Dahil gusto ding makausap ni Dark si Jeana, ay nagpaalam muna siya kay Hazel at sinabing, lalabas sila ng Resorts, gusto din naman nilang magkaroon talaga ng closure ang nangyari sa kanila. Dahil kahit alam ni Dark na pinili si Jeana ang career nito ay naghiwalay sila ng hindi nagkakaayos.
Samantalang si Jeana naman ay nagpaalam din sa manager niya. Nagulat din ito ng malaman na si Dark pala ang ex ni Jeana na naiwan nito noon. Ayaw pa sanang pumayag nito pero dahil si Dark ang mag-ari ng resorts wala na rin itong nagawa.
"Basta mag-ingat ka ha. Ingatan mo ang sarili mo, lalo na at gwapo yang si Mr. Monreal. Alam mo iyon." Pinaniningkitan pa ni Alexis si Jeana habang sinasabi ang kanyang paalala.
"Hindi naman ako magtatagal, mag-uusap lang kami at uuwi na rin kami dito." Mahinahong sagot ni Jeana.
"Hindi magtatagal? Mag-uusap? Pero bakit parang date ang pupuntahan mo? Kanina ka pang ayos ng ayas dyan sa sarili mo? Kulang nalang mag dress ka. Kung hindi ka lang naka pants at simpleng t-shirt iisipin ko talaga may date ka eh."
"Hindi ah, lalabas na nga ako. S'ya babye na. Bye daddy Alexis, ang gwapo mo talaga." Sambit ni Jeana, na patakbo palabas ng hotel room.
"Kadiri kang babaeta ka, it's Alexa.!" Rinig pa niyang sigaw ni Alexis, bago niya maisara ang pintuan, na lalo niyang ikinatawa.
Nagtuloy na rin naman siyang lumabas, dahil doon na lang niya hihintayin ni Dark sa labas ng hotel.
Isang oras din ang itinagal ng kanilang byahe ng makarating sila sa isang burol. Halos mapasinghap si Jeana ng maalala na ito ang lugar na malimit silang magdate noon ni Dark. Pero sabagay, gusto niyang sa tahimik naugar sila magkausap ni Dark, mas mabuti na rin at doon sila magkakausap.
Pasalamat na rin si Jeana, na fitted jeans at white t-shirt lang ang suot niya na kapartner ang isang high cut na converse. Dahil bagay na bagay ang suot niya ngayon kung saan sila mag uusap ni Dark.
Nagtungo sila sa isang puno ng mangga na may malagong dahon, doon sila naupo, habang tanaw ang malawak at berdeng kapaligiran na punong puno ng mga namumungang puno at may mga bulaklak.
Sobrang namamangha pa rin si Jeana sa lugar na iyon, na kahit dumaan ang maraming taon ay lalo pang gumanda, dahil ang mga maliliit na puno noon ngayon ay malalaki at namumunga.
"Dark, kumusta ka nito mga nakalipas na taon?" Mabining tanong ni Jeana.
"Ako, ayon, after college, ako na ang humawak ng business ng mga magulang ko. Tumira din ako sa ibang bansa ng dalawang taon, hanggang sa napili kong magtayo ng sarili kong kumpanya dito sa Pilipinas, hanggang sa nakita ko ang potential nung lumang resorts kaya denevelop ko, binigyan ng buhay at pangalan." Simple sagot lang ni Dark.
Nagulat din si Jeana, hindi naman talaga niya alam ang side na iyon ni Dark, maliban sa nagtatrabaho ito noon sa coffee shop.
"Ikaw, kumusta ang pagiging sikat na modelo,sa buong mundo?"
"Mahirap, nakakapagod, pero andoon ang saya, naiahon ko na rin sa hirap ang pamilya ko, ang munting bahay namin, noon hindi na makikita ngayon. Iyong maliit na lupa na kinatitirikan noon na halos palayasin na kami ng may-ari ng lupa. Sa amin na ngayon, nabili ko na rin ang lupang dati ay inuupahan lang nina itay, hindi na rin sila nagtatrabaho ngayon, dahil may sarili na silang business, sa tulong ng mga tauhan, maganda ang takbo ng business nila." Sagot ni Jeana na ikinangiti naman ni Dark.
"Masaya ako sa pagiging successful mo. Na natupad mo, hindi lang ang pangarap mo kundi ang maginhawang buhay, para sa pamilya mo."
"Hmm.. Dark sorry kasi iniwan kita, at mas pinili ko ang career ko, alam mo namang pangarap ko ito. Sorry kung nasaktan kita noon." Nakayukong paghingi ng tawad ni Jeana.
"Wag kang mag-alala, ganoon talaga ang buhay, siguro hindi talaga tayo ang para sa isa't isa. And I'm happy now sa piling ng aking mahal na asawa." Nakangiting sagot ni Dark na ikinagulat ni Jeana dahil hindi niya inaasahang may-asawa na ito.
"A-asawa? May asawa ka na?" Hindi makapaniwalang tanong niya dito.
"Yup, siya ang kausap ko kanina bago ka dumating doon sa bench."
"A-ah.. g-ganun ba? S-sorry ha, nahuli na pala ako." Halos nauutal na sambit ni Jeana. Na hindi na rin niya napigilan ang mapaiyak.
"Hey, bakit ka umiiyak, akala ko ba gusto mong maging ok tayo, I thought closure lang ang dahilan kaya mo ako gustong makausap." Tanong pa ni Dark sakanya.
"Mahal, mahal na mahal pa rin kita Dark kahit ako ang umalis at iniwan kita. Mahal na mahal kita, na sa point na kahit sinubukan kong magmahal na iba, napupunta lang sa wala dahil hindi ka mawala wala dito." Sabay turo sa kanyang dibdib sa tapat ng kanyang puso.
"Pinilit kong makauwi na hindi ko naman inaasahan na sayo pala iyong resorts kung saan ako magmonodelo. Pero Dark, mahal na mahal kita." Sambit pa rin ni Jeana habang umiiyak sa harapan ni Dark.
Naaawa man si Dark para sa nararamdaman niya sa dalaga, pero kahit ganoon lang ang pag uusap nila, mas lalo lang niyang napatunayan sa sarili kung gaano niya kamahal si Samantha.
Matapos mahimasmasan sa pag-iyak ay muling humarap si Jeana kay Dark.
"Sorry ha, medyo madrama lang, by the way congrats and best wishes. Masaya akong masaya ka na, kahit hindi na ako ang dahilan. Sana ok lang sayo kahit friends lang. Ok lang ba?" Sabay lahat ng kanyang kamay kay Dark, na hindi naman nabigo na kunin ni Dark ang kanyang kamay.
"Friends, thank you din, kasi mas maluwag sa puso ko na wala akong ibang nasasaktan na tao. Salamat sa pagtanggap."
"No, ba yan? Wala yon, kasalanan ko din naman, so may baby na kayo?" Kahit masakit pinasigla pa rin ni Jeana ang boses niya sa pagtatanong.
"We're planning, pero hindi pa yata ibibigay, sa three months naming kasal ni Samantha, wala pa rin eh, pero hindi naman kami nawawalan ng pag-asa, bago pa lang din naman kami." Nakangiting sagot niya dito.
"Ninang ako, pag may nabuo na ha." Pangungulit pa niya kay Dark.
"Oh, sure why not, at sure akong magkakasundo kayo ni Samantha." Nakangiting sagot pa ni Dark na ikinangiti ni Jeana.
Halos magdilim na kaya nagpasya silang umuwi na, dahil malayo layo din ang burol sa resorts. Kahit nasa sasakyan ay nagkukwentuhan pa rin silang dalawa. Lalo na at nawala yong awkward na pakiramdam matapos nilang mag-usap.
Malapit na sila sa resorts ng hindi napansin ni Dark ang pagsulpot ng isang humaharurot na kotse sa kanilang harapan, dahil nagpalit ito bigla ng linya. Dahil sa bilis ng pangyayari, walang ibang nagawa si Dark kundi ang yakapin ng mahigpit si Jeana, hanggang salpukin sila ng rumaragasang sasakyan.
☆☆☆☆
Habang nasa kusina si Samantha kasama si Leah, ay bigla na lang siyang kinabahan. Hindi niya alam ang dahilan pero nagulat din siya sa kanyang nararamdaman. Bigla siyang tumindig para kumuha ng tubig, para maibsan ang kaba na nararamdaman.
Pero katataas palang niya sa baso ng bigla niya itong nabitawan.
"Sam ok ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Leah.
"Hindi ko alam Leah, bigla na lang akong kinabahan." Sagot niya.
"Maupo ka na, ako ng bahala dito, at ako ng kukuha ng tubig. Namimis mo lang si Sir Dark eh." Biro pa ni Leah sakanya.
Matapos abutan ni Leah ng tubig si Sam, at maalis ang nabasag na baso, ay napansin nila ang nagmamadaling pagpasok ni Manang Belen sa kusina.
"Manang may nangyari ba? Bakit po kayo nagmamadali?" Mahinahong tanong ni Samantha.
"Samantha, naaksidente si Dark." Iyon laman ang nasambit ni Manang, na ikinabigla ni Samantha. Bigla siyang nakaramdam ng panghihina at para siyang nauubos na kandila.
Dahil sa pagkabigla, tatayo sana si Samantha mula sa pagkakaupo ng bigla na lang nagdilim ang kanyang paningin. Pero bago siya bumagsak, naramdaman niyang nasalo na agad siya ni Leah.
Pero bago siya mawalan ng malay, ay narinig pa niya ang sigaw ni Manang Belen at Leah na tinatawag ang pangalan niya.