Chapter 16

1014 Words

Tahimik akong naglalakad sa kahabaan ng pasilyo nang university habang kipkip ko ang maraming libro sa tapat ng aking dibdib. Tapos ko ng aralin ang lahat ng ito at ngayong araw ko balak na isauli ang mga ito sa library. Mas gusto ko kasi ang gumamit ng libro kaysa sa laptop, pero ayoko namang bumili ng libro dahil masyadong magastos. Sa panahon kasi ngayon kailangang maging praktikal dahil hindi ko hawak ang bukas. Tulad na lang ng aming kumpanya, sa isang iglap ay naglaho ito sa aming mga kamay. “Wesley..” malungkot na tawag sa akin ng isang boses lalaki, at maya-maya ay biglang sumulpot sa harap ko si Lander. Tulad ko ay nakasuot din ito ng uniform, gwapo ang ex-boyfriend kong ito at higit sa lahat ay mayaman, kaya no wonder kung bakit ito nagustuhan ng stepsister ko. Tumitig sa akin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD