Chapter 9

1437 Words
“Ano ba bitawan nyo ako! Papa! Bakit ibibigay mo ako sa kanila?” Natataranta kong tanong at mas lalo ko pang hinigpitan ang pagka-kayakap sa aking ama. Sinikap kong alisin ang mga kamay nila sa braso ko gamit ang isang kamay ko ngunit mas lalo lang humigpit ang hawak nila sa mga braso ko. Halos mamula na ang aking balat, dahil habang hinihila ako palayo ng dalawang lalaki ay pilit namang kinakalas ng aking ama ang mga braso kong nakapulupot sa kanyang katawan. Parang dinudurog ang puso ko habang nagmamakaawa kay Papa, at pilit kong isiniksik ang aking sarili sa katawan nito. Lalo akong nagwala ng tuluyan na niyang natanggal ang mga kamay ko sa kanyang baywang. Pagkatapos ay walang lingon-likod na tinalikuran ako nito. “Hindi! Papa! Pakiusap, pakiusap! huwag mong gawin sa akin ‘to! Anak mo ‘ko! Ang sabi mo mahal mo ako? Anong klase kang ama!? Nakakaya ng kunsensya mo na ipamigay ang sarili mong anak sa ibang tao!?” Halos mapatid ang litid ko dahil sa labis na pagsigaw habang nagwawala na pilit kumawala sa mga lalaking may hawak sa akin. “Ang mag-inang ‘yan ang dapat na lumayas dito, hindi ako! Sa tingin mo ba ay matutuwa si Mommy sa mga ginagawa mo sa akin? Mas pinili mo pa ang ibang tao kaysa sa sarili mong dugo!” Ang malakas na boses ko ang siyang nangingibabaw sa buong kabahayan, habang patuloy akong umiiyak. “Blag!” Ito ang naging tugon ng aking ama ng isarado nito ang pintuan ng kanyang silid na nasa ikalawang palapag ng bahay. Hilam na sa luha ang aking mukha at halos maligo na ako sa aking pawis habang patuloy na nagmamatigas mula sa pagkakahawak ng dalawang lalaki. “Wesley...” umiiyak na tawag sa akin ni Yaya Esme ngunit wala itong magawa para tulungan ako. “Y-Yaya! Tulungan mo ‘ko, ayokong sumama sa kanila...” pagsusumamo ko sa aking yaya at humagulgol na ako ng iyak. Napako ang mga mata ko sa mag-inang tahimik man sa isang tabi ngunit batid ko na nagdiriwang ang kalooban ng mga ito. Isang matalim na tingin ang ibinato ko sa kanila habang nagpupuyos ang aking kalooban. “Alisin n’yo na ang babaeng ‘yan dito at sana ito na rin ang unang pagkakataon na makikita ko ang pagmumukha mo sa pamamahay ko.” Si Tita Sandra na ipinagdiinan ang salitang “pamamahay ko.” Nakita ko na umangat naman ang sulok ng bibig ni Marice bago nang-aasar pa itong nagbabye sa akin. Mahigpit kong naikuyom ang aking mga kamay at halos hindi ko na makontrol ang panginginig ng aking katawan habang malakas ang tahip ng dibdib ko. Gusto ko silang sugurin at pagsasampalin ngunit hindi ko magawa dahil pakiramdam ko ay tila nagmanhid na ang aking katawan. “Darating ang araw na babalik ako sa bahay ng aking INA, at lahat ng basurang inampon ng aking ama ay itatapon ko palabas. Tandaan nyo ‘yan!” Hinihingal kong saad na tinawanan lang ng mag-ina, na para bang isang malaking biro ang mga sinabi ko. “Oh, come on, Wesley? Paanong mangyayari ‘yun? Gayong mismong Ama mo ang nagtapon sayo palabas sa bahay na ito?” Nang-uuyam na pahayag ni Marice. Nasaktan ako ng labis dahil sa tinuran nito, tama s’ya, paano nga naman mangyayari ‘yun kung mismong ama ko ang may ayaw sa akin. Wala na akong nagawa pa ng sapilitan akong isinakay ng dalawang lalaki sa isang itim na kotse. Malungkot kong pinagmamasdan ang bahay na ipinundar ng aking mga magulang. Hindi ko sukat akalain na darating ang pagkakataon na ito na kailangan kong iwanan ang sarili kong tahanan at ibang tao ang makinabang. “Ms. Tucker, we are here, please wake up.” Anya ng boses ng isang lalaki na siyang gumising sa nahihimbing kong diwa. Hindi ko alam kung gaano katagal ang ibinyahe namin dahil hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Tahimik akong bumaba ng sasakyan at sumunod sa lalaking nasa unahan ko na siya mismong may dala ng gamit ko. Kahit na masama ang loob ko ay hindi nakaligtas sa aking paningin ang magandang bahay sa harap ko. Napakalawak ng bakuran nito na halos hindi maabot-tanaw ang hangganan, habang sa gitna nito ay nakatayo ang isang malapalasyong bahay. Kahit na mayaman ang pamilya ko ay walang sinabi ang mga pag-aari namin kung ikukumpara sa mga nasa harapan ko. Bakit ba ako nandito? Naghihirap na ba si Papâ kaya naisipan niya akong ibenta sa pinakamayamang pamilya? Nang dahil sa isiping iyon ay frustrated na humarap ako sa malawak na parāng at inilabas ang bigat ng dibdib ko. “Ahhhhh!!! Napakasama mo! Humanda ka sa ‘king matanda ka! Akala mo ay titigil ako? hindi! Gagawa ako ng paraan hanggang sa ikaw mismo ang sumuko sa akin!” Malakas kong sigaw habang umiiyak. Sobrang samā talaga ng loob ko dahil sa nangyari. Mabuti pang sinabi na lang niya sa akin na itinatakwil na niya ako bilang anak kaysa naman ang ipamigay ako sa ibang tao. Kung sino man ang taong bumili sa akin ay sisiguraduhin ko na susuko siya sa ugali ko para mapilitan itong ibalik ako sa aking Ama. “Are you done?” Anya ng isang baritono na tinig mula sa aking likuran, natigilan ako ng tila pamilyar sa akin ang boses nito. Pumihit ako paharap sa aking likuran at ganun na lang ang gulat ko ng tumambad sa akin ang gwapong mukha ng lalaki. Ngunit, mukha itong masungit at suplado. “Huh? Hindi ba ikaw ‘yung nasa kumpanya ni Papâ, nung isang araw? Don’t tell me ikaw ‘yung taong umampon sa akin?” Di makapaniwala na tanong ko sa kanya habang ito naman ay lumalim ang gatla sa kanyang noo. “My first rule, ayoko ng maingay.” Masungit nitong saad bago padabog na ibinigay sa akin ang hawak nitong briefcase. Mabilis ko itong nahawakan at medyo nasaktan pa ako sa ginawa nito. “Tell me, anong pangalan mo? At bakit ako nandito?” Curious kong tanong habang nakasunod sa kanyang likuran at yakap ang briefcase nito. Malakas ang kutob ko na alam nito ang dahilan kung bakit ako ipinamigay ni Papâ. Ngunit, nakapasok na kami’t lahat sa loob ng bahay nito ay wala akong narinig na sagot mula sa kanya. “Pakiusap sagutin mo naman ang tanong ko!” Naiiyak ko ng sabi sa mataas na boses. Kita ko kung paano nito punuin ng hangin ang kanyang dibdib saka marahas itong pinakawalan. Halatang nabu-bwisit na siya sa akin. “Could you please try to shut your f**king mouth for moment? It’s annoying!” Galit niyang sabi na bahagya pang tumaas ang boses nito. Natigilan ako dahil sa masungit na pakikitungo niya sa akin. Nakadama ako ng takot ngunit sinikap ko na mag tapang-tapangan sa harap nito. “Gusto mo ng katahimikan? Then hayaan mo akong umalis! Kaya kong mabuhay ng walang suporta ni isa man sa inyo!” Galǐt kong turan bago mabilis na lumapit sa isang lalaki na may bitbit ng isang maleta ko. Pilit kong agawin ito mula sa kamay ng lalaki ngunit nagmatigas ito kaya wala na akong nagawa pa kundi ang umalis na walang dalang gamit. Mabilis ang mga hakbang na tinungo ko ang pintuan ngunit natigil ako sa pahakbang ng isang kamay ang humaklit sa kaliwang braso ko. “Where do you think you're going? You are not going anywhere. At mananatili ka sa poder ko para pagsilbihan ako, naiintindihan mo!?” Nanggigigil niyang wika na wari mo ay gusto na ako nitong lamasin. Hindi pa ako nakaka-recover sa mga sinabi nito ay kiladkad na ako paakyat ng hagdan. Halos madapa pa ako dahil hindi ko masabayan ang malaki nitong mga hakbang. Pagdating sa loob ng kwarto ay padaskol ako nitong binitawan, nanlaki ang aking mga mata ng hubarin nito ang suot niyang suit. Sunod ay kinalas niya ang butones ng kanyang polo kaya nataranta ang buong sistema ko. Hindi na ako inosenti sa mga ganitong bagay at nauunawaan ko kung ano ang nais nitong mangyari. “T-Teka, b-bakit naghu-hubad ka?”Natataranta kong tanong habang marahan na umaatras. “Soon you will become my wife, so, walang masama kung gagawin mo na ang duty mo bilang asawa ko.” Nanlaki ang aking mga mata, “a-asawa?” Tila wala sa sarili kong sambit habang nakatulala sa madilim nitong mukha. “Ang ibig bang sabihin nito ay ipinagkasundo ako ng aking ama ng hindi ko nalalaman?” Maraming katanungan ang naglalaro sa isipan ni Wesley at labis siyang naguguluhan kung paano ito nagawa sa kanya ng sarili niyang ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD