Chapter 01
“Ahhhh!” “Crash!” Halos isigaw ko na ang matinding sakit na nararamdaman ko ng mga oras na ‘to. Hindi pa ako nakuntento ay malakas kong ibinato ang babasaging center table sa pader. Nagsabog ang lahat ng bubog nito sa kung saan at ang ilan pa dito ay tumalsik sa aking katawan. Binalewala ko ang hapdi ng mga sugat sa magkabilang braso ko at maging ang hiwa ng bubog sa aking pisngi. Dahil higit na mas masakit ang sugat sa puso ko na nilikha ng aking kakambal na si Izer. Hindi ko sukat akalain na mismong kapatid ko pa talaga ang ta-traydor sa akin.
Tinalo ko pa ang namatayan ng mga oras na ito, pakiramdam ko ay durog na durog ang buong pagkatao ko. Ilang gamit na ba ang winasak ko? Na halos hindi na mabilang sa daliri. Kahit ubusin ko pa yata ang lahat ng gamit dito sa aking bahay ay hindi nito maiibsan ang sakit na nararamdaman ko.
Nanghihina na napaluhod ako sa sahig, wala akong pakialam sa mga bubog na bumaon sa aking tuhod dahil pakiramdam ko ay manhid na yata ang lahat sa akin maging ang puso ko. Nahagip ng aking paningin ang isang salamin at mula run ay nakikita ko ang aking sarili. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi ko dahil ang hitsura ko ay imahe ng isang talunan.
Ilang sandali pa ay narinig ko na bumukas-sara ang pintuan, pero hindi ako nag-aksaya ng panahon na tapunan ito ng tingin, dahil wala na akong pakialam sa aking paligid.
“Asher! Oh my God!” Narinig kong sambit ni Mommy ramdam ko mula sa kanyang tinig ang labis na pag-aalala. Dinig ko ang pagmamadali mula sa kanyang mga yabag na makalapit sa akin. Ang sunod na naramdaman ko ay ang mainit nitong mga yakap na sinundan ng isang banayad na halik sa aking ulo.
“Son, I’m sorry, wala na tayong magagawa, kailangan mo ng magpaubaya, dahil buntis na si Lovely at magkakaanak na sila ng kapatid mo. Batid ko na masakit para sayo ang lahat, pero sana naman ay isa-alang-alang mo ang kapakanan ng iyong pamangkin.
“Mom, she’s my wife. Lovely is mine pero anong ginawa ng magaling kong kapatid? Inagaw niya ang asawa ko?” Matigas kong wika, ramdam ang galit mula sa aking boses habang ang mga kamao ko ay mahigpit na nakakuyom.
“Ssshhh.. I know, I understand you. Remember, sa tuwing nasasaktan kayo na mga anak ko ay higit akong nasasaktan. Marahil sa ngayon ay hindi mo pa kayang magpatawad, ngunit darating ang tamang panahon at unti-unti mo ring matatanggap ang lahat.” Malumanay na pahayag ni Mommy habang ako ay nanatiling tahimik lamang ngunit walang humpay ang pagpatak ng mga luha ko.
Wala akong nagawa kundi ang gumanti ng yakap sa aking ina, para akong bata na umiyak sa malambot niyang dibdib. Ramdam ko mula sa kanyang mga yakap ang buong suporta nito na siyang nagbibigay na konting lakas ng loob upang maging matatag.
I can’t believe it, na hahantong ako sa ganitong sitwasyon, I’m Asher Walker the second child of Mr. Hades Walker. Known as a successful businessman, all my life I tried to be a responsible child and good brother as well to my twin Izer. But why should I suffer like this?
“Mom, I think I should to find myself, kailangan ko munang lumayo para buuin muli ang pagkatao ko na winasak ng kapatid ko.” Ani ko sa malungkot na tinig, Mom is right, it’s really hard to accept everything, at napakalaki ng naging damage nito sa akin but despite everything that happened, Izer still my brother. Kahit gaano kalaki ang galit ko sa kanya ay hindi ko kayang itakwil siya bilang kapatid.
He is a half of my life dahil isang pusod lang ang nagbibigkis sa aming dalawa.
“I’m sorry,” ani ko bago ito dinampian ng isang banayad na halik sa kanyang noo. Malungkot na pumikit ang aking ina at nang magmulat siya ng kanyang mga mata ay tanging awa na may kalakip na pagmamahal ang nakita ko mula roon. Tumayo na ako at walang lingon-likod na lumabas ng aking silid. Pagdating sa pasilyo ay sumalubong sa akin ang seryosong mukha ng aking ama. Saglit akong huminto sa kanyang harapan habang lagpasan ang tingin ko sa likuran nito.
“Be a man, remember you are my son.” Matigas na saad ni Daddy ngunit ramdam ko ang buong suporta niya sa akin kaya isang malungkot na ngiti ang sumilay sa aking mga labi. “Thank’s Dad.” Sagot ko sa mahinang tinig kasunod nito ay ang pagtapǐk niya ng dalawang beses sa balikat ko. Nagpatuloy na ako sa paghakbang upang tuluyang lisanin ang mansion at harapin ang bagong buhay na hindi ko alam kung may maganda bang patutunguhan.
Mula sa malayo ay pinagmamasdan ko ang aking kapatid na si Izer kasama ang asawa kong si Lovely. Dapat ay diretso na ako sa airport ngunit natagpuan ko na lang ang aking sarili na nakatanga sa harap ng bahay ng aking kakambal na si Izer.
Kasalukuyang inaalalayan ni Izer si Lovely habang bumababa ang mga ito ng hagdan. Makikita sa mukha ng aking kapatid kung gaano niya kamahal ang aking asawa, at hindi maikakaila ng magandang awra ni Lovely ang pagmamahal niya para kay Izer. Muling gumuhit ang sakit sa dibdib ko at hindi ko alam kung hanggang kailan maghihilom ang sugat sa puso ko na nilikha ng dalawang taong mahalaga sa akin.
Makailang ulit akong nagpakawala ng mabigat na buntong hininga upang kahit papaano ay makahinga ako ng maayos. Dahil pakiramdam ko ay naninikip na naman ang dibdib ko.
“Do you think na ganun lang kasimple para sayo na makuha ang anumang naisin mo? Huh? Remember this, Izer, Lovely is still my wife. Dadaan ka muna sa butas ng karayom bago siya tuluyang mapasaiyo.” Ani ko sa mahinang tinig na wari mo ay nasa harap ko lang ang aking kapatid. Pinagana ko na ang makina ng aking kotse at matulin itong pinatakbo palayo...”