Chapter 4

1087 Words
Wesley Point of view “Hindi ko na alam kung gaano katagal na akong nakatayo sa pintuan, habang pinapanood ang taksil kong boyfriend kung paano nitong angkinin ang aking Step sister. Nang mga sandaling ito ay pakiramdam ko san libong karayom ang tumusok sa puso ko. Gusto kong sumigaw dahil sa matinding sakit na nararamdaman ko ngunit walang tinig na lumalabas sa bibig ko. Malakas ang panginginig ng katawan at nag manhid na yata ang buong pakiramdam ko. Ni ang huminga ay tila nakalimutan ko na yata, at halos wala na akong maaninag dahil sa mga luhang namumuo sa aking mga mata. Parang pinupunit ang puso ko dahil sa matinding sakit, lalo na ng masaksihan ko kung paanong umungol sa sarap ang taksil kong boyfriend. “L-Lander...” sa wakas nagawa ko ring bigkasin ang kanyang pangalan, ngunit hindi ko alam kung narinig ba nila ito, dahil tila singaw lang yata ang lumabas sa bibig ko. Ilang sandali pa ay biglang huminto sa paggalaw si Lander mula sa likod ni Marice ng maramdaman yata nito ang aking presensya. Ganun na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng makita niya ako na nakatayo sa may pintuan. Base sa ekspresyon ng mukha nito ay wari moy si kamatayan ang kanyang kaharap. “Wesley?” Hindi makapaniwala na sambit niya sa pangalan ko, ilang segundo bago siya nahimasmasan. Mabilis na lumayo sa katawan ni Marice at kaagad na dinampot nito ang kanyang brief at natataranta na isinuot ito. “Babe, let me explain, please.” Di magkandatutu na sabi ni Lander habang naglalakad palapit sa akin. Nang huminto siya mismo sa aking harapan ay tila doon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob. Umangat ang aking kamay at isang malakas na sampal ang pinadapô ko sa kanyang pisngi. Malakas ang tahip ng dibdib ko at hinihingal ako na wari mo ay galing sa mahabang pagtakbo. “Bakit mo nagawa sa akin ‘to? Dahil ba hindi mo magawa sa akin kung ano ang ginawa mo sa malanding ‘yan!” Galit kong tanong sa garalgal na tinig, habang matiim na nakatitig sa kanyang mga mata. “No, Babe, nagkakamali ka ng iniisip.” Natataranta na sagot ng boyfriend ko habang pilit ako nitong hinahawakan sa magkabilang braso. “Stay away that filthy hand's from me, don’t you dare to y to touch me!” Galit kong bulyaw sa kanya kaya naudlot ang tangkang paghawak niya sa braso ko. “Oh, come on, Lander, why don’t you tell her, kung gaano natin kamahal ang isa’t-isa?” Preskong pahayag ni Marice na tila hindi man lang apektado sa presensya ko. Mukha pa nga siyang nagmamalaki kung umasta. Pagkatapos sabihin iyon ay lumipad ang tingin ko sa mukha ng boyfriend ko. “Shut up, Marice!” Galit na sigaw nito kay Marice. “You don’t need to explain, Lander, sapat na ang mga nasaksihan ko para malaman kung anong klaseng tao ka at kung gaano ka-kakati ang babaeng ‘yan!” Matigas kong pahayag sabay bato ng isang nakamamatay na tingin sa mukha ni Marice. Kita ko na tumalim ang tingin sa akin ni Marice at napalis ang nang-aasar nitong ngiti. “Now, satisfied? Do you think, nanalo ka na dahil nakuha mo na ang boyfriend ko? You are definitely wrong, magsama kayong dalawa dahil bagay kayo, isang user at isang parausan!” Nang-iinsulto kong sabi. “How dare you!” Galit na saad ni Marice na ngayon ay suot na ang malaking t-shirt ng boyfriend ko. Mabilis na lumapit siya sa akin at akmang sasampalin ako nito ngunit naunhan ko na siya. Mabilis kong nahatak ang kanyang buhok kaya nauwi ang lahat sa isang sabunutan. “Enough!” Galit na saway sa amin ni Lander at ng magtagumpay ito na mailayo si Marice ay saka niya ako binalingan. “Let’s talk later, Wesley.” Matigas na sabi niya kaya nagpanting ang tainga ko, sa tingin ba niya pagkatapos ng mga nasaksihan ko ay may dapat pa kaming pag-usapan? Huh? “Wala na tayong dapat pag-usapan pa, dahil hindi ko kailangan ang isang walang kwentang tao na katulad mo sa buhay ko, break na tayo.” Matatag kong pahayag bago pumihit patalikod sa kanila. “No, hindi ako papayag!” Galit na sabi ni Lander mula sa aking likuran ngunit hindi ko na ito nilingon pa at malaki ang mga hakbang na tinungo ang elevator. “Wesley!” Matigas niyang tawag sa pangalan ko hanggang sa tuluyan ng naglapat ang pintuan ng elevator. Napa-hagulgol ako ng malakas at parang gusto ko ng magwala ng mga oras na ito. “Where have you been? Hindi ka man lang ba marunong maawa sa ama mo? Lagi mo nalang kaming nilalagay sa kahihiyan!” Ito kaagad na sumalubong sa akin pagpasok ko sa pintuan ng aming bahay. Batid ko kung ano ang tinutukoy nito, nagpatuloy lang ako sa paglalakad at diretsong umakyat ng hagdan na wari mo ay wala akong nakita, ni naririnig. “Bastos kang bata ka! Kinakausap pa kita wala kang galang!” Nanggagalaiti na sigaw ni Tita Sandra ngunit wala akong pakialam at pabagsak na isinarado ko ang pintuan ng aking kwarto. “Ahhhh!” Malakas kong sigaw at buong lakas na ibinato ko ang aking bag sa pader. Hindi pa ako nakuntento at binuhat ko ang bangko saka hinampas ito sa sahig. Naramdaman ko ang pagtama ng matigas na bagay sa aking braso ngunit hindi ko na ininda pa iyon. Dahil mas iniinda ko ang hapdi mula sa aking puso. “Bakit ba lahat ng lang ay gusto niyang agawin akin? Akala ko ba mahal mo ako? Pero bakit nagawa mong ipagpalit ako sa mang-aagaw na ‘yan.” Tanong ko sa kawalan habang patuloy akong umiyak. Kasalukuyan akong nakasalampak sa sahig habang nakatalungko at nakapatong ang noo ko sa aking mga braso. “Wesley, buksan mo ang pintuan na ‘to!” Narinig kong sigaw ng madrasta ko mula sa labas ng aking kwarto. “Simula ng dumating kayo sa buhay namin ay nagka letse-letse na ang buhay ko!” Anya ng isang munting tinig mula sa aking isipan. Mabilis na tumayo ako at dinampot ang lampshade at ubod lakas na ibinato ko ito sa may pintuan. “Get out of my life!” Buong pagkasuklam kong sigaw kasabay ng pagtama ng lampshade sa dahon ng pintuan. Hinihingal ako habang matalim ang mga mata na nakatitig sa naka-saradong pintuan. Pakiramdam ko ay mag-isa na lang ako sa mundo at tila wala ng magandang patutunguhan ang buhay kong ‘to.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD