Chapter 10

1307 Words
“N-nagbibiro ka lang di’ba?” Nauutal kong tanong habang patuloy ang mga paa ko sa marahang paghakbang paatras. Ngunit, nanatili lang siyang tahimik at humahakbang palapit sa akin habang kinakalas nito isa-isa ang butones ng suot nitong white polo shirt. Nanlaki ang mga mata ko ng tumambad sa akin ang maskulado niyang katawan na wari mo ay hinulma ng isang magaling na manlililok. Kahit na inosenti ako sa kamunduhan ay hindi ko pa rin maiwasan na humanga at maakit sa kanya, dahil ngayon ko lang napansin na napaka gwapo nitong mukha. Natulos ako sa aking kinatatayuan habang nakatitig kami sa mata ng isa’t-isa, hanggang sa hindi ko na namalayan na nasa harapan ko na pala siya at wala na itong pang-itaas na damit. Napalunok ako ng wala sa oras ng dahan-dahang bumaba ang mukha niya sa mukha ko at halos maduling na ako dahil sa sobrang lapit ng aming mukha sa isa’t-isa. Nakabibinging katahimikan ang namagitan sa amin at ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na tibôk ng puso ko. “Breath.” Bulong niya sa tapat ng bibig ko, saka lang ako nahimasmasan ng maramdaman ko ang mainit niyang hininga na tumama sa mukha ko. Bigla ang pagsagap ko ng hangin at saka ko lang napagtanto na nakalimutan ko na palang huminga. Nanlaki ang aking mga mata ng biglang lumapat ang kanyang mga labi sa bibig ko, kasunod nito ay isang mapusok na halik ang iginawad niya sa akin. Para akong nalulunod sa ginagawa niya sa akin ngunit may kakaibang damdamin ang lumukôb sa puso ko na kay hirap ipaliwanag. Dapat ay tumutol ako o di kaya’y manlaban sa kanya, ngunit, bakit ganun? Ni hindi ko maigalaw ang mga kamay ko at nanatili lang ito sa magkabilang gilid ng aking katawan. Gustuhin ko mang tumakbo ngunit ayaw kumilos ng mga paa ko. Hanggang sa naramdaman ko ang isang braso niya na pumulupot sa aking baywang. Mabilis niyang hinapit ang katawan ko palapit sa kanyang katawan. Nang maglapat ang aming mga katawan ay parang sinilaban ang pakiramdam ko na wari mo ay hinahalukay ang aking sikmura. Kusang kumilos ang mga labi ko at nakipag sabayan ito sa kanya. Dahil sa ginawa ko ay mas lalong naging agresibo ang lalaking ito. Nagsimulang kumilos ang kanyang kamay at pumasok ito sa loob ng suot kong blusa. Gumapang ang pangahas nitong kamay sa aking katawan hanggang sa huminto ito sa tapat ng kaliwa kong dibdib. Mabilis na nakapasok ang kamay niya sa loob ng suot kong bra at ng mariin niyang pisilin ang dibdib ko ay bigla akong natauhan. Naimulat ko ng wala sa oras ang aking mga mata at tumambad sa akin ang mala adonis nitong mukha habang nakapikit na wari mo ay sarap na sarap sa kanyang ginagawa. “Ano’t nagpadala ako sa tukso? Nasisiraan ka na ba, Wesley? Hindi mo kilala ang lalaking iyan pero hinayaan mo siya na pakialaman ang katawan mo!? Isa kang malaking tanga!” Kastigo ko sa aking sarili. “Hmmmm...” narinig kong ungol ng lalaki ng huminto sa paggalaw ang mga labi ko. Kita ko rin kung paanong lumalim ang gatla sa noo nito at saglit siyang natigilan. Kinabig niya ang batok ko, marahil ay upang palalimin pa ang halik ngunit hindi na ako pumayag. “I’m sorry!” Anya ng isang tinig mula sa isipan ko saka mariing kinagat ang ibabang labi nito. Pagkatapos kong gawin iyon ay buong lakas na inapakan ko ang kanyang paa. Dahil suot ko pa rin ang sapatos kong may takong ay napasigaw ito sa sakit. “s**t!” Galit niyang mura habang iniinda ang nasaktang paa, maging ang ibabang labi nito na ngayon ay dumudugo na. Nang bitawan niya ang aking katawan ay sinamantala ko ang pagkakataon at mabilis na tinakbo ang pintuan. Ngunit kaagad niyang nahawakan ang laylayan ng suot kong uniporme. Hinatak niya ito palapit sa kanya kaya napunit ang tela nito. Napasama ang aking katawan sa paghatak nito kaya natumba ako sa gilid ng kama. “Augggh..” nasasaktan kong daing ng tumama ang tagiliran ko sa matigas na bagay. “How dare you hurt me?” Galit niyang saad habang ang mga mata nito ay nanlilisik sa galit na nakatitig sa akin. Nakaramdam ako ng takot at mabilis kong hinawakan ang nasira kong damit upang ikubli ang aking katawan. “I-I’m sorry, hindi ko sinasadya, n-natakot kasi ako kaya nasaktan kita.” Nahihintakutan kong sabi habang pilit na nagsusumiksik sa gilid ng kama. “You will pay for this dearly.” Mapanganib niyang banta kaya mas lalo lang akong natakot. Mabilis akong tumayo upang tumakbo sana sa kabilang gilid ng kama ngunit nahawakan niya ako sa baywang. Padapa akong bumagsak sa ibabaw ng kama, at sapilitan na pinihit nito ang katawan ko paharap sa kanya. “No, please! Please, huwag po! Maawa ka sa akin! Ayoko..” umiiyak kong sigaw habang pilit na nanlalaban sa kanya. Mas lalo akong naalarma ng iangat niya ang suot kong palda at pilit nitong hinubad ang aking undies. Napasinghap ako ng hiklasin niya ang suot kong itim na bra, at kita ko kung paano na sumiklab ang matinding pagnanasa mula sa kanyang mga mata. Ang mga pakiusap at pagmamakaawa ko sa kanya ay balewala, dahil para itong bingi na tila walang naririnig na patuloy lang siya sa kanyang ginagawa. Parang nawalan na ako ng pag-asa na makakaligtas pa mula sa mga kamay nito kaya wala na akong ginawa kundi ang umiyak. Ngunit, ilang sandali lang ay bigla akong natigilan ng mapunta ang kamay ko sa ilalim ng mga unan. Parang nabuhayan ako ng loob ng may masagi ang kamay ko na isang malamig na bakal. Sumulyap muna ako sa lalaking abalâ sa aking katawan habang may pagmamadali na dinudukot ko ang matigas na bagay mula sa ilalim ng unan. Namangha ako ng makita ko na isa itong baril. Nang mahawakan ko ang baril ay buong lakas na hinampas ko sa ulo ang lalaki. Ngunit bigla siyang nag-angat ng mukha kaya sa noo nito tumama ang baril. “Augghh...” narinig kong daing ng lalaki bago ito nawalan ng malay at bumagsak siya sa ibabaw ng dibdib ko. Pilit kong itinulak paalis sa ibabaw ko ang katawan ng lalaki, nahirapan pa akong gawin iyon dahil malaking tao ito. Nang akmang tatakbo na sana ako palabas ng pintuan at natigilan ako ng maramdaman ko ang mainit at malagkit na likido sa aking dibdib. Ganun na lang ang panggigilalas ko ng makita ko ang maraming dugo sa dibdib ko. Binalot ng takot ang buong pagkatao ko at sa isang iglap ay nakalimutan ko ang totoong sitwasyon ko. Natataranta na muli akong lumapit sa lalaking walang malay at nagsimula na akong umiyak. “Napatay ko yata s’ya, ikaw kasi! Patawarin mo ako, hindi ko sinasadya.” Natataranta kong sabi bago mabilis na dinampot ang polo nitong hinubad kanina at saka nagmamadaling isinuot bago lumabas ng silid. “Tulong! Parang awa n’yo na tulungan ninyo ako!” Natataranta kong sigaw, mabilis na lumapit sa aking ang mga tauhan ng lalaki at kasama ko silang bumalik sa loob ng silid. “Pakiusap, dalhin natin siya sa hospital! Mr! Mr...” natatakot ko sabi habang walang patid ang pagluha ko at pilit siyang ginigising. Mabilis itong binuhat ng kanyang mga tauhan at kaagad na inilabas ng silid. Kaagad na sumunod ako sa kanila ngunit hinarang ako ng isa sa mga tauhan ni Mr. “Ms. Tucker manatili ka dito sa kwarto.” Anya ng lalaki, ngunit hindi ako pumayag at nagmatigas akong sumama. “No! I will go with him, I promise hindi ako tatakas, please, gusto ko lang makasigurado na hindi siya ma-mamatay.” Pagsusumamo ko sa kanya, nakahinga ako ng maluwag ng sa huli ay pumayag din ito. Sa oras na may mangyaring masama sa lalaking ito ay habang buhay akong uusigin ng aking konsensya...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD