Chapter 2

1301 Words
Isang sulyap pa ang ginawa ni Samantha sa bahay bago siya naglakad paalis. Ayaw man niyang iwan ang bahay na kinalakihan niya, pero wala siyang magagawa. Pinaalis na siya ng kanyang madrasta at hindi man lang siya naipagtanggol ng kanyang ama. Halos ilang oras na rin siyang naglalakad, dahil wala din naman siyang magagawa. Kailangan niyang tipidin ang natitira niyang pera. Lalo na at wala naman siyang sigurado na mapupuntahan. Gusto niyang makahanap ngayon ng matitirahan pansamantala. Kailangan na rin niyang makahanap ng trabaho. Dahil sa sobrang pagod, gawa na rin ng ilang oras na paglalakad, ay tumigil muna siya sa isang waiting shed. Meron naman doong dumadaan na tricycle or dyip, patungong bayan. Napakadalang lang, pero sigurado naman siyang may dadaan mamaya. Dahil na rin sa sobrang pagod, hindi namalayan ni Samantha na nakaidlip na pala siya. Isang mabining tapik ang nagpangising sa kanya ngayon. Dahan-dahang iminulat ni Samantha ang kanyang mga mata. Tumambad sakanya ang isang magandang babae na nakangiti sakanya, na sa tingin niya ay magkasing edad lang sila. Nagpalinga-linga naman si Samantha sa paligid. Silang dalawa lang ng magandang babae ang nandoon. Napansin niya na hapon na pala, ang akala niya ay simpleng pagpapahinga lang ay nakatulog na pala siya. "Anong ginagawa mo dito Miss? Alam mo bang delikado ang ginawa mong pagtulog dito? Mabuti na lang at dumating ako, bago ka pa nadukutan noong dalawang kawatan, kaya hindi nila natuloy ang kanilang masamang balak sayo." Paliwanag sakanya ng magandang babae. "Sorry hindi ko akalain makakatulog ako, nagpapahinga lang kasi ako, gawa na rin sa sobrang pagod, kanina pa kasi akong naglalakad, nais kong makarating sa bayan para makahanap ng matutuluyan at makapaghanap ng trabaho, pinalayas na kasi ako ni tiya Mirasol sa bahay namin." Paliwanag naman ni Samantha. "Ganoon ba? Tamang tama, naghahanap ng isang saleslady yong amo kong Chinese. Meron siyang malaking tindahan sa bayan. Libre naman ang pabahay, at walking distance lang sa tindahan. So interesado ka ba? Ay nakalimutan kong magpakilala, ako nga pala si Leah, Leah Veron." Nakangiting sambit pa nito sakanya. Magaang ang loob ni Samantha sa babaeng kaharap niya kaya masaya siyang nagpakilala. "Ako nga pala si Samantha Montenegro, pwede ba kitang tawagin na Leah, o Ms. Veron? Totoo? Pwede akong magtrabaho sa pinapasukan mo? Matatanggap kaya ako? Hindi kasi ako nakatapos ng pag-aaral." Nahihiyang sambit ni Samantha. "Ano ka ba?Leah na lang, sales lady lang din naman ako doon, and take note. Hindi tayo sa opisina magtatrabaho, magtitinda lang tayo, kaya wag kang mag-alala. Hindi naman sila mahigpit sa requirements, mahalaga masipag ka. Ako ang bahala sayo." May kumpyansang sagot ni Leah sakanya. Ilang oras pa ang lumipas ng may dumaang tricycle. Magkasamang nagbyahe si Samantha at Leah patungong bayan. Pagkarating nila, sa pupuntahan ay tumambad ang isang napakalaki na Chinese Store. Masasabi niyang maganda ang tindahan, malawak at napakaraming iba't ibang paninda. Agad silang nagtungo ni Leah sa opisina ng boss nito. Ipinakilala din siya sa amo nitong Chinese na si Mr. Tim Chua. Kahit may katalasan itong magsalita ay nagpapasalamat na rin si Samantha dahil sa huli ay tinanggap siya nito. Matapos ang kanilang pag-uusap ay isinama naman ni Leah si Samantha sa apartment na kanilang tutuluyan. Masasabi niyang maganda ang apartment. Nagkataon pa na walang kasama si Leah sa apartment nito kaya, ipinasya nitong sila na lang ang magsama. Kahit hindi maganda ang naging simula ng araw ni Samantha, masasabi pa rin niyang hulog ng langit ang pagkakakilala nila ni Leah. Ngayon ay may matutuluyan na siya, higit sa lahat ay nagkaroon pa siya ng trabaho. Mabilis lumipas ang araw, nakilala din ni Samantha ang iba pa nilang kasamahan. Natutuwa siya at mababait ang mga ito. Halos nasa iisang compound din pala ang apartment ng iba nilang kasamahan. Kaya natutuwa naman si Samantha dahil kahit papano nagkaroon siya ng ibang kaibigan bukod kay Leah. Dahil busy sa trabaho, hindi man lang napapagtuunan ng pansin ni Samantha ang mga nagpapalipad hangin sakanya. Ang nais niya ay makaipon para sa pagdating ng araw at may sapat ng ipon ay magtayo nalang din siya ng maliit na tindahan, sinabi niya kay Leah ang balak niya, at sumang-ayon ito sa nais niya. Kaya kahit si Leah ay sinasabayan ang kanyang pag-iipon ng pakunti konti para naman pagdating ng araw ay maging magpartner sila sa business na nais nilang maitayo kahit simoleng tindahan lang din. Halos sa limang taon na ang nakalipas ng pagtatrabaho ni Samantha at Leah sa tindahan ni Mr. Chua ay wala naman silang naging problema. Maliban doon sa nakilala niya si Mr. Hayasaki. Inaalok siya nito ng malaking halaga kapalit ng pagtatrabaho nito sakanya. Una pa lang ay ayaw na ni Samantha, ngunit makulit ito. Halos araw araw itong pumupunta sa tindahan ni Mr. Chua, para lamang pilitin siyang magresign na at magtrabaho sakanya. Dahil sa pangungulit ni Mr. Hayasaki, ay nakwento na niya kay Leah ang dahilan kung bakit halos araw-araw itong nasa tindahan Doon din nalaman ni Samantha na isa pala itong negosyante na nagpapaktbo ng isang malaking club. Pero hindi lang ito isang ordinaryong club, kundi sa club na ito ay talamak ang prostitution. Nilukob naman ng takot si Samantha dahil sa nalaman, kaya naman mas lalo niyang paninindigan ang pagkaayaw sa inaalok ni Mr. Hayasaki. Pagpasok pa lang kinaumagahan, ay nadatnan nina Leah at Samantha ang kanyang boss papasok sa opisina nito, kasama si Mr. Hayasaki at ilang tauhan nito. Nagkibit balikan na lang sila. Sa nakita at hindi iyon pinansin. Lalo na at nasay na silang nakikita na nagkakausap ang dalawa. Madaming naging customer ng hapon na iyon, dahil magkaiba ng pwesto si Samantha at Leah, ay nagpaalam na mauuna na si Leah dahil hindi pa tapos si Samantha sa inaayos niya, para kinabukasan ay hindi na niya iyon problema. Pagkagaling sa storage room dahil kumuha siya ng ilang item na dapat niyang idisplay ay siyang pagdaan ni Samantha sa tapat ng opisina ni Mr. Chua, ay bahagya iyong nakabukas. Nakita niyang may kausap ito sa telepono. Akmang lalampas na si Samantha, ng marinig niya ang sinabi nito sa kausap. "Walang problema Mr. Hayasaki, pwede mo na siyang kunin anytime. Matagal na rin siyang nagtatrabaho sa akin, kaya masasabi kong maayos siyang empleyado, pero ang isang milyon ay hindi ko naman mapapalampas, kaya ibibigay ko siya sa iyo ng walang pag-aalinlangan." Rinig ni Samantha na sambit ni Mr. Chua, na tumigil pa ito sa pagsasalita, habang nakikinig sa kabilang linya. "Oo, pwede mong kunin si Samantha, salamat sa isang milyon Mr. Hayasaki, aasahan ko yan na ipapadala mo kaagad sa bank account ko." Dahil sa huling narinig ay nabitawan ni Samantha ang ilang item, at nakagawa siya ng ingay. Dahil sa pagkabigla ay nadulas si Samantha. Hindi agad siya nakatayo dahil sa gasgas na natamo niya. Agad naman siyang nakita ni Mr. Chua. Dahil sa paninitig nito sakanya, ramdam nito na nadinig niya ang mga sinabi nito sa telepono. "Sorry Samantha, but I need to do this." May ilang lalaki na pumasok sa tindahan, ng makatayo siya akmang tatakbo sana siya pero hindi na niya nagawa ng mahawakan siya ng mga lalaki. Naramdaman na lang niya ang pagtatakip ng panyo sakanya ilong hanggang sa nawalan siya ng malay. Nagising si Samantha na nasa isa siyang bodega. Sobrang takot ang nararamdaman niya. Nagugutom na rin siya at nauuhaw. Alam niyang nasa loob pa rin siya ng tindahan, dahil sa mga items na naroon. Pero hindi niya alam kung gaano na siya katagal doon or kung umaga na ba or gabi na ulit. Sisigaw sana siya para makahingi ng tulong ng bumukas ang pintuan ng storage room. Nakita niyang pumasok ang ilang kalalakihan. Dahil sa takot, ay hindi na siya nakagalaw, hanggang na makalapit sakanya ang isa at muling may pinaamoy sakanya hanggang sa magdilim muli ang kanyang paningin at tuluyan ng mawalang malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD