CHAPTER 5

1770 Words
Galit na kinalas ni Sir Juancho ang kanyang mahigpit na pagkayakap rito. At nanlilisik ang mga matang hinarap siya nito. " I don't like what you're doing! Get yourself together!" Galit na galit na bulyaw sa kanya ni Sir Juancho. Pero parang di naman siya tinablan sa mga pagsigaw nito sa kanya. "Pero sir, kasalanan po bang magkagusto ako sa'yo?" Sabi pa niya rito. At mas lalong ikinainis iyon ni Juancho. Bigla namang dumating si Manang Berta at nakita nito ang ginawa ni Mariella at narinig lahat ang sinabi niya sa among binata. " Jusko, pasensya kana po sir! " Biglang sabi ni Manang Berta na kararating lang at parang ang matanda pa ang nahihiya sa kanyang ginawa. " Manang Berta, paki disiplina nga sa kanya." Sabi pa ni Sir Juancho at agad na tumalikod. Halatang inis na inis ito sa ginawa ni Mariella. Parang natatakot naman si Mariella nang sila nalang ang naiiwan ni Manang Berta. Matalim siyang tiningnan ni Mamang Berta at pagkatapos ay kinurot siya nito sa singit. " Aray!! Manang Berta naman oh!" Reklamo pa niya sa ginawang pagkurot ng matanda. " Pumasok kana doon sa kuwarto mo Mariella upang makapagbihis kana ng Uniform mo! pag ito'y malaman ng tatay mo ay siguradong mapapalo ka talaga niya!" Asik pa ni Manang Berta. Akala nila ay dalawang buwan talagang manatili si Sir Juancho sa Villa subalit bigla nalang itong nagdesisyon na uuwi dahil tumawag ang ina nitong si madam Walsonia na di na muna ito makakapunta sa Rancho dahil may biglaan silang reunion na gaganapin kaya umuwi nalang si Sir Juancho. Nalungkot naman ng labis si Mariella sa pag-uwi ng binatang amo. Para siyang baliw na hindi lumalabas sa kanyang kuwarto at lihim na umiiyak. Nagkagusto talaga siya sa among binata kahit na sabihing hindi siya nito pinagtuonan ng pansin. Yakap-yakap niya ang malaking unan habang ito'y nasa kanyang imahinasyon. Hindi niya mapigilang mangarap sa edad niyang seventeen years old na sanay balang araw ay magiging sila ng among binata. Parang biglang naging boring ang buong Villa simula nang umalis at umuwi na ang kanyang among binata. Nakaupo siya ng hapong iyon sa labas ng Villa kung saan may mga upuan at mesang nakalagay sa ilalim ng mga Punong kahoy. Siya lang at si Manang Berta ang nasa Villa at ito'y nagluluto sa kusina habang siya'y nasa labas at katatapos lang magwalis sa buong paligid ng Villa. Araw iyon ng Linggo kaya siya'y walang pasok. Hindi pa dumating mula sa kahayupan sa Ranchong iyon ang kanyang tatay Brando at pati na ang mga kasama nito. At si Aling Tina naman ay umuwi ito sa bahay nito at bukas na ng Umaga iyon babalik rito sa Villa. Malungkot niyang pinagmasdan ang buong paligid sa labas ng Villa. Hindi niya maiwasang mangarap mg mangarap sa kanyang among si Juancho. " Hayyss.. kailan ka kaya babalik Sir? miss na miss na kita. Sana hindi nalang kita nakilala hindi sana ako magkaganito ngayon. May mga pangarap ako sa buhay sir, Una, gusto kong makapagtapos ng pag-aaral sa isang mataas at kilalang paaraalan ng mga mayayaman at pangalawa, gusto kong maging isang mang-aawit. At pangatlo gusto kong maranasan man lang kung ano ang feeling na yakapin, halikan at saglit na paliligayahin mo sir Juancho. Nababaliw na siguro ako pero nagpakatotoo lang ako na mahal kita, sobra." Aniyang Mahabang nagsasalitang mag-isa. At gusto niya sa kanyang mga pangarap ay si Sir Juancho ang una niyang makamit. Dahil pag makamit niya ang kanyang among binata ay alam niyang mas gagawin niyang inspirasyon ito upang makamit din niya ang ibang pangarap sa buhay. Tama, kailangang focus muna siya sa ngayon sa kanyang pag-aaral dahil pag oras na babalik sa Villang ito ang binatang amo ay gagawin niya agad ang lahat upang maakit at maangkin lang siya ng binata. Okay lang kung hindi siya panagutan nito kung sakaling aangkinin siya nito basta ang importante ay maranasan man lang niya kung paano ito humalik. Lalo na pag siya'y angkinin nito at pag mangyari iyon ay alam niyang langit na iyon para sa kanya. " Oh, Sir Juancho! iniibig kita ng buong puso." Sabi pa ni Mariella at wala sa sariling niyakap Ang sarili. Hindi naman lingid kina Manang Berta at Aling Tina ang malaking pagkakagusto ni Mariella kay Sir Juancho. Ang tatay Brando naman niya ay walang kaalam-alam tungkol sa kanyang malaking pagkakagusto kay Sir Juancho. Hindi naman ipinaabot iyon ni Manang Berta sa kanyang tatay dahil sa pag-aakalang bunga lang ng kabataan ng kanyang isipan kung bakit ganoon nalang ang ipinakita niyang pagkakagusto sa kanilang among binata. ______ Mabilis lumipas ang mga araw at buwan kaya di nalang namalayan ni Mariella na siya'y ganap ng dalaga sa edad niyang bente anyos. Tatlong taon na ang nakalipas simula nang umalis si Sir Juancho at umuwi sa Maynila at ito'y hindi na nakabalik. Nabalitaan nalang nilang sa America ito nagtapos sa pag-aaral ng kursong Bachelor of Business Management kaya pala na di na ito nakabalik pa sa Rancho. At Minsan ay ang dalawang kapatid ng mga ito na babae ay sumubok ding nagbakasyon roon sa Rancho kasama ng mga ito ang inang si Mrs. Walsonia Montemayor or si madam Walsonia. Si Mariella naman ay nag-aaral na ng kolehiyo ngunit di naman niya gusto ang kursong education na kinuha niya. Iba kasi talaga ang nais niyang kurso at iyon ay ang Fashion Design course. Kaya lang ay masyadong mataas lamang ang kursong hinahangad niya at hindi iyon nakayanan ng kanyang tatay Brando na isa lamang sa mga bantay ng mga kahayupan sa rancho ng mga Montemayor. Isang Araw ay narinig niyang nagkausap sina aling Tina at Manang Berta at nabanggit ng mga ito ang pangalan ni Sir Juancho. Hindi lang niya gaanong marinig iyon. Paaalis na siya papuntang paaralan at natigilan lang siya nang marinig ang pag- uusap ng mga ito kaya saglit siyang nagpalapit ng kunti sa mga ito upang malinaw niyang marinig ang usapan. Napadaan lang kasi siya sa may bandang kusina ng Villa at naroon sina Manang Berta at Aling Tina. Nagtulongan Ang mga ito habang may mga hinandang lulutuin. " Magtatagal daw sila ritong mag-ina. Nagkasakit kasi si Madam Walsonia kaya dumito muna sila sa Villa, kailangan daw kasi nito ang laging fresh na hangin at dahil gusto din ni Sir Juancho na makapag relax ulit rito ay sasama din ito sa ina." Mahabang sabi pa ni Manang Berta. " Ganoon ba Manang Berta." Sabi pa ni Aling Tina. At siya naman ay napaurong dahil sa narinig. Bigla nalang siyang kinabahan na di niya maintindihan. Dali-dali naman siyang humakbang paalis bago pa siya madiskitahan nina Manang Berta at Aling Tina na nakikinig sa usapan ng mga ito. Ang akala kasi ng mga ito umalis na iya dahil siya'y nakapagpaalam na sa mga ito. Habang pasakay siya ng pampasaherong Trycicle papuntang school ay di niya maipaliwanag ang tuwa. Muli niyang makikita si Sir Juancho after Three years! at excited siyang muli itong makita. _______ Buong maghapong hindi naka concentrate sa School si Mariella dahil nasa kay Sir Juancho lang ang kanyang isipan. Akala niya ay makalimutan niya ito ngunit lumipas nalang ang tatlong taon buhat nang ito'y umalis sa Villa ay di na talaga niya ito nakakalimutan magpahanggang ngayon. At dahil hapon na ay umuwi na nga siya sa Villa. Mas lalo pa siyang natuwa nang pagdating niya ay isang magarang kotse ang nakaparada sa garahe ng Villa at sigurado na talagang nandito na Pala Sina Sir Juancho at ang Ina nitong si Madam Walsonia! Wait, mapapansin na kaya siya ni Sir Juancho? Mas okay na siya ngayon kumpara noong Seventeen palang Siya. Sumeksi siya ngayon at may magandang kurba ng katawan kahit sabihing di siya maputi dahil laking probinsya siya ay Fights na yun! Pagpasok niya sa Villa ay si madam Walsonia kaagad ang kanyang nakitang kausap ni Manang Berta sa malawak na Sala ng Villa. " M-magandang hapon po Madam.. at M-manang Berta." Pagbibigay galang niya sa mga ito at sabay napayuko saglit. " Oh, Mariella! mabuti naman at tuloy ang pag-aaral mo." Sabi pa ni madam Walsonia sa kanya. " Yes po madam. Nag-aaral ako kahit ayoko sa kursong kinuha ko ngayon." Tugon naman niya rito. " Ha, But Why?" Ang sabi naman nito. " Hindi kasi kaya ni Tatay ang kursong gusto ko kaya education nalang itong kinuha ko." Ang sagot naman niya. Lihim niyang nilibot ang paningin ngunit di niya makita si Sir Juancho. " Pero okay na 'yan Mariella, Ang importante ay may matatapusan ka." Sabi ni Madam Walsonia. Mabait talaga ang babaeng amo nila na ina ni Sir Juancho. Ang among lalaking Daddy naman ni Sir Juancho ang may pagka strikto. Kaya parang takot Sila kung ito ang makapunta sa Villa. " Oh Sige na Mariella, magbihis kana muna upang ikaw nalang ang magdilig ng mga halaman sa labas ng Villa dahil may ipapaluto sa amin ni Tina si Madam." Utos pa ni Manang Berta. " Okay po Manang Berta, excuse me po Madam.." Paalam pa niya kay Madam Walsonia. " Oh Sige Mariella." Tugon pa ni Madam Walsonia. Nagmamadaling nagbihis naman siya at pagkatapos ay lumabas agad ng Villa at kinuha ang hose na ginagamit nila pandilig sa mga halaman. At natigilan naman siya nang makita sa likod ng Villa ang nakatalikod na matangkad na lalaki na may tamang pangangatawan. Naka Jogger itong kulay blue at nakasuot ng Sandong kulay black. Kumabog ng malakas ang kanyang dibdib dahil alam niyang si Sir Juancho iyon! Timing namang napalingon ito sa kanya habang ito'y palakad-lakad roon at nagmamasid sa buong paligid sa likod ng Malaking Villa. At muli niyang nasilayan ang sobrang guwapo nito na parang makalaglag panty iyon!. Natigilan din ito nang makita siya. " Sir Juancho!! kumusta!?" Di niya napigilang tanong rito at sabay humihingal na lumapit rito kaya napahinto ito at mariin siyang tinitigan nito. " Oh, Mariella, you're still here at the Villa until now?" Tanong pa nito sa kanya habang siya'y tinitigan nito. At parang hindi pa nito nagustohan ang kanyang presensya. " Bakit po Sir? Ayaw mo na ba akong makitang muli rito? Alam mo naman siguro noon pa na dito na kami ni Tatay pinatira ni Madam Walsonia." Sabi pa niya rito. "I don't know. Maybe I just forgot about it." Hindi nakangiting tugon nito sa kanya. " Salamat po sir, na nagbalik po kayo rito." Sabi naman niya rito. Kumunot naman ang noo nitong muling tumingin sa kanya. " BaKit?" " I missed you so much Sir Juancho." Hindi nahihiyang sabi niya at seryoso din ang kanyang hitsura. Nanlaki ang mga mata ng guwapong binata dahil sa walang prenong sinabi niya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD