Ilang araw na ang nakakalipas, buhat ng matagpuan ni Dark ang dalagang si Samantha. Naikwento na rin nito sa kanila ni manang Belen ang nangyari sa kanya. Noon una ay duda pa rin Dark dahil, baka daw isa lang iyong modus para magnakaw. Pero kalaunan ay napatunayan din niyang mali ang kanyang hinala. Sinubukan niyang magpatong ng pera, alahas na parang nakalimutan lang or nalaglag pero makikita na lang niya si Samantha na nakangiting iniaabot sakanya ang mga ito, o hindi kaya ay kay manang Belen. Hindi din niya nakitaan ng pagkainrest ang dalaga sa mga mamahaling bagay na nasa loob ng bahay. Kaya nabuo ang tiwala niya sa dalaga, at hinayaan na lang ito sa bahay niya.
Buhat ng matagpuan ni Dark si Samantha ay ngayon lang niya napansin ang paggiging aligaga ng dalaga. Matagal din niyang pinagmasdan ang mga kilos dalaga at hindi mapakali. Nasa garden ito, pabalik-balik ng lakad. Mula sa bench na kinauupuan nito, tatayo, lalakad pauna, babalik tapos uupo ulit. Napapailing si Dark, sa ginagawa ni Samantha, kaya nagpasya siyang lapitan ito.
"Hey, relax. What's wrong with you?" Mahinahong tanong ni Dark dito.
"Ammm, kasi... " nahihiyang sambit ni Samantha.
"Ang totoo n'yan, ilang araw na ako dito sa bahay mo. Paaalisin mo na ba ako?" Napailing na lang si Dark sa tanong nito.
"May mapupuntahan ka ba, kung paaalisin kita?" Mariing tanong niya dito, na ikinalungkot naman ng mukha ni Samantha.
"Wala, ayaw ko ng bumalik sa bahay nung mukhang pera kong amo. Di ba binenta ako ng amo kung Instik. Malamang ngayon pinaghahanap ako ng mga tauhan nung may-ari ng club. Pareho kasi silang gahaman sa pera, pero akong nagtatrabaho ng marangal ang pinuperwesyo nila." Malungkot na sambit ni Samantha, na ikinabuntong hininga ni Dark.
"Gusto mo bang magtrabaho dito, para may kasama naman si manang Belen." Nakangiting alok ni Dark.
"Totoo? Kukunin mo akong katulong dito sa bahay mo? Hindi mo na ako paaalisin." Natawa naman, si Dark sa reaction ni Samantha na parang tuwang tuwa sa sinabi niya.
"Oo nga, kung iyon lang ang inaalala mo, aayusin ko din ang problema mo, tungkol sa may-ari ng club para pwede ka ng makalabas ng bahay, para makasama ka minsan kay manang pag mag grocery." Nakangiting sabi pa ni Dark, ng bigla siyang magulat sa biglang pagyakap sakanya ni Samantha. Naramdaman niyang tila pagdaloy ng kuryente sa kanyang katawan. Hindi na lang niya pinansin ang naramdamang iyon, ng maramdam niya ang biglang pagkalas ng yakap sakanya ni Samantha.
"S-sorry sir, nabigla lang ako. Sobra lang po akong natuwa dahil, meron na akong trabaho, at may matutuluyan na ako. Salamat po." Masayang sagot ni Samantha, na ikinailing ni Dark, dahil pati mata nito ay nagniningning dahil lang sa sinabi niya.
"Just Dark, ang pormal naman kung lalagyan mo pa ng sir."
"Hindi naman po pwede yon, kukunin n'yo na nga po akong katulong, tapos tutulungan n'yo pa ako sa problema ko, kalabisan na kung tatawagin ko lang kayo sa pangalan n'yo. First name basis lang sir? Hindi po pwede, katulong po ako at amo kita. Ok po ba sir?" Mahabang paliwanag ni Samantha, habang nakangiti. Napailing na lang si Dark, sa haba ng sinabi ni Samantha. Hinayaan na lang niya ang gusto nito. Wala namang problema sakanya kung ano ang itawag sakanya, mahalaga makabawi man lang siya sa dalaga sa mga pinagsasabi niya dito noong araw na matagpuan niya ito.
"Magpahinga ka na lang muna ngayon, bukas ka magsimula. Total naman sa guest room ka na natutulog, wag ka ng lumipat para magkatapat lang kayo ng kwarto ni manang." Sambit niya dito na, masayang tinutulan ng dalaga.
"No, sir! Tama na ang pahinga. Magsisimula na ako ngayon. Noong isang araw pa akong namamahinga, nakakasawa din pala ang walang ginagawa. Kaya magsisimula na po ako ngayon. Thank you Sir Dark. May bago na akong trabaho ngayon." Matapos sabihin, ay may pagsaludo pang nalalaman si Samantha, na lalong nakapagpangiti kay Dark. Napatawa pa siya ng pagtalikod nito sakanya, ay tumatakbo pa itong parang bata, tinatawag ang pangalan ni manang Belen, na animo'y nanalo sa lotto. Napailing na lang si Dark sa inasal ng dalaga.
Habang lumilipas ang mga araw, napapansin din ni Dark ang kasipagan ni Samantha. Hindi na niya ito halos nakikita na nagpapahinga. Paggising pa lang sa umaga ay napakaagap. Bago pa magising ang lahat ay nakaluto na ito ng agahan.
Natutuwa din si Dark dahil hindi na siya nagpapadeliver ng pagkain tuwing meryenda at lunch, dahil iginagawa na rin siya ng dalaga ng para doon at iniinit na lang niya pagkakainin na niya sa opisina. Noong una ay ayaw pa niyang tanggapin dahil masyado ng abala dito, pero katwiran ni Samantha hindi healthy ang mga pagkain sa restaurant, at bilang pagtanaw sa kabutihan daw niya, ipaghahanda siya ng dalaga ng babaunin niyang pagkain.
Para kay Samantha, isang simpleng bagay lang at pagtanaw ng utang na loob ang ginagawa niya. Pero para kay Dark, natutuwa siya sa ginagawa ng dalaga, dahil napakabuti nito, at concern kahit sa kalusugan niya.
"Manang nasaan si Samantha?" Hanap ni Dark sa dalaga ng hindi nito, ito naabutan sa kusina. Madalas ay pag dumadating siya ay kasama ito ni manang doon.
"Nakita mo lang kanina, may padala pang pagkain sayo sa opisina, hinahanap mo agad? Ang mga kabataan talaga." Sagot ng matanda na ikinaungos lang nito.
"Manang wala naman akong ibig sabihin, tinatanong ko lang, meron kasi akong pasalubong sa inyong dalawa." Sabay taas ng dala nitong cake, mula sa isang sikat na bakeshop sa bansa.
"Totoo bang para sa amin yan ni Samantha? Baka naman para lang yan kay Samantha?" Tudyo pa nito na ikinapula ng tenga ni Dark.
"Don't tease me manang, para nga sa ating lahat ito. Pati tawagin n'yo na rin si Mang Lucio at Tonny, para makapag meryenda tayo. Maaga lang ako ngayon, at nagcancel ng meeting ang isang investor, kaya naisipan ko ng umuwi." Paliwanag pa nito kay manang na parang hindi naman naniniwala sa kanyan. Tiningnan pa siya ni manang Belen at sinusuri kung nagsasabi siya ng totoo. Napailing na lang si Dark, bago tuluyang lumabas ng kusina at pumunta ng sariling kwarto, para makapagpalit ng damit.
Nang makapagpalit si Dark ng damit, ay hindi na niya naabutan si manang sa kusina, kaya nagpasya na lang siyang pumunta sa garden,
Nakita niya na nandoon nga si manang Belen at Samantha. Nandoon din ang asawa ni manang Belen na si Mang Lucio at ang anak nila na si Tonny.
Naririnig niya ang masayang kwentuhan habang nagmemeryenda ng dala niyang cake. Kung titingnan, isang napakasayang pamilya. Pero bigla na lang siyang natigilan, ng makita niyang, hawakan ni Tonny ang tabihan ng labi ni Samantha, dahil sa kumalat na chocolate cake. Matapos alisin ni Tonny, ay isinubo naman nito ang daliring ginamit pantanggal ng icing na kumalat sa labi ni Samantha. Nakita din niya na natigilan ang dalaga na ikinapula ng pisngi nito.
Hindi malaman ni Dark, kung ano ang gagawin niya, gusto niyang ilayo ang dalaga kay Tonny, pero wala naman siyang karapatan. Gusto man niyang lumapit, pero natatakot siyang baka may magawa siyang hindi maganda. Naguguluhan siya sa nararamdaman niya, kaya nagpasya na lang siyang bumalik sa loob ng tawagin siya ni Samantha.
"Sir, ang tagal mo kanina ka pa naming hinihintay, kain tayo, ang sarap ng cake na dala mo." Tawag ni Samantha kay Dark, habang naglalakad palapit sakanya ang dalaga.
Hindi na rin nakahakbang pabalik ng bahay si Dark ng makalapit sakanya si Samantha at hinawakan na siya sa kamay nito at dinala, papalapit sa mesa sa garden kung saan sila nagmemeryenda.
Naramdaman naman ni Samantha ang parang kuryente, ng maglapat ang mga kamay nila ni Dark, bibitawan sana niya ang kamay nito, ngunit hinigpitan naman ni Dark ang pagkakahawak dito.
Nang makalapit sila, ay naupo si Dark malapit sa upuan ni Samantha, lumayo naman ng kaunti si Tonny para mabigyan siya ng espasyo. Si Samantha na rin ang, nag slice ng cake para kay Dark. Napangiti naman ang mag-asawang mapansin nila ang pag-aasikaso ng dalaga sa binata nilang amo.
Hindi naman napapansin ni Samantha ang kanyang ginagawa, na parang natural lamang iyon. Natural para sa isang lalaki at babae na magkasintahan. Napansin naman ni Dark ang pagtiting ng mag-asawa sa kanila ni Samantha habang nakangiti. At nagsenyas na lang ito na hayaan ang dalaga, sa ginagawa nitong pag-aasikaso sakanya, na sobra niyang ikinatuwa.
Ang naramdamang bigat sa puso ni Dark, noong nakita niya ang paghawak ni Tonny sa labi ni Samantha, ay bigla na lang naglaho, at napalitan ng saya ang kanyang puso.