" Are you sure Mariella? you miss me?" Subok pang tanong ng binata sa kanya subalit ang ekpresyon sa mukha nito ay naroon ang pagkainis sa kanya.
Kinabahan naman siya ng di niya maintindihan at sinalubong ang mga matitiim na tingin sa kanya ng kanyang among binata. Walang kupas ang kaguwapohan nito. Mas nadagdagan pa iyon.
" Ahh yes po sir! walang halong biro, I miss you so much, bahala na kung anong sabihin po ninyo. Natutuwa akong bumalik kayo dito sa Villa." Sabi naman niya rito na ngumiti at nagpapa cute rito.
" So you still like me.." Sabi pa ng binata.
At parang hinihila siya sa matitiim na mga tingin nito sa kanya.
" Masama ba sir? Ang magkagusto sa tulad niyong mala Adonis?" Hindi na niya talaga mapigilan ang sariling sabihin iyon sa among binata. Kahit ngayon palang niya ulit ito nakaharap pagkalipas ng tatlong taon.
Saglit naman itong muling nagulat sa sinabi niya.
" Okay lang naman Mariella na magkagusto ka sa akin, hindi kita pipigilan. It's your choice. But don't expect me to reciprocate your feelings, because that won't happen." Ang sabi nito sa kanya na halatang nagpipigil ito sa pagkainis nito sa kanya at kaagad siyang tinalikuran.
Natulala naman siyang naiwan. Kahit masakit na ang salitang iyon ni Sir Juancho sa kanya ay parang di parin siya tinatablan. Mas nangingibabaw parin ang laki ng pagkakagusto niya rito.
" Hmmp, ayaw mo pa sa akin sa ngayon sir, pero darating din ang araw na hahanap-hanapin mo rin ako." Nakataas ang kilay niyang sabi.
At tuloy-tuloy na siyang nagdilig sa mga halaman ng hapong iyon.
Iba talaga ang nararamdaman ni Mariella para bang biglang sumigla ang kanyang mga kilos lalo na't nakakausap pa niya kanina si Sir Juancho at Isang tingin lang nito sa kanya ay parang maligayang-maligaya na siya. Atleast kahit di siya nito magugustuhan at himalang may katugon ang Feelings niya rito ay sapat na sa kanya na kinakausap at napapansin siya nito.
" Oh, sir Juancho. Bakit ba ganito katindi ang pagnanais ko sa'yo? Sobrang mapang-akit kasi ang karisma mo.. alam kong maraming babaeng nagkakandarapa sa'yo kaya himala na lilingunin mo ako pero bahala na, gusto kita, sobra." Sabi pa niya na nagsalitang mag-isa habang patuloy sa pagdidilig ng mga halaman.
Matapos niyang diniligan ang mga halaman ay pumasok na siya sa loob ng Villa. Narinig niyang dumating na pala ang kanyang tatay Brando at ang mga kasama nito ay nagsiuwian na dahil di Naman stay-in ang mga ito sa Villa. Ang kanyang tatay Brando lang na bantay ang stay-in at nakatira sa Villa ng Rancho.
Nakasanayan nang makipag-usap ang kanyang tatay Brando sa mga Montemayor dahil matagal na kasi itong nanilbihan bilang bantay sa Rancho kaya kabisadong-kabisado na ito sa mga Montemayor na Isang mabuting tao. Maliit pa nga lang siya ay nasa Rancho na ito nanilbihan noong hindi pa namatay ang kanyang nanay Marla sa sakit.
Gusto ni Madam Walsonia na sumabay na sila sa hapunan kaya pilit na pinadulog sila nito sa Mesa. Bukod sa mabait kasi ang Ina ni Juancho ay hindi rin ito maarte at Hindi matapobre.
Nakipagsabay nga silang lahat Kumain sa mag-inang Madam Walsonia at Sir Juancho Montemayor. Tahimik lamang si Mariella habang kumain Silang lahat at nakikinig lang siya sa usapan ng mga ito. Lihim naman niyang sinusulyapan si Sir Juancho habang sila'y kumakain. Nakita niyang tila Wala itong pakialam at Kumain lang ito ng kumain. Grabe ang paghanga niya sa guwapong among binata dahil kahit sa paraan ng pagkain nito ay nagugustohan niya.
Kinabukasan ay sabado at wala siyang pasok sa School kaya siya na ang inutusan ni Aling Tina na siya nalang maglinis ng kuwarto ng umagang iyon sa bawat kuwartong inookopa nina madam Walsonia at ni Sir Juancho dahil mag garden ang mga ito at si Madam Walsonia ng mga bagong ipapatanim nitong mga imported na bulaklak na sadyang binili nito upang itanim at padamihin sa Villa.
Excited naman siya at pinili niyang suotin ang Short niyang kulay kaki at pinarisan iyon ng Spaghetting kulay pula sa pang ibabaw. Sinuklay niya muna ang kanyang medyo kulot na buhok na hanggang balikat at nagpahid kunting lipstick sa labi at naglagay din ng kunting polbo sa Mukha. Para maging maganda naman siyang tingnan kunti ni Sir Juancho. Kahit sabihing marami na siguro itong nakasalamuha na iba't ibang magaganda at social na mga babaeng mayayaman ay umasa parin siyang matukso niya si Sir Juancho at matikman man lang nito ang kanyang mga labi. At pwedi rin namang higit pa roon!
Sa isiping iyon ay kinikilig siya ng todo. Ano kaya Ang feeling kung aabot sa sitwasyong paliligayahin Siya ni Sir Juancho? Jusko, sobrang tuwa niya siguro kung mangyari iyon. Bahala na basta baliw na siya sa kanyang among binata. Naisip niya tuloy kung gaano ka swerte ang mga naging girlfriend nito dahil natikman ng mga ito ang matamis at init na katawan ni Sir Juancho.
Natapos na niyang nilinis ang kuwarto ni madam Walsonia kaya tumungo naman siya sa kuwarto ni Sir Juancho. Nakapinid ang pinto ng kuwarto nito kaya marahan niyang kinatok iyon.
" Sir .. Sir.. si Mariella po ito. Maglinis lang sana ako ng kuwarto niyo." Ang sabi pa niya.
Subalit walang sumagot mula sa loob. At laking dismaya niya nang maisipan na nasulyapan niya pala kanina si Sir Juancho na maagang lumabas ng Villa. So, ibig sabihin ay hindi pa pala ito nakabalik.
" Hayys, sayang.. Wala si Sir." Sabi pa niya at itinulak nalang ang door knob upang papasok Siya sa loob.
Pagkapasok niya ay nakita niyang wala ngang tao sa loob kaya naglinis nalang Siya roon. Inayos niya ang mga unan sa kama ni Sir Juancho at ang mga kumot nito ay tinupi niya iyon. Hanggang sa naamoy niya ang panlalaking amoy ni Sir Juancho sa kumot na ginamit nito.
Walang pag-alinlangang niyakap niya Ang kumot at inamoy-amoy iyon.
" Oh, Sir Juancho, ang bango ng kumot mo, parang Ikaw lang yata ang niyakap ko." Sabi pa niya at napapikit ng mariin at mahigpit na niyakap ang kumot at inamoy-amoy niya iyon ng ilang beses.
Bigla namang bumukas ang pinto ng kuwartong iyon ni Sir Juancho at agad na may pumasok roon na Wala namang iba kundi ang kanyang among binata !
Natigilan pa si Juancho nang maabutan nito si Mariella na yakap-yakap ang kanyang kumot habang inamoy-amoy iyon habang napapikit.
Natigil naman si Mariella sa ginagawa at napamulat ng mga matang nasalubong ang mga tingin ni Sir Juancho sa kanya!
" Sir Juancho!?" Gulat pang sambit niya.
" Why are you in my room? what are you doing here??" Nagsalpukan ang mga kilay na tanong ng binata sa kanya.
Hindi niya napigilang mapalunok nang lapitan siya nito at mariing tinitigan. Napadako ang tingin niya sa mga malalaking muscle nito na bakat na bakat dahil sa fit na suot nitong t-shirt na kulay black. At nakakatunaw ang mga titig nito sa kanya.
" S-sir.. " Nanginginig pa niyang sambit na di napigilang hinagod niya ng tingin ang machong katawan nito.
" For god's sake Mariella, ganyan kaba ka baliw sa akin, na pati kumot ko'y yayakapin at hahalikan mo? hmmm??" Sabi pa nito sa kanya at mas nilapitan pa siya nito.
" Sorry po Sir. Yes sir... pangarap kasi kita Sir hanggang ngayon." Nanginig pa niyang sagot rito.
Natawa naman ito sa kanyang sinabi.
" But.. are you ready to get hurt? Alam mo namang hindi ang mga tulad mo ang magugustuhan ko." Sabi pa nito sa kanya.
" Naiintindihan naman kita Sir eh, pero wala akong magagawa dahil hindi ko naman mapigilan Ang sarili kong mangarap sa'yo at magmahal sa'yo ng ganito .." Hindi nahihiyang sabi niya.
"Talaga??" Sabi pa ng binatang amo.
" Yes Sir, sorry dahil mahal kita Sir at pangarap ko lang naman na matikman ang mga halik mo at mga yakap." Sabi pa niya rito.
Talagang disperada na siya dahil sa laki ng pagkakagusto niya sa binatang amo at nagmarka bahala nalang siya. Basta para sa kanya ay kaligayan niya lang maranasan kung gaano kasarap humalik ni Sir Juancho.
Hinagod ni Juancho ng tingin ang kanilang katulong. Hindi naman ito marumi, mukhang malinis naman ito at maarti subalit himalang magkakagusto Siya sa nga tulad nito Lalo na't puro mga magaganda at mga sexyng babae ang mga naghahabol sa kanya. Pero parang napakalaki ang pagkakagusto nito sa kanya. Kaya pwedi na rin itong pampalipas oras niya habang nandito Siya sa Villa.
Hindi naman nahiya si Mariella na nakipagtitigan sa binatang amo. Malagkit siya nitong tinitigan hanggang hindi naman siya nakatiis ay bigla siyang napayakap sa binata.
" I Love you Sir. Hindi ko alam kung bakit ganito nalang katindi ang nararamdaman ko. Bahala na't hindi mo ako totohanin basta maranasan ko lang din sa piling mo." Sabi pa niya rito na parang wala na sa tamang katinuan.
At nagulat nalang siya nang bigla nalang siyang gantihan ng mahigpit na yakap ni Juancho at siniil ng halik sa labi.
First time niya iyon! kaya sobrang nanginig Siya sa ginawa ng binatang amo. Atleast, pinatulan siya nito! at labis na niyang ikinatutuwa iyon! Kahit first time niyang makipaghalikan ay pilit niyang maging magaling sa pagganti ng mainit na mga halik nito! Sobrang kilig ang naramdaman niya ng mga sandaling iyon. Imagine, hinalikan siya ni Sir Juancho! matagal, mapusok at parang nakakapugto ng kanyang hininga!
Napakapit siya ng husto sa batok nito at patuloy na ninanamnam ang mga halik nito . Hanggang sa lumipat ang mga halik nito sa kanyang leegan kaya mas lalo siyang nag-init sa ginawa ni Sir Juancho.
" Hindi ako makapaniwala nito Sir.. Sabihin niyong hindi ako nanaginip please.. sabihin po ninyo Sir.." Pakiusap pa niya habang nakapikit at hinayaan ang binatang amo sa ginagawa nito.
Ginantihan pa niyang pisilin ang mga muscle nito sa dibdib kaya parang nagustuhan naman ni Juancho ang kanyang ginagawa.
" Pagbibigyan kita sa gusto mo. But you could stop me if you wanted to, And I'll just stop. okay?" Bulong nito sa kanyang tenga.
"No, Hindi kita patitigilin Sir. Hahayaan kita sa gusto mong gawin.." Ang tugon niya habang nakapikit at nanatiling nakayapos sa binata.
Naramdaman niyang kapwa sila natumba sa kama nito at mas lalong naging agresibong muli siyang siniil ng halik ni Sir Juancho pati na sa kanyang buong katawan..