Chapter 3
Umaga pa lang ay tambak na ang mga papeles na kailangan ireview at pirmahan ni Dark. Kahapon ay maaga siyang umuwi dahil birthday ng dalawa sa kaibigan niya.
Ngayon naman ay nagkayayaang pumunta ulit sila sa isang bar, to chill and relax lang naman. Kaya hindi sila aabutin ng umaga. Dahil simula pa lang ng umaga ay binulabog na siya ni Lance. Hindi naman siya makatanggi at kasunod naman siyang tinawagan ni Lander. Napailing na lang si Dark, ng maisip ang maagang panggagambala ng dalawang kaibigan.
Habang ipinagpapatuloy ni Dark ang kanyang pagpirma ay narinig niya ang mahinang katok sa pintuan, kaya nag-angat siya ng tingin, ng bumukas ang pintuan. Pumasok ang maganda niyang sekretarya.
"Yes Hazel, may kailangan ka?" Mahinahong tànong ni Dark, sa kapapasok lang niyang sekretarya, na nakatingin ng deritso sa mga mata n'ya.
"Sir, yang tapos n'yo na po bang pirmahan ang sa finance? Sweldo na po ngayon, para daw po maiready na nila." Napatampal si Dark sakanyang noo dahil hindi niya napansin na katapusan na pala ng buwan ngayong araw.
"Wait lang Hazel, nawala sa isip ko. Tawagin na lang kita maya. Just give me thirty minutes." Napapailing na sambit ni Dark, dahil sa nakalimutan na naman niya agad unahin ang mga importanteng pirmahan.
"Walang problema sir, andito lang naman ako para magpaalala, syempre maiintindihan yan ng finance department, lalo na at alam naman nilang makakalimutin ang boss nila." Panunudyo pa ni Hazel na nagpakunot sa noo ni Dark.
"Anong makakalimutin? Kasalanan 'to ng dalawang itlog, na nangulit kahapon, para pumunta sa party nila. Ewan ko ba sa magpinsan na iyon, parang kambal. Sabay pa ang birthday." Reklamo ni Dark, na ikinatawa lang naman ni Hazel.
"Tss, paliwanag pa sir, sige na hindi pa aminin na makakalimutin na eh. Mag-asawa ka na kasi, ng palaging may nagpapaalala sayo." Hirit pa ni Hazel dito, na ikinaungos lang niya.
"Naku lumabas ka na ngang babae ka, pasalamat ka kaibigan kita kung hindi mataggal na kitang tinanggal bilang sekretarya ko." Pananakot pa niya kay Hazel, na sa halip matakot, tinawanan lang siya nito lalo.
"Asus, kaya mo ba naman? Hindi ka ba naaawa sa akin, wala akong mapupuntahan. Mapapalayas pa ako sa apartment na tinutuluyan ko kasi wala akong pambayad. Wala na akong maiipadala sa pamilya ko sa probinsya. Kawawa naman ang magandang inaanak ni Ninang Donna at Ninong Dante." Malungkot na paawang sabi ni Hazel dito, na ikinailing lang ni Dark, kahit naman anong mangyari hindi niya magagawang alisan ng trabaho si Hazel, makulit ito madalas, pero mahal na mahal niya itong kaibigan niya na'to.
"Haist, nagdrama na naman ang maganda kong kaibigan. Akala mo naman totoo, hindi naman kita aalisin hanggang gusto mo dito, ikaw lang ang kaisa isang babaeng kaibigan ko, na pinagkatiwalaan ko maliban kay Jeana." Biglang nalungkot ang boses ni Dark, na napansin kaagad ni Hazel.
"Nalukungkot ka na naman. Hayaan mo na kasi si Jeana. Masaya na s'ya sa career n'ya. Buhat ng pinagpalit ka n'ya sa career n'ya, dapat kinalimutan mo na s'ya. Darating din ang babaeng para sayo at hindi si Jeana iyon. Alam natin na ginamit ka lang ni Jeana. Lahat na lang binigay mo pero iniwan ka pa rin. Kung talagang mahal ka ng babae na iyon, hindi ka iiwan nun. Pera lang ang gusto niya ikaw naman kasi si hehe, peace tayo. Basta ikaw naman kasi, mabuti na lang hindi niya alam na mayaman ka. Kasi mas mabuti ng naging modelo s'ya at sikat na ngayon. Kaysa nagpapakasasa sa yaman mo." Saad pa ni Hazel, lalo na isa ito sa masama ang loob sa pag-iwan ni Jeana kay Dark. Lalo na at halos kapatid na ang turing ni Hazel dito. Pagnasasaktan si Dark, nasasaktan din s'ya para dito.
"Wala na nga si Jeana, at hindi ko na s'ya hinahanap, oo nagtiwala ako sakanya noon, nagtiwala sa pagmamahal niya, na mahal nga niya ako. Pero may pangarap din naman siya. Hindi ko siya masisisi sa ginawa niya. Nasaktan ako, pero iba na ngayon, at totoo hindi ko na s'ya mahal, dahil." Nakangiti pang sambit ni Dark dito, na hindi na natuloy ang sasabihin, at ipinagpatuloy ang ginagawang pagbabasa sa mga documents sa mesa n'ya.
"Dahil?" Curious na tanong ni Hazel, sa hindi pagtapos ni Dark sa sasabihin.
"Bakit ba ang tanong mo, lumayas ka na nga. Labas na paano ako matatapos kung daldal ka ng daldal dyan?" Inis na sambit ni Dark, kahit hindi naman talaga siya naiinis dito. Gusto lang niyang maiwasan ang tanong ni Hazel.
"Sungit!? Lalabas na nga, pero may nararamdaman ako eh, siguro may nagugusto..." Hindi na natapos ni Hazel ang sasabihin ng balingan siya ni Dark ng masamang tingin, na ikinaripas naman ng takbo ng dalaga palabas ng opisina niya. Natawa naman si Dark sa asal ng kaibigan niya, kahit kailan talaga ay makulit ito, kaya parang kapatid na ang turing niya dito.
Hindi na namalayan ni Dark ang oras, at tanghali na pala. Dahil sa sobrang busy niya hindi na naramdaman ni Dark ang gutom. Kung hindi pa siya, inaya ni Hazel para mag lunch ay malilipasan na naman siya ng pagkain sa tanghali.
Sanay na ang mga empleyado nila na makita na magkasama si Hazel at Dark. Alam nilang matalik na magkaibigan ang dalawa. Kung titingnan si Dark at Hazel ay bagay sila. Maganda si Hazel, sexy, parang modelo dangan nga lang hindi daw sila talo ni Dark lalo na at mas gusto nila parehong mas maging matatag pa ang pagkakaibigan nila. Hindi dahil sa ayaw nila ang isa't isa, kontento sila na magkaibigan na lang, at si Hazel lamang ang kaisa isang babaeng pinapasok ni Dark sa mundo niya bilang kaibigan, maliban kay Jeana na minahal niya, pero iniwan din siya.
Hapon na at patapos na rin si Dark sa kanyang ginagawa. Masyadong mapagparusa ang kaibigan niya, baka daw maaga na naman siyang mag out kaya todo tambak talaga ito ng trabaho sakanya. Bawi man lang daw sa pagsalo ni Hazel sa isang meeting na dapat si Dark ang nandoon.
Alas singko y media na at naghahanda na rin si Dark, para umuwi. Paglabas niya ng opisina ay nadatnan pa niya si Hazel sa table nito, kaya dinaanan muna niya ito.
"Five thirty na hindi ka pa rin uuwi? Sobrang sipag mo na. At todo overtime ka ngayon." Tanong ni Dark dito.
"Coding ang kotse ko ngayon, baka mamaya mahuli pa ako, sobrang aga kong pumasok kanina kasi baka may manghuhuli sa daan, maagap pa naman, uwi na lang ako ng mga eight." Sagot naman ni Hazel dito.
"Maaga pa naman, mag commute ka na lang bukas ng umaga, iwan mo na lang dito ang kotse mo. Hatid na kita alam kong pagod ka din, kahit tinambakan mo ako ng trabaho." May pagkasarkastikong sambit niya dito.
"Tampo naman s'ya oh. Sorry na need lang talaga kanina, nagsabay sabay kasi ngayong araw ang mga dapat mong pirmahan. Pero sure kang ihahatid mo ako. Hindi ko yang tatanggihan yan, nakakaramdam na rin talaga ako ng pagod." Sambit ni Hazel na sinisimulan ng ayusin ang mga gamit n'ya.
"Oo nga, so tara na. At pupuntahan ko pa si Lance at Lander sa bar. Nag-aayang uminom chill lang daw. Or baka gusto mong sumama bago kita ihatid?" Pag-aaya sakanya ni Dark, namimiss din niyang sumama pero nakakaramdam na rin talaga siya ng pagod.
"Wag na, next time na lang, mapapalayo pa ang byahe mo.Isa pa pagod na qng beauty ko, baka mamaya hindi na ako makapag-asawa dahil mukha na akong may sariling pamilya na may ilang anak." Natatawang sagot ni Hazel na ikinatawa lang din ni Dark.
Habang nasa byahe ay hindi na rin naiwasan ni Hazel na mapaidlip. Natawa na lang si Dark dahil kita niya ang pagod sa mukha ng sekretarya n'ya s***h kaibigan n'ya. Minsan si Hazel na rin nagbabasa ng ibang documents lalo na pag sobrang dami, para pipirmahan na lang niya talaga.
Nang nasa tapat na sila ng apartment nito, saka lang niya ito ginising, halos nakatulog ito sa buong byahe, kaya mabuti na rin at hinatid niya ito. Dahil baka mapahamak pa ito kung hinayaan niyang tanggihan siya nito kanina.
"Thanks Dark, ingat sa byahe. Enjoy ka na lang. Ikumusta mo na lang ako sa dalawang pangit. Next time na lang ako sasama, pagod lang talaga." Paalam niya dito.
"Ok lang, halata naman ang pagod mo. Kumain ka muna bago magpahinga. See you tomorrow Hazel." Paalam ni Dark na kinawayan lang ni Hazel.
Matapos makapasok ni Hazel ng apartment nito, ay pinasibad na rin ni Dark ang kanyang sasakyan. Medyo malayo sa bar na pupuntahan niya ang bahay ni Hazel, kaya minabuti niyang dumaan sa isang short cut. Medyo madilim nga lang ang daan na iyon at maraming puno, pero masasabi niyang safe ang lugar. Medyo tahimik din dahil madalang ang nakakaalam sa daanang iyon. Ang dalawang oras na byahe, ay nahahati at nagiging isang oras na lang. Kaya mas gusto ni Dark dumaan doon. Hindi pa develope ang daan na iyon, kaya masaya si Dark na palaging doon dumadaan.
Madalang ang sasakyan kaya kahit papano ay mas mapapabilis ang byahe niya patungong bar, lalo na at medyo late na siya ng kalahating oras sa kanilang usapan.