Pagkalabas ni Dark ng conference room, ay diretso na agad s'ya kay Hazel. Hindi na niya ito isinama sa meeting dahil meron s'yang pinapaayos dito. Nakaready naman ang pen recorder para ipa notes kay Hazel ang mahahalagang pinag-usapan sa meeting.
"A-ang bilis mo naman, nagsisimula pa lang akong kumain eh." Halos mabulunan si Hazel sa gulat, ng biglang sulpot ni Dark sa tabi n'ya habang iniaabot ang recording pen.
Babago pa lang kasi niyang sinisimulan ang sandwich na dala ni Samantha, kaya nagulat s'ya sa pagsulpot ni Dark.
"Ayos ka lang?" Nakangiwing tanong nito sakanya. Dahil halos maubo si Hazel sa gulat kay Dark habang may laman pa ang bibig. Kaya pinilit niyang lunukin muna iyon bago magsalita.
"Bakit naman kasi may biglang pagsulpot, nagulat tuloy ako." Reklamo pa n'ya.
"Ngayon lang kita nakitang magbaon ah. Busy ka kasi sa pagkain kaya hindi mo manlang napansin ang paglapit ng isang gwapong nilala sayo." Biro pa ni Dark kay Hazel.
"Gwapo may as*." Sambit pa ni Hazel na ikinatawa ni Dark. "Hindi ah, hindi naman talaga ako nagbabaon, galing 'to kay manang Belen ang sarap. Dapat palagi kang hindi nakakakain ng umagahan para naman libre ang breakfast ko palagi." Sabi pa ni Hazel dito na nagpakunot naman ng noo ni Dark?
"Nandito si Manang?" Tanong pa niya.
"Hindi si manang ang nagdala ng pagkain mo. Si sexy Samantha. Hindi mo naman sinabi na may bago ka palang katulong? Ang ganda n'ya ang simple pa. Katulong mo lang talaga yon?" Pag-uusisa ni Hazel sakanya.
"S'ya yong babaeng nakwento ko sayo noon nakaraan na muntikan ko ng mabangga, noong hindi natuloy ang lakad namin nung magpinsan noong hinatid kita." Paalala pa niya dito.
"Ah, oo naaalala ko na. Pero totoo, ang sexy n'ya at ang ganda. Wala man lang make up pero ang ganda. Nga pala nasa opisina mo na. Sabi ko hintayin ka na lang."
Mabilis namang nagtungo si Dark sa opisina niya. Hindi man niya maipaliwanag ang nararamdaman niya, pero sigurado siyang masaya ang puso niyang makita si Samantha.
Pagbukas pa lang ng pintuan ay nakita niya agad si Samantha na nakaupo sa couch sa loob ng opisina niya. Medyo napansin din niya ang gulat sa mukha nito, kaya bigla itong napatayo.
"Good morning ulit sir. Pinadalhan ka ni manang ng breakfast, kasi wag na wag ka daw magpapalipas ng umagahan. Dito ko na ba ihahanda, or meron kang ibang pwedeng kainan dito." Nakangiting sambit naman ni Samantha kay Dark.
"Sa pantry na lang tayo." Biglang sabi nito, at dinampot ang basket na dala niya sumunod dito.
Habang naghahanda ng pagkain si Samantha, ay tahimik namang nakamasid si Dark dito. Natutuwa s'ya ng hindi niya maipaliwanag. Masaya ang puso niya sa nakikita n'ya ngayon. Parang isang magandang tanawin ang dalagang naghahanda ng pagkain sa maliit na mesa sa pantry sa loob ng opisina n'ya.
Matapos makapaghayin ay inaya na ni Samantha sa pagkain si Dark. Pagdulog pa lang sa hapag ay napakunot si Dark dahil para lang sakanya ang pagkain.
"Bakit isa lang? Ako lang ang kakain?"
"Kumain na kasi ako sa bahay mo, kaya ikaw na lang pinagdala ko at si Hazel. Hehe.." natatawa pang sagot ni Samantha at napakamot pa sa ulo.
"Akala ko pa naman sasabayan mo ako, parang nakakalungkot kumain mag-isa."
"Busog pa kasi talaga ako. Pwede bang magkape at mag cookies na lang ako, nakita ko doon kanina oh. Busog pa kasi talaga ako" Sabay turo ng nguso sa lalagyan ng mga kape at cookies sa pantry n'ya.
"Sige pwede na, kaysa naman ako lang kumain mag-isa."
"Gusto mo bang kape, ipagtitimpla din kita?" Alok ni Samantha na ikinatango naman ni Dark at binigyan pa siya ng matamis na ngiti.
Sabay silang kumain ni Dark, habang siya naman ay nag eenjoy sa paghigop ng kape, natutuwa din siyang kapartner nito ang cookies na kinakain niya. Napuno lang ng kwentuhan at tawanan sila ng mga oras na iyon.
Hindi na rin nila napansin ang pagpasok ni Hazel sa opisina dala ang ilang dapat permahan pa ni Dark, at sumilip para tingnan sila.
"Nararamdaman kong, makakalimutan mo na s'ya, o baka nga napalitan na. Masaya akong masaya ka na. Dahil bilang kaibigan at kapatid na rin, masakit sa akin na masaktan ka. Nagmahal ka lang pero hindi ikaw ang pinili." Bulong ni Hazel sa sarili habang matamis na nakangiting, nakatingin sa dalawang masayang nagkukwentuhan, bago napiling tahimik na lumabas ng opisina.
☆☆☆
Malamig ang paligid, at tahimik, habang nakatanaw sa malayo. Malalim na rin ang gabi. Ay hindi pa rin dalawin ng antok si Jeana.
Pagod siya sa maghapon dahil sa photoshoot, pero heto s'ya sa balkonahe ng tinutuluyan niyang hotel, nakatingin sa mga ilaw ng nagtataasang mga building habang umiinom ng wine.
Hindi pa rin niya lubos maisip na narating niya ang lahat ng tagumpay na tinatamasa niya ngayon. Masakit mang iwan ang kasintahan, pero heto naman siya ngayon. Nasa rurok ng kasikatan.
Matagal din silang naging magkasintahan, pero siguro nga hindi sapat ang pagmamahal, kung hindi mo maaabot ang pangarap mo. Bagay na kahit papano pinagsisihan ni Jeana. Ang malayo sa minamahal.
College sila ng makilala niya si Dark. Wala siyang ibang alam sa pagkatao nito, maliban na lang sa nagtatrabaho ito bilang isang manager sa isang coffee shop.
Lahat ng hiniling n'ya ay ibinibigay nito. Alam din niyang wala itong binabayaraan kaya siguro, nakakaipon at may pera na naitutugon sa bawat naisin niya. Alam ni Jeana kung gaano siya kamahal ng binata, at ganoon din naman siya dito.
Pero hindi nga siguro s'ya ganoong katatag, dahil sa pagiging praktikal sa hirap ng buhay, mas pinili niya ang isang opportunity na minsan lang makamtan ng isang tulad niyang laki sa hirap.
Ang opportunity na iyon ang nagbigay sakanya ng break para makarating ng ibang bansa. Bago ang graduation nila, ay napansin na iyon ng isang talent manager na bumisita sa kolehiyo kung saan siya nag-aaral. Kaya after graduation ay nakipaghiwalay siya sa kasintahan. Kahit masakit at mahirap, ginawa niya ang sa tingin niya ay tama para sa pangarap niya.
Dalawang taon ang nakalipas mula noong iwan niya ang Pilipinas, nakilala siya bilang isa sa pinaka sikat na modelo sa buong mundo.
Pagsisihan man niya ang nagawang pag iwan kay Dark, wala na ring saysay, naiisip na lang niya na baka may iba na rin itong mahal. Ibinaling na rin naman niya ang atensyon sa pagmomodelo, at sa ibang nagpapalipag hangin sakanya.
Nagkaroon na rin naman siya ng ibang karelasyon, pero hindi pa rin niya maitatanggi sa sarili kung gaano niya namimiss ang binata. Sa mga pagkakataon na nakikipagdate siya sa iba, ang dating kasintahan pa rin ang laman ng puso niya. Kaya magkaroon man siya ng bagong boyfriend, hindi din nagtatagal. Habang kasama niya ay iba, ang puso naman niya ay naiwan pa rin sa nakaraan n'ya.
Sa mga nakalipas na taon, wala siyang naging balita kay Dark, gusto man niyang makibalita, pero ayaw naman niyang masaktan kung malalaman niyang meron na itong girlfriend or pamilya, dahil kasalanan naman niya ang pag iwan dito.
Sa ilang taon niyang wala sa Pilipinas ngayon lamang siya kinabahan. Lalo na at ibinalita sakanya nasa darating na mga buwan ay kailangan niyang bumalik sa Pilipinas, dahil siya ang kinuhang modelo ng isa sa sikat na resorts doon, ang DWM Resorts isa sa pinakamaganda at pinaka sikat na resorts ngayon sa Pilipinas.
Bago pa lang ang Resorts, pero sikat na ito. Dahil siya ang isa sa pinakasikat na model ngayon, ay kasama siya sa inanyayahan para maging modelo ng beach na iyon, para mas makilala ito hindi lang sa buong Pilipinas kundi pati na rin sa buong mundo.
Hindi naman siya minamadali ng manager niya, dahil six month pa ang tapos ng kontrata nila sa New York kaya mahaba ang pagkakataon niyang mag-isip kung sasang-ayon siya sa gusto ng kaibigan. Pero sinasabi ng puso niya na dapat umuwi s'ya ng Pilipinas, pero ang utak niya ay natatakot, dahil nahihiya siya, at isa pa mahal pa rin niya ang dating kasintahan.
Matapos maubos ang wine sa wine glass niya, ay pinili na rin ni Jeana na pumasok sa loob. Gusto niyang makapag-isip ng maayos. Gusto niyang bumalik sa Pilipinas, pero sana sa pagbabalik niya, nasakanya pa rin ang puso ni Dark. Pero paano naman mangyayari ang bagay na iyon kung alam ni Jeana sa sarili niya kung gaano ito nasaktan ng mas pinili niyang umalis at iwan ito.
Hindi na alam ni Jeana kung paano siya nakatulog. Ang alam lang niya, nahiga na siya sa kanyang kama, habang hinihintay na igupo siya ng antok.