Chapter 6

1429 Words
Dahil sa daming trabaho sa opisina ay tinanghali si Dark. Nagulat na lang s'ya na halos mag alas otso na ng umaga, samantalang may meeting s'ya ng alas nyube. Oo nga at s'ya ang boss, pero ayaw naman niyang maging hindi magandang ehemplo sa kanyang mga empleyado. Pagdating niya sa kusina, nakita n'ya si Samantha na naghahayin. Gusto sana niyang kumain, ngunit talagang baka malate s'ya. Napansin naman agad s'ya ni Samantha at inaya siya ng pagkain. "Dark, kain ka na muna." Nakangiting alok ni Samantha sakanya. "Hindi na muna, nagmamadali ako, past eight na kasi, malalate ako sa meeting ayaw ko naman silang paghintayin." Sabay harap sa refrigerator at kumuha ng bottled water. "Paggagawa na lang kita ng babaunin mo, para mamaya may makain ka." Giit pa niya dito. "Hindi na Samantha, I really need to go, bottled water is enough. Bye Samantha." Pagkatapos sabihin iyon ni Dark, ay bigla na lang nitong hinalikan si Samantha sa noo sabay talikod. Natigilan naman si Samantha sa ginawang iyon ni Dark. Kahit siya ay nagulat sa ginawa nito. Kinalma na lang niya ang kanyang puso, dahil sa isang simpleng halik na iyon ay bigla na lang naghurumentado ng puso niya. Hindi niya mapigilan ang sobrang bilis ng pagtibok ng puso niya, na parang lalabas na ito sa dibdib niya. Naramdaman na lang ni Samantha ang isang tapik sa balikat niya, na nagpakalma sa puso n'ya. "Ok ka lang ba hija? Kanina pa akong nandito at salita ng salita, pero hindi mo naman pala naiintindihan dahil natutulala ka dyan." Sambit sakanya ni Manang Belen. "Ayos lang po ako manang. Ano po bang sinasabi n'yo?" Tanong pa niya dito. "Ah, tinatanong ko kung kumain ba muna si Dark, dahil nakita kong papaalis na s'ya, pero walang bawas itong niluto mo." Tanong nito sakanya. "Ah.. eh.. yang manang, nagmamadali daw po s'ya. Tinanghali po daw s'ya ng gising ay may meeting daw s'ya ngayong umaga." "Ganung ba? Magpapalipas na naman ng gutom ang batang iyon. Mabuti pa Samantha ay kumain na tayo, at dalhan mo na lang ng pagkain si Dark sa opisina n'ya. Itatawag ko na lang kay Hazel na darating ka, para papasukin ka doon ng mga gwardiya. Ipapahatid na rin kita kay Lucio." Sambit ni Manang Belen, kay Samantha at tinawag na rin niya si Mang Lucio at Tonny para sabay sabay-sabay na silang kumain ng agahan. Habang nasa byahe, bigla na lang natigilan si Dark ng maisip ang ginawa niyang paghalik sa noo ni Samantha. Wala sa isip niya ang ginawa niya. Nabigla na lang din s'ya na matapos magpaalam dito ay bigla na lang niya itong nahalikan. Para wala ng masabi si Samantha, sinamantala naman niya ang pagkakataon na natigilan ito at nagmadali na ngang lumabas ng bahay at sumakay ng kotse n'ya at mabilis na lumisan. "Sana naman ay baliwalain na lang n'ya ang ginawa ko, na kahit ako ay naguguluhan kung bakit ko s'ya hinalikan sa noo." Sabi pa ni Dark sa sarili at nagmamadaling pinaharurot ang sasakyan dahil ilang minuto na lang malalate na s'ya sa meeting. Pagkababa pa lang ng sasakyan, ay sobrang namangha na si Samantha sa taas at laki ng building na nasa harapan n'ya. Hindi niya akalain na ganoong kayaman si Dark, para magkaroon ng ganoong kompanya lalo na at hindi naman lingid sa kanyang kaalaman na bata pa ito. Sa tingin ni Samantha ay matanda lang si Dark ng limang taon sakanya. Sabi pa ni Manang Belen, ay mismong si Dark ang nagpatayo ng kompanyang iyon, dahil ang kompanya ng mga magulang ni Dark ay nasa ibang bansa. Nang makapasok si Samantha ay nagtanong agad siya sa dalawang gwardiya na nandoon. "Good morning po, nandito po ako para kay Sir Dark, dinalhan ko po s'ya ng pagkain." Nahihiyang sabi ni Samantha. Nagkatinginan naman ang dalawang gwardiya. Masasabi nilang maganda at simple lang ang babaeng nasa harapan nila, nagulat lang sila dahil ngayon lang may babaeng pumunta doon para dalhan ng pagkain ang kanilang boss. "Wait lang Miss may appointment ka ba kay boss?" tanong ng isa sa gwardya sakanya. "Ha? Ay wala po, pero sabi po ni manang tinawag na daw po niya ako sa sekretarya ni Sir Dark." Paliwanag pa niya sa mga ito. "Ah ganon ba? Sige sandali lang itatawag ko lang sa sekretarya ni boss." Naghintay lang si Samantha ng ilang sandali dahil tumawag pa ang isang gwardiya. Bago siya tuluyang pinapasok nito. Sinabi din sakanya kung anong floor ang kanyang boss. Paglabas niya sa elevator, ay naglakad siya hanggang sa nakita niya ang isang sexy at napakagandang babae. Napatingin na lang si Samantha sa kanyang suot na simpleng white t-shirt at maong jeans, na pinarisan ng flat na white sandals. Samantalang ang babaeng nakaharap sa computer nito na mukhang hindi napansin ang pagpasok niya ay nakasuot ng isang red body con dress, na hakab na hakab ang sexy nitong katawan, habang ang blazer nito ay nakapatong sa likodan ng swivel chair nito. Bigla tuloy s'yang nahiya sa itsura n'ya. Naisip niyang baka girlfriend ito ni Dark. Tapos inutusan pa siya ni manang na magdala ng pagkain nito. Nang makalapit si Samantha sa table ni Hazel ay tumikhim muna siya para makuha ang atensyon nito. Hindi naman siya nabigo na makuha ang atensyon nito. Dahan dahan itong humarap sa kanya, nakita niya ang pagtitig nito, pero nagulat si Samantha ng bigla s'ya nitong pagtaasan ng kilay. Napalunok naman si Samantha, dahil parang hindi nagustuhan ng babaeng kaharap niya ang presensya n'ya. Hindi niya tuloy malaman kung paano makikipag usap dito. Alam naman niyang mataas ang pinag-aralan ng babaeng ito kumpara sa kanya na high school lang ang natapos. Ayaw niyang, magkaroon ng hindi magandang empression ang mga taong nakapalid kay Dark sakanya dahil baka magalit din ito sakanya at paalisin na siya sa bahay nito. Nag-aalala na naman siya para sa sarili, dahil baka dumating na naman ang panahon na wala na naman siyang matutuluyan, at mag-isa na naman niyang haharapin ng bukas. "Yes! miss, what can I do for you.?" Mataray na pagkakasabi pa nito, habang nakataas ang kilay. "Amm.. a-ano ka-kasi, pinapunta ako ni ma-manang, tama si Manang Belen, para dalahan ng pagkain si Sir Dark." Halos hindi makahingang sabi ni Samantha, na halos magkabuhol-buhol ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya. "So ikaw pala yong new maid ni Dark. Hmmp." Mapanuring tiningnan ni Hazel si Samantha mula paa hanggang ulo, habang nakataas pa rin ang kilay nito. Habang kinakabahan sa mapanuring tingin ni Hazel, ay nananalangin naman si Samantha na sana dumating na si Dark dahil hindi na niya kakayanin ang mga titig pa ng babae. Sobrang panliliit ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. "Hindi na masama." Rinig pa ni Samantha na sambit nito. "Oh, bye the way, I'm Hazel." Sabay abot ng kamay nito sakanya. Mabilis namang kinuha ni Samantha ang kamay nito lalo na at natatakot s'yang, matarayan nito. "A-ako nga pala si Samantha." Nauutal pang sambit n'ya. "Natakot ba kita?" Tanong nito ng mapansin ang pagkataranta n'ya. Napansin na lang din ni Samantha na bigla itong ngumiti at nawala ang nakakatakot na mataray na awra. "Binibiro lang kita. Ikaw naman masyadong tense. Wag kang mag-alala bawal ang mapangmata sa mga kaibigan ni Dark. Charot lang yong mataray keneme kanina." Sambit nito sakanya at sinundan pa nito ng mahinang pagtawa. Nakahinga naman ng maluwag si Samantha, dahil akala n'ya talaga eh, mataray ang babaeng kaharap niya. Pero sa totoo napakalambing nito at parang bata. "Nga pala asan na yong para sa akin? Sabi kasi ni manang Belen, pinadalhan n'ya din ako ng sandwich at fresh mango juice kasi sabi ko hindi pa ako nagbebreakfast." Mabining sambit ni Hazel na ikinangiti naman ni Samantha dahil sa pag pout pa nito. Iniabot na rin niya ang padala ni Manang para dito, bago siya dinala ni Hazel sa opisina ni Dark at doon na lang daw niya hintayin ang boss n'ya s***h kaibigan, dahil mga thirty minutes pa daw bago matapos ang meeting nito. Pagpasok naman ni Samantha ay sobra naman siyang namangha sa lawak at laki ng opisina ni Dark. Humanga din siya sa interior design nito at masasabi mong napaka manly nito. Pinaghalong itim, gray at white lang ang makikita, bukod sa napakalawak na glasswall na kitang kita ang magandang bahagi ng lugar kung saan nakatayo ang kompanya ni Dark. Wala sa hinagap niya na makakapasok siya sa maganda at malaking kompanya, oo hindi siya empleyado doon. Pero sa tulad niyang mahirap at walang mataas na pinag-aralan, ang makapasok sa ganoong kalaking kompanya na may magandang opisina ay isang pangarap na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD