Chapter 3

1648 Words
Mula sa ilalim ng matandang puno ay prenteng nakaupo ako sa damuhan habang ang aking mga libro ay nakalatag sa lapag. Sa ibabaw nito ay nakapatong ang isang puting cartolina na kung saan ay ginagawa ko ang blueprint ng isang urban planning para sa activity namin sa isang subject. Madalas ay dito ako tumatambay sa likod ng St. Angel university. Walang ibang estudyante na makikita sa buong paligid maliban sa akin, dahil ngayon ay abala ang lahat sa kani-kanilang mga klase. Nagkataon naman na vacant period namin kaya may pagkakataon na matapos ko ang blueprint na ito bago pa ang deadline. Masusi kong pinag-a-aralan ang bawat sukat, maging ang disenyo ng aking urban planning habang nakaipit ang lapis sa kanang tainga ko. Konting kembot na lang ay tapos na ito, kahit hindi ko gusto ang kursong ito ay sisiw lang sa akin na matutunan ang lahat. Hindi naman ako iyong klase ng estudyante na halos walang plano sa buhay. Marami akong magandang plano sa buhay at sinisigurado ko na ang lahat ng ‘yun ay maka-kamit ko. Hindi ko naman kasi kailangan na magmadali ika nga darating ang tamang panahon para d’yan. At sana kapag dumating ang panahon na ‘yun ay nasa tabi ko ang aking ama. Isang mabigat na buntong hininga ang aking pinakawalan bago tumingin sa maaliwalas na kalangitan. “Namimiss na kita.” Ang bulong ko sa hangin. Ilang taon na ba ang lumipas simula ng huling nakabonding ko ang aking ama? Halos hindi ko na nga matandaan kung kailan ko siya huling nakasama. Simula ng dumating ang mag-inang ‘yun sa buhay namin ay malaki na ang pinagbago ni Papâ. Inagaw nila sa akin ang tanging meron ako kaya hanggang dun na lang ang galit ko sa aking tita Sandra at sa anak nitong si Marice. Simula kasi ng pumanaw ang aking ina ay nagbago ang pananaw ko sa buhay. Naniniwala ako na maikli lang ang buhay sa mundo kaya dapat hanggat may pagkakataon ay susulitin ko ang bawat sandali na kasama ko ang aking ama. Pero hindi nangyari ang nais ko, dahil ang aking ama ay wala ng panahon sa akin. Puro na lang siya trabaho at ang lagi niyang kasama ay ang step mother ko, si Sandra. Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako, kaya pasimple kong hinawi ang mga luha sa aking pisngi at muling ibinalik ang atensyon sa ‘king ginagawa. “Huh?” Napasinghap ako ng may biglang humalik sa kaliwang pisngi ko, lumitaw ang matamis na ngiti sa mga labi ko dahil sa pagdating ng nobyo kong si Lander. Sa pagpihit ng aking mukha upang lingunin sana siya ay isang mapusok na halik ang sumalubong sa akin. Masuyo ko naman itong tinugon, kasunod nito ay ang pagyakap niya sa akin mula sa likuran. “Sino ang nagpaiyak sa Babe ko?” Malambing na turan nito kaya natatawa na pumihit ako paharap sa kanya. “Wala ka na bang klase ngayon?” Tanong ko bago sumandig sa kanyang dibdib. Mahigpit na yumakap naman sa akin ang mga braso nito. Wala na, kaya maaga akong uuwi ngayon, sabay na tayong umuwi?” Malambing niyang sagot habang hinahaplos ang mahaba kong buhok at manaka-nakang dina-dampian ng magaan na halik ang aking ulo. Mayaman ang pamilya ni Lander at kilala ang kanilang pamilya sa buong lungsod ng Pasig dahil ang kanyang ama ang siyang tumatayong Mayor ng aming lungsod. Matanda lang sa akin si Lander ng dalawang taon at kaedaran siya ni Marice. Mahaba pa ang bubunuin niya sa pag-a-aral dahil kasalukuyan siyang kumukuha ng kursong Medisina. Very close din sila ni Marice, nagkataon lang na ako ang pinili niyang maging nobya, at isang patunay iyon na talagang mahal ako ng boyfriend ko. Kaya naman hindi ako natatakot sa pagiging close ng dalawa dahil alam ko na nasa akin ang loyal nito. “Mauna ka ng umuwi, may klase pa kasi ako.” Sagot ko bago umayos ng upo saka sinipat ang orasan sa bisig ko. Mayroon pa akong labing isang minuto para tapusin ang blueprint na ginagawa ko. “Babe, ang ganda naman ng naisip mong idea, simple pero pang high class ang dating. Nakikita ko na may maganda kang future sa hinaharap kung-“ nakangiti nitong saad na bahagya pang ibinitin ang sasabihin. “Kung ano?” Tanong ko habang nakataas ang kaliwang kilay, lalong lumapad ang ngiti nito na tila natutuwa sa ekspresyon ng mukha ko. “Kung magpapakatino ka na at hindi na gagawa ng gulo, ouch!” Natatawa niyang sabi ngunit napaigtad ito ng kurutin ko ito sa tagiliran. “Masakit, akala mo ba hindi ko alam na pinatawag ka na naman sa guidance kanina ha? Babe, bakit ba hindi mo magawang umiwas sa gulo? Biruin mo ang ganda-ganda ng nobya ko pero ang sama naman ng ugali. ARAY!” Malakas niyang reklamo ng muli ko itong kurutin sa kanyang tagiliran. Magpapayô rin lang may kasama pang lait. “Hindi naman talaga ako ang dahilan ng gulo, sadyang mayabang lang talaga ang mga ka-seatmate ko sa grupo. Alam mo naman na maikli ang pasensya ko.” Pangangatwiran ko pa habang nanghahaba ang nguso ko. “So, anong parusa?” Nakangiti niyang tanong sa akin, isang malungkot na ngiti ang lumitaw sa aking mga labi bago umiling. “As usual, sanction.” Tipid kong sagot bago nagpakawala ng mabigat na buntong hininga. “Hindi naman talaga ako ang nagpasimula ng gulo, malay ko ba na may selosan na palang nangyayari sa paligid ko? At nang nagkainitan na sila hanggang sa humantong sa sabunutan pati ako nadamay.” Paliwanag ko sa kanya, sa totoo lang ay sobra talagang nakakahiya ang nangyaring gulo sa loob ng classroom namin kanina. Imagine we're college students but we act like we're secondary students. “Huh, did your father know about this?” Seryoso niyang tanong, kaya muli akong nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. “Hindi mo na kailangan pang itanong sa akin ‘yan, I’m sure nauna pa ‘yun na malaman ang nangyari kaysa sayo.” Makahulugan kong sagot, batid ko na kahit wala ang step sister ko sa paligid ay may mga mata siyang nakabantay sa bawat kilos ko. “You know, Babe, mabait naman si Marice, I think, kailangan n’yo lang mag-usap ng masinsinan.” Dahil sa sinabi nito ay lalo lang bumigat ang loob ko. “You can’t say that because you don’t know anything.” Seryoso kong sagot na halos hindi na maipinta ang mukha ko. “Maybe you’re right, but don’t worry, na sa’yo naman ang loyal ko, kaya lagi kang tama sa puso ko.” Anya bago ako nito hinalikan sa leeg. Kinikilig na ngumiti na lang ako dahil sa sinabi nito bago gumanti ng yakap sa kanya. “I need to go now, Babe, I love you.” Paalam niya sa akin bago ako nito dinampian ng isang banayad na halik sa labi. “Mag-ingat ka, I love you too.” Malambing kong sagot, tumayo na siya at na iwan akong mag-isa sa ilalim ng puno. Natigil ang pag-iisip ko sa aking blueprint ng biglang tumunog ang alarm na sinet ko. Nagsimula na akong mag-ayos ng aking mga gamit para sa susunod kong klase. Biyernes ngayon at simula sa Lunes ay hindi na muna ako makakapasok dahil sa parusang ibinigay sa akin ng advicer ko. Isang linggo akong expel sa klase kaya pwede ko pang i-revise ang project kong ito at mas lalo pang mapaganda. “Wesley!” Natigil ako sa paglalakad ng marinig ko na may tumawag sa akin. Ang classmate kong Tina pala. “Yes?” Ani ko at hinintay na makalapit siya sa akin. “Postponed ang next subject natin, isinugod si Teacher sa hospital dahil biglang nahigh blood dala ng matinding init. Ang alam ko eh, na-mild stroke daw.” Pagbabalita niya sa akin at sinabayan na ako nito sa paglalakad. “Ganun ba? Hm? Mukhang mapapaaga yata ang uwi ko ngayon, thank you, ha.” Nakangiti kong sabi at ng nasa exit na kami ng university ay naghiwalay na kami dalawa. Mula sa malayo ay nakita ko ang aking service tahimik na lumapit ako dito. Maaga pa naman at siguradong si Tita Sandra lang naman ang dadatnan ko sa bahay. Sigurado akong hindi titigil si tita Sandra sa pagpaparinig hangga’t nakikita ako nito sa paligid. Kaya mas mabuti pang mamayang gabi ng lang ako uuwi. Bigla akong napangiti ng naisip ko si Lander, siguradong magugulat ‘yun kapag bigla akong sumulpot sa condo nito. “Tay, sa San Antonio po tayo.” Ani ko, dahil nandoon ang condo ng boyfriend ko. Makalipas ang halos kinse minuto ay nasa tapat na ako ng gusali. “Tay, mauna na po kayo na umuwi, magpapa-hatid na lang ako kay Lander.” Paalam ko sa aking driver, nakangiti naman siyang nagpaalam sa akin bago umalis. Ang lahat ng mga nakasalubong ko ay pawang mga nakangiti sa akin dahil kilala na nila ako. Madalas kasi akong isama ni Lander sa kanyang condo para maglaro ng games sa mga collection ps4 nito. Alam namin ni Lander ang aming limitasyon at nangako siya sa akin na saka na namin gagawin ang ipinagbabawal na bagay sa oras ma maikasal na kami. Masayang lumabas ako ng elevator at bahagya pa akong kinikilig habang naglalakad palapit sa sa pintuan ng condo ni Lander. Excited na pinindot ko ang passcode nito at narinig ko na nagclick ang pintuan. Hanggang sa kusa itong umawang. Naudlot ang tangkā kong pagtulak sa dahon ng pintuan ng makarinig ako ng mga ungol at halinghing na tila sarap na sarap ang mga may-ari nito. Maingat kong itinulak ang pintuan at ganun na lang ang panggigilalas ko ng tumambad sa aking paningin ang hindi kaaya-ayang eksena na siyang dumurog sa puso ko. Ang boyfriend ko at ang aking step sister na kapwa hubo’t hubad at nagtatalik sa mismong salas ng condo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD