Chapter 11

1562 Words
Asher Point of view Kasalukuyan akong nakaupo sa hospital bed habang ang noo ko ay may nakatapal na benda. Halos hindi kumukurap ang mga mata ko na masamang nakatitig sa magandang mukha ng babae na nasa harapan ko ngayon. Nakaupo siya sa gilid ng kama sa may bandang paanan ko at manaka-naka ang pahapyaw nitong pagsulyap sa akin. Halata sa mukha niya na guilty ito sa ginawa niyang pananakit sa akin. Kumibo’t dili ang kanyang bibig na wari mo ay may gustong sabihin ngunit sa tingin ko ay nag-aalangan itong magsalita, marahil ay natatakot sa akin. Nagmukha itong bata na parang takot na mapagalitan ng kanyang magulang. Isa sa napansin ko ay ang suot niyang malaking white polo shirt. Dahil ito ‘yung hinubad ko kahapon galing trabaho at ang palda nitong uniporme sa school na halos umabot lang ng kalahating hita ang haba dahil nakaupo ito. “S-Sorry, hindi ko naman sinasadya na saktan ka, i-ikaw kasi, n-napaka manyak mo.” Medyo nahihiya na sabi niya sa akin habang nakatingin sa ibang direksyon. Parang iniingatan yata nito na huwag magpanagpo ang aming mga mata. Parang gusto kong bumunghalit ng tawa dahil sa mga nangyayari sa pagitan namin ng babaeng ito. Hindi ko nga rin alam kung ano ba ang pumasok sa utak ko para pilitin ang dalagang ito na makipagtalik sa akin. Nagmukha tuloy akong rapist na hayok sa laman gayong halos araw-araw ay iba’t-ibang putahe naman ang nati-tikman ko. Naalala ko ang mga nangyari sa pagitan namin nito kahapon at ang pinagtataka ko ay kung bakit nandito pa rin ang babaeng ito sa harap ko. Maraming pagkakataon na pwede naman siyang tumakas pero hindi niya ginawa. “What are you doing here?” Walang buhay kong tanong habang inaayos ang polo ko mula sa pagkakabutones. Ibinaba ko ang aking mga paa sa sahig upang maghanda sa pag-alis, ngunit, natigilan ako ng napansin ko na alumpihit ito mula sa kinauupuan nito at hindi alam kung paano sasagot sa akin. “Bakit hindi ka pa tumakas habang wala akong malay?” Curious kong tanong, napalunok ito ng wala sa oras at nagulat ako ng lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Natigilan ako ng bigla niyang hawakan ang kanang kamay ko. Naalarma ang buong sistema ko ng makaramdam ng tila bultaheng kuryente mula sa mga kamay nito. “Pinagsisisihan ko na ang ginawa ko sayo, at sana huwag ka ng magalit sa akin, nararamdaman ko naman na mabait kang tao. Kung totoo man ang sinabi mo na ikaw ang fiancee ko, hindi ako tututol dun. Pero ang pakiusap ko lang pwede ba tayong magsimula muna bilang magkaibigan?hanggang sa makilala natin ang isa’t-isa. Isa pa, naisip ko rin na kung sakaling tatakas ako ay wala naman akong mapupuntahan.” Anya sa malungkot na tinig at kita ko kung paanong pumatak ang mga luha nito. “What I want is my father but I think he doesn’t love me anymore, kasi nagawa niyang ipamigay ako sa ibang tao.” Matamlay niyang sabi bago hinawi ng likod ng kamay nito ang luha sa kanyang mga mata. Nang mga sandaling ito ay parang hindi ko kilala ang sarili ko, dahil may kung anong damdamin ang bumalot sa puso ko. This is not me, at wala akong tiwala kahit na kanino kaya hindi ako basta padadala sa mga drama nito. Walang imik na tumayo ako at humakbang palapit sa pintuan, ngunit, nakakailang hakbang pa lang ako ng napansin ko na hindi siya tumatayo mula sa kanyang kinauupuan. “What are you waiting for there? Stupid.” Irritable kong tanong at muling pumihit paharap sa pintuan, ngunit, muli na naman akong huminto at naiinis na nilingon ko sya. Pinipikon ba ako ng babaeng ito? Ni hindi man lang gumalaw sa kinauupuan niya kahit na sinigawan ko na ito. “Dito na lang ako, magpapa-ampon na lang ako sa hospital na ‘to, kaysa naman lagi kang nagagalit sa tuwing nakikita ako.” Malungkot niyang sagot habang nakatitig sa sahig. Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib at ilang segundo ang pinalipas ko bago ito marahas na pinakawalan. Kailangan ko itong gawin upang huwag sumabog sa galit. “I’m the owner of this hospital, so don’t try my patience, young lady, kung ayaw mong ikulong kita sa kwarto na ‘to hanggang sa tuluyan kang maging baliw.” Banta ko sa kanya at mukhang effective naman dahil mabilis itong tumayo at lumapit sa akin. Nang makalapit na ito sa kinatatayuan ko ay lumalim ang gatla sa aking noo ng mapansin ko ang palda nito. Biglang nag-init ang ulo ko at galit na sininghalan ito. “Ibaba mo nga ‘yang palda mo!” Irritable kong utos sa kanya, dahil nag mukha siyang walang suot na pang-ibaba na tanging polo ko lang ang suot. Sumunod naman siya sa akin, ngunit, mas lalo lang akong naasar ng wala namang nagbago at ganun pa rin. “Lower.” Matigas kong utos, ngunit imbes na sumunod ay nanghaba na ang nguso nito na para bang gusto ko ng kagatin. “Anong gagawin ko? eh, wala na ngang ibabâ!” Naiiyak na nitong sabi, sa sobrang inis ko ay ako na mismo ang humila sa kanyang palda pababa dahil iniisip ko na inaartehan lang ako, ngunit- “S**t!” Inis kong sambit ng masira ang palda nito at tuluyang nahulog sa sahig. Kita ko kung paanong nanlaki ang mga mata nito at mas lalo lang nahantad ang maputi nitong mga hita mula sa gilid ng suot niyang polo. “Sinabi ko na sayo na wala ng ibababâ ang palda ko, anong gagawin ko ngayon? Alangan naman na lumabas ako na ganito ang suot ko?” Galit na nitong tanong sa akin. Bakit ba puro problema na lang ang ibinibigay sa akin ng babaeng ito? “Kasalanan mo, pati ba naman palda niya pinakikialaman mo pa!” Kastigo ko sa aking sarili, sa sobrang inis ko ay kinuha ko ang nakatuping kumot sa ibabaw ng kama saka binalot ang katawan nito. “Subukan mong tanggalin ‘yan at tatamaan ka sa akin!” Banta ko sa kanya ng may balak itong tanggalin ang kumot dahil tila naaasar na ito sa kanyang itsura. Nagdadabog na isinaklôb nito ang kumot sa kanyang katawan kasama ang ulo kaya wala ng makita sa kanya. Ngunit, ang mas ikinagulat ko ay ng pumwesto siya sa likuran ko at yumakap sa aking katawan. “What are you doing?” Naiinis kong tanong dahil mukhang may balak pa yata itong maglaro. “Sabi mo huwag kong tanggalin ang kumot, so, hindi ko siya tatanggalin, pero nakakahiyang maglakad sa labas na nakasaklob ako ng kumot kaya mas mabuti pang itago ko na lang din ang mukha ko. At para hindi ako madapâ ay kakapit na lang ako sayo.” Paliwanag nito bago humigpit ang kapit ng braso nito sa aking baywang. Matinding pagpipigil ang ginawa ko para hindi ma-sigawan ang babaeng ito, ngunit ang mas gumugulo sa buong sistema ko ay ang malusog nitong dibdib na nakalapat sa likod ko. Alam ba ng babaeng ito na ngayon ay nagliliyab ang init ng pagnanasa sa loob ng katawan ko? Bakit ba ang lakas ng epekto niya sa akin? Para matapos na ang walang kwentang usapan ay nagsimula na akong humakbang. Sa bawat hakbang ko ay siya ring paghakbang ni Wesley mula sa likuran ko. Halos nasa amin ang atensyon ng lahat nang tao sa pasilyo ng hospital. Kakat’wang imbes na maasar ay bakit tila natutuwa pa ang puso ko sa pinag-gaga-gawa ng babaeng ito. It’s already four years since mangyari ang bangungot sa buhay ko, at hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang sakit. Na para bang kahapon lang nangyari ang lahat. It’s been four years na namalagi ako sa Italy para doon magpagaling ng sugatan kong puso. Pero lalo lang akong nalugmok sa kalungkutan at matinding kapighatian. Apat na taon akong nabuhay na para bang isang zombie. May time pa nga na para bang gusto ko ng magpakamatay. Malaki ang pinagbago ko na halos wala na akong pakialam sa paligid ko. Kung nung dati ay open ako sa lahat ngayon ay naging mailap na ako sa tao. Kabi-kabila na rin ang mga babaeng na-u-ugnay sa akin, para na nga itong damit na halos araw-araw akong nagpapalit hanggang sa nagsawa na lang ako. Napilitan lang akong bumalik ng bansa dahil na naluging kumpanya ng mga Tucker. Hindi ko ito pwedeng baliwalain dahil billion ang mawawala sa akin. Ngunit, hindi ko inaasahan mula kay Mr. Tucker ng ialok niya sa akin ang anak nitong babae. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at kaagad akong sumang-ayon. Kung tutuusin ay maraming mga kasosyo ko sa negosyo ang inaalok ako na pakasalan ang kanilang mga anak ngunit hindi ako interesado. Pero bakit pagdating sa anak ni Mr. Tucker ay bigla yatang lumambot ang matigas kong puso? Wala sa sarili na nilingon ko ang dalagang si Wesley, at parang slow motion na tinanggal nito ang kumot na nakasaklôb sa kanyang ulo. Nahantad sa aking harapan ang malakastila nitong ganda, at ng lumitaw ang matamis na ngiti sa mga labi nito ay parang huminto yata sa pag-ikot ang mundo at saglit akong natulala sa kanyang mukha. Ano ang meron sa babaeng ito at parang ibang tao yata ako sa aking sarili? Basta isa lang ang nauunawaan ng utak ko, “She’s mine...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD