CHAPTER 3

1562 Words
Nakamasid lang si Mariella sa mga ito at nainggit tuloy siya sa girl friend ni Sir Juancho dahil kitang-kita niya na parang mahal na mahal ni sir Juancho ang girl friend nito. Mabait nga ang girl friend nitong si Jessica subalit parang na shocked pa siya nang ito ang kusang humalik sa labi ni Sir Juancho. At muli pa siyang namangha nang maalab na naghalikan ang mga ito sa mismong harap niya. My god, anong akala ng mga ito sa kanya ay statua lang sa tabi? Oh baka sadyang bata lang ang tingin ng mga ito sa kanya? Kung hindi siya nagkamali ay mga nasa twenty-four na ang mga edad nito kaya mga seven years ang gap ng mga ito sa kanya kung totoo man ang hula niya. So kung ganoon, bata ang tingin ng mga ito sa kanya kaya ni hindi nahiya man lang na naghalikan sa kanyang harapan. Natahimik naman siya sa kanyang kinauupuan ni hindi niya alam kung anong gagawin niya , tatayo ba siya at aalis doon o mananatili nalang siya hanggang dumating sina Manang Berta at ang kanyang tatay Brando. Mabuti naman at natapos agad ang mainit na halikan ng mga ito. At muling napatingin sa kanya si Jessica. " Pasensya kana sa amin Mariella.. huwag ka munang gumaya sa amin ha dahil bata kapa.. mag-aral ka ng mabuti." Matamis na wika ni Jessica. " Tama, huwag kang pasaway. You should have something to be proud of in your life, and I'm sure your father will be pleased." Ang sabi pa ni Sir Juancho sa kanya. Tama nga siya! bata nga ang tingin ng mga ito sa kanya! Sasagot sana siya na di na siya bata subalit biglang nagsipagdatingan sina Manang Berta at ang kanyang tatay Brando. At napatingin sa kanya ang kanyang tatay Brando. At pati na sina Manang Berta. " Anak, Ako na Ang kukuha sa sahod mo, maghugas ka muna doon ng pinagkainan." Utos sa kanya ng kanyang tatay Brando. " Mabuti pa Mariella, ano bang ginagawa mo ditong bata ka, ni hindi ka nahiya kina sir Juancho at Ma'am Jessica." Sabi pa ni aling Berta ngunit hininaan nito ang boses na halos ibinulong lang iyon sa kanya. Para naman siyang nainis at tumayo nalang at walang lingun-likod na tumungo sa kusina ng Villa upang maghugas na naman ng pinggan sa lababo. Subalit nagulat pa si Mariella nang nakasunod sa kanya roon si Manang Berta. " Manang Berta? bakit po?" Takang-tanong niya rito. " Sinundan talaga kita dito. Matapos kang maghugas ng pinggan ay palitan mo yang maiksing short mo. Nakakahiya Mariella, halos makita na yang pwet mo! pasaway ka, huwag mong ipahiya tatay mo ha. Bilisan mo na upang di kita makurot." Galit na sermon ni Manang Berta sa kanya. Napakamot nalang siya sa kanyang ulo. " Si Manang Berta naman." Ang sabi pa niya. At hindi na ito nakinig pa sa kanya, agad itong bumalik sa sa malawak na sala ng Villa. " Hayysss.. hindi ako susuko, ngayon lang ako nagkagusto at kay sir Juancho pa iyon. Bahala na't katulong lang ako basta masubukan ko lang sandali ang mga yakap at halik ni si sir Juancho ay okay na ako. Nakakabaliw naman, ang guwapo niya at nakakainggit nang makita ko kung paano niya hinalikan si Ma'am Jessica. Oh, no.. I like you sir Juancho." Sabi pa niya habang yakap-yakap ang sarili. Bahala na kung titikman lang siya at gawing palipas Oras ni Sir Juancho basta maranasan man lang niya kung paano halikan nito at yakapin tulad sa ginawa nito kanina sa girl friend nito. Jusko, ano ba itong nararamdaman niya? wala naman siyang balak sirain ang buhay niya at mga pangarap, ang sa kanya lang ay maranasan man lang kung paano mahalin kahit saglit lang ng binatang amo na kahit ngayon palang niya nakita ay gustong-gusto na niya ito. Kinabukasan ay maaga pang nagising si Juancho at ang girlfriend nitong si Jessica pati na ang dalawang lalaking kaibigan ni Juancho na sina Mark at Johnry. Habang hindi pa nakapagluto ng almusal si Manang Berta ay namasyal muna ang mga ito sa buong Rancho gamit ang mga kabayo. Sinamahan ang mga ito ng kanyang tatay Brando At siya naman ay dahil araw ng sabado ay maaga din siyang tumulong kay aling Tina na magdilig sa mga halamang bulaklak sa paligid ng Villa chine-check pa naman ni madam Walsonia ang mga iyon sa tuwing ito'y makapunta ng Rancho. Nagwalis rin siya sa buong paligid sa mga tuyong dahong nalaglag mula sa malalaking punong kahoy sa paligid ng Villa. Fresh ang hangin sa buong paligid ng Villa at malamig iyon at talagang hahanap-hanapin ng mga makakapunta roon. Maya-maya'y dumating na ang mga namamasyal. Ang amo nilang si Sir Juancho at ang mga bisita nitong kasama. Mga dalawang oras siguro ang mga itong namasyal dahil mga alas singko palang ng umaga ay umalis na ang mga ito kasama ang kanyang tatay Brando at nasa alas otso na nang umuwi ang mga ito sa Villa. Tamang-tama sa pag-aalmusal ng mga ito. Si Manang Berta naman ang mag- aasikaso ng mga ito kapag sa pagkain na. At siya'y taga hugas lamang at tutulong kay aling Tina sa paglilinis. At ngayong may bisita Sila ay siguro maglaba na rin sila ni Aling Tina. Pagkatapos nga mag-almusal ang mga ito ay tinawag naman agad siya ni Manang Berta upang makapaghugas na ng pinggan. At nakasanayan na niyang kapag maghugas sa Umaga ay kakanta siya ng mga favorite song niya Tagalog man o English. -And if, Forever's not enough for me to love you, I'd spend another lifetime baby... If you ask me too.. There's nothing I want do.. Forever's not enough for me to love... You so..- Yan ang kanyang kinanta habang naghuhugas ng pinggan. Ganado niyang kinanta iyon dahil favorite song niya by Sarah Geronimo. Maganda din kasi ang boses niya at minsan na siyang nanalo sa singing Contest sa paaralan nila. At talagang mahilig siya sa pagkakanta. Habang kinakanta niya iyon ay nasa likuran lang pala niya si Ma'am Jessica. Nilapitan siya nito roon upang utusang labhan ang mga damit ng mga ito ni Juancho. Nagulat nalang si Mariella na may pumalakpak sa kanyang likuran. Kahit mahina lang naman ang kanta niya ay nagagandahan sa kanyang boses si Ma'am Jessica. " Wow, you have a beautiful voice!" Sabi pa ni Jessica sa kanya. Nabigla naman siya at natigil sa pagkanta. " T-thank you po ma'am Jessica.." Tila nahihiyang Sagot niya rito. Ang bait talaga nito at para siyang nakokonsensyang pinapantasya niya ang boy friend nitong si Sir Juancho. " Mariella, matapos kang maghugas ng pinggan ay labhan mo muna yung kunting labahin namin ni Juancho at sa dalawang kaibigan niya, at bibigyan kita ng tip, may ginagawa kasi yung nagngangalang aling tina kaya ikaw nalang muna maglaba non. At pagkatapos mo namang maglaba ay siguro mga hapon na, gusto kong kakantahan mo kami ng Love song ni Juancho doon sa labas ng villa at bibigyan din kita ng tip okay??" Sabi pa nito sa kanya. " Wow! talaga po ma'am Jessica?" Sabi pa niya rito. " Yes, dahil nagustuhan ko yung voice mo at tiyak na magustohan din yan ni Juancho lalo na't maglambingan kami habang may kumakanta tulad mo at how romantic na idagdag pa Ang ganda ng view sa paligid hindi ba? Ayusin mo dahil ipa video ko kay Mark na Kasama namin.." Nakangiting sabi nito sa kanya. Naisip niyang iba din ang trip nitong girl friend ni Sir Juancho pero okay lang dahil magkakapera Siya sa mga ito. Mapalapit pa siya kay Sir Juancho ay magkakapera pa siya at makakakanta pa siya. Kinilig tuloy siya nang maisipang mapalapit siya sa kanyang among binata. " Okay ba Mariella?" Tanong pa nito sa kanya. " Y-yes po ma'am.. Sige mamaya po labhan ko agad yung mga labahin niyo at gagawin ang inutos niyo." Sabi niya rito. " Okay thanks!" Masiglang sabi nito at nagpaalam na agad ito sa kanya. Nagmamadaling tinapos na niya ang paghugas ng mga pinggan upang maka proceed agad siya sa paglalaba ng mga damit nina Sir Juancho at sa mga bisita at sa girl friend nito. Madali lang naman niya natapos ang mga labahin ng mga ito at agad muna siyang nagpahinga. Si Aling Tina nalang ang naghugas ng mga pinggan na pinagkainan ng lahat sa tanghali. Si Manang Berta naman ay namalengke sa lungsod sa La Trinidad Vegetable trading post dahil Wala ng stocks ang ref sa Villa na mga Karne at frozen. Nag-iwan lang ng budget rito ang kanilang among babae na si Madam Walsonia para sa ipamamalengke nila na kakailnganin sa loob ng Villa. Nang makapagpahinga si Mariella ay naligo agad Siya sa kanilang banyo. May sarili kasi Silang banyo na mga katulong. May mga shower room ang bawat kuwarto ng kanilang amo sa Villang iyon. Matapos siyang naligo sa banyo ay lumabas siyang nakatapis ng tuwalya. At di pa nga siya nakarating sa kanyang kuwarto ay nabigla pa Siya nang masalubong niya ang among binata! Nagsalubong pa ang kanilang mga mata nito, di niya alam na naglibot pala ito sa loob ng buong Villa. Halatang-halata ang pagkagulat niya, Parang malaglag pa tuloy ang tuwalya niya dahil sa gulat. " Oh, why Mariella? why were you surprised?" Kunot-noong tanong ni Sir Juancho sa kanya. " Ahhhmm kasi sir, ang guwapo ng multong nakasalubong ko dito ngayon." Pilyang sagot niya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD