Chapter 4

1608 Words
"Oi Ms. Nagpapakamatay ka ba? Kung gusto mo ng mamatay wag kang mangdadamay! Alam mo bang, madaming tao ang nais mabuhay, tapos ikaw! Ang lakas ng loob mong magpasagasa!" Singhal ng lalaking, nasa loob ng kotse na muntik ng makabundol kay Samantha. Nakahandusay siya ngayon sa gitna ng daan na halos madalang daanan, sobra na rin siyang napapagod sa lakad-takbo na kanyang ginawa para makalayo.Kaya hindi na rin niya napansin ang isang malaking bato kaya nadapa siya, at muntik na nga siyang mabangga, ng kotse na minamaneho ng lalaki na galit na galit sakanya ngayon. "Hindi nama...." hindi na natapos ni Samantha ang sasabihin ng muli na naman itong magsalita. "Alam mo bang kung hindi kita agad nakita sa pagharang mo sa daan maaari pa akong makasuhan sa ginagawa mo. Kahit wala naman akong kasalanan, makukulong pa ako. Naiintindihan mo ba!" Galit na galit na sabi nito. "S-sorry hindi ko naman kasi talaga sinasad." Pagpapaliwanag niya dito na hindi na niya natapos ang sasabihin, ng tuluyan ng lumabas ang lalaki sa kanyang sasakyan. "Hindi sinasadya?! Anong ginagawa mo at timing naman na kung kailan dadaan ako, bigla kang haharang sa dadaanan ko! Paano kong nabangga kita, at namatay ka!?" Sa katunayan ay hindi naman talaga galit si Dark, natakot lang din siya sa sitwasyon. Paano kung nabangga talaga niya ang babae, maaaring mamatay ito, at siya, masisira ang buhay niya, dahil sa pangyayaring wala namang may gusto, natakot din siya para sa sarili niya. "Hindi ko naman akalain na matitisod ako sa malaking bato na iyon." Sabay turo sa bato malapit sa tabi niya. "Medyo napapagod na rin ako, dahil....." hindi na natuloy ni Samantha ang kanyang sasabihin ng bigla na lang nagdilim ang kanyang paningin at tuluyan na itong mawalan ng malay. "F*ck! Sh*t! Miss.!" Gulat na bulalas ni Dark, ng dahang-dahang bumagsak si Samantha at nawalan ng malay. Ipinagpapasalamat na lang niya na nakaupo ito sa daan, kaya hindi gaanong nabagok ang ulo nito. Nagmamadali naman si Dark na lapitan ito. Agad niyang, sinapo ang ulo nito, at iniangat ang katawan nito nakahandusay sa lupa. Dahil sa liwanag na nagmumula sa kanyang sasakyan, napansin niya ang maganda at maamo nitong mukha. Hindi niya akalain na ang babaeng muntik na niyang masagasaan ay may maganda at makinis na balat. Maputi din ito, medyo may kaliitan nga lang, pero papasang modelo. Napaisip tuloy siya kung ano ang dahilan nito para gawin ang bagay na iyon. Binuhat ni Dark ang babae, at napailing siya dahil sobrang gaan nito. Napansin din niya na napakaliit ng beywang nito. Mapapansin din ang mga mumunting sugat sa paa nito, lalo na sa may bandang tuhod, na maaaring galing sa pagbagsak nito, sa harapan ng sasakyan niya. Isinakay niya ang babae, at walang pag-aalinlangan na iniuwi sa bahay niya. Pagtapat pa lang niya sa pintuan, habang buhat buhat niya ang babae ay siyang paglabas ng matandang mayordoma. "Diyos kong mahabagin!" Gulat na sigaw ni manang Belen. "Ginugulat mo akong bata ka, bakit hindi mo sinabing uuwi ka ng maagap, akala ko ay mamaya pang ala una ng madaling araw ang uwi mo, alas syete pa lang ng gabi ngayon." Gulat na sermong ng mayordoma kay Dark. "Wala naman pa talaga akong balak umuwi manang, dahil may lakad kami ng barka.." hindi na tuloy ni Dark ang sasabihin niya ng mapansin ni manang Belen ang babaeng buhat-buhat niya. "Sino ang magandang babae na iyan? Bakit walang malay?" Nag-aalalang tanong nito. "I don't know manang, basta na lang s'yang sumulpot sa daan, mabuti na lang at nakapagpreno ako kaagad, kung hindi baka nasagasaan ko s'ya. Hindi ko din alam ang dahilan kung bakit bigla na lang s'yang nawalan ng malay." Sige hijo, itatapon ko lang itong mga basura, iaakyat mo na muna dalagang iyan at pupuntan kita. Matapos itapon ang basura, pinuntahan ni manang Belen si Dark sa guest room, para linisan ang sugat na nakita niya sa dalagang dala nito kaya lang nagtataka siyang wala ito doon. Paglabas sa huling kwarto, bigla niyang napansin si Dark na bagong labas sa kwarto nito. "Manang ang tagal n'yo naman." May pagrereklamong maktol nito sa matanda. "Bakit sa kwarto mo, dinala ang dalagang iyon. Akala ko ba ayaw mong may ibang papasok at hihiga sa kama mo. Pumapayag ka lang na may pumasok doon pag may maglilinis? Anong meron sa alaga ko at sa dalagang iyon?" Tukso pa ng matanda na ikinaungos lang nito. "Nawala na sa isip ko manang, ang mahalaga ay linisan n'yo muna ang mga sugat n'ya at palitan n'yo ng damit. Ikuha n'yo na lang sa closet ko. Tatawagan ko lang si Dr. Angelo." Makalipas ang isang oras ay dumating na rin ang doktor. Wala silang inaksayang oras at ipinakunsulta agad ang dalagang hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Ayon dito, ay sobrang pagod, kulang sa tulog, uhaw at gutom ang dahilan kung bakit ito nawalan ng malay. Nagbigay lang ito ng reseta ng gamot at vitamins para bumalik ang sigla ng katawan nito. Ipinayo din ng doktor na lugaw lang muna ang ibigay na pagkain, dahil sa hinala nitong dalawang araw na itong hindi kumakain. Bigla namang tinubuan ng habag at konsensya si Dark dahil sa mga pinagsasasabi niya sa dalaga. Bigla siyang naawa kung ano ang dahilan nito at umabot sa puntong iyon ang sitwasyon nito. Sa katunayan wala naman talaga siyang balak sigawan ito. Ngunit dahil na rin sa gulat na muntikan na siyang makabangga kaya talagang hindi na rin niya napigilan ang sarili na pagsalitaan ito ng hindi maganda. Nang makaalis ang doktor, nagpaluto agad siya ng lugaw kay manang Belen, samantalang siya ay umalis para bilhin ang mga gamot na reseta ng doktor. Dahan-dahang iminulat ni Samantha ang kanyang mga mata, kahit sumasakit ang ulo ay pinilit niya ang sarili na makabangon. Nagawa niyang makaupo, pinagmasdan niya ang paligid, hindi iyon pamilyar sakanya. Bigla na lang binundol ng kaba si Samantha, ng maalala na baka nahuli siya ng mga taong humahabol sakanya. Flashback "Boss, hawak na namin si ms. Beautiful. Ang kinis pala nito, mabuti na lamang at mukhang pera ang Instik na iyon. Pumayag na ibenta ang isang trabahante niya ng isang milyon. Malaki kikitain natin dito pag nagustuhan ito ng mga parokyano mo." Dinig na sambit ng isang lalaki na kasama ni Samantha habang lulan ng sasakyan. Hindi niya akalain na napakasama pala ng amo niyang Instik. Nagtatarabaho siyang sales lady sa isang tindahan nito, dahil wala naman siyang ibang matutuluyan buhat ng mawala ang kinilala niyang ina, at pinalayas siya ng kanyang madrasta, at nakilala niya si Leah ay namasukan na siya dito. Madami mang nagpapalipad hangin pero hindi niya pinapansin, mahalaga sa kanya ay makaipon, at aalis na din siya sa pagtitinda para magtayo ng negosyo. Sa limang taong pamamasukan, madami na siyang nakasalamuhang tao. Doon niya nakilala ang matandang negosyante na may-ari ng isang club. Noong una akala niya ay simpleng club lang iyon, pero nalaman niya kay Leah na iyon pala ay club na ang trabaho ay mga babaeng nagbebenta ng laman, at talamak doon ang prostitution. Ngayon ay hindi inasahan ni Samantha na ibebenta siya ng kanyang amo sa halagang isang milyon. Matapos nitong marinig na may kausap ito sa telepono ay akmang tatakas na siya, ngunit nahuli siya ng mga tauhan nito. Ikinulong siya sa isang bodega at hindi pinakain. Hanggang sa kunin na nga siya ng mga taong hindi niya kilala na kasama niya ngayon. Alam niyang sa club siya dadalhin ngayon ng mga ito. Kaya nagpanggap siyang tulog habang nag-iisip kung paano makakatakas. Ilang sandali pa, ay naramdaman niya ang paghinto ng sasakyan, binuksan niya ang isang mata at napansing parang nasa liblib na lugar sila. Madilim ang daan na parang hindi gaanong dinadaanan ng sasakyan ang lugar. Rinig niyang nagpaalam ang dalawang lalaki na nasa kanyang tabihan para magbawas ng panubigan. Lumabas din ang driver at ang isa pang nasa passenger sit ng sasakyan. Nang mapansin niyang busy ang mga ito ay doon na siya dahan-dahang lumabas ng sasakyan at walang ingay na tumakbo. Ibinigay niya ang lahat ng lakas niya para tumakbo at makalayo sa mga taong kumuha sakanya. End of Flashback Hindi na maalala ni Samantha ang nangyari, ng dahil sa takot ay bigla na lang siyang nagsisigaw. Akmang papasok pa lang si Dark ng bahay, ng marinig niya ang sigaw ng dalagang nasa kwarto niya. Kasabay naman niya ang paglabas ni manang Belen galing kusina. Halos takbuhin nila ang hagdanan para malaman kung ano ang nangyayari sa dalagang iyon. Pagbukas ng kwarto ay nakita nila itong balot na balot ng kumot at naka siksik sa sulok sa tabi ng kama at ng table na nasa kwarto niya. Narinig nila ang paghikbi nito at nagmamakaawa. Nilapitan ito ni Dark, at inaalo. "Pakiusap, ayaw kong magtrabaho sa club, hindi ko iyon kaya. Kahit katulong sa bahay alilain n'yo na lang po ako, ayaw ko doon, ayaw ko." Mariing pakiusap ng babaeng kaharap ni Dark ar dama ang takot sa bawat hikbi nito. "Miss, hindi kita ibebenta, sa club, ok? Relax, walang mananakit sayo, nandito ka sa pamamahay ko. Tumayo ka na dyan, hindi ako masamang tao, maniwala ka. Kung sino man ang magbebenta sayo sa club, I assure you na hindi ako iyon." Mahinahong sambit ni Dark, na dahan-dahang nagpaangat naman ng mukha si Samantha dito. Inabot naman ni Dark ang kamay nito at inalalayan na tumayo sa kinalalagyan nitong sulok si Samantha at inginaya sa sofa na nasa loob ng kwarto niya. Mabilis namang nagpaalam si manang Belen para ikuha ng lugaw ang dalaga. Batid nila ang takot sa mukha nito, kaya hindi na muna nila ito tinanong tungkol sa kung ano ang pinagdaanan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD