CHAPTER 1
Habang naghuhugas ng mga pinggan si Mariella ay pakanta-kanta pa siya ng kanyang paboritong kantang tagalog. Masaya kasi siya ng araw na iyon dahil binigyan siya ng malaking allowance sa school ng kanyang tatay Brando. Inipon niya lang kasi ang sahod niya para sa kanyang pag-aaral ng kolehiyo someday at hindi iyon ginalaw.
Araw iyon ng byernes at wala silang pasok kaya tumulong siya ng araw na iyon kay aling Berta at sa kasama nitong si Aling Tina. Maaga palang ay gising na sila at ganado siyang naghuhas ng mga pinggan ng umagang iyon.
Isang taon na silang nakatira ng kanyang tatay Brando sa Villa ng mga Montemayor, sa Rancho ng mga ito. Isa kasi ang kanyang tatay sa mga nagbabantay sa buong Rancho at siya naman ay dinala na rin ng kanyang tatay sa Ranchong ito upang doon na titira pagkatapos mamatay sa sakit ang kanyang Ina.
Once a month lang dadalaw ang kanilang amo roon. Kagustohan rin naman ng mga Montemayor na doon na rin siya titira upang may makakatulong din kay Aling Berta at sa isang kasama nitong katulong sa tuwing wala siyang pasok sa School. At siya'y sinasahoran din sa araw na nakapagtrabaho siya sa villa kapag walang pasok. Si Aling Berta at ang kasama nitong si Aling Tina ay kinuhang tagapaglinis ng buong Villa at tagapagluto na rin kung sakaling may mga among darating upang magbisita o magbakasyon sa Ranchong ito.
At apat naman na bantay ang kinuha ng mga Montemayor upang aalagaan ang buong Rancho lalo na ang mga kahayupan tulad ng mga baka, Kabayo, kambing at meron pang mahigit limang daang karnero ang inaalagaan ng mga ito. Isang Bilyonaryong pamilya ang mga Montemayor na naging amo nila at nasa Maynila nakatira ang mga ito. Dadalaw lang isang beses sa isang buwan sa Rancho ang mga ito upang i-check sila at ang Rancho lalo na ang mga kahayupan, dahil sa sobrang busy din ng mga ito.
Pag-aari ng mga Montemayor ang isa sa mga sikat na kompanya sa buong pilipinas, ang JM INVESTMENTS CORPORATION or (JMIC) at iyon ang dahilan na busyng-busy ang mga ito dahil may mga inaasikasong new investors ang mga ito sa sariling kompanya, kung kaya ang anak nalang munang nagngangalang JUANCHO ang pupunta ngayon sa Rancho upang mangsahod na rin sa kanila.
" Hoy! Mariella, bilis-bilisan mo naman ang kilos mo. Mamaya eh, darating na si Sir Juancho, ang anak ng nagmamay-ari ng Ranchong ito. Kailangang matapos na natin ang paglilinis ng buong Villa pati na sa mga kuwarto bago makarating ang amo natin. Kailangang palitan pa natin ng bago ang mga kurtina at pati na ang limang kuwarto na madalas gamitin sa Villang ito, at ang mga bedsheets, diosko! Narinig ko pa namang may mga kasamang bisita si Sir Juancho. Walang problema sa pagkain dahil nakaluto na ako kung ano ang mga paborito daw ni Sir Juancho na uulamin. Madaling araw palang ay tinawagan na ako ni madam Walsonia kung anong iluluto para sa anak niya, hindi ko pa kasi nakita ang batang 'yan, at ngayon pa yan makakapunta sa Rancho nila dito sa La Trinidad. " Ang sabi pa ni aling Berta sa kanya na parang nababahala sa mga pararating na anak ng amo nila at sa mga kasama nitong bisita.
Kaya nagmamadali naman siya upang matapos na ang kanyang ginawang paghugas sa mga pinagkainan nila.
" Malapit na po ito Manang Berta. Kalma lang po kayo Manang.." Sagot naman niya sa may edad na kasama niya sabay ngiti rito.
" Paano ako kakalma eh, ang bagal mong kumilos, pakanta-kanta ka pa diyan! hay naku, bilisan mo para matulongan na si Tina sa paglalampaso dahil ako'y kukuha muna sa kabinet at maghanda ng mga bagong kurtina at bedsheets!" Ang sabi pa nito.
"Sige po manang.. heto na nga patatapos na." Aniyang parang nawala na ang ganang kumanta.
Ito talaga ang pinaka ayaw niya sa lahat, iyong darating ang kanilang amo, para bang bawat kilos nila ay nagmamadali silang lahat.
" Hay naku! bawi nalang ako kapag uuwi na ang amo namin." Sabi pa niya.
Matapos nga siya sa kanyang ginawa ay pinuntahan nga niya si Tina, ito ay ang asawa din sa isa sa mga nagbabantay ng Rancho Montemayor.
Siya lang ang matatawag na bata pang katulong sa loob ng Villa Montemayor. Nasa Seventeen years old palang siya at siya'y nag-aaral ng high school sa La Trinidad National High school sa Benguet. Wala na siyang ina dahil bata palang siya ay iniwan na siya nito at ito'y sumasakabilang buhay na at tanging ang kanyang tatay Brando nalang ang natitira sa kanya at ito nalang ang kanyang pamilya kaya mahal na mahal niya ang kanyang tatay.
Siya'y di naman talaga matatawag na maganda, kundi tsakto lamang ang kanyang beauty ngunit malakas naman ang kanyang confidence at feeling niya'y napakaganda niya at magkamukha sila ng artistang si Maja Salvador.
Para pa siyang nahahapo nang matapos nilang lahat ang ginawa nila. Kaya napakaganda na at sobrang linis Ang buong Villa pati Ang mga arrangement nito sa loob.
Di nagtagal ay isang mamahaling Rolls-Royce na kotse ang huminto sa tapat ng malawak na Villa ng mga Montemayor sa Ranchong iyon. Maayos at maganda lang naman kasi ang daanan kaya deretsong nakapasok ang mamahaling kotse ng anak ng mga Montemayor. Nakasilip lang sina Mariella, Aling Tina at Manang Berta mula sa kanilang tinatambayan sa likod ng villa. Katatapos lang din nilang mag arrange ng mga halamang nakalagay sa pot.
" Nandito na si Sir Juancho, diyan na muna kayo at sasalubungin ko sila." Ang sabi ni Manang Berta.
" Sige po Manang Berta." Tugon ni Aling Tina rito at siya naman ay nasa tabi lang ni Aling Tina.
Nakita nilang pumanaog mula sa magarang kotse ang isang desente, matangkad, at nakapaguwapong binata na nasa edad na bente kuwatro! at may kasama itong dalawang lalaki at Isang babae. Makinis at maganda ang babaeng kasama ng mga ito pero mukha namang mabait ang mukha nito. Nanigas si Mariella sa kinauupuan dahil di niya maipaliwanag ang kanyang naramdaman nang makita niya ang binatang unang pumanaog sa kotse. Alam niyang iyon ang anak ng kanilang amo dahil nasa Front seat ito at ang babaeng kasama nito. Samantalang ang dalawang lalaking kasama ay nasa back seat ang mga ito.
" Aling Tina.. " Sambit niya at tila nanlalamig.
Hindi niya mapigilang ma attractive agad sa binatang anak ng mga Montemayor. Sobrang guwapo at sobrang lakas ng s*x-appeal nito!
" Oh bakit Mariella?" Takang-tanong pa ni aling Tina.
Nakita nilang pumasok agad ang mga ito sa loob ng Villa.
" Ang guwapo ng amo natin Aling Tina! jusko, sobrang guwapo niya!" Di niya napigilang tumili habang sabihin iyon kay aling Tina.
" Ssshhh.. bunganga mo Mariella, baka marinig ka sa amo natin at sa mga kasama niya hindi ka ba nahihiya?" Saway sa kanya ni Aling Tina.
" Aling Tina naman eh, wala namang masama sa sinasabi ko, at hindi naman mali siguro kung magka crush agad ako sa amo natin. Pwedi rin naman sigurong pang display itong ganda ko kung sakaling magustohan niya ako diba? maganda kaya ako.." Aniya rito na ang lakas ng tiwala sa kanyang sarili.
" Hoy, hoy, isusumbong kita sa tatay mo ha, tumigil kang bata ka, baka makurot ka pa ni Manang Berta kapag isusumbong kita. " Saway muli ni Aling Tina na sabay siyang pinandilatan ng mga mata nito.
"Si Aling Tina naman." Ang sabi naman niya na tumahimik nalang.
Dumulog agad sa komedor ang anak ng kanilang amo kasama ang dalawang bisitang lalaki at isang babae. Nakahanda na kasi ang mga pagkain sa mesa at kinuhaan nalang agad ng mga takip ni aling Berta upang kumain na agad ang mga ito.
" Kayo po ba si Manang Berta?" Tanong ni Juancho sa matandang babaeng sumalubong at naggiya agad sa kanila papunta sa loob ng Villa hanggang sa komedor.
" Yes Sir, Ako si Manang Berta." Ang sagot ni Manang Berta.
" Ilan kayo dito? " Tanong ni Juancho habang patuloy din sa pagkain.
" Tatlo kaming katulong dito sir, at apat na BANTAY. Pero bata pa yung isang kasama naming katulong dahil seventeen palang siya at nag-aaral pa ng High school kaya ang trabaho niya dito sa Villa ay Saturday at Sunday lang." Sagot ni Aling Berta.
" Ahh okay Manang. I'll be staying here at the ranch for two months, but my friends will only stay here for a week." Muling sabi ng binata.
" Ahh Sige sir.." Tugon naman ni Aling Berta.
"Tawagin niyo lang kami sir Juancho , kung may iuutos po kayo." Ang Dagdag pa ni Aling Berta.
"Okay thanks Manang." Sagot naman ng binata nilang amo.
Tinalikuran naman ni Manang Berta ang mga ito. Dinig na dinig pa ng matanda ang masayang pag-uusap at pagkakatuwaan ng mga bagong dating. Narinig pa ni Aling Berta na nagugustohan ng mga ito ang lugar ng Rancho at balak ang mga itong magbonding agad kinabukasan.
Binalikan ni Manang Berta sina Aling Tina at Mariella sa labas ng likod sa Villa.
" Naku Tina, Mariella, sabi ni Sir Juancho dalawang buwan pa daw siya dito at ang kanyang mga kaibigang kasama ay isang linggo pa mananatili rito." Mahinang sabi ni Manang Berta sa kanila.
" Ano!?? kung ganoon ang tagal pa pala." Sabi naman ni aling Tina.
" Wow! kilig naman ako. hehe." Ang sabi pa ni Mariella sabay yakap sa sarili.
Kunot-noong tiningnan naman siya ni aling Berta dahil sa kanyang sinabi.