Chapter 5

1351 Words
Mula sa lobby ng Blaise Corporation ay maayos na nakahilera ang lahat ng mga empleyado sa magkabilang panig ng lobby. Ngayong araw ng Lunes ay dumating sa bansa ang ka-business partner ni Mr. Tucker, si Mr. Asher Walker. At ngayon, kasalukuyan silang naghihintay sa entrance ng kumpanya. Sa kabila ng pagiging kalmado ni Mr. Tucker ay matinding kabâ ang nararamdaman niya ng mga oras na ‘yun. Habang sa kanyang tabi ay taas noo na nakatayo ang kanyang asawa na si Sandra Tucker. Halos ilang taon na rin ng huling bumisita si Mr. Walker sa kanilang kumpanya, at ngayon, napilitan itong bumalik ng bansa dahil sa malaking problema na kinakaharap ng kanilang kumpanya. Dahil sa malaking problema ng kumpanya ay nanganganib na mapatalsik sa kanyang posisyon si Mr. Tucker bilang CEO. Malakas ang kanyang hinala na maaaring pumalit sa kanyang pwesto ang batang Walker. Dahil ang pamilyang Walker ang may pinakamalaking shares sa kanilang kumpanya. Ngayong araw ay nakatakdang maganap ang pagpupulong ng mga board member upang talakayin ang lumalalang sitwasyon ng kumpanya.Tumayo ng tuwid ang lahat at inihanda ang pinakamaganda nilang ngiti ng huminto sa tapat ng entrance ang isang itim at mamahaling kotse. Matinding excitement ang nararamdaman ng lahat na masilayan muli ang gwapong mukha ni Mr. Walker. Habang ang mga kababaihan ay ibayong kilig ang nararamdaman na halos nanghahaba na ang kanilang mga leeg sa pagtanaw sa nakaparadang sasakyan. Ilang sandali pa, sabay na napasinghap ang lahat ng bumaba mula sa magarang sasakyan ang isang binata na may matapang na awra. Tila kay damot nitong ngumiti, o mas tamang sabihin na tila hindi nito alam ang salitang ngiti. Wala ni anumang ekspresyon na makikita sa mukha nito habang naglalakad papasok sa entrance ng lobby. “ Good afternoon Mr. Walker, welcome back.” Halos i-isang tao na bati ng mga empleyado sa kanya. Nang matapat ito sa kinatatayuan ni Mr. Tucker ay kaagad na inilahad ng matanda ang kanang kamay sa harap ni Mr. Walker. “It’s been years when the last time I saw you, Mr. Walker, welcome home.” Si Mr. Tucker na may magandang ngiti na nakapaskil sa kanyang mga labi. “Thank you.” Tipid na sagot ni Mr. Walker ng hindi man lang ngumingiti habang nakikipag kamay sa kanyang kausap. Mabilis namang inilahad ni Sandra ang kanyang palad upang sanay batiin si Mr. Walker. Ngunit, pagkatapos na magbitaw ng mga kamay ang dalawang lalaki ay kaagad na pumihit si Mr. Walker paharap sa direksyon ng elevator at nilampasan lang nito si Sandra. Nakaramdam ng matinding hiya si Sandra dahil sa lantarang pambabastos sa kanya ng binata. Hindi kaagad siya nakahuma kaya na-iwan siya ng mga ito. Pinuno niya ng hangin ang kanyang dibdib bago marahas itong pinakawalan. Isa-isa niyang sinulyapan ang lahat ng empleyado at nag-iwan ng isang matalim na tingin sa mga ito. Taas-noo na sumunod sa kanyang asawa at umakto na tila hindi apektado ng matinding kahihiyan. Pagpasok ni Mr. Walker at Mr. Tucker sa conference room ay sabay na tumayo ang lahat ng mga board member bago sabay na bumati. Tahimik na naupo si Mr. Walker sa isang bakanteng upuan na nakalaan lamang sa kanya, habang si Mr. Tucker ay umupo sa pinakasentro ng mahabang lamesa. “I’m so sorry Mr. Tucker, pero nakapag desisyon na ang lahat na si Mr. Walker ang papalit sa iyong pwesto. Batid namin na nauunawaan mo ang aming mga desisyon, bumase lang kami sa performance ng kumpanya sa loob ng dalawang taon.” Anya ng isang board member sa malungkot na tinig. “Kailangan na nating kumilos bago pa tuluyang malugmok ang kumpanya sa matinding pagkalugi. Kinikilala namin ang magandang serbisyo mo at hindi lingid sa aming kaalaman kung gaano kang kasigasig na maitaguyod ang kumpanya. Ngunit, sa tingin namin ay maaaring hanggang dito na lang talaga ang lahat ng iyong makakaya Mr. Tucker. Panahon na marahil na palitan ka na sa pwesto, at huwag naman sanang sasama ang loob mo. Naging patas kami sa pagbuo ng isang desisyon.” Mahabang paliwanag ng isa pang board member. Nalungkot si Sandra ng marinig ang naging desisyon ng mga board member, ngunit maging siya ay walang karapatan na panghimasukan ang desisyon ng mga ito. Marahas na nagpakawala ng buntong hininga si Mr. Tucker, bagsak ang kanyang mga balikat habang ang awra nito ay parang pinagsakluban ng langit at lupa. “I understand, and I respect kung anuman ang naging desisyon ninyo.” Malungkot na pahayag ni Mr. Tucker habang hinahagod ng kanyang asawa ang likod nito. “Wala ng botohan na nangyari dahil nagkasundo na ang lahat, and Congratulations, Mr. Walker, you're the new CEO of Blaise Corporation.” Nakangiting anunsyo ng isang board member na nasa tapat ng kinau-upuan ni Mr. Walker. Ngunit, tahimik lamang si Mr. Walker at nanatiling blanko ang ekspresyon ng kanyang mukha. Kahit walang natanggap na anumang reaksyon mula sa binata ay masaya pa rin siyang binati ng lahat. Habang si Mr. Tucker ay nanatiling walang imik sa isang tabi. May trenta minuto na ang lumipas simula ng matapos ang meeting ng mga board member at tanging si Mr. Tucker at Mr. Walker na lang ang natira sa loob ng conference room. Nagpakawala ng isang marahas na buntong hininga si Mr. Tucker bago nito sinimulang magsalita. “You know, believe me or not I’m trying my best para masagip ang kumpanya mula sa pagkalugi, pero hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari. You know how much this company means to me.” Malungkot na pahayag ni Mr. Tucker habang nanatili sa kanyang upuan ngunit ang mga mata nito ay nakatitig sa kawalan. Mula sa kanyang gilid ay seryosong nakaupo si Asher habang naka de kwatro. “I don’t care about your sentiments, you know me Mr. Tucker, business is a business.” Makahulugang saad ni Asher na sa unang pagkakataon ay ngayon lang ito nagsalita. Muling humugot ng isang malalim na buntong hininga si Mr. Tucker bago malungkot na tumingin sa binata. “Yes, I understand, marahil kung hindi sayo ay baka matagal ng wala sa akin ang kumpanyang ito, perhaps, it’s time to give up, matanda na ako, panahon na rin siguro para magpahinga mula sa mabigat na responsibilidad. I understand that I can't do anything if you take over my company. But it can be acquired from me once you marry my daughter, Wesley. You know, hindi sa binablockmail kita, pero iniisip ko kung ano ang mararamdaman ng anak kong si Wesley sa oras na malaman niya na wala na sa amin ang kumpanya ng kanyang Mama.” Ani ni Mr. Tucker na tila nasasaktan sa kanyang mga sinabi. Halatang labag sa loob nito ang kanyang naging desisyon ngunit kailangan niyang maging practical. “That’s all? Then no problem, I will marry your daughter.” Seryosong sagot ni Asher na parang nakikipag negotiate lang sa isang negosyo na batid niya na hindi lang kapital ang kanyang makukuha kundi may kasama pang interest. Imbes na matuwa si Mr. Tucker dahil sa pagsang-ayon ng kanyang kasosyo ay tila nais niyang bawiin ang kanyang mga naging pahayag. Iniisip niya na baka hindi na siya mapatawad ng kanyang pinakamamahal na anak. Kahit na naging iresponsable siyang ama dahil mas inuna pa niya ang negosyo kaysa dito. Mahal na mahal niya ang kanyang anak at hindi masusukat ng sinuman ang pagmamahal niya para sa kanyang nag-iisang unica hija. Ngunit, simula ng mag-asawa siya ay nagkaroon ng pader sa pagitan nilang mag-ama.. “Bigyan mo lang ako ng panahon para masabi ko ito sa aking anak, dahil sigurado ako na isusumpa ako ni Wesley sa oras na malaman niya ang lahat ng ito. Baka hindi na niya ako mapatawad.” Malungkot na pahayag ni Mr. Tucker, tumayo na si Asher at isang blankong tingin ang ibinigay niya sa matanda. “You know na mainipin akong tao, Mr.Tucker, ayoko ng naghihintay ng matagal.” Anya bago ito tuluyang lumabas ng conference room. Malungkot na tumingin si Mr. Tucker mula sa labas ng bintana at mula sa malawak na kalangitan ay tila tukso na lumitaw ang imahe ng kanyang anak. Kasunod nito ay isang marahas na buntong hininga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD