CHAPTER 4

1716 Words
" Ganoon ba? guwapong multo pala ang tingin mo sa akin?" Anitong nanatiling napakunot-noong sabi sa kanya. " Y-yes sir.. ang guwapo po ninyo sir! Gusto ko kahit isang halik mo lang ay parang nasa langit na po siguro ako sir!" Ni hindi nahihiyang sabi niya sa binata. Ang totoo'y iyon ang gusto niyang pagkakataon na sabihin rito na napakaguwapo nito at ipadama rito na gustong-gusto niya ito. Para namang napalunok siya ng laway nang nabigla pa ito sa kanyang sinabi at halatang di ito makapaniwala na sabihin niya iyon rito. Salubong ang mga kilay na hinagod siya nito ng tingin at naningkit ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Balewala naman sa kanya ang nakikitang tila nagalit ito sa sinabi niyang gusto siyang mahalikan man lang nito. Ang buong akala niya ay nagugustohan nito ang kanyang pagpapadamang nagkagusto siya rito subalit nagkamali pala siya. " Behave yourself and stop flirting with men, especially with someone like me who's your boss. Do you understand? you're so young, but you're already acting like this. Maawa ka sa tatay mo, huwag kang pasaway, kahapon pa kita napapansin." Matigas ang mga katagang sambit at panenermon sa kanya ni Sir Juancho. At matalim siyang tinapunan ng tingin nito bago tuloyang tumalikod. Napatakip siya sa kanyang bibig. My god, dapat ba siyang mahiya? kung di lang siya pagagalitan ng tatay niya ay itatanong niya sana rito kung dapat ba siyang mahiya, eh nagkagusto lang naman siya agad kay Sir Juancho. Kasalanan ba niya iyon na naging guwapo ang kanyang among binata kaya siya nagkagusto at nangarap siya kahit isang halik man lang? OMG, mas lalong naging guwapo si sir Juancho nang senermonan siya nito! " Hmmmp! bahala ka sir, basta gusto kita at nangarap lang naman ako kung paano mo yakapin at halikan! ipapakita ko sa'yo na di na ako bata! Charr. Magbihis na nga ako kakainis!" Sabi pa niya at tuloyan na siyang pumasok sa kanyang kuwarto. Magkatabi lang ang mga kuwarto nilang mga katulong sa Villa. Kaya malapit lang ang kanyang kuwarto sa kuwarto nina aling Tina at Manang Berta. Eksaktong katatapos lang niya magbihis at mag-ayos sa sarili ay pinuntahan siya ni aling Tina dahil siya'y pinatawag daw ng girl friend ni Sir Juancho sa labas ng Villa, kung saan may mga upuang at isang table na nilagay doon sa ilalim ng mga malalaking punong kahoy sa labas. Nag-alinlangan naman siyang lumapit sa mga ito baka alam ni ma'am Jessica ang kanyang sinabi kay Sir Juancho at baka siya'y pagalitan nito. Napilitan nalang siyang lumapit at pumunta sa labas ng Villa kung saan ang mga ito nagtambay. Nakita niyang naroon din ang dalawang kaibigang lalaki ni Sir Juancho. At nagmeryenda pa ang mga ito roon. Hinatiran ang mga ito ni aling Tina ng Juice at bukod pie. Agad napatingin sa kanya Ang among binata nang siya'y paparating sa kinaroroonan ng mga ito. Nakita niyang nagsalubong na naman ang mga kilay nitong nakatingin sa kanya. Akala siguro nito na kusa lang siyang lumapit roon na hindi ipinatawag. Ganoon paman ay taas-noo parin siyang naglakad papunta sa mga ito. Malakas talaga ang self confidence niya dahil feeling niya nh Oras na yun ay fresh at magandang-maganda siya. Nakita naman niyang matamis siyang nginitian ni Ma'am Jessica. " Come here Mariella!" Excited pang kaway sa kanya ni Jessica. " Why sweetheart? Anong kailangan mo kay Mariella?" Maang pang tanong ni Juancho sa girl friend nito. " Maganda ang boses niya sweetheart, So naisip kong pakantahin siya habang makipaglambing ako sa'yo at ipa video ko kay Mark para may i-content ako at mapanood sa mga followers ko, oh diba?" Sabi pa ni Jessica. " What??" Sambit ni Juancho. " Yes sweetie, sayang kasi ang pagsama ko sa'yo dito na hindi man lang makagawa ng magandang content bago ako makauwi.. Sayang ang ganda ng paligid ng lugar." Dagdag pang sabi ni Jessica. " Right pare, okay din ang naisipan ni Jessica." Sabi pa ni Johnry ang isang kaibigang kasama ni Juancho. " Marunong kabang kumanta?" Tanong pa ni Mark kay Mariella. " Yes sir! mahilig akong kumanta." Agad niyang sagot sa nagngangalang Mark. At muling napadako ang tingin ni Juancho sa dalagitang katulong nila sa Villa at anak sa isa sa mga bantay nila sa Rancho. At lihim namang natuwa si Mariella na nakatingin sa kanya ang binatang amo kaya nagpakitang gilas naman siya para mas lalong mapansin ni Sir Juancho. "Ano pong kakantahin ma'am Jessica, sisiguraduhin ko po na magugustuhan niyo ni Sir Juancho ang kanta ko." Sabi pa niya at nakangiting humarap sa girl friend ng among binata. " Wow! that's good Mariella, kantahan mo kami ng kantang Romantic na alam mo." Sabi pa ni Jessica at sabay itong kumandong muli kay Juancho. Hindi naman siya nagseselos, ang tanging naramdaman niya ay pagkainggit lang at gusto niyang maramdaman kung ano din kaya ang maramdaman kung siya ang kumandong sa kanyang sir Juancho? Siguro ang sarap ng feeling! At hindi niya maiwasang mapangiti habang niyapos ang sarili at napatingin sa ibabaw habang iniimagine niyang siya ang nasa kandungan ni Sir Juancho. " Hey Mariella!" Untag sa kanya ni Jessica. Kaya natigil naman siya sa kanyang saglit na imahinasyon. At lihim namang napangiti ang dalawang kaibigan ni Sir Juancho sa kanya, nahuli niyang sa kanya ang mga ito nakatingin. " Sorry ma'am Jessica." Sabi pa niya at napangiti rito. " Sige na, Ano bang iniisip mo? Mark! paki video na at ready na si Mariella, please.." Pakiusap na sabi ni Jessica habang nakakandong ito kay Juancho at napayapos ang dalawang braso nito sa leeg ng binata. Napapailing nalang si Juancho. Nagkatagpo yata ang kanyang girl friend at ang dalagitang katulong nila sa Villa ng Rancho nilang iyon. Wala itong magawa kaya pinagbigyan nalang nito ang girlfriend sumama pa naman ito upang mag-enjoy sa Rancho nila. "Okay!" Tugon ni Mark sabay napatayo. " Start?" Tanong pa nito. " Okay, start!" Sagot naman ni Mariella kay Mark na hindi man lang nahiya at nakipagsabayan sa mga ito. At sinimulang kantahin agad niya ang kanta ni Aiza Seguerra na kahit alam niyang luma na iyon pero sinadya niyang iyon ang kantahin dahil may mensahe ang kantang iyon. Sobrang lamig at ganda naman ng kanyang boses kaya natahimik ang lahat at napaurong sina Jessica at Juancho pati na ang mga kaibigan ni Sir Juancho. Hangga't sa dumating sa koru ng kanta at sobrang ganadong napapikit pa siya sa pagkakanta with feelings. -Pagdating ng panahon baka Ikaw rin at ako... Baka t***k ng puso ko'y maging t***k ng puso mo.. Sana nga'y mangyari yun.. Kahit di palang ngayon .. Sana ay mahalin mo rin pagdating ng panahon..- Patuloy pa sana siya sa pagkanta subalit biglang nagsalita si Ma'am Jessica. " Wait, wait..Mariella, bakit yan ang kinanta mo? nagmamahalan naman kami ni Juancho, at Hindi na need na isa sa amin ang mangarap na mahalin ang isa't -isa." Reklamo pa ni Jessica. " Ay sorry po Ma'am Jessica, Sige palitan ko nalang po.." Nakangiti niyang tugon rito. Ngunit natigilan sila nang bigla nalang tumayo si Juancho . " Tama na, biglang sumakit ang ulo ko, I want to rest sweetheart." Ang sabi ni Juancho. Kaya natigil naman sila at binigyan nalang siya ng tip ni Ma'am Jessica kahit hindi nito nagustuhan Ang kinanta ni Mariella dahil bukod sa tagalog iyon ay luma pa at hindi pa bagay para sa mga ito ni Sir Juancho. Mabilis lumipas ang mga araw ay sumapit na ang Isang linggo nina Juancho sa Villa kaya naghanda na ang mga bisita ng binata upang uuwi na. At si Juancho naman ay mananatili muna sa Villa at sabay na ito sa ina nitong si madam Walsonia kapag pupunta ang mga ito roon. Tumawag kasi ang Ina kay Juancho na pupunta na rin ito sa Villa ng Rancho next month kaya sabay na ang mga itong uuwi sa Maynila. Magbakasyon kasi ng dalawang buwan ang binata roon sa Rancho dahil pagkatapos ay magpadespida na ito sa Mansion sa Maynila kung makauwi mula sa pagrerelax sa Villa at pagkatapos ay magpa america na rin ang binata. Si Sir Juancho nalang ang natira Kasama nila sa Villa nang una nang umuwi ang girlfriend nito at dalawang kaibigan. Nalaman pa nilang aalis na rin pala si Jessica papuntang Canada pag ito'y makauwi na ng Maynila. Kaya pala sumama ito kay Juancho roon sa Villa ng Rancho upang makapagbonding ito ng mabuti sa kasintahan dahil aalis na pala ito. Isang linggo namang magkatabi ito at si Juancho sa kama dito sa Villa kaya satisfied na ito bago umuwi. At nag-enjoy din ito sa presensya ni Mariella roon sa Villa. Binigyan pa nito ng cash si Mariella bago ito umuwi kaya nagpapasalamat naman si Mariella dahil Ang bait ni Ma'am Jessica. Pero hindi iyon dahilan na Mabait si Ma'am Jessica upang itigil na niya ang kanyang mga pantasya kay Sir Juancho. Isang hapon. kauuwi lang ni Mariella mula sa paaralan, araw kasi iyon ng lunes kaya pumasok siya at sa tuwing dumating na siya mula sa school ay di na siya pinatatrabaho pa ni Manang Berta. Kahit mataray ito sa kanya at lagi siyang kinukurot ay parang Lola na niya ito at mahal siya ni Manang Berta . Nasa tapat palang Siya nang Villa sa may pintuan banda ay kitang -kita na niya si Sir Juancho na kakapasok lang mula sa labas. NAKASUOT lamang ito ng boxer kaya napapalunok pa Siya sa nakitang mga balahibo nito sa paa at binti at naka white t-shirt ito. Tiningnan niya ang buong paligid at Wala naman sina Manang Berta, Siguro'y nasa kusina ito nagluluto at nakita niyang wala si aling Tina. May bigla siyang naisip na kalokohan, paano kung .. kung bibiglain niya si sir Juancho at sabay yayakapin niya ito buhat sa likuran nito? Siguro ay maramdaman rin ni Sir Juancho ang mainit niyang pagmamahal rito! at mapansin siya nito. At dahil sa kanyang batang isip ay ginawa nga ni Mariella ang kanyang kalokohang naiisip. " Hi Sir Juancho!! Good afternoon!" Bati niya rito mula sa likod nito at sabay yakap rito ng mahigpit sa among binata na siyang labis namang ikinagulat ni Juancho! " What the hell you're doing!?" Galit na sigaw sa kanya nito. " I heart you sir.." Sabi pa niya na hinigpitan pang lalo Ang pagkayakap sa guwapong among binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD