pag-aayos at paglalagay ng mga tela dito. Habang ang iba ay busy sa kusina at nagluluto. Gabi na, at lahat ng empleyado ay nasa may tabing dagat, may nilabas din silang malaking speaker, para magkaroon ng music pero hindi naman makakaabala sa mga nasa labas ng resorts. "Ma'am Samantha curious lang ako, saan, at paano kayo nagkakilala ni Sir Dark?" Tanong ni Gina, isa ito sa nasa front desk ng hotel ng resorts. Hindi malaman ni Samantha kung paano sasagutin ang tanong dahil nahihiya siya sa mga ito, at baka mamaya ay husgahan siya na pera lang ang habol nito kay Dark. Pero naisip din naman niya na hindi niya malalaman ang tunay na ugali ng mga ito kung hindi niya sasabihin ang totoo, at bakit ba niya ikahihiya ang mahalaga wala siyang ginagawang masama. Napatingin muna siya sa gawi ni Dark na masayang nakikipagkwentuhan sa mga lalaki niyang empleyado. "Ganito kasi yan, noong nagkakilala kami ni Dark, noong panahon na tumakas ako sa mga taong magdadala sa akin sa isang club, kasi binenta ako ng amo kung Chinese. " napansin si Samantha ang seryoso namang nakikinig sakanaya ang mga kasamang babae ni Gina sa trabaho, kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Tapos, muntik na niya akong masagasaan. Dinala niya ako sa bahay n'ya, tapos naging katulong ako. Dahil wala na rin naman akong mapupuntahan, hindi na ako umalis sa bahay niya hanggang sa nahulog ang loob namin sa isa't isa. Hanggang sa inaya niya akong magpakasal." Napatingin naman si Samantha kay Gina, na parang sinusuri ang mga ito ang kanyang sinabi, hanggang sa biglang tumili si Rona, na naagaw ang atensyon namin. "Ay grabe ang swerte mo naman ma'am, kailan kaya ako mababangga ng isang katulad ni Sir Dark." Sambit ni Rona isa sa housekeeping na agad namang siniko ni Gina. "Ikaw talagang babae ka, tama na pantasya. Pero seryoso ma'am Samantha." Sabay baling sakanya. "Ang cute naman ng love story n'yo ni Sir. Masasabing ang simple lang ng pangyayari, pero maiisip ba natin na ganoong magbiro ang tadhana. Basta masasabi ko lang ma'am, kahit anong pagsubok ang dumating sa inyong dalawa ni Sir, palaging tandaan, mas matimbang pa rin ang nararamdaman ng puso, kaysa sa problemang darating. Ang tunay na pagmamahalan ay hindi kayang tibagin ng ano mang unos." Nakangiting payo ni Gina, na ikinangiti ko din naman. "Ano ba yang pinagsasasabi mo Gina? Epekto ba yan ng pagiging single ng five years? Until now hindi ka pa rin nakakalimot? Move on na girl masaya na sya sa kabilang buhay. Este kabilang bahay." Sabat naman ni Lory, isa sa chef ng resorts. "Salamat Gina, palagi ko iyong tatandaan. Pero pwede ko bang malaman ang nangyari?" Tanong niya dito. "Naku ma'am fifteen palang ang puso nitong si Gina, tumibok na puso n'yan sa ultimate crush n'ya. Tapos niligawan s'ya. Naging sila ng twenty na s'ya. After a year nahuli niyang may ka you know ma'am, kasi mas priority ni Gina ang mag-aral kaysa makipag dotdotan. So ayon na, nabuntis itong babaeng ipinagpalit kay Gina. Ayon kaya kinasal agad iyong lalaki. At itong si Gina, five years ng walang love life." Paliwanag ni Rona na sinang ayunan naman ni Lory, at ng iba pa nilang kasamahan. "Aba dapat detalyado, sorry ma'am pagpasensyahan mo na itong mga ito wag mo ng pansinin ma'am. Kinulang lang yang mga yan sa am, noong bata pa." Makikita ang ngiti ni Gina pero mapapansin ang lungkot sakanyang mga mata. "Kung hindi kayo ang para sa isa't isa, malamang hindi mo pa nakikilala ang lalaking para sayo, bata ka pa kaya wag kang magmadali. Akala natin minsan s'ya na. pero hindi pa pala. Wag kang mawalan ng p.ag-asa. True love comes at the right place and at the right time. Kung hindi naging kayo. Hindi pa iyon ang oras para sa true love." Sambit ni Samantha na ikinangit nito. "Ang drama natin, sayang itong party na ipinahanda ni Sir at Ma'am sa ating lahat so let's enjoy the party." Sigaw ni Gina na ikinasunod naman ng iba. Nang biglang nagpalit ng rock song kaya tumayo ang lahat at nagpunta sa malawak na buhanginan at nagsimulang magsayawan. Pati ang mga lalaking empleyado ay humalo na sa mga babaeng sumasayaw sa saliw ng rock song. Nilapitan naman ni Dark si Samantha. "Happy?" Tanong ni Dark sakanya sabay halik sa noo. "Sobra, babe. Masarap kasama at kausap ang mga empleyado mo. Akala ko nga huhusgahan nila ako kasi nakwento ko kung paano mo ako nakilala. Pero ang nangyari, kinikilig daw sila." Natatawang kwento ni Sam dito. "Natutuwa ako, dahil masaya ka, i love you baby, i love you Sam. Always remember that, no matter what happened i will always love you. My heart always need you." Isang mabilis na halik ang ibinigay ni Samantha. "I love you babe." Tugon naman niya dito, habang masaya silang pinapanood ang mga empleyado nila na masayang nagsasayawan. Magkayakap lang sila, habang paunti-unting umiinom ng wine na nakahayin sa mesa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD